Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3


Panibagong araw nanaman!

Pagkagising ko naligo at nag ayos agad ako para di ako ma-late sa school mamaya. Pagka- baba ko dumiretso agad ako sa kusina upang kumain ng almusal, at himala andun na ang lahat.

"Good morning Everyone!" Masayang bati ko.

"Morning" sagot nila kuya.

"Good morning anak, ganda ata ng gising mo?" Tanong ni mama.

"Ma! May chika po ako" excited na sabi ko matapos maupo.

"Hm?"

"Kilala n'yo po yung crush ko diba? Mag kaklase po kami this school year!" Masayang kwento ko.

"Yun yung matagal mo ng crush diba anak?"

"Opo ma, kaso di n'ya pa rin po ako napapansin e, pero okay lang po kase nakikita ko naman s'ya"

"Baka nagpapapansin ka don?" Biglang saad ni kuya Craige, Ang Panganay kong kapatid.

Medyo kuya. hehe

"Pag sinaktan ka n'ya sabihin mo samin ni kuya, reresbakan namin yon" sabi ni kuya Chaise, isa ko pang kuya.

"Ang labo naman nun kuya, kinakausap nga di magawa yung sasaktan pa kaya ako?" Sagot ko.

"Kahit na! Ipinagbilin ka samin ni papa, wag daw namin hahayaan na papaiyakan ka ng kung sinong lalake" sabi n'ya. "Kami lang ang pwede!" Dagdag n'ya pa, Kaya sumimangot ako.

Hays Sweet na sana e..

Di na ko sumagot baka humaba pa usapan namin. Kumain lang kami ng tahimik tsaka nako nag paalam umalis.

"Ma alis na po ako" sabi ko at humalik sa pisngi n'ya, ganun din yung ginawa ko kina kuya bago lumabas ng bahay.

-SCHOOL-

"Good morning class! So ngayon gaya nga ng sinabi ko sainyo kahapon sasabihin ko yung aking rules sa klase.. First, blah blah blah~" Di ko na gaanong pinakinggan yung sinasabi ni ma'am malice kase halos paulit ulit lang naman yung mga rules ng mga guro.

"Mag-aral sana kayo ng mabuti, at magtulungan sa klase pero sa mabuting paraan okay?" Pag tatapos ni ma'am sa kanyang mahabang speech. "And also our class Leader is served by Rustele, that's all!Class dismiss!" Pahabol n'ya pa bago tuluyang lumabas ng room.

Habang di pa dumarating ang aming next teacher kinuha ko muna yung dala kong chuckie tsaka naglabas ng lapis at papel para mag drawing. Yung katabi ko? Eto tulog nanaman. Napasulyap ako kay Rustele na nagbabasa ng libro.

Sipag talaga ng baby ko~

Maya maya lang binaba n'ya ang kanyang librong binabasa at tumayo, mukhang papunta s'ya sa pwesto ko. Di mali pala sa pwesto ng katabi ko kaya naman nag kunwari akong busy sa pag dra-drawing.

"Xavier?" Tawag n'ya sa katabi kong tulog.

"Xavier?" Ulit n'ya pero di parin s'ya nag angat ng tingin.

"Xavier!" Mas malakas na tawag n'ya dito.

"Gusto mo na bang mamatay?!" Sagot ng katabi ko.

"Easy men, ako lang to haha" tumatawang ani ni Rustele.

Gwapo talaga ng future husband ko.

"What do you need?" Medyong inis na sabi ng katabi ko.

"Sabay tayo mamaya" tanong ni Rustele.

"Mag bobola kami" sagot ni vier.

Kumunot ang noo ni Rustele tsaka n'ya pinatong yung kanyang ulo sa dalawang palad habang nakapatong ang kamay sa desk ni Xavier at nag pa cute.

"Basketball is more important than me?" tanong neto habang nag b-beautiful eyes.

Oh God! Parang awa n'yo na po, Pigilan n'yo po ako! Baka ako na mismo manliligaw dito! Ang cute cute letche na yan.

"Shut the fuck up Rustele! Can you not be so nauseating?" Nandidiring tanong neto. "Layas!" Pagtataboy pa neto.

"Alright" tumatawang tumayo si Rustele at bumalik na sa kanyang upuan.

"Guys! wala daw next teacher naten May emergency! Pwede na daw mag early break!" Sigaw ng isa sa mga kaklase ko kaya nag saya halos ang lahat.

Pinuntahan ko agad si kelsea kaya pala tahimik kase nakatulog din.

"Sis!" pag gising ko mabuti nalang di s'ya mahirap gisingin.

"Hm?"

"Labas na tayo, wala daw yung next teacher" balita ko.

"Bakit daw?" Sagot n'ya habang nag iinat pa.

"May emergency daw e"

"Ayos!tara canteen!" Sabi n'ya at tumayo na.

Pag karating namin ng canteen bumili lang kami ng aming mga snacks at water. Napag desisyunan din namin na maglakad-lakad sa field habang kumakain.

"Sis!Balita ko may concert si Rustele sa Sunday?" Sabi ni kelsea habang ngumunguya.

"San mo narinig yan?" tanong ko.

"Kanina habang papasok, pinaguusapan"

"Punta tayo?"

"Ikaw Bahala support naman ako sa inyo" saad n'ya. "Mas maganda kung magbigay kana din ng clue na may gusto ka sakanya" dagdag n'ya pa.

"Nakakahiya"

"Di mo naman sasabihin ng harapan"

"E pano?" Tanong ko.

"Pano kaya kung regaluhan mo sya ng CD? Kung san naka record yung isa sa mga kanta nya na pwede mong masabi yung nararamdaman mo?" Medyo mahabang sabi n'ya habang nag-iisip.

"Hm? Yung the moment i realize how much I like you kaya?" Suggest ko.

"Yun! pwede yon, tas isulat mo yun sa harap ng CD tapos i highlight mo yung word na I LIKE YOU" saad n'ya.

Maganda idea nya pero Pano pag na reject? Hays bala na wag na muna siguro.

Pumasok na kami sa room at nag umpisa na ang aming klase. Buong mag hapon halos lahat ng mga guro ay nag pakilala at nag sabi ng mga rules sa klase hanggang sa mag uwian.

"Sis! Bili tayong damit?" Sabi ni kelsea habang palabas kami ng school.

"Meron na tayong damit na binili diba?"

"Ano kaba? Yung maganda naman!" Sabi n'ya.

"Sige na nga, dadaan tayo mall?" Tanong ko.

"Yeah" sagot n'ya.

Gaya ng pinag-usapan pumunta kami ng mall at pumasok agad kami sa pinakamalapit na boutique. Nag hanap agad s'ya sa mga dress.

"Eto?" Tinignan ko s'ya may hawak s'ya na cute na white dress kaso mukhang maiksi kaya umiling ako kaya naman Kumuha nalang s'ya ng iba't ibang klaseng dress at ibinigay sakin.

"Try mo nalang lahat" saad n'ya.

"Hm.. di ko trip ang dress, mas bet ko pants" sabi ko.

"ano ba yan! Sige na nga!" Sagot n'ya.

Di naman pala ako matitiis.

"pants?" Suggest n'ya.

"Sure!"

"Anong pantaas?" Tanong n'ya. "Please lang wag kang mag ala madre jan" sabi n'ya pa.

"Off shoulder kaya?" Sabi ko.

"Nice!"

Kumuha s'ya ng white off shoulder ruffle croptop para pang itaas and high waist wide leg denim pants naman pang ibaba.

"Okay na yan, pili ka narin ng susuotin mo" sabi ko.

Kumuha s'ya ng maroon denim skirt, black tube, and black leather jacket.

"Tapos na! mag bayad na tayo tapos shoes naman!" Excited na sabi n'ya. Dahil s'ya daw ang may idea neto s'ya na din nagbayad.

Magandang idea naman pala to. hehe

Pag tapos mag-bayad nag punta kami sa department store ng mall at sinimulan na namin mag hanap sapatos.

"Mag heels ka please?" Saad n'ya sakin ng mapunta kami sa madaming sandals.

"Pwede naman basta wag pointed, feeling ko heels lang din kasi yung babagay sa outfit ko" sabi ko.

"Mataas?"

"No! Mababa lang 1-2 inches siguro"

"Okie"

Nagsimula na s'yang mag hanap kaya tumingin tingin muna ako baka may magustuhan din kasi ako.

"Eto? White para parehas sa kulay ng off shoulder mo na binili natin" sabi nya habang may pinakitang 2 inch white block heels.

"Mag heels ka din?" Tanong ko.

"Siguro? Hanap muna ako"

"Tulungan na kita para mabilis"

"Okay thanks!"

Sinimulan na namin ang mag hanap, nag ikot-ikot at tumingin kung anong babagay sa outfit n'ya kanina ng Biglang may umagaw ng atensyon ko.

Isang boots! Tama tama bagay nga!

Kinuha ko yung isang ankle boots at pinuntahan ko na ang aking pinsan na hanggang ngayon ay naghahanap parin kaya nilapitan ko ito para maipakita ang hawak ko.

"Sis! Look!" Medyo may kalakasan na sabi ko.

"OMG! Perfect!" Patiling sabi n'ya. "Maganda naman pala taste mo sis" tumatawang dagdag n'ya pa.

"Tss. Tara na? Mag gagabi na o?"

"Tara, bayad na us"

Nagpunta na kami ng cashier at nagbayad na ulit, this time ako na nagbayad nakakahiya naman kasi. After magbayad umuwi na kami sa aming mga bahay upang makapagpahinga.

Lumipas yung concert ni rustele ng tahimik, hindi ko na muna itinuloy ang aking binabalak mahirap masaktan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro