Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1


"Sis saan ba tayo pupunta nyan?" Tanong sa'kin ni kelsea.

Nasa mall kasi kami ngayon at nagbabalak kaming bumili ng mga bagong gamit netong aking pinsan dahil malapit na ang pasukan.

"Anong gusto mong unahin sis? Sa mga damitan or sa bookstore muna?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Bookstore muna siguro, para mas marami tayong oras sa pagbili ng damit mamaya!" Excited na sabi n'ya.

"Alright. Let's go!" Sabi ko at hinawakan ko ang kamay n'ya. Kumbaga HHWW!

Pagdating namin sa bookstore mabilisang binili namin yung mga gamit na amin lang kakailanganin para agad daw kaming makabili ng mga damit sabi ni kelsea.

Di naman s'ya excited no?

"Bibili lang tayo ng mga pang wash day no?" Tanong ko.

"Oo sis pero dipende nalang kung may gugustuhin pa tayong bilhin" nakangiting sabi n'ya.

"Wala bang rules pagdating sa damit?"

"Bawal maiksi pati sleeveless tsaka yung mga damit na naipapakita na kaluluwa, di mo naman binabalak mag suot no'n no?" Pang aasar n'ya sakin. Umiling lang ako.

Namili ako ng mga iilan shirt, long sleeve, skirt and pants tapos si kelsea namili ng dress, skirt, long sleeve and crop tops.

"Okay na ba yan?" Tanong n'ya habang nag iikot-ikot pa kami baka daw may magustuhan pa s'ya.

"Hm" Sagot ko, kakapagod mamili ng damit.

"Sis look!" Biglang sabi n'ya habang may tinuturo kaya napatingin ako sa itinuro n'ya.

Wag n'yang sabihin bibili kami nyan?

"Anong gagawin natin jan?" Tanong ko sa mga undergarments na itinuturo n'ya.

"Bibili! Sabi ni mama swerte daw pag bagong undergarments yung suot natin pag first day!"

"Huh? Pano mangyayare yon? May sumpa ba yung mga undergarments na binibili ni tita kaya s'ya sine-swerte?" Tanong ko ulit.

Tama naman diba? Anong connect ng bago undergarments mo sa pagiging swerte? Pag luma malas na?bahala na.

"Basta makinig ka nalang sakin!" Sabi n'ya at hinatak ako papunta do'n.

Hinayaan ko na s'yang mamili, s'ya narin yung pumili ng akin wala mukhang di mapipigilan e.

"Ayan!tara na?" Tanong n'ya pagkatapos namin magbayad ng mga pinamiling damit.

"Tara"sabi ko.

"Maaga pa, pwede pa tayong kumain dito sa loob ng mall" sabi n'ya at mukhang naghahanap ng magandang kakainan.

"Gusto ko ng fries" saad ko.

"Kfc?Mcdonald's?jabee?san don?"tanong n'ya.

"Jabee!" Maligayang sabi ko.

"Di tayo kakain ng rice?" Tanong n'ya kaya medyo napaisip ako.

"Gusto mo ba? 5 pm palang, ayoko pang kumain ng rice"

"Oo nga no? Sige wag nang mag rice" sabi n'ya habang tumatawa.

Nag order nakami, nag order lang kami ng parehas na large fries, burger, and coke float. At naghintay na ma i serve yung order namen.

"Nga pala sis may ibibigay na dog sa'ken" sabi ko at tsaka na dumating yung food.

"O? Anong lahi?" Sabi n'ya sabay kuha sa burger n'ya.

"Shih Tzu daw e"

"Bat parang di ka sigurado?"

"Di ko pa kasi nakikita, pero yun yung sabi ng may ari"

"Sinong nagbibigay ba?"

"Kapit bahay lang namin." sagot ko.

"Buti?" Tanong n'ya ulit.

"Masyado na daw silang madaming aso nahihirapan na daw silang magpalaki, siguradong maiingatan ko naman daw kaya isa ako sa mga napiling pag bibigyan" mahabang paliwanag ko at pinagpatuloy ang aking pag nguya.

"Babae daw ba?ano ipapangalan mo?" Pagpapahaba n'ya ng usapan.

"Wala pang kasiguraduhan pero ihahatid na daw sa bahay mamaya, kung babae siguro ipapangalan ko ng Fien tas kung lalaki baka Fretz"

"Sa'n mo nakuha yang mga pangalan na yan?" Sabi n'ya habang tumatawa.

"Ayan!" Sabi ko sabay nguso sa mga fries.
"Walang connect pero pag F yan agad naiisip ko. Hehe" dagdag na sabi ko pa.

Tinapos na namin ang aming kinakain tsaka na kami lumabas. Nasa side na kami ng mall papuntang sakayan ng biglang..

"Wtf!" Pasigaw na sabi ng taong natamaan ko.

Syet yung mga pinamili ko!

"Uh.. sorry?" Di siguradong sabi ko.

"Bakit ba kasi di ka tumitingin sa danadaanan mo?!" Sabi n'ya sabay hatak sakin, Dadamputin ko na sana mga pinamili ko.

"Nasaktan ka ba?" Tanong ko baka kasi kaya nagagalit napilay ko man lang sya or nasugatan.

"Hinde! Pero yung taong hinahabol ko nawala na!" Nanghihinayang ang mukhang sabi n'ya.

Jusme kasalanan ko bang di rin s'ya tumitingin sa dinadaanan n'ya?

"Uhm.. Sorry..." sabi ko.

Weyt yung mga pinamili ko!

"Uh... miss? Sayo ba to?" Sabi ng kung sinong lalaki sa likod ko, Kaya humarap ako.

O.MY.GOD! Pwede na ba akong mamatay? Si Rustele dear! Hawak n'ya yung mga pinamili kong undergarments!

"Akin nga. Hehe" nahihiyang sabi ko tsaka ko kinuha yung mga pinamili ko at hinatak paalis si kelsea na di ko mahiwagan ang itsura ng mukha.

"Sis?okay kalang?bat di ka nagsasalita?" Sabi ko kay kelsea habang niyuyugyog ko s'ya.

"HAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHA"

"Pfft!Sis HAHAHA! Ang Epic grabeeee HAHAHA!" Sabi n'ya habang tumatawa.

"Napano ka? Okay ka lang?" Tanong ko mukhang nababaliw na e.

"Sis! Diba crush mo yun?! Rustele ba pangalan non?" Sabi n'ya na parang di pa sigurado sa pangalan na binanggit n'ya. "Basta yung lalake kanina?First time ka na nga lang nya kausapin yung tanong tungkol pa sa mga undies mo! Hahahahaha" sabi n'ya na parang di maka move on sa nangyari kanina.

Sabagay ako din, Nakakahiya jusq.

"Oo na wag mo ng ipaalala, Sobra sobrang kahihiyan na ginawa ko ngayon" saad ko.

Sumakay na kami ng taxi at umuwi na papunta sa kanya-kanya naming bahay.

"O nandyan kana pala, kumusta gala mag pinsan?" Sabi ni mama pag pasok ko ng bahay.

"Okay naman po ma." sagot ko at nagmano pagkalapit ko sa kan'ya.

"Bakit ganyan itsura mo? May nangyari ba?"

Opo ma, kahihiyan.

"Wala po ma, pagod lang po siguro sa pamimili" sabi ko at nginitian s'ya.

"Ganun ba? Osige mag ayos kana dun sa taas dadalhin na maya maya yung aso mo"

"Sige po" sagot ko tsaka nako umakyat.

Naligo ako tsaka nagbihis pambahay na wala naman na kasi akong balak lumabas ng bahay.

"Anak! Andito na yung dog mo!" Rinig kong sigaw ni mama mula sa baba.

"Opo pababa na!" Pasigaw na sabi ko upang marinig n'ya ako. Nag suklay lang ako at bumaba na.

Kung tatanungin n'yo kung asan ang papa ko nasa ibang bansa s'ya hehe tas may kuya ako dalawa yung isa may work yung isa pinuntahan bebe n'ya. Kung di kayo nagtanong edi skl. Lol

"Hi po tita!" bati ko dun sa kapit bahay namin tsaka humalik sa pisngi n'ya.

"Ang sweet mo talagang bata ka" sabi n'ya sakin ng may suot na matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

"Arf! Arf!" Napatingin ako sa asong hawak n'ya nang tumahol ito.

Ang cuteeeeee *o*

"Yan na po ba yung dog na ibibigay nyo po tita?" Tanong ko.

"Ah.. Oo eto na nga yon alagaan mo sya no? Kailangan ko ng umalis madami pa akong ginagawa" sabi n'ya at inabot sakin yung dog.

"Dapat po pala ako nalang po ang nagpunta sa bahay nyo tita para po sana di napo kayo naabala"

"Hindi ayos lang basta alagaan mo iyan ng mabuti, huwag mong pababayaan huh?" Sabi n'ya habang tinitignan ang asong hawak ko.

"Opo tita, makakaasa po kayo" nakangiting saad ko.

"Osya alis nako" sabi n'ya kaya nag nod ako. Bumaling s'ya kay mama at sinabing "Mare maiwan ko na kayo at may gagawin pa ko sa bahay"

"Sige kumare, Salamat!"

Pagkaalis ni tita sinuri ko agad yung asong binigay n'ya.

Babae s'ya! Hi Fiennnn! Yieee

Umakyat nako sa aking kwarto at nakipaglaro sa aso pagkatapos kumain, naghilamos, tas natulog na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro