29 - Transfer
Crisanto's POV:
"You're all over the papers." bungad ni Steve sa'kin kinabukasan pag sakay ko Ng sasakyan.
Napatanga ako. Wala Naman akong maalalang event na dinaluhan ko or award na natanggap this month.
"What do you mean?" tanong ko sa kaniya saktong palabas na kami Ng condo ko.
Ipinasa niya sa'kin Ang newspaper. Binuklat ko yon pagkatanggap ko para lang salakayin Ng kaba Ng makita Ang tinutukoy niyang larawan ko. . .kasama si Maika o mas tamang sabihin na sa aktong kayakap at hinahalikan si Maika.
Bachelor no more! Welcome new love!
Iyan ang headline sa news kasama ang picture namin ni Maika sa parking ng ospital.
"Paano nakalusot to?" namuo ang inis sa nangyari pero mas nanaig ang galit ko para sa aking sarili.
How can I be so careless?
Hindi ko man lang naisip na pwedeng mangyari to na ikapapahamak ni Maika.
"Mukhang matagal ka nang minamanmanan nang sinumang kumuha niyan para mahuli yang scoop na yan. Bakit ba kasi sa parking pa? You can do it in the car, for Godsake!"
Wala akong masagot kay Steve. As if may katwiran pa akong maibigay for this act. I was the one who initiated that kiss. I didn't even give Maika a chance to step back that time.
This is all my fault! I'm not thinking straight when I was with her. She even told me we're in public but I did not listen.
"Sa ospital tayo pagkagaling natin sa mansyon." wika ko kay Steve.
Nakaupo si Papa sa kama niya nung pumasok ako sa kwarto niya. Kasalukuyan siyang nagbabasa Ng newspaper.
I guess nakita na niya yong balita.
"Good morning, Dad." bati ko sabay gawad ng halik sa noo niya.
"Nasabi mo naba sa kaniya na gusto ko siyang makilala?" tugon niya sa pagbati ko.
"It slipped my mind. I will tell her today."
"Maganda siya. I like her for you."
"Isn't it too early for you to say that? You don't give away such compliments that easy. What's with the sudden change, old man?"
Kahit na masaya ako sa narinig mula sa kaniya ay hindi ko maiwasang hindi magtaka. He's hard to please when it comes to women na nali-link sa'kin. Pero ngayon bigla nalang gusto na niya si Maika kahit hindi pa nga niya nakita ng personal at nakausap.
"I want to see my grandchildren before I retire in life, son."
I was stunned by what he said. Hindi ko pa nga napapasagot si Maika heto at apo na ang iniisip ni Dad.
Paano mo ba mapapasagot kung hindi mo nga tinatanong? Dala ka lang ng dala ng bulaklak at pagkain. Puro ka pasaring pero wala namang pormal na panliligaw.
Shut up! I hissed in my mind kahit na may punto din naman yong maliit na boses sa utak ko.
"Don't be in a hurry, Dad. We don't even know if she likes me too."
"She let you kiss her and you're still in doubt if she likes you? Oh come on, son. Don't play dumb this time."
"I don't wanna assume, Dad. She's too unpredictable. Tsaka iba siya sa mga nakilala ko."
"Iba din ba siya kay. . ."
"Don't mention her name." putol ko sa gusto niyang sabihin.
Alam niya Kung bakit ayokong pag-usapan ang nakaraan. Limot ko na 'yon lahat at wala na akong planong balikan pa.
"I'm going now. Puntahan ko pa si Maika sa ospital. Take a rest, Dad." paalam ko sa kaniya sabay gawad ng halik sa noo niya bago tumalikod at lumabas sa pinto.
"Finish that up. We're going." utos ko kay Steve nung makita ko siya sa kusina na kumakain habang nagtitimpla ng kape si Elisse.
Dumiretso ako sa labas. Narinig ko pa ang pagpapaalam ni Steve kay Aling Mina at Elisse.
Loko-loko talaga! Dinadaan sa kain ang pagsulyap-sulyap sa nurse ni Dad. Dakilang torpe din ang loko kong pinsan.
"Magpunas ka ng bibig. May naiwang sauce." komento ko nung makasakay na siya sa driver's seat.
"Bakit ba tayo nagmamadali?" tanong niya habang pinupunasan Ang bibig Ng tissue galing sa tissue box sa dashboard.
"We have to get to the hospital ASAP. Kailangan kong maunahan ang mga press doon."
I dialled Timothy's number and waited for him to pick up.
"Hello, Landers! What can I do for, man?" bungad ni Timothy sa kabilang linya.
He's a good friend when I was in the US. He managed his own security agency.
"I need your service, Bro." sagot ko sa kaniya.
"Oh! I see! Send me the details so I can deploy my men immediately." tanging saad niya sabay baba Ng telepono.
Tinext ko sa kaniya ang buong detalye. As much as I want to protect Maika and her family ay hindi ko kaya tong mag-isa. I need the best help I can get and I know Timothy can provide it.
Mas lumobo ang pag-aalala ko para kay Maika at sa pamilya niya nang makita ang mga press sa labas ng hospital building kung saan nakacofine ang Nanang ni Maika..
"I'm right. They're already here. Naunahan pa nila tayo. Idiretso mo sa basement." utos ko kay Steve na sinunod naman nito ng walang maraming tanong.
Yong akala namin na walang taga media sa parking area sa basement ay mali kami dahil may dalawang grupo din ng taga-media na nag-aabang doon.
"Don't stop here. Look for another vacant space." utos ko nung mamataan ang grupo Ng taga-media na halatang may inaabangan.
Buti nalang at tinted ang windshield ng kotse kaya hindi nila kita kung sino ang sakay ng sasakyan. Nakakita ng bakanteng espasya sa dulo ng parking area si Steve at doon niya pinwesto ang sasakyan.
I dialled Maika's number to warn her about the situation.
Come on! Pick my damn call, Maika!
"Shit! Hindi niya sinasagot! I have to go upstairs." I announced na ikinalingon niya sa'kin.
"What? May nag-aabang na taga media malapit sa elevator. Paano mo lulusotan yan?"
"That's your problem. Find a way because I can't sit here waiting na may masamang mangyari kina Maika."
Tinitigan niya akong mabuti.
"What?"
"Magpalit ka ng damit. Tsaka isuot mo tong cap at sunglasses." utos niya sa'kin sabay abot ng travelling ko.
I always carry one in the car in case of emergency. Mukhang magagamit ko ang mga ito ngayon.
Dali-dali kong sinunod ang utos ni Steve and change into a plain gray shirt and maong walking shorts. Nagpalit din ako Ng rubber shoes and wore the cap and sunglasses that Steve gave me.
"Are you sure about this?" panigurado Kong tanong sa pinsan kong nakamata sa'kin habang inaayos Ang sarili.
"Oo naman. Hindi ka madaling makilala diyan sa suot mong cap at sunglasses pero kailangan bilisan mo yong kilos mo. Mauna ako sa may elevator. Ire-ready ko yon para sayo. Tawagan mo ko pag nasa harap na ako Ng elevator. Ililigaw ko yong mga press para hindi ka nila masundan."
"Okay sige. I'm ready."
Naunang bumaba ng sasakyan si Steve at kalmadong tinungo ang elevator. Inihanda ko na Ang cellphone ko para sa gagawing tawag. I press the call button nung makitang nakatayo na siya sa harap Ng elevator at may pinindot sa gilid nun.
"Sir. . ." sagot niya sa tawag ko.
"What's next?" tanong ko sa kaniya habang pababa Ng sasakyan.
Nakita ko siyang hawak Ang cellphone niya sa tenga at naglakad malapit sa mga taga media.
"Where are you going?"
"Okay, Mr. Landers. I will meet you at Toby's Coffee Shop, Sir." biglang wika ni Steve na sadyang huminto sa harap Ng mga taga media.
"Yes, Sir. I will be there in five minutes." dugtong pa niya saka naglakad palabas.
Nakita ko ang pagsunod ng mga taga media sa kaniya.
So ito pala ang plano niya.
"Good job, cous. Orderin mo lahat ng gusto mo. Pakainin mo din sila kung gusto mo. My treat." wika ko sa kaniya bago pinutol ang tawag.
Mabilis kong tinungo ang elevator. Mabilis itong nagbukas pagpindot ko Ng open button sa gilid at dali-dali akong sumakay.
Nakahinga ako ng maluwag nung magsara ang pinto at magsimulang gumalaw pataas ang elevator na sinakyan ko.
Pagdating ko sa 10th floor ng building ay sinigurado ko munang walang taga media na maaaring nakapasok. I went to the nearest nurse station and requested the transfer of Mikaela Del Sol to a private suite and inform her na bawal ang sinumang dumalaw unless may clearance from the family.
Naging attentive ang nurse pagkatapos kong magpakilala sa kaniya. She knows who I am.
"The press is strictly prohibited to come to this building especially this floor. Am I clear?"
"Yes, Sir." maikling tugon saka nagkukumahog na magdial sa telepono
I headed to the room of Tita Mikaela and found four men in civilian standing near the door.
"Good morning, Mr. Landers. Kami yong pinadala ni Sir Tim." wika ng lalaking matangkad at malaki ang katawan.
"Very good. No press are allowed near the area especially near Miss Maika Del Sol and pls be as discreet as you can be. I don't wanna scared them." bilin ko sa kaniya na tinanguan nilang apat saka umalis malapit sa pinto at nagkaniya-kaniya ng poste kung saan hindi masyadong halata.
I knock three times and heard footsteps before the door opened.
Bumungad sakin si Maika na halatang bagong paligo dahil basa pa ang buhok nito.
"Good morning, Babe." bati ko dito na pinakalma ang boses sabay gawad ng halik sa labi niya.
I miss her soft lips. Fuck! Ang bango niya.
Pero gusto kong matawa nung pinandilatan niya ako ng mata dahil sa ginawa ko.
"Sino yan, Nak?" narinig kong tanong ni Tito Roberto
"Si Crisanto, Pa." sagot niya sa ama.
Sinara niya ang pinto pagkapasok ko sa loob at wala na akong reklamo na narinig nung sabayan ko siya sabay akbay sa kaniya.
"Wala ka bang trabaho ngayon?" halos bulong niyang tanong sa'kin.
"I manage my time like I manage my own company. I'm the boss remember?"
"Yeah, right!"
Hindi ko pinansin yong komento niya. Alam ko kasing inis siya kapag ganun ang mga linya ko kahit totoo naman yong sinasabi ko. I manage my own time. Ako ang boss ng sarili kong oras.
"Good morning po, Tita, Tito." bati ko sa magkaparehang halos langgamin sa ka-sweetan habang kumakain. Nagsusubuan kasi ang dalawa at kita kong medyo nakakabawi na si Tita Mika mula sa operasyon niya.
"Napadaan ka, Nak. Wala kabang trabaho ngayon?" malumanay ang boses na tanong ni Tita Mika.
Sa ilang araw na pagdalaw ko dito ay nakasanayan ko na ang pagtawag niya sa'kin ng anak. Masarap sa pakiramdam na tanggap niya ako sa pamilya nila at anak na din ang turing niya sa'kin.
Wag kang masanay, Santi! Baka pag natapos na yang palabas niyo ay di ka maka-move on.
As if naman papayag akong matapos to nang hindi ko napapasagot si Maika. Of course not!
"Ahm, may golf session ako with an investor, Tita. I just drop by to check on you and Maika." Pagsisinungaling ko.
Pinasadahan ako ng tingin ni Maika. Tinging duda ang sinisigaw. Di ako nagpahalatang naaasiwa sa mga tinging binabato niya sa'kin. Papasa Naman sigurong pang golf course itong suot ko.
"Nag-almusal ka na ba, hijo? Sabayan mo na si Maika. Naghatid ng almusal si Michael. Maraming niluto si Teresa. Maika, asikasuhin mo itong nobyo mo." baling ni Tito Roberto sa anak.
"Tapos na yan kumain, Pa. May dinaanan na yan kanina." nabigla ako sa sagot ni Maika saka tumalikod at tinungo ang dining table sa kabilang side ng room.
Saan niya nakuha yong ideyang yon? Napangiti ako sa nakikita sa tabas Ng mukha niya.
Sinundan ko siya sa kinaroroonan niya. Abala ito sa paghahanda ng mesa.
"Who told you that?" tanong ko sa kaniya sabay huli ng bewang niya dahil nakatalikod siya sa gawi ko.
"Anak ng tipaklong! Ba't ka ba nanggugulat?" gulat niyang tanong kasabay ang paghampas sa braso ko.
"Are you jealous, Babe?"
"H-Ha? S-Sinong may sabi niyan?" I guess I caught her off-guard. Nautal na naman siya.
"It's written all over your face, sweetheart. Nagseselos ka no? Aminin mo." panunudyo ko sa kaniya.
It felt so gay but fuck that feeling. Kinilig ako sa nakikitang reaksiyon niya ngayon.
"Tigilan mo ko, Crisanto! Umalis ka na nga. May lakad ka pa di ba?" pag-iiba niya sa usapan saka umupo sa isa sa mga upuan sa harap ng dining table.
"I'm the boss so I can do whatever I want."
"Yabang talaga! Porke't boss ka ganiyan ka na. Yan ba yong gusto mong maging example sa mga empleyado mo?"
"Of course not! They know my rules and anyone who go against it knows the consequence." sagot ko sa kaniya sabay upo sa upuan sa tabi ng inupuan niya.
"Kunsabagay, lawmaker - lawbreaker. Yan naman ang uso di ba? Ano pa bang aasahan ko?" walang emosyong wika niya.
"I don't have rules to follow when I'm not in the office, Babe. Hindi mo man lang ba ako pakakainin?"
Natigilan siya saka ako tinitigan na parang nanunuri.
"Hindi ka pa talaga nag-breakfast? Dadaan-daan ka dun tapos di ka man lang pinakain? Anong klaseng girlfriend ba yan? O plato mo." sabay abot ng plato at kubyertos sa'kin.
"What's with the smile, mister?" tanong niya ng makitang nakangiti ako sa harap niya habang nakatingin sa mukha niya.
"You're cute when you're jealous, Babe." maikli kong sagot.
"Tigilan mo ko kung gusto mong bigyan kita ng pagkain. Kumain ka na." utos niya.
"Don't deny it. I know you're jealous. Wala ka namang dapat pagselosan eh. Ikaw lang ang babae sa buhay ko." saka ako nagsimulang magsalin ng pagkain sa platong binigay niya.
Fuck! What's wrong with you, Santi? Bumibigay ka na talaga!
Natahimik siya at nagsimulang kumain. I did the same. Hindi ko na muna siya kinausap ulit dahil hindi na niya ako tinapunan ng tingin. I guess she's grinding all the words I said.
Saktong natapos kaming kumain nang biglang dumating si Steve. Pinadiretso ko siya sa dining para doon kausapin.
"We have a problem." simula niya.
"What is it?" tanong ko sa mababang boses. Ayokong marinig ni Maika at lalong ayoko munang malaman niya kung anuman ang sitwasyon sa labas.
"May mga press na nakakuha ng exact room number ng Nanang ni Maika. I guess they're on their way here."
"Fuck! How did that happen? I give instructions to the nurse station." napamura ako sa nalaman.
"I guess there are mediamen na may kapit dito sa loob. And maybe they were able to gather information before we arrived."
"Then we have no choice. We will make the transfer as soon as possible. Go to the nurse station. Tell them we will have the patient be transferred immediately. I will call Tito Arthur as well." utos ko kay Steve na mabilis namang tumalima.
"Sinong ita-transfer? Anong problema, Crisanto? Bakit balisa ka?" kinabahan ako bigla sa narinig na tanong mula sa likuran ko.
Paglingon ko, ang maamong mukha ni Maika ang bumungad sa harap ko.
Shit! How can I tell her without scaring her?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro