18 - Papers
Crisanto's POV:
"What's happening here?" katahimikan ang sagot sa tanong ko na 'yon.
Hindi nila inaasahan ang paglabas ko galing sa private elevator mula sa basement. I don't usually take the lift from the basement unless there's a need to at isa ito sa mga times na kailangan kong gamitin yon.
I saw the reporters squirming like bees in front of the building. I know this will happen but I didn't expect it too soon like today.
Everyone's looking at me like they saw a ghost. Alam na alam nila kung kailan ako galit at hindi nila gustong galitin ang isang Crisanto Rodente.
"We already tightened the security, Sir. No press is allowed to enter the building." wika ni Mr. Logronio, ang security head ng kompanya.
"I want them out of my sight, Mr. Logronio. No reporters should be seen in or outside my building. Understood?"
"Y-Yes Sir. I understand." sagot ng head security saka nag-excuse para tunguhin ang main entrance.
"Che, cancel my meetings today and call Don, I want him in my office ASAP!" may diin na utos ko sa sekretarya ko bago tumalikod para pumasok ulit sa private elevator paakyat sa floor ko.
Nakasunod si Che habang nagtatawag sa telepono niya at si Steven.
"Can you furnish me with the details of why there's a lot of reporters outside?" tanong ko kay Steven na kasalukyang papasok ng elevator.
Hindi siya nagsalita sa kinatatayunan ng umusad na kami paakyat.
Maya-maya ay nilahad niya sa akin ang kaniyang tablet kung saan open ang business column section ng isang sikat na newspaper.
Kahit di ko tingnang maigi, alam kong ako yong nasa picture habang nasa braso ko ang isang babaeng sa tingin ko ay walang malay.
Si Maika!
Ito yong araw na nawalan siya nang malay sa labas ng hotel pagkatapos ng meeting ko with the inverstors. Yong time na nagka allergy attack siya.
I run my eyes through the news to check if they had a name on the woman and I was relieved nung mabasang unknown pa ang identity ni Maika.
"Stop that from spreading or else. . .they won't like what I'm capable of doing." saad ko kay Steven sa mahinahong boses.
As much as possible, ayokong may kumakalat na balita tungkol sa pribado kong buhay. The more that I don't wanna drag Maika in a more complicated situation. I don't wanna give her problems and the press is a handful.
Hindi ko nanaising maranasan ni Maika na kastiguhin ng press over some issues. It's not as easy as 1 2 3. Hassle at sakit sa ulo yong halos araw-araw kang inaabangan ng mga press para lang itanong yong mga walang kwentang bagay na nasagap nila mula sa mga unknown sources na hindi pa nga sigurado kung may source nga talaga.
Ibinagsak ko ang sarili sa aking upuan pagkarating ko sa opisina. I want to scold myself for being careless again.
I was too engrossed of being with Maika na nakalimutan kong nasa public place kami. Aminin ko ma't sa hindi, may mga mata paring nakasunod sa mga galaw ko.
I am one of the popular young CEOs sa bansa idagdag pa ang pagiging bachelor na mas nagpapaakit ng atensiyon sa akin ng mga press.
"Don's on his way here. I called up Matty regarding the rumors on the paper. He will do his best to wipe it out." narinig kong wika ni Steven nung pumasok siya sa opisina ko.
"I don't want Maika to be all over the news. It will be hell for her kung nagkataon."
"I understand. Feeling something special?"
Napaangat ang tingin ko kay Steven. He always do this. No! He is born straightforward. Sinasabi niya kung anong nasa isip niya. Tinatanong niya kung anong nasa isip niya.
"Isn't it too early to tell?" balik tanong ko sa kaniya.
"Depends." sagot niya bago tumalikod at tinungo ang pinto.
Tss! Unbelievable!
His answer made me wonder. Am I really feeling something special for Maika? Or am I just challenged because she's different from other women.
I prefer the later and started digging in the files in front of me.
I was getting busy with some paperworks when someone knock the door.
Iniluwal mg pinto si Che kasunod ang isang nakangiting lalaki.
Si Don Monteverde, ang kaibigan ko nung college na may-ari ng isang security agency.
"Rodente! You called for help, buddy?" agad na wika niya pagkaupo sa harap ng mesa ko matapos akong kamayan.
"I'm afraid yes." sagot ko pagkabalik ko sa aking kinauupuan.
"Is it because of the press again? Logronio can handle that himself. He got instructions already."
"Not for the building, Don. I need security for someone and I want it to be discreet."
"Now we're talking. And who's this someone this time or shall I say special someone?" may sumilay na ngiti sa labi niya.
Alam kong alam na niya ang gusto kong iparating. Nagawa na niya ito dati.
"I want security for a certain Maika del Sol. But she must not know it. I want everything in control especially when the situation has the press involvement. I don't want Maika to be exposed to the trauma of handling the press."
"I understand, Buddy. Consider it done." wika ni Don na ikinangiti ko.
Madali talaga siyang kausap. Mula noon hanggang ngayon kaya naman siya ang inaasahan ko pagdating sa mga security and surveillance needs ko.
Napalago niya ang kompanyang iniwan ng kaniyang ama na isang ex-military.
After an hour of discussing things, Don left my office leaving me alone to ponder on more things.
I dialled Maika's number to check on her.
She answered after a couple of rings.
"Bakit ka tumawag?" bungad na sagot niya na halatang may inis sa boses.
"Why so grumpy this early in the morning, sweetheart?" gusto ko siyang inisin lalo.
Kung may taong masarap inisin, si Maika na yon. Hindi siya nauubusan ng sagot sa mga pang-iinis ko sa kaniya. In short, hindi siya nagpapatalo kahit talo siya sa huli.
"Huwag mo kong ma-sweetheart sweetheart diyan. Ano bang kailangan mo?"
"Bakit hindi ka pumasok?"
"May meeting ako with my publisher. May problema?" mataray na wika niya na nagpangiti sakin.
"Well, I have no problem about it actually. Just remember, we have a deal. You have to work as my assistant for a week to get you belongings. Just reminding, in case you forgot."
Katahimikan ang naging sagot mula sa kabilang linya.
"Bukas na ako papasok. Ayokong makigulo diyan sa opisina mo."
"Makigulo? What do you mean?"
"I was there this morning. Pero di ako makapasok. No one is allowed to enter the building unless dumaan sa security process."
So nakita niya ang mga press kanina sa harap ng building. Alam na din kaya niya ang balita tungkol dun sa picture?
Bigla yong sundot ng kaba na naramdaman ko para sa kaniya. Paano kung nakilala siya ng mga press? Paano kung hindi ko siya maprotektahan mula sa panggugulo ng mga press?
"So alam mo na? Hindi ka ba nakita ng mga press? Hindi ka ba nila nakilala? "
"Ha? Ang alin? Tsaka bakit naman ako pagkakaguluhan ng mga press? Ano bang nangyayari?" now I have her full attention at mukhang gaya ng sabi niya noon, hindi nga siya mahilig sa balita.
"Where are you right now? I will pick you up. We need to talk."
"At bakit naman? Ano na namang pag-uusapan natin? Hindi ka pa ba nauumay sa mukha ko? Magkasama lang tayo kagabi over dinner tapos ngayon susunduin mo ko?"
Gusto kong sabihin sa kaniyang kahit magkasama kami buong buhay namin, hindi ako mauumay sa mukha niya.
The hell, Santi! Where was that coming from? You're betraying yourself here.
"Just don't ask questions. I need to talk to you. Where are you?"
"Ahm, I'm here at La Vie. Waiting for my editor."
"Stay inside. Huwag na huwag kang lalabas diyan hangga't hindi ako dumating and don't talk to anyone especially the press. I'll be there in a minute."
"Ano bang nangyayari? Oh my God!" wika ni Maika na nagpatigil sa akin para ibaba ang tawag.
Nahimigan ko ang kaba sa boses niya.
"What's the matter Maika?" lumakas ngayon ang kaba sa dibdib ko.
"May mga press sa labas ng restaurant. Pinipigilan ng mga security na pumasok. "
Parang nag drum roll ang dibdib ko sa narinig mula sa kaniya.
"Shit! Stay where you are, I will be there right away."
"Ano ba kasing problema? Bakit nagpapanic ka?"
"Saka ka na magtanong. Sasabihin ko sayo mamaya. I will hang up now. "
"No! Don't you dare hang up on me. You tell me now or else sa kanila ako magtatanong."
"No! Don't do that. Sasabihin ko na."
The hell! Of course she shouldn't be talking to the press or even get near them. I can't risk her safety.
Pambihirang babae. Sa press ba naman magtatanong kung anong nangyayari?
"We're on the papers today. Someone got a picture of us together outside the hotel. That was the time you collapsed due to allergy attack."
Natahimik siya sa sinabi ko. I just hope she's taking it in lightly.
"Maika? Still there?" pero walang sagot mula sa kabila.
Pinakinggan kong mabuti ang kabilang linya. Parang may komosyong nangyayari na mas lalong nagpakaba sa akin.
"Ayyy! "
I was stunned! Tili yon ni Maika na sinundan ng dial tone.
Shit! What's happening!
I ran to the door of my office like I'm running for my life and went for the lift without saying a word to Che. I don't want to waste even a single second right now. I need to get to Maika as fast as I could.
Wait for me, Maika! I'm coming for you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro