14 - Eat!
Maika's POV:
Tumatahip ng malakas yong dibdib ko nang bumungad sa akin ang kwartong pinagdalhan sa akin ng waiter. Sumalubong sa aking pang-amoy ang halimuyak na tantiya ko ay nanggaling sa scented candles na nakasindi sa loob ng kwartong yon.
Maganda ang arrangement na ginawa sa kwartong 'yon. Magandang tingnan ang mga nakasabit na paper lanterns sa ceiling habang nakasindi ang mga ito.
Lakas magpa-impress ng mokong na 'to. Akala niya siguro mawawala yong inis ko sa kaniya dahil dito.
Nagtama ang mga mata namin ni Santi at sa di malamang dahilan ay mas bumilis ang kabog ng aking dibdib. Ito na naman yong feeling na para akong masu-suffocate dahil sa bilis ng kabog ng dibdib ko.
Nag-aalangan akong lumapit sa kaniya dahil feeling ko kapag lumapit ako ay maririnig niya ang bawat pagkabog ng dibdib ko.
Ito na 'to, Maika! Wala nang atrasan 'to.
Dahan-dahan akong lumapit sa mesa kung saan naroon si Santi.
Tumayo siya at pinaghila niya ako ng upuan.
"Thank you." pasalamat ko sa kaniya na tinugon lang niya ng isang tango at ngiti.
"I already ordered the food but if you want something, pwede natin idagdag." narinig kong sabi niya.
"No, thank you. I believe you know what's not good for me after sa nangyari di ba?" tanong ko sa kaniya.
"Of course! It scared me like hell and it won't happen again." naging seryoso ang tabas ng mukha niya.
Tumatak sa isip ko yong sinabi niya. Bakit ganun nalang ang takot niya nung nangyari yon sakin?
Siguro ayaw niyang makaramdam ng guilt sa sarili niya if ever may nangyari masama sakin.
"Okay, then let's discuss what should be discussed."
"Roll the ball, sweetie. I'm all ears."
"First, stop those endearments lalo na kung tayo lang. You have no right to call me that. Wala tayong relasyon, Mr. Rodente." pagbibiday diin ko sa huling linyang sinabi ko.
Nakita kong umigting yong panga niya pero hindi ko pinansin. As much as possible, ayokong bigyang pansin yong mga facial expressions niya dahil nakakadestruct lalo na yong mga titig niyang animo'y tumatagos sa aking kalamnan.
"We will be a couple for a week, sa harao ng pamilya ko." lahad ko sa kaniya.
Seryoso parin siya pero nakita kong lumiwanag yong mga mata niya.
"Do I need to agree with this?" tanong niya.
"No!"
"And why is that?"
"Because you created this and I'm in trouble because of this. So you do your part according to plan. At huwag na huwag kang magkakamaling lumabag sa mga bawal na ibibigay ko lalo na kung nasa harap tayo ng pamilya ko." sagot ko sa tanong niya.
Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi niyang mapula na kay sarap lantakin ng halik.
Mahabaging Dyosa ng mga labi naman, hindi yan ang ipinunta mo dito, Maika!
Napalunok ako ng laway ng titigin niya na naman ako ng tagusan habang andun pa rin ang ngiti sa mga labi niya.
"So this is the bossy Maika I am talking to now? And how sure are you that I will agree with your plan?"
"You said I do it my way, and this is my way so deal with it. You cooperate!" nagsisimula nang umusbong yong inis ko sa kaniya.
"Wooh! Relax! Lalo kang gumaganda kapag nagagalit ka."
"Huwag mo akong simulan, Rodente. Nandito tayo para pag-usapan kung paano natin maso-solve yong problemang sinimulan mo. So huwag na huwag mong ubusin yong pasensiya ko."
"Oh, then make me agree with your plan. I'm not easy to get Miss Del Sol."
"What?"
He's impossible!
"You heard me. Don't mak e me repeat myself."
Kahit kailan bwisit talaga siya sa buhay ko. Ang kapal din ng apog nitong taong to kung makaasta parang hindi siya ang dahilan kung bakit nagkakaproblema ako ng ganito ngayon.
"Ano bang gusto mo? Magmakaawa pa ako sayo? Kasalanan mo 'to, remember?"
"I don't remember any mistake I made to put you in this situation, Miss Del Sol. And I didn't tell you to continue this. You chose to continue this. Remember?"
Tama siya, Maika! Mali na nga yong inisip ng doktor, ginatungan mo pa nung sinakyan mo ang maling yon kaya wag kang manisi.
Ano ba 'tong utak ko? Hindi yata ako kinakampihan. Kumakampi pa kay Cristanto.
Bubwelta na sana ako ng isasagot nang may kumatok sa pinto at bumukas ito. Kapwa kami napatingin sa pinto nung iluwa nito ang dalawang waiter na may dalang tray ng pagkain.
Sumalubong agad sa pang-amoy ko ang nakakagutom na amiy ng mga pagkain. Kusang kumalam ang sikmura ko.
Isa-isang inilapag ng waiter ang mga dala niya at ng kasama niya. Nagsalin ng wine ang isang waiter sa kopitang nasa harap namin ni Crisanto.
"Let's eat." wika ni Crisanto ng magpaalam ang dalawang waiter.
Ito na naman siya sa tono niyang nag-uutos. May lambing kaya sa katawan ang lalaking 'to?
"I'm not hungry. Ikaw nalang. Hintayin kitang matapos para maituloy natin ang usapan natin." tanggi ko kahit gustong-gusto ko nang tikman yong mga putaheng nakahain sa harapan ko na ang sasarap tingnan.
"What? Hindi pwede. Sabay tayong kakain. I ordered this for us."
"Bakit ba ang kulit mo? Hindi nga ako kakain. Tsaka busog pa ako. Ikaw nalang."
He looks frustrated dahil sa tinuran ko. Ganyan nga! Mainis ka kasi ilang beses mo kong iniinis. Makabawi man lang ako kahit minsan.
"You have to eat." wika niya sabay lagay ng pagkain sa plato ko.
Okay na sana eh, kaso ang dami din ng pagkain nilagay niya na para bang wala akong kain buong araw.
"Ano ba yang ginagawa mo? Sabi nang hindi nga ako kakain. Tsaka may pakialam ka ba kung hindi ako kakain? Wala naman di ba? You don't care at all!"
"I do! I do care so please kumain na tayo."
Gusto kong matawa sa sinabi niya. Tama naman yong nadinig ko di ba? May please doon sa sinabi niya.
Kung arogante siya, matigas naman ulo ko.
"Okay! Kakain ako pero sa isang kondisyon."
"Kondisyon? And what is that?"
"You will cooperate with my plan and do your part."
Napapikit siya kasabay ng isang malalim na buntong-hininga. Senyales ng pagsuko sa gusto kong mangyayari.
Isang tagusang tingin ang pinukol niya sa mga mata ko nang idilat niya ang kaniyang mga mata.
Is he still thinking about it?
Binitawan ko ang kubyertos na hawak ko saka sumandal sa upuan at humalukipkip habang hinihintay ang sagot niya.
Nakipagtagisan ako sa mga titig niya na para bang sinusukat kung sino ang mas matigas sa ming dalawa.
Pinigilan ko ang pagkurap dahil feeling ko ang kumurap, talo!
"Fine! Let's eat!" pagkuway ay sabi niya saka nagsimulang sumubo ng pagkain.
Pumalakpak ang aking tenga sa narinig. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kaniya.
Iyon lang pala ang kailangan para makuha ko ang gusto ko. Ang katigasan ng ulo ko laban sa ka-arogantehan ng lalaking to.
Napasuko ko din siya sa wakas. Napasuko ko din ang isang Crisanto Rodente!
"What's with the smile? Eat!" mabigat ang boses na utos ni Crisanto sa akin ng makitang di parin ako gumagalaw sa kinauupuan ko.
Bwisit! Bilis makabawi!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro