Nine
JOE
I was about to go up to the second floor when I stopped. Napansin ko sa 'di kalayuan sina North na nakatambay ngayon sa hagdanan ng kabilang building at mukhang nagkakasihayan ang mga loko dahil hanggang dito sa tinatayuan ko rinig na rinig ko ang halakhak ni South.
Napayuko ang ulo ko at pinagmasdan ang hawak kong isang notes. I sighed as I stepped back my feet down the stairs again. Lumabas ako sa building at nilapitan sila.
When I got close to them I immediately stood in front of Denver who was now sitting on the stairs next to North. I immediately handed Denver my notes. "Here take this. This is what you want right." I said to him.
Bago pa mukha ni Denver ang notebook ay agad na inagaw ni South ito at binuksan. "Woah. Binibigyan mo ba siya ng reviewer, Joe?" South said as he continue to turn every pages of the note.
Nakidungaw rin si Ronan at Quinn.
Napairap na lang ako. "Yeah." I answered.
Quinn, South and Ronan turned their heads up and looked at me. Pagpagkahulugan ang mga tingin nila kaya agad na akong nagpaliwanag. "Don't give me those look. Denver was just asking."
"Asking what?" North suddenly asked.
"Not actually giving that notes. Well, this man wants me to tuitor him from the upcoming exam but I can't." I answered. I looked at Denver who suddenly using his phone.
"So, I decided to just gave Denver some of my notes that can help him." I continue. I crossed my arms. "Any questions?"
"Grabe ang daya. Ba't siya lang binibigyan mo? Paano naman ako?" pagdadrama bigla ni South.
As usual binatukan na naman siya ni Noth. "Paano ka? E kung itapon ko sa'yo mga ninanakaw mong notes ko sa kwarto at tatambak mo lang naman sa table mo? Sipain kita r'yan e." iritableng sambit ni North.
"Sinabi ba talaga 'yon sa'yo nitong si Denver?" Ronan asked. I nodded. "Hindi ka na nahiya pare!" singhal pa ni Ronan saka niya pinagtatadyak si Denver.
"Gago ka ba ah! Nasasaktan ako!" Napatayo na si Denver at gumanti sa pagtitrip ni Ronan sa kanya.
Hindi ko na lang sila pinansin at tiningnan si Quinn na hindi maipinta ang mukha.
"Ayos ka lang?" tanong ko kay Quinn.
Quinn nodded. "Yes. But did Denver said something to you last time?" she asked.
I shook my head. "Nothing? He just told me. He like me... He like me to be his tuitor but as you can see I refuse." I answered.
Yeah. That's what he meant last time we met in the field. Akala ko kung ano nang malalim na pag-uusapan, iyon lang pala. Pinakaba pa ako ng unggoy na'to.
"Gago! Akin 'yan!"
"Teka lang naman! Picture lang!"
"Ako muna kasi!"
Natawa na lang kaming tatlo nina Quinn at North habang pinapanood ang tatlong unggoy na si Ronan, South at Denver na nag-aagawan sa notebook ko.
Hay nako. Nag-away na naman ang mga bata.
"Nga pala, Joe. Hindi ba't sa susunod na araw na ang swim meet ninyo? Saan raw gaganapin?" lumingon sa'kin si North na nagtatanong ngayon.
"Iyon ba? Sa Beverly raw umaga." sagot ko naman.
"Are your legs doing fine?" Quinn asked.
"Yeah. Don't worry." I said. "Huwag n'yo nang intindihin ang nangyari last time. I just had a simple cramps. I can handle it." pagpapaliwanag ko pa sa kanila.
Napatango na lang silang dalawa. I gave them an re-assuring smile to stopped them worrying.
I honestly don't know what will gonna happen in the meet but one thing for sure. I will not gonna messed up by my own self.
"Yakang-yaka lang kay Joe ang laban na 'yon. Pustahan!" Ronan stated.
Tumango naman si South. "Naman! Asahan mong present kami sa laban! May banner na nga akong pinapagawa e." pagmamayabang pa niya.
"May laban din naman ako pero kung maka-left behind kayo sa'kin. Parang ano e 'no." pag-iinarte ni Denver.
"Hindi mo na kailangan 'yon, marami ka nang supporters. Darating mga ka-fling mo." dagdag naman ni North kay Denver.
"Gago nagbago na ako. Sila na lapit ng lapit sa'kin ngayon." pangatwiran naman ni Denver.
Natatawa namang nag-akbayan sina South at Ronan. "Nagbago na raw pare! Naglevel-up na!"
"Can you please stop shouting at all? Nakakasira kayo ng eardrums kalalake n'yong tao." iritableng singhal ni Quinn sa tatlong unggoy.
"Maybe we should head back in the class? The next class will start after 15 minutes." I said as I change the topic.
Pumulupot naman ang kamay ni Quinn sa'kin. "But I'm hungry, can we just skip class?" she said.
I shook my head. "No. We need to go in class. Especially you, Quinn. You need to catch up in the lesson." I said.
Quinn looked at me and pouted her lips.
"I'm hungry too. Let's go buy some food." Ronan said and bringing his phone out.
I quickly snatched Ronan's phone before he could dial on the call.
"I know you just want to skip class. Listen to me." ang sabi ko at inilahad ang phone ni Ronan kay North.
Kinuha naman ni North ang phone. "Let's go bac---"
We all looked at each other when we heard a sudden ringing of a phone.
"Oh! It's mine." North said. Dinukot niya ang telephono sa bulsa at tiningnan ang tumatawag.
"Ms. Revilla? May number ka sa kanya?" Ronan asked.
North nodded.
"Woah! Kambal 19 ka pa lang. 30 years old na si Ms!" natawa si South at tinapik ang kambal nito sa balikat.
"Shut up, it's a school purposes." North said "Besides, she was the one who came to get my number. Ako na naman kasi ang nakita." North added and answer the phone call.
Nakatingin lang kami ngayon habang naghihintay na matapos ang usapan nila sa linya.
"Yes ma'am. I'll go tell her." ang sabi ni North. "Thank you, Ma'am." he then dropped the call and looked at me.
"See? I'm being used as instrument. Mr. Fuentes wanted to see you in the office, he's waiting for you." North said to me.
Napakunot-noo ako. "Why me?"
Nagkibit-balikat lang si North. "Dunno, she just told me."
"Hindi rin ba tayo pinapatawag? Representatives din tayo ah." singit naman ni South.
We all looked at him, "Seryoso ka ba? Pinapanindigan mo talaga ah." I commented.
Tumango naman si South. "Oo naman! I'll be the next chairman in this school! Pipitikin ko lang sa mga daliri ko si Maia." halakhak niya.
"Alam mo gago, hanapin mo muna pake namin." lintanya ni Denver habang hawak ang tiyan at tumatawa.
"Taena mo! Bente lang boboto sa'yo!" panunukso pa ni Ronan.
Muli na namang napuno ng panunukso at pagkutya nila kay South. Hindi ko na rin maiwasan pang hindi matawa sa sinabi ni South. He's definitely crazy about telling us that, minamaliit ba niya ang kaibigan ko. Knowing Maia she's like a leon that anytime soon she'll bite. How could that be when South heard just Maia's roaring? He might hide behind North's back.
Nagpalipas kami ng ilang minuto sa labas ng mapagpasyahan na naming maghiwa-hiwalay na. Si Denver ay bumalik na sa room niya, gayon din sa apat pang sina North, samantalang ako ay tinatahak kong mag-isa ang hallway patungo sa faculty office kung saan naghihintay sa'kin si Mr. Fuentes.
Tahimik lang ang paligid ngayon at nakatutok ang lahat ng estudyante sa pagkaklase. Not until I heard a loud shout coming from the bathroom I passed thru.
Humakbang pabalik ang paa ko at pinasok ng dahan-dahan ang comfort room. Inilapit ko ng maigi ang ulo ko sa woman cubicle at pinakinggan ng mabuti ang boses.
"Walang hiya ka!" I heard a woman shout loudly.
Out of curiosity, I pushed the door slightly open. All I can see is the figure of the two woman who is now facing each other. I couldn't clearly see their faces since nakatalikod ang isa at ang isa naman ay natatago sa pigura ng isa dahil may katangkaran ang babae.
Napaatras na lang ang paa ko at balak ko na sanang huwag nang makielam pa, pero bago ko pa magawa 'yon narinig ko na ang malakas na boses na nanggaling kay Maia.
Agaran akong pumasok sa loob at nakita ang galit na mukha ni Maia na ilang segundo na lang lalapain na ang babaeng kaharapan nito.
"Ginagago mo ba ako, ah!" muli pang sigaw ni Maia at hinablot ang buhok ng babae.
Napatakbo agad ako sa kanila at sinubukang alisin ang dalawang nakakuyom na kamay ni Maia sa buhok ng babae ngunit maging ang babae rin ay gumaganti na rin kay Maia sa pagsabunot sa kanilang mga buhok.
"Maia tama na!" I tried to stop her pero hindi niya ako inaabala.
"Nagkakasakitan na kayong dalawa! Tama na sabi!" maghigpit kong hinawakan ang dalawang braso nila at pwersahang ipinaghiwalay ang dalawa.
Saglit akong sinulyapan ni Maia. Nakuha ng pansin ko ang nagdudugo nitong labi. I was about to approach her when the other woman suddenly scream.
"My hair! What did you do on my hair! Ahhh!" galit na sigaw pa ng babae habang hinahawak ang magulo at nagkasira-sirang buhok nito.
"You bitch! You'll pay for this!" the woman again shouted saka siya muling sumugod kay Maia.
Dahil dumadaloy ang pagka-sabungera ng kaibigan kong si Maia ay hindi rin nagpahuli at gumanti rin sa pagsabunot ng babae sa kanya. Gigil na gigil silang nagpapalitan ng masasakit na salita with matching tulak pa sa pader. Jusko.
Napahilamos na lang ako sa inis at hindi na napigilan ang sigawan sila. "Both of you! Will you please calm down!" I exclaimed, furiously.
The other woman stopped and looked at me. Napa-awang ang bibig ko ng bigla niya akong inirapan, "Shut up you too!" sigaw niya sa'kin at mabilis na hinila ang buhok ko.
"Teka sandali! Nasasaktan ako!" pinigilan ko ang sarili kong maglaban pero ng maramdaman ko na ang masasakit na paghila nito sa buhok ko at ang talas ng kanyang mga kuko ay kusa nang nakihila ang mga kamay ko sa kanyang ulo.
"Yah! Anong ginagawa mo sa kaibigan ko!" narinig ko ang malakas na sigaw ni Maia at muli niyang sinabunutan ang babaeng sumasabunot rin sa buhok ko.
Never in my life na nagawa kong gawin ang ganitong bagay, ang makipagsabunutan. Pero iba na kasi ang pinag-uusapan kapag buhok ko na ang nadadamay! My mom have been take care of my hair for 16 years! I even spent 2 years on my long hair tapos sasabunutan niya lang ng basta-basta? Aba. How dare her.
"Yah!" I shouted as I continue to pull the woman's hair. The next thing I knew dinumog na kami ng mga estudyante sa labas at nahagip na ng paningin ko ang pagpasok nina Mr. Fuentes at Ms. Revilla.
My eyes followed the figure of Mr. Fuentes who's now walking back and forth in front of us.
Tumigil si Mr. Fuentes at muling humarap sa aming tatlo na ngayo'y nakaupo sa mesa, masasabi mo talagang sumabak kami sa matinding bakbakan dahil sa gulong-gulong pagmumukha namin ngayon.
"Okay. Nakikiusap ako ng maayos sa inyong tatlo. Magbatian na kayo at kalimutan na ang gulong nangyari kanina." Mr. Fuentes said.
"Kalimutan? After what she did on my hair? No way!" sagot ng babae kanina na nagpaalaman kong Colleen ang pangalan at magkaklase pala sila ni Maia. "I hate this bitch!" dagdag pa niya at dinuro si Maia.
Maia laughed. "Huh. What? Did you just said you hate yourself bitch?"
The woman Colleen was about to stand up to fight Maia again when the table in the back suddenly banged loudly.
"Mag-iisang oras na tayong naglolokohan dito. Anong balak niyo?" bigkas ni Ms. Revilla na nakaupo sa kabilang mesa dito sa disciplinary room. "Kung magpapatigasan lang kayo ng ulo, might as well bigyan na lang namin kayo ng consequences sa actions na ginawa ninyo." Ms. Revilla added.
Maia suddenly stood up. "Ako? Si Joe? Bakit? Nangyari lang naman 'yon kung hindi ninakaw ng notes ko ang babaeng ito." pagatwiran niya.
"So what kung ninakaw ko? Ikaw naman din ang nagsimula sa gulo. It's a fair situations. Tsk!" Colleen rolled her eyes up on Maia.
Natatawang napameywang na lang si Maia. "Ibang klase ka rin naman pala. Wow!" aniya at in-emphasized pa niya ang wow word sa harapan ni Colleen.
"That's not a big deal, ganyan na ba ka-importante ang mga notes mo? Duh. As if naman na mauungusan mo si Phoebe!" Colleen suddenly said and pointed out on me.
"Colleen. You're crossing the line." pagbawal ni Mr. Fuentes dito.
Napatingin ako kay Maia, bakas sa mukha nito ang gulat sa hindi niya inaasahang marinig. Kita ko ang paghigpit ng hawak nito sa kanyang palda at ramdam ko ang pagpipigil nito ngayon dahil alam ko, nasaktan ang kaibigan ko.
"Huh! What? I'm just telling the truth. Nagpapakapagod ka sa wala namang patutunguh---"
"Sumosobra ka na!" malakas na sigaw ko kay Colleen sabay hablot sa braso niya. Nakisingit na rin ako sa usapan dahil hindi ko na matansya ang bibig ng babaeng ito.
Since hindi nila kami magawang pakiusapan ng maayos na magkabati-bati na. My home room teacher--- Mr. Fuentes and Ms. Revilla decided to gave us a consequences. Ang dalawang sina Maia at Colleen ay binitbit ni Ms. Revilla at hindi ko alam kung saan sila dadalhin, samantalang ako ay sumusunod lang kay Mr. Fuentes habang bitbit ang iba't-ibang cleaning materials. Papasok kami ngayon sa isang building na karamihan sa mga rooms dito ay hindi na nagagamit.
"Nandito na tayo." binuksan ni Mr. Fuentes ang pintuan sa pinakadulong room ng unang palapag. Bumungad sa'kin ang katambak na kalat sa sahig, mga paint brush, nagdikit-dikit na coloring paint sa wall at bintana, dahil na rin siguro hindi na nagamit ang silid, napuno na rin ito ng sapot.
"Alam kong hindi mo ginusto ang nangyari kanina. Sinubukan mo lang namang pigilan sila at mukhang nadamay ka pa." bahagyang natawa si Mr. Fuentes.
Binitawan ko ang mga gamit na dala ko sa mesa. I laughed. "Hindi naman po ako nagsisi, masaya po pala sa pakiramdam." ang sabi ko. "First time ko po kasing makipag-away." napahalakhak ako sa tawa. Grabe lang talaga. This is one of a kind experienced to me. Huwag na nga lang sana mauulit pa, masakit sa buhok at eardrums na sigawan.
"O sige na. Sasamahan na kitang maglinis dito para naman makapasok ka na sa subject mo ngayon." ani Mr. Fuentes, siya ang nangunang mag-alis ng sapot sa kisame habang ako naman ay kinuha ang basahan at kinuskos ang mga iilang paint colors na dumikit sa bintana.
Nasa kalagitnaan kami ng paglilinis ng maantala sa biglang pagtunog ng telepono ni Mr. Fuentes. Hindi naman magiging akin iyon dahil nasa room ang phone ko na nakatago sa bag.
Nakita kong sinagot nito ang tawag, "Po? Sige po pabalik na po ako sa building." I heard him said in the other line of call.
Mr. Fuentes looked at me. He was about to say something ng inunahan ko na siya. "Don't worry, Sir. Kayo ko na po ito." I smiled.
"Pasensya na at may emergency sa office, kahit magwalis ka na lang muna dito. Bumalik ka kaagad sa classroom." aniya.
Napatango na lang ako sa kanya at pinagmasdan itong tumakbo na papalabas. Bigla itong tumigil at muling dumungaw sa pintuan. "Don't skip class." He chuckled.
"Yes, Sir!"
Pagkaalis ni Mr. Fuentes ay bumalik na ulit ako sa paglilinis. Sinubukan kong tumayo sa mesa at inalis gamit ang walis tingting ang mga sapot sa kisame, I also moved those chairs behind para naman lumaki ang space dito.
Pinagpatuloy ko ang pagpupunas sa bintana. Napapunas na lang din ako ng pawis sa noo ko dahil sa pagod. "Bakit ang hirap alisin nito." ang sabi ko na lang habang gigil na iginugudgod ang basahan sa bintana.
"Aish. Bakit ba trip nilang pintahan ang bintana, hindi naman 'to board." I complained.
Dahil hindi ko makuhang alisin ang color paint ay lumipat na muna ako sa kabilang bintana. Patuloy lang ang pagkuskos ko sa dumi ng bintana ng mapukaw ng atensyon ko ang lalaking natatanaw ko ngayon sa kinatatayuan ko. Nakaupo siya ngayon sa isang park bench na nasa ilalim ng puno.
Since the windows here are all sliding, hindi ko na kinailangan pang lumabas sa pintuan, nag-ala akyat bintana ako with matching tahimik na mga galaw habang humahakbang papalapit sa lalaki ngayon.
Napahinga ako ng malalim sabay hawak sa katawan ng puno. Shocks. Ano ba pinanggagawa mo, Joe!
"Tatawag ako ng pulis at sasabihan kong may stalker sa likod ko."
My eyes widened as I heard Elli speaks, he gradually turn his heads on me. I gulp.
"Hehe. Sorry naman." I tried to speak some words to him.
Ibinaling niya muli ang ulo sa kabila at muling nag-angat ng tingin sa kalangitan.
I was about to walk away when he suddenly speak. "You know, I envy the life of clouds." he said.
Wala sa sarili akong napahakbang papalapit sa kanya. I still stay stand beside him and maintain two step distance from him.
"I envy them. Endlessly calming in the blue sky. Blowing in, out of the wind... Gumagawa ng isang kamangha-manghang anyo na nagbibigay ng isang ngiti sa lahat." I heard him speak again.
I secretly stole a glance out of him. Seryoso lang ang mukha niya ngayon habang nasa kalangitan pa rin ang atensyon nito.
I wanted to speak to him pero hindi ko alam kung saan ako kukuha ng mga salitang sasabihin ko sa kanya. It's was actually the first time he talked to me--- with sense, serious talk.
"But do you know what makes them even more envious. They can build a storm that bound to burst apart, their tears spilling out of the blue as a water. Nagagawa nilang umiyak ng walang iniintinding iba." narinig ko ang mahinang pagtawa ni Elli dahilan para bumaling ang tingin ko sa kanya.
I heard my heart beat as our eyes met and then there, I saw him form a smile in his lips. A smile with hidden pain and sadness.
Hinayaan lang naming isayaw ng lakas ng hangin ang aming mga buhok, liparin ang mga tuyong dahon sa lupa nang nanatiling nakatitig sa isa't-isa.
Time passed really fast. Nandito na ulit ako ngayon, nakatayo habang tahimik na pinagmamasdan ang tubig na naghihintay sa'kin para sumisid. The day has finally come, swim meet is now waving in front of me.
"Sad. This is the last chance we all have, huwag kayong magpatalo, Sis ah. Sayang pinaghirapan natin." narinig ko na naman ang nakakairitang boses ni Amara sa likod ko.
"Of course, naglaan kami ng oras para rito, katulad mo lang din kami Amara." I heard the other girl replied.
"Yeah. But, we all know halos kayong dalawa lang naman ni Phoebe ang nagdidikitan sa laban. We're total of six representatives, just one of us here will be the luckiest girl today." dagdag pa ng isa.
"Mas malaki ang chance at possibilities ng mananalo ngayon na mapili sa marathon. Argh! I wish I will win this game!" napasigaw na lang ang isa, frustrated na ang isang 'to.
"I feel you sis. I wish someone will gave away her game today." Amara said as she laughed slightly.
Napairap na lang ako ng marinig ko ang binigkas ni Amara. Sumunod na narinig ko ang mahihinang bulong ng mga kasama pa nito sa likuran ko. Kahit nakatalikod pa ako sa kanila, ramdam ko ang mga titig na ipinapako nila sa kinatatayuan ko.
Unfortunately. Hindi ako mag-isa ngayon, nasa likuran ko ang mga kakalabanin ko specifically ang babaeng kanina pa peste ng peste sa teinga ko--- Si Amara.
Gulat ang mukha nila sa biglaang pagharap ko sa kanila. "Is that so, Amara? Sorry to say, wala sa atin dito ang marunong umurong sa laban." I said. "Right, guys?" sabi ko pa at inilibot ang tingin sa iba pa. Mabilis naman silang tumugon ng tango sa akin.
I don't know why these people are like this. They kept hating and hating me for unacceptable reasons. Kung talo, edi talo. Accept what is done, move on. Kaya hindi na rin ako magtataka kung madalas silang hindi palarin, ang gaspang kasi ng ugali.
Malakas ang loob nila ngayon na magparinig ng magparinig dahil kami-kami lang na representatives ang nandirito ngayon sa pool area. Ang magsisilbing location ng laban mamaya. Pero malakas din naman ang loob ko na harapin sila lalo na ang babaeng kanina pa nagpuputakte ng bibig.
I looked at Amara. "In the first place, bakit hindi mo pa kasi ginalingan para hindi ka lang dada nang dada ngayon? You could have been better than me." I smirked as I saw shock on Amara's face. "Hindi iyong idinadaan mo sa sports drink. Be thankful, I didn't sue you, disqualified ka na sana ngayon." my smirked grew wider, I kept my self from laughing. Nakakaloka kasing pagmasdan ang takot na mukha ni Amara ngayon. Shocks.
Hindi ko na sila hinayaan pang magbitaw ng salita, I left them all hanging their mouth open. I continue walking outside the area and decide to go our designated room for players.
Nang marating ko ang silid ay sandali akong tumigil sa harapan ng pintuan. Huminga ako ng napakalalim at pinigilan ang pamumuo ng luha ko dahil sa kaba kanina. Nakukuha talagang pataasin ng blood sugar ko nitong si Amara!
As soon as I entered the room and walk towards the only single table in my room, naagaw ng atensyon ko ang silyadong nakalaminate na isang piraso ng dahon. Isang napaka-importanteng bagay para sa akin.
Kinuha ko rin ang isang pirasong papel na nasa tabi nito, gumuhit ang ngiti sa labi ko nang mabasa ang nakasulat dito.
I am not dreaming. He still has it.
Goodluck
-E
Elli still has the leaf. The leaf that reminds me the most beautiful memories I had.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro