Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Four

JOE


"Well, now,
If little by little, you stop loving me
I shall stop loving you little by little
If suddenly, you forget me
Do not look for me,
For I shall already have forgotten you---"

When we heard the sudden ringing of the bell, all of my classmates closed their books they were holding. Well, that was just a signal that the class is over. Sino ba naman ang hindi matutuwa at uwian na.

Hindi ko inabala ang ingay sa loob, nanatiling nakatayo ang sarili ko habang hawak pa rin ang libro ng mga tula.

I secretly glanced at the man to my right side. I kept thinking, if this man really did forget about me-- the past, kailangan ko na rin bang kalimutan? Iniisip ko pa lamang na gagawin ko iyon, nasasaktan na ako. Because honestly, my days in the past were the best thing that ever happened to me.

"Ms. Murillo? Hey. You can sit down."

I looked up at Ms. Alvarez, our English subject teacher.

I just nodded to her and sat down quietly.

"We'll stop here. Just please, study the other poems on your home. Itigil na muna ang paglalakwatsa." paalala ni Ma'am.

At the same time we responded to her as shouting the, "Yes, Ma'am!"

"Class dismissed. Get home safely." paalam na ni Ma'am at linayasan na kami.

Napansin kong nagsilabasan na ang iba kong kaklasi kaya naman nagmadali ko na ring kinuha ang bag ko at ibinalik na muli sa loob ang mga gamit ko.

"Ellian! Dito!"

I turned outside the door and saw the two men from another section again, their faces became familiar to me maybe they were always with Elli.

Tumayo naman ang lalaking ito at naglakad na papalabas, the two young men walked over to Elli and they immediately pulled him away.

Umiwas na lamang ako ng tingin dito. Gustuhin ko mang ilapit ang sarili ko sa kanya, alam ko na hindi ko rin naman magagawa. Maraming mga matang nakamasid at ayoko ring maghanap pa ng gulo.

Isusuksok ko na sana ang isang libro sa bag ko ng mabilis na hinablot nito ni Ronan. "Uuwi na agad? Kain muna tayo!" pag-aaya niya saka naman umakbay ang isa pang si South.

"Oo! Tara libre ko." ani South.

Napairap na lang ako at pilit na inagaw sa kamay ni Ronan ang libro.

"Omg, Joe! Look! What do you think would be the great color that fits on me?" Quinn approached me while showing me a catalog of dresses.

Sandali kong inikot ang tingin ko at itinuro ang kulay black na dress. "Really? Aww. I'll take this since you choose this for me!" said Quinn. I ignored her and tried to take the book from South and Ronan who are now handing it out on each other. Urgh. They now making fun of me!

"Quinn! Did you saw the catalog? May run away ngayon sa Mystique Hotel!" hindi magkamayaw sa sigla ang kakapasok lamang sa silid na si Hedi.

"Really? What are you waiting for? Let's go!!" napaatras ako kina Ronan ng mabilis akong hatakin ni Quinn.

I remove her arms on mine. "Ano ginagawa mo, Quinn?" I asked.

"You're coming with us, since you are the one who choose this dress to me." Quinn replied. She glance on the boys behind me. "You three, you can come with us too!"

"Wait. Sinabi mo bang itong dress na ito ang bibilhin mo, Quinn?" pagtatanong ni Hedi.

Quinn nodded. "Yes. May problema ba?"

"But, that's what I plan to buy." Hedi replied.

"What?" napalakas ang boses ni Quinn sa gulat kay Hedi. "You really are my---"

Mabilis na tinakpan ni Hedi ang bibig ni Quinn. "The hell, Quinn. Just really let me clear. I'm not your oh so called wannabe. It's just the fact that we somehow like the same thing." I heard Hedi said to Quinn.

Dahil naman sa kataasan ng dalawang si South at Ronan hindi ko maagaw-agaw ang libro ko. Kaya naman sumingit na si North at mabilis na hinablot sa kamay nitong si South.

"Panira ka talaga, North." South complain.

"Oo, ako lang naman ang bangungot mo, South." buwelta naman ni North at nakangiting umakbay sa'kin.

Inis ko naman inalis ang braso nito at ibinalik ang tingin sa dalawang babaeng kanina pa nag-uusap.

"Well, I don't mind giving it up to you. You can have it tho." Hedi suddenly said, a reason for all of us here to look at her with a shocked face.

"Wow. Hedi? Ikaw ba 'yan?" nagtatakang tanong ni Ronan.

"Of course---"

North cut Hedi's words. "Himala? Walang agawan na nangyari ngayon?"

"Sayang! Walang away na mangyayari. HAHAHA!" paghalakhak naman ni South.

I glare at South. Wala talagang ma-aambag ng matino ang lalaking ito.

"Wait. Palagi na lang ba tayong nag-aaway?" naguguluhang tanong naman ni Ronan.

Lahat kami ay tumingin sa kanya. "Malamang!"

Pumalakpak ang tatlong beses si Quinn. "Okay! Now that everything was settled. Can we go now?" Quinn asked na ngayo'y nakakapit na sa braso ni Hedi.

Naku. Tingnan mo mga baliw. Mas maganda pa ang walang bangayan sa kanila. Nagmumukha silang mature.

"Come on vamonos! Every body let---"

Pinutol ko ang masayang pagkanta ni Ronan habang hila-hila na ako nito. "Hindi ako sasama." I said.

"What? Bakit naman? Wala naman tayong gagawin ngayon, let's just enjoy this free time." saad ni South.

Hedi agreed with South by nodding.
"Yeah. Please, Joe? Promise mag-eenjoy ka ro'n!" dagdag pa ni Hedi sabay pulupot din ng braso nito sa'kin. Kaming tatlo ngayon na babae ay magkahawak na ang kamay. Urgh.

"Pretty please? Hindi mo naman first time sumama sa'min, e. You don't have to feel uncomfortable with us since we're all fri---"

Quinn cut her words by the other student whom just called may name.

We all both looked at him.

"Yes?" I asked.

"Pinapatawag ka ngayon ni Mrs. Cruz sa office room." he answered.

Napangisi ako sa tuwa. Makakatakas na ako ng may dahilan sa mga kutong lupang ito. "Yes! Pupunta na agad ako, salamat!" nakangiti kong sabi dito. Tumango naman din ito sa'kin ng nakangiti at umalis na.

"Looks like hindi talaga ako makakasama?" sabi ko sa kanila at unti-unti ng inabot ng kamay ko ang bag.

"Baka may gusto lang sabihin sa'yo?" Ronan said.

"Yeah. Tara sabay-sabay na tayo." dagdag pa ni Hedi.

I shook my head. "No!-- I mean. We all know Mrs. Cruz, siguradong may ipapagawa iyon sa akin na importante. Kaya mas mabuting kayo na lang at sayang ang oras." I said.

"We can help you th---"

"No. I--I can do it myself." I said to Quinn who didn't continue on what she was saying.

"Joe has a point. Maybe nextime," North looked at me. "Baka sa susunod, kusa siyang sasama sa atin. Siya mismo mag-aaya." napaiwas ako ng tingin kay North pakiramdan ko ay nahalata nito ang pagdadahilan ko sa kanila.

"But---"

Umakbay na si North sa dalawang babaeng sina Hedi at Quinn. "Let's go. Baka mahuli pa tayo sa pupuntahan natin." sabi ni North at hinatak na papalabas ang dalawa, wala namang nagawa pa sina South at Ronan at sumunod sa kanila.

Pinagmasdan ko na lamang silang lumabas na magkakasama.

When I could no longer hear their footsteps, I hurried down the first floor to the Office Room. Maaliwalas na at tahimik na ang daan dahil iilan na lamang ang mga estudyante sa loob. Ang iilan naman ay natatanaw ko nang naglalakad papalabas sa campus ground.

Nang mahagip ng paningin ko ang isang lalaking papalapit ng papalapit sa'king harapan tila ba'y bumagal ang kaninang mabilis kong pagtakbo.

I notice his wide smile but why do I feel it is not true?

Umiwas na ako ng tingin ng tuluyan niyang mapansin ang mga titig ko at gaya ng inaasahan. Tila ba isa lamang kaming hangin, dinaanan ang isa't-isa ng walang kahit ano mang reaksyong maipipinta.

I immediately went inside the Officer room and looked for Mrs. Cruz--- our Physics teacher.

"Ms. Murillo! Halika dito, Hija." lumingon ako kay Mrs. Cruz na ngayo'y nag-aayos ng gamit ngayon sa kanyang desk.

"Pinapatawag niyo raw po ako, ma'am?"

"Oo. Iuutos ko sana ito sa'yo. Maari mo bang bitbitin ito sa laboratory room? May meeting kasi ang mga councils kaya wala akong mautusan at naalala kita. Umalis na rin kasi ang binatang inutusan ko kanina." ani Mrs. Cruz. Hinatak niya ang dalawang malalaking plastic, tambak ito ng mga previous projects namin sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na, hindi ko na kayang bitbitin ang mga ito. Tumatanda na." bahagyang natawa si Ma'am. "Sa'yo ko na ihahabilin ito ha."

I nodded. "Oo naman po! Kayang-kaya ko na po iyan."

"Masunurin talaga itong si Ms. Murillo. Hija, may nanliligaw na ba sa'yo?" I turned to Mr. Suarez who's now standing while sipping hot coffee in his mug.

"Tinatanong pa ba 'yan, Sir? Sinong hindi magkakagusto riyan sa batang iyan, naku mabait na matalino pa. Sayang nga't ikinasal na ang binatang anak ko." tatawa-tawang komento naman ni Mrs. Silvestre.

"Malay mo wala pa. May apo ako at halos magkasing-edad lang kayo. Pwede ka bang magpakilala sa kanya, Ms. Murillo?" pagsagot pa ni Mr. Suarez at tinawanan siya ng ibang guro sa loob.

Napakamot na lang ako ng leeg sa hiya.

"Ikaw talaga Suarez. Sige na, Murillo. Ilabas mo na ang mga iyan." utos ni Mrs. Cruz at sinenyasan na akong lumabas na. Yumuko na lang ako sa kanila at mabilis na lumabas sa office.

Napahinga ako ng malalim habang hawak ang dibdib ko. Jusko. Ang dami ko na ngang problema, hahanap pa ba ako ng lalaking dadagdag din sa mga pino-problema ko? No way!

Binuhat ko na papaakyat ang mga gamit na bitbit ng dalawa kong kamay. Gustuhin ko mang magpatulong sa mga estudyante pero sadyang malas ako ngayon dahil wala na akong napapansing estudyante sa hallway. Urgh. Ang bigat-bigat pa man din.

Luckily, it's only on the second floor of the building. When I arrived at the door of the room I searched for the key that ma'am had given me. Binuksan ko kaagad ang ilaw sa loob ng silid. Wala na akong lakas kaya sa huli ay hinila-hila ko na lang ang mga gamit papasok. Isinandal ko ang mga 'to sa isang may kataasang cabinet.

I decided to sit down for a while and rest, I removed a shoe on the left side and gently massage it. Kanina pa kasi kumikirot ito sa sakit, hindi naman masyado pero ramdam ko ang litid ng ugat kong kumikirot sa sakit.

I raised my head when I heard the sound of the door. I was shocked to see Elli coming inside with a few work sheets in his hands.

Wait. Didn't he leave already?

Mabilis kong isinuot ang paa ko sa sapatos ng mapansin kong sandali siyang napatitig sa paa ko. Muli siyang nagpatuloy sa paglakad at tinungo ang mahabang table sa dulo sabay ibinaba ang bitbit nito.

Nakatalikod ito ngayon habang inaayos ang nga paper works kaya naman malaya akong pagmasdan ito.

Two years after I last saw him. I honestly don't know why he disappeared like a bubble. I didn't even hear his 'goodbye' to me, he just left me hanging. Alone.

Wala sa sarili akong tumayo at dahan-dahang inihakbang ang paa ko patungo sa isang portrait na nakadisplay sa white wall.

"Did you know that scientists proven that elephants never forget? They remember whose their friends and enemy." I said. "They also remembered the places where they found foods and shelter. That is why they survived in a span of years." I added as I started to walk around inside.

"But elephants also remember the injuries, cruelty they faced. They also hold grudges against those who have hurt them," lumingon ako sa kanya at patuloy lang ito sa pag-aayos. "... And I was wondering, why do humans easily forget?" natanong ko na lang sa kawalan.

"My Lolo once told me the two reasons why people easily forget. The first reason was they not have influenced you in any way for them to have a special part in your head and heart. Second is that they just want to," I glanced at him again. "... So, saan ka sa dalawang dahilan?" I asked. I was pertaining to him kahit hindi man lang ako nito linilingunan. I want to annoy him baka hindi rin makapagpigil at kausapin ako nito ng maayos.

"Which of those two, Elli?" mahinang bulong ko.

He still doesn't move, I feel like he doesn't even pay attention on my presence here.

Napailing na lang ako.

Gising Joe. Hindi ka na nasanay na kakalimutan at kakalimutan ka rin ng mga tao sa paligid mo.

I gave him a half-glance before I step my feet out of the room. Ilang hakbang na lang ay makakalabas na ako pero napatigil ako sa hindi inaasahang pagbitaw ng salita nito.

"Do you want to know the answer?" I was stiffened when he suddenly talked. He's eyes met mine. Tila ba'y napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi makagalaw.

"The second reason." he said.

Tatlong salita lang, sa tatlong salitang iyon ay naintindihan ko na ang ibig sabihin nito. Hindi na kailangan ng mahaba-habang eksplenasyon dahil sa tatlong salitang iyon. It's already clear.

Tinapunan ko ito ng matatalim na titig kahit alam kong wala itong epekto sa walang emosyon nitong mga mata ngayon.

Sa huli, pinigilan ko na lang ang namumuong likido sa'king mga mata at tumalikod na sa kanya. Hindi na ako nagsalita pa dahil alam ko ikakasakit ko lang ito.

Hindi ko lang talaga matanggap na ganon-ganon na lang.

The fact that he was my very first true friend.

I was just at the door when I felt my phone suddenly vibrate.

Tiningnan ko ang mensahe na mula kay Mama.

Mama: Honey. Pasensya na hindi ako makakapunta ngayon, umiiyak pa kasi ang kapatid mo.

Lalo ko lang naramdaman ang pagbigat ng damdamin ko. Napatakbo na lang ako pababa at mag-isang tinungo ang lugar kung saan alam kong ito lang ang tanging lugar na makakatulong sa'kin upang gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko.

I threw the bag on the bleachers and looked at the vast area of ​​the track and field stadium. Sa paghinga ko ng malalim ay siya ring paggawad ko ng takbo.

I want to shout. I want to tell everyone that I am not happy! I want to cry but I am scared. Natatakot ako sa mga itatapon nilang tingin ng mga tao sa'kin... Dahil alam ko, sa oras na lumubog ang araw mag-isa pa rin ako.

Patuloy lang ako sa pagtakbo.  Binalewala ko ang paghingal ko at pagpawis ng aking katawan.

Its weird to say pero kapag tumatakbo ako nabibigyan ako ng lakas ng loob kahit pa ang mismong katawan ko ay bumibigay na. Nabubuhay ang pag-asa sa puso ko.

Hinihingal akong napatigil ng mapansin ko ang pamilyar na pigura na natatanaw ko ngayon sa kinatatayuan ko.

"Maia! Maia!" I called out her name. Maia then looked at me.

"Hintayin mo ako!" muli kong pagsigaw at mabilis na kinuha ang bag ko. Tumakbo ako sa kanya na ngayo'y naglalakad na papalapit sa campus gate.

"Yah!" sinalubong ko ito ng yakap, iritable naman niyang inilayo kaagad ang katawan ko sa kanya.

"Magpunas ka nga, amoy pawis ka." suhestiyon ni Maia at tinapunan ako ng hawak nitong panyo.

"Sus. 'Di mo lang ako matiis." sabi ko at nakangiti itong sinabayan papalabas ng campus.

"Bakit ngayon ka lang pala umuuwi?" I asked Maia again.

"May meeting kami." Maia immediately answered.

Napatango ako. "Oo nga pala, nakalimutan kong nasabi pala sa'kin ni Mrs. Cruz kanina."

"O, ikaw. Ano na naman ang nangyari at tumakbo ka na naman?" Maia asked.

"Wala. Na-stress lang ako kanina." I reasoned out.

"Ano bang bumabagabag pa sa utak ng dakilang si Phoebe Joe?" she said.

Hindi ko naman nagawa pang sumagot sa kanya. Ngumiti na lang ako.

"Wala na ang service mo, mag-jeep ka na lang." ani Maia at tinuro ang nakaparandang pampasaherong jeep sa kabilang daan.

I shook my head and quickly wrapped my arms around Maia's arm. "I don't want to go home, can I come with you. Pleaseeee."

"Ano?" Maia asked.

Inilagay ko naman ang daliri ko sapagitan ng kanyang kilay na nakuha na namang magsalubong. "Alam mo ikaw, kulang na lang bigyan kita ng salamin sa sobrang stress ng mukha mo. Ienjoy mo lang ang buhay mo, ang bata-bata pa natin." saad ko sa kanya.

"Lahat naman tayo nasi-stress sa problema." bulong nito.

I nodded. "Oo, pero dapat hindi mo hahayaang malunod ang sarili mo sa problema. Ilabas mo, tapos laban ka ulit, ganon lang naman ang buhay... Kung magpapatalo ka sa takbo ng laro ng buhay, ikaw lang din naman ang mahihirapan."

"I know pero paalala ko lang, malapit na ang midterm exam natin. Mag-aaral ako kaya mag-aral ka rin!" singhal niya at binatukan ako sa noo.

"Alam ko naman!" I shouted. Nanatiling nakapalupot ang braso ko sa kanya. "Alam mo ba si North? Advance na 'yon ngayon, review ng review at hindi inaalis ang libro sa kamay no'n!" pagk-kwento ko kay Maia.

Bahagya namang natawa si Maia.

"Hindi ka pa nga niya nadadaanan pero ako na ang nilalabanan! Binabalewala ba niya ang mahal kong kaibigan? Ang galing-galing kaya neto!" dagdag ko pa at ginulo ang buhok ni Maia.

Maia rank second in the school campus rankings. Siya ang sumunod sa pwesto ko. Hindi ko naman maitatangging may kagaling din na taglay ang babaeng ito lalo na sa utakan. She's also responsible that is why she was elected as Chairwoman of the Council. But because of its strictness and toughness, she often gets into fights.

Si Maia lang ang nag-iisang kaibigan na mayroon ako ngayon, personal ko na rin itong kilala kaya alam ko na ang mga pasikot-sikot na meron ang babaeng ito.

"Itetext ko si Mama, siguradong ipagluluto ka no'n ng pagkain." said Maia and grabbed her phone.

Matapos nitong magtext ay pumara na ako ng jeep, sumunod ako sa kanya papasok sa loob at nag-abot ng pamasahe sa driver.

I checked the time for a while and it was only 5:30 PM. It's okay to spend the night, no one waiting for me to come home tho.

May 20 minutes din siguro ang biniyahe namin makarating lang sa bahay nina Maia. Nauna pa ako sa kanya sa pagpasok at agad na nagmano kay Tita Dianne na nasa kusina.

"Kamusta ka na, Joe? Mabuti at nakadalaw ka rito?" ang sabi sa'kin ni Tita Dianne.

"Namiss ko na po kasi ang luto ninyo, wala pong sasarap sa caldereta niyo, Tita Dianne!" biro ko at tinulungan siya sa mga plato.

"Binobola mo naman ako, alam ko namang mas masarap ang luto ng Mama mo sa'kin." said Tita Dianne.

"Long time no see, Joe!" napalingon ako sa boses na narinig ko mula sa hagdanan. I saw Cenon smiling and waving at me, followed by Tito Chan short for 'Khristian'

Nagmano ako kay Tito Chan. "How are you, Joe?" tanong ni Tito.

Ngumiti ako. "Ayos naman po,"

Umakbay naman sa'kin si Cenon ang nakakatandang kapatid ni Maia. "Hey, Joe. Why it is so hard to see you these days? Hindi ka na bumibisita dito! Wala na tuloy ako kasamang maglaro ng RTA!" reklamo ni Cenon.

"Ginagaya mo naman sa tulad mo si Joe, kuya. Wala na siyang oras diyan." sumingit si Maia, nagmano rin ito kay Tita at Tito Chan.

"Maupo na kayo rito. Dito na Joe, kumain ka na." aya sa'kin ni Tito na nakaupo na ngayon sa mesa.

Umupo ako sa tabi ni Maia, kaharapan naman namin si Cenon at nasa gitnang mesa nakaupo si Tito.

"Ubusin mo iyan ha, Joe. Magpakabusog ka." nakangiting inabutan ako ni Tita Dianne ng caldereta.

I thanked Tita Dianne and smiled as I tasted her cooked dish. I looked up at them and saw that they were all looking at me with a smile on their faces.

Pinigilan ko ang umiinit na tubig sa'king mata at malawak na ngumiti sa kanila. "Masarap po." I said.

"Don't be hesitant to visit here, Joe. Our family is open to you. You can come anytime." Tito Chan said.

I nodded. "Yes, Tito. It's just that I've been a bit of busy lately."

"O' basta kapag hindi ka bumabalanse sa mga subjects mo, sabihan mo lang ako." dagdag pa ni Cenon, bigla nitong ipinakita ang muscles niya. "Math-tinik kaya ako! Ako ang solusyon sa lahat ng problema mo! HAHAHA---Ouch!"

Dumating si Cenon sa kanyang noo ng tapunan ni Maia ng isang kutsara ang kuya nito.

"Hoy kuya, bago ka magmayabang diyan, bawian mo muna ang singko mo sa History subject mo! Study properly will you?" may tono na ng inis ang boses ni Maia.

"Aish! Panira ka talaga! Tumanda ka sanang dalaga!" sigaw ni Cenon kay Maia.

Lalong napasarap ang pagkain namin ng tuluyang magbangayan ng walang tigil ang dalawang magkapatid.

"Joe. After the exam, come here more often, okay?" ang sabi ni Tita Dianne at inabutan ako ng mga prutas.

I nodded. "Opo. Babalik at babalik po talaga ako dito."

"O' sige na. Ihatid mo na itong si Joe sa labas, Maia. Pumasok ka kaagad dito ha." ang sabi naman ni Tita kay Maia.

We, then leave their house. Maia and I walked for a while and headed for a street where we could wait for a passing jeep.

"Salamat sa gabing ito, Maia. Salamat sa inyo." bulong ko habang iniikot ang tingin sa daan.

"Wala ka naman dapat ipag-pasalamat." ani Maia.

Umiling ako. "Sa kahit sandali lang, naranasan ko ulit ang may kasama sa hapagkainan."

Hindi na muling nakatugon pa si Maia ng mabilis akong sumakay sa jeep na tumigil sa aming harapan. Nakangiti akong kumaway sa kanyang gulat na mukha.

Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa harapan ng bahay. Sandali akong nag-angat ng tingin sa buong paligid ng bahay.

Tahimik. Walang sigla. Malungkot.

Kinuha ko kaagad ang telepono ko sa bulsa ng maramdaman ko ang pag-vibrate nito.

I received a message from Mom again.

Mama: Anak? Joe? Kumain ka na ba? Pasensya na talaga, ha. Nadala sa hospital ang kapatid mo. Hindi talaga ako makakadalaw ngayon.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong umiyak, humagulgol sa biglaang pagbigat ng damdamin ko. Pero hindi ko kaya, dahil sa oras na maging mahina ako. Ako lamang din ang mag-isang babagsak at masasaktan.

Nanginginig kong binuksan ang gate at pumasok na sa bahay... Nang mag-isa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro