simula: don't call me dark
Marami ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Mga tanong at mga posibleng sagot dito. Mga reklamo at mga pampakalma rito. Mga plano at mga pwedeng sumira rito. Tama nga 'yung sabi doon sa eklpanasyon sa mga taong katulad ko—I'm a walking contradiction. Lahat ng gawin ko, hindi sinasang-ayunan ng loob ko. Lahat ng hindi ko gawin, hindi rin ikinatutuwa ng aking kalahating sarili.
Para bang lahat ng gawin ko ay mali. Kahit nga ang pagsusulat ko ngayon ay tila pagtatraydor sa aking sarili. Oo. Pagtatraydor sa sarili. Naniniwala kasi ako—ay mali—pakiramdam ko kasi ay may dalawang katauhan sa loob ko. Parang si God lang ba, in speaking of Catholic faith, iisang form pero comes with three personalities—thank the odds ako dalawa lang. . . lang?
Sobrang hirap mamuhay ng ganito. Pakiramdam ko kasi ay kaya kong gawin ang lahat. Sinasabi ng utak ko ang lahat ng sagot sa tanong ng kabilang parte ng utak ko kaya iniisip ko na hindi ko na kailangan ng tulong ng iba. Ako lang, ayos na. Masasagot ko naman, magagawa ko naman—bakit ko pa hihingin ang atensyon ng iba?
Sa huli ay sinalungat din ito ng kabilang parte ng aking sarili.
Mahirap. Mahirap 'yung ganitong lahat napapansin ko. Lahat nakikita ko. Lahat big deal. 'Yung tipong kahit na simpleng naglalakad lang ako, bawat parte ng katawan ko ay buhay na buhay. Kung paano lumakad ang magkabila kong paa, kung paano gumalaw ang kamay ko sa magkabilang gilid, kung paano ko itaas ang aking ulo, kung saan dadapo ang aking mata—lahat bantay sarado ng isip ko.
Self-conscious daw ang tawag doon pero itong sa akin, mukhang sumobra na ata. Hindi ko alam kung sakit ba ito o masyado lang talaga akong nagbibigay ng atensyon sa aking literal na buong paligid. Either way, I consider it as a disease that might be my cause of death. It might sound too depressing but I'm actually just stating the possibility as an average person like me is not capable of handling it well. Ang iba ay maaaring sabihing regalo ito mula sa nakatatas ngunit isa itong sumpa sa akin.
I strive so hard to be normal. The other side of me constatly reminding me about how i'm being too considerate with others' feelings. Masyado kasi akong "nakikisama". Hindi ako marunong humindi o magsabi ng negative so the other side of me is the one who's doing the honor. Siguro matatawag ko siya bilang si Dark. Si Dark 'yung taong literal na nag-uumapaw ng kadiliman. It's silly but just by recognizing him now makes me taste something bitter on my tongue—she hates being called like that as her insecurity is fragile as a floating bubble in the thin air.
Madalas ko mang isumpa ang aking isipan, there are still times that it become very useful. Madalas akong makipagkwentuhan sa kaniya lalo na't kapag nasa loob ako ng CR at naliligo. Paminsan din ay siya ang katulong ko sa pagtatago ng mga writing ideas o biglaang poetic line na sumusulpot sa aking ulo. Whenever I feel insecure, palagi ko siyang maaalala na hindi na dapat ako nagkukumpara ng sarili ko dahil ayokong magaya sa kaniya. Basta, whenever I have the moment to bury myself on a negative thought, the other side of my brain would pop in my mind and would serve as a model I don't want to be like. So I'll unconsciously stop thinking and instead, start opposing the thought—the walking contradiction side, hello!
People might now consider me as a weird person, and it wouldn't be so easy for Dark, but I'll have to save me, as a whole. Siguro kaya ko ito isinusulat ngayon ay para linawin sa isip ko na thoughts are just thoughts unless acted upon with. Gaano man kapait ang aking kalooban, basta't hindi ko ito inilabas sa kulungan, hindi ito parte ng aking pagkatao. Dark will remain as the darkest of my thoughts—she's not me. She's the something that would make me want to think that she and I are one being—and clearly, we're not.
I'm striving to be a good and positive person, she does not. I might be sometimes letting her consume me but that is only for the night time. Let the sun rise and her time would be over and I will live my life. Afterall, this is my life and. . . and I will fight for it.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro