gitna: i have patterns too
Kung babasahin mo ang utak ko, baka mahilo ka lang sa dami ng salitang "regret". Marami akong sinayang—sabi ni Dark. Pakiramdam ko naman ay ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko. Hindi ko lang ito nararamdaman dahil nakikita ko ito sa araw-araw na pamumuhay ko. Palagi akong nagrerecite sa klase na paminsan ay ayaw na akong tawagin ng teacher ko. Palagi akong gumagawa ng gawaing bahay with a motto in my mind na "kapag hindi ko 'to ginawa ngayon, hindi ko na 'to magagawa kahit kailan." Siguro dito makikita 'yung stubborness and recklessness ko.
Isa rin 'yun sa pinunupuna ni Dark. Masyado raw akong sige nang sige. It made her cringe to death. Everything I do, it made her cringe. Kahit na 'yung simpleng pagsagot sa klase o sa pakikipag-usap sa mga kaibigan ko virtually, kinagabihan ay lalabas siya at hindi siya papayag na siya lang ang mamamatay sa cringe. Idadamay niya ako. I barely survived the night.
Lugi nga kasi shet, nasa loob ko siya so imposibleng hindi ko maramdaman ang mga nararamdaman niya. Imposibleng hindi ko maisip ang mga iniisip niya. Still, that doesn't mean that we're united ah. Thoughts are just thoughts unless acted upon with, remember.
Siya rin 'yung sisisihin ko sa aspetong pagkakaroon ko ng inconsistent behavior kasi tangina, palagi nalang niya sinisira 'yun. Hindi niya matanggap na tao ako at mayroon akong mga mannerisms. Ayaw niyang tanggapin kaya bawat segundo ay kinukulit niya ako para pigilan o pwersahang tanggalin ito sa aking sistema. Kahit nga ang pagkakaroon ko ng daily routine, siya rin ang sumisira. Ayaw niya sa patterns kasi lahat ng nakikitaan niya ng patterns is something as lower than her. Kasi kapag may pattern, napag-aaralan; at lahat ng napag-aaralan ay one step behind sa kaniya.
I, on the other side, love patterns. Kahit saan kasi ako tumingin ay may pattern: sa daily routine, sa pagsusulat, sa kilos at galaw ng tao, sa daloy ng panahon, sa pag-iisip ng bawat indibidwal, at pati na rin sa mga susunod nilang hakbang sa buhay. Nasa alapaap ang utak ko sa tuwing pinag-aaralan ko ang mga ito. Siguro nga sa puntong ito ay sasang-ayon ako kay Dark. Parang ang wirdo kasi na kahit ako ay may pattern din? Ako na pinag-aaralan sila? Ako na one step ahead of every situation ay kagaya lang din pala nila? Parang mahirap atang tanggapin.
Sa oras na mapansin ni Dark na sumasang-ayon ako sa kaniya, nag-iba siya ng paniniwala. She'll start contradicting me. Tao lang daw ako kaya bakit ang taas taas ng tingin ko sa sarili ko. Napakayabang ko raw. . . at marami pang ibang matutulis na salita. Nakakatuwa. Ang tapang ko pala dahil gabi pa ako nagpasyang buksan ang usaping ito. Ang oras kung kailan gising na gising siya.
Pag-aaral ng Psychology sa college ang naging sagot ko rito. First year highschool ako nang una kong sabihin sa sarili kong gusto kong kunin ito sa kolehiyo. Noon ay wala pa akong rason. Sinabi ko lang ito para kapag may magtatanong ay may maisasagot ako. Kalaunan ay minahal ko rin ito. Sa ngayon ay ito nalang ang tangi kong pag-asa upang maintindihan ang pattern pagdating sa utak ng tao. . . at ng sarili ko. Sana matagpuan ko ang kalinawang hinahanap ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro