CK - Nice Jammies!
Kassie Mariam Bolivar
Nanginig ang mga tuhod kong lumabas mula sa opisina. Hindi ko lang alam kung mula sa halik ni sir o mula sa mga binitawan niyang salita.
"Kass, okay ka lang? hindi ka napagalitan?" biglang tinanong ako ni Tom.
Umiling ako, "may mali lang sa ginawa kong reports..."
"Ah ganon ba," tango nito. Nang tingnan ko ulit si Tom ay masyadong cheerful ang mood nito.
"May nangyari ba kagabi na hindi ko alam?" patay malisyang tanong ko.
Lumapad ang ngiti niya, "Kass, ang sasama niyo. Hindi kayo sumipot sa usapan."
"Sorry," mahina kong sagot, "pero not sorry kasi maganda ang aura mo ngayon. Anong nangyari sa inyo ni Harper kagabi?"
He winked at me and squeezed my cheek, "kami na."
"Wow! Congratulations!!!!!" biglang napalakas ang boses ko. Sa sobrang galak sa kaniyang balita ay napayakap ako sa kaniya at bumulong ng, "ingatan mo ang beshie ko Tom kung ayaw mong mawawala ang family jewels mo."
"Uy nag propose na ba si Tom?" nakakalokong tanong ni Fatima nang makita kaming magkayakap.
Kumalas kami sa isa't-isa at malapad ang mga ngitinging ibinigay kay Fatima, "Actually, sinagot ako ng best friend ni Kassie kagabi."
"Ano? Yung best friend niya ang nililigawan mo?" biglang humirit si Lory.
"Yup!" he winked at us.
"Akala namin si Kassie ang nililigawan mo," tawa ni Lory, "pero wais ka ha – una mong niligawan ang mga kaibigan bago ang target."
"Uy Kass, sayo nalang si dragon king," mahinang pahayag ni Fatima, "na feel ng aking kaibuturan na magiging kayo sa future."
"Nawa mangyari," sang ayon ni Lory.
"Amen," tango ni Tom.
"Ewan ko sa inyo," natatawang bulas ko, "magtrabaho na nga tayo."
Pero deep inside me, bumalik yung feeling ko noong teenager ako na kinikilig kapag naiisip si sir Raffy. At parang nag jelly yung mga tuhod ko kapag naalala ko ang mainit na sandaling ginawa namin sa opisina niya kaninang umaga.
Wala masyadong nangyari sa buong araw. Wala rin naman akong commitment sa mga kaibigan ko kaya nagdesisyon akong dumiretso sa bahay at mag binge watch ng mga movies. Mabuti na lang talaga at hindi kami nagkita ni sir Raffy pagkatapos ng insidente kasi hindi ko alam kung pano ako magre-react sa kaniya.
Dahil Thursday ngayon ay wala si mama at papa kasi may meeting sa Rotary. Kaya I enjoyed the solitude of being alone in the house. Lumipas ang ilang oras at napagod ako sa panonood at nagdesisyong matulog na. I wore my loose tank top na hello kitty design at ang terno nitong panty at medyas. Tumalon ako sa kama at tiningnan ang mga hello kitties sa kwarto ko bago ako napaidlip.
Nagising ako nang may marinig na tunog sa aking bintana. I jerked from my bed and went to the window ang gasped in surprise nang makitang umakyat si sir Raffy.
"Anong ginagawa mo?" gusto kong sumigaw pero bulong lang ang lumabas sa bibig ko. Gusto kong tumawa kasi nag ala Romeo at Juliet kaming dalawa at nakikita kong nahihirapan talaga siyang umakyat papunta sa kwarto ko.
Nang makapasok siya sa loob ay napa "hoo ang hirap" siya bago niya ako niyakap. Kumalas ako sa kaniya at dali-daling ni-lock ang pinto.
"Paano kung makita ka ni mama at papa?" bulong ko, "anong nakain mo sir?"
Nakangisi siyang hinagod ang paningin sa kabuoan ko, "Nice jammies..."
Dahil sa pagkataranta ay hindi ko namalayan ang suot ko. Napatungo ako at nagulat sa hitsura ko – nakalabas ang aking isang boob. Shit. Tinakbo ko ang aking kama at halos magtago sa ilalim ng kumot sa hiya.
"Usog ka ng konti," natatawa niyang utos.
Inirapan ko siya pero ginawa ko rin naman ang gusto niya. Tumabi siya sa akin at bumulong ng, "I miss you Kassie."
Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Namiss niya ako kasi once lang kami nagkita ngayong araw na 'to? O na miss niya ang presensya ko sa loob ng maraming taon?
Huwag assuming girl, saway ko sa sarili ko.
Tumagilid ako at humarap sa kaniya, "Bakit ka ba pumunta rito? Pano kung makita ka nina mama at papa?"
He smirked, "Nakita ko silang dumating at pumasok sa kwarto nila Kass..."
"Ang tanda-tanda mo na at para kang teenager kung maka asta," inis na sabi ko sa kaniya. Naiinis nga ako pero may halong kilig naman. I mean, walang gumawa sa akin ng ganito ever since I hit puberty. At yung thrill na baka malaman nila mama at papa na may boylet ako sa kwarto ay nakakadagdag ng kilig na ewan ko ba.
Tinandayan niya ako at nilalaro ng mukha niyang may balbas ang pisngi ko. Nakikiliti ako kaya itinulak ko siya ng konti at lalo namang hinigpitan niya ang pagkayakap sa akin.
"Kass..." bulong niya.
"Ano?" inirapan ko siya.
"Mwah," sabay pout ng lips niya.
Umismid ako kasi alam ko ang gusto niya at ito'y mahalikan niya ako. Itinaas ko ang isang kamay ko at pinaglaro laro sa balbas niya. He'd been sporting this lumber jack looks since I remember at hindi ko siya ma imagine na mag shave or anuman.
Naramdaman ko ang isang kamay niya ay pumasok sa sando ko at dahan-dahang humaplos sa aking tiyan.
"Ahhh so andito pa rin pala ang belly button piercing mo," bulong niya sabay hila ng konti sa hikaw ko sa pusod.
Napaungol ako at napapikit sa sensasyong hatid ng mainit niyang palad. "Ano ba kuya...ah, sir..."
"You can call me Raffy you know," nakangiting sabi niya.
"Sir Raffy," giit ko, "ano ba 'tong ginagawa natin?"
I groaned when I saw him bit his lip. At nang marinig niya ang ungol ko ay niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa mga labi. Akala ko hot and wild gaya ng ginawa namin noon pero ang halik na ibinigay niya ay light at feathery.
"Your lips are so sweet," bulong niya habang binibigyan ako ng butterfly kisses.
"Ikaw rin," pag amin ko.
He looked at me and smiled and kissed the tips of my nose. "Fuck, you're so beautiful... alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin sayo?"
"Ano?" excited na bulong ko.
"Una –"
"Kassie! Bakit naka lock 'tong pinto mo?" sigaw ni mama Carol.
Para kaming binuhusan ni sir ng malamig na tubig at naitulak ko siya ng malakas. Gusto kong tumawa kasi para siyang batang tumakbo sa bintana tapos tumakbo ulit sa bandang banyo tapos tumakbo sa aparador.
"Kassie," medyo naiinis na si mama.
"Teka lang ho mama," sigaw ko. Nilingon ko si sir na parang batang natataranta, "ano ba yang ginagawa mo?"
"Magtatago," bulong niya.
"Under my bed," mahina kong sagot. At muntik na akong mapahalakhak ng mag dive siya sa ilalim ng kama.
Binuksan ko ang pinto at nagkunwari na puyat at nakatulog na. "Bakit po mama?"
"Kassie Mariam, bakit naka lock 'tong pinto mo?" naiinis na tanong ni mama, "diba ang rule natin sa bahay ay bawal mag lock ng mga kwarto para in case of emergency mapuntahan agad."
"Nakalimutan ko po mama," mahinang sagot ko. Bumalik ako ng higa sa kama at kinumutan ang aking sarili.
Umupo si mama sa swivel chair na katabi ng aking kama at tiningnan ako ng maigi. "May hindi ka nasabi sa akin Kassie Mariam."
Kinabahan ako bigla. Baka naman nahalata niya na may lalaki sa kwarto ko. Shit, lumitaw ba ang paa ni sir Raffy? My God , hindi ko alam kung pano ako babawi nito.
"Mama?"
"Naghiwalay na pala kayo ni Bonjo?" prankang tanong niya.
Yumuko ako at tumango, "Sorry po at hindi ko nasabi agad sayo."
"Bakit? Anong problema niyong dalawa?" medyo naiirita niyang tanong, "baka naman pinahihirapan mo yung tao Kassie. Isang taong higit na kayo magka relasyon. I was expecting na marriage proposal na ang i-offer niya sayo by this time. I'm really disappointed with you."
Hindi ako tumingala. Yung dibdib ko parang sasabog sa sakit ng mga binitiwan niyang salita. Gusto kong umiyak, gusto kong magwala at sumigaw na 'tama na mama! Sawang sawa na ako sa mga gusto niyo. Paano ang gusto ko?'
"Well, I think it's time na maghahanap na naman ako ng partner mo," buntong hininga niya, "don't tell me na katulad ka ng ate mong may lingering feelings sa ibang lalaki?"
"Ho?" biglang napatingin ako sa kaniya. Ang aking dibdib ay sumisikip sa kirot.
"I don't want you to be like her. Nakakahiya yung ginawa niya. Kung nakinig lang siya sa mga sinabi ko noon," umiling-iling pa si mama, "but she's dead in my eyes now. Kaya ikaw nalang Kassie Mariam ang aking unica hija that's why I will do my best to be a good mother to you."
What the hell was she talking about?
"Natandaan mo bang habilin ko sayo pagkatapos mangyari yung pagpapahiya ni Kristine sa pamilyang Bolivar at Sanchez?" taas kilayng tanong niya.
"Opo mama," bulong ko.
"Sabihin mo sa akin kung ano iyon Kassie," utos niya.
"Huwag makipag relasyon sa isang Sanchez," nahihiyang sagot ko.
"Good," she smiled and squeezed my cheek gently, "you're the best daughter that I ever had. Kaya ikaw ang paborito ko eh."
"Salamat po mama," bulong ko at humiga ako ulit.
"Good night," sabi niya bago siya umalis ng kwarto.
Napatingin ako sa isa sa mga Hello Kitty posters ko at pilit na kinakalma ang aking sarili. Muntik na akong mapalundag at mapasigaw nang lumuhod si sir Raffy sa tabi ko. Shit, I forgot about him.
"What's with your promise about the Sanchez men Kassie?" seryosong tanong niya.
Nahihiya man ay pilit akong ngumiti, "Pwede ako magka boyfriend ng kahit kanino basta huwag lang ang galing sa angkan niyo."
Medyo natameme si sir sa sinabi ko at pilit niyang i-sink in ang impormasyon. He simply asked, "Why?"
Umupo ako at isinandal ang aking likod sa headboard. I tapped the space beside me and motioned him to sit on the bed. I grabbed his arm and looked at his fingers while answering him, "Alam niyang may crush ako sayo when since I was 12 at she even encourage my feelings para sayo. Pero nung nangyari ang kay kuya Errol at ate Kristine, biglang nagbago si mama. As in 360 degrees shift yung mga views niya in terms sa romantic relationship ko."
"Why is she somehow blaming you?" nakakunot-noong tanong niya, "alam ba niya na hindi santo si Errol? I mean, Errol bullied Kristine and Kent when they were in high school."
"Hindi ba overrated masyado ang word na 'bully'?" biglang natanong ko. Yun kasi ang palaging reklamo ni ate noon kaya hindi namin siya pinapansin.
"When I say Errol bullied Kristine and Kent, I mean it," seryosong pahayag niya, "mabait na bata si Kristine and I know my younger brother so well. Naintindihan ko bakit ganoon ang paghihiganti ni Kristine..."
"Pero napahiya ang pamilya," inis na sagot ko, "dalawang angkan ang ipinahiya niya sa simbahan."
"The question is, did anyone of you – of us know that Kristine was suffering inside?" tanong niya.
Natameme ako. Hindi ko alam ang sagot.
"See?" he had the gall to smirk at me.
Inirapan ko siya pero hinila niya ako at niyakap ng mahigpit, "When Errol told us about what really happened, the Sanchez understood why Kristine did it kahit na masakit. That's why we were the ones to extend our hands to the Bolivars in peace offering. Kasi nagmula sa amin ang pagkakasala..."
Napakagat-labi ako sa mga sinabi niya. I was not a good sister to ate Kristine at all. Akala ko naman talaga part lang nang pagiging OA niya ay ang tungkol kay Errol na issues.
"Ang tungkol sa ating dalawa ay ibang issue Kassie," bulong niya, "And I want na – "
"Kassie, iha?" biglang kumatok si papa.
Namilog ang mga mata ni sir at dali-daling bumalik sa ilalim ng kama. Naglagay ako ng kumot sa aking katawan bago sumigaw ng, "pasok po papa."
"Kassie, nag-usap na kayo ng mama mo?" tanong niya.
"Opo," mahinang sagot ko.
"Mabuti naman," tango niya, "pagpasensyahan mo na ang mama mo iha."
"Palagi naman iyan papa," hindi ko maiwasang sumagot.
Ngumiti siya at tumingin sa paligid ng aking kwarto. Lumakad siya sa may bintana at kinabahan ako ng sobra.
"Baka lamigin ka iha," sabi niya habang isinara ang bintana.
"Good night po papa," sabi ko bago humiga ulit sa kama.
He walked towards me and kissed my forehead, "Good night anak."
Akala ko lalabas siya na siya ngunit may inilapag siya sa study table ko. Tumingin ako sa kaniya na nagtatanong ang mga mata.
"Anak, sabihan mo ang bisita mo na huwag niyang iwan ang susi niya sa motor niya," paliwanag ni papa.
Yung puso ko parang nahulog sa sahig at yung utak ko parang lumipad papuntang langit sa shock.
"At sabihan mo siya na ihahatid mo siya sa front door bandang alas dos ng umaga kasi siguradong tulog na ang mama mo niyan," suhestyon niya, "huwag nang lalabas sa bintana baka kung mapano."
Natameme lang ako at feeling ko narinig ko si sir Raffy na naputol ang paghinga.
"At Kassie?"
"Pa?"
"Sabihan mo si Raffy na kung bibisita siya ay siguraduhin niyang walang pangalan yung motor niya or keychain niya ha kung balak niyang magtago. Sa susunod rin ay ibibigay ko ang schedule ng outings namin ng mama mo para mapa-aga ang pagbisita niya rito. Ayokong ala Romeo at Juliet kayong dalawa sa pamamahay ko. At I'll contact him siguro bukas para sa schedule ng biking. Antagal na rin palang hindi kami nag rides," nakangiting balita ni papa bago lumabas.
I rolled off my bed at pumasok sa ilalim ng kama. Nagkatinginan kami kahit meydo madilim. Then we laughed softly.
"Loko ka, hindi ka pwedeng maging criminal," natatawa pa ring sabi ko, "nag-iiwan ka ng ebidensya."
"I got busted," he bit his lips, "fuck, akala ko katapusan ko na."
I grabbed his face and kissed him on the lips, "my God sir, I'm already 26 and you're 33! Para tayong mga teenagers kung maka asta..."
He kissed me back and chuckled, "next time ibang adventure naman..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro