CK 8 - Explosive emotions
Kassie Mariam Bolivar
Hindi ako pumasok nang tatlong araw at andon lang ako sa kwarto ko nagmumukmok. Hindi ako kinakausap ni mama at si papa ay nag-aalala na. Tawag ng tawag si Raffa pero hindi ko sinasagot. Pati sina Harper at Skye ay nakikibalita pero hindi ko rin sila pinapansin.
I wanted the three days for myself. Ganito ba ang nadarama ni ate noon? Everytime na nagkokomento si mama tungkol kay Kent ay tahimik lang si ate kahit namumutla sa galit. Pumapasok siya kwarto pagkatapos at hindi na lumalabas. Minsan nasilipan ko siya na nakahiga sa kama at nakatunganga habang nakikinig ng music. May mga times na tinatawag niya ang pangalan ng nobyo pero akala ko na normal lang ang mga ganoong pangyayari.
Bakit nakaligtaan kong kamustahin siya after how many years? Bakit hindi ko siya tinanong kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila? Bakit...
Tumakbo ako sa kwarto ni ate at binuksan ang drawers niya. Kinuha ko lahat ng diaries niya mula pagkabata at binasa ito sa loob ng tatlong araw. At doon ko na realize na nagkamali ako bilang isang nag-iisang kapatid. I wasn't there for her when her heart was broken. I was one who bad mouthed Kent in her face. Sinuportahan ko si mama Carol na ipilit niya ang sarili niya sa presenya ni kuya Errol.
When she suffered from depression, nobody from her family helped her. And guilty ako masyado kasi akala ko kilala ko ang kapatid ko pero hindi pala...
Sabi ni Raffa na iba ang issue naming dalawa sa issue nina Kent & ate. Pero somehow pareho eh pero in a different level. Noon, si mama ang pro-Bolivar at Sanchez merging through ate and kuya Errol. Ngayon naman ay anti-merging naman siya.
Kaya sa ika fourth day ay nagdesisyon muna ako ng mag lie-low sa aming relasyon ni Raffa. Pumasok ako at although nagtataka man ang mga katrabaho ko ay itinago ko sa kanila ang totoo at pilit na maging bubbly sa kanilang harapan.
"Kassie," mahinang tawag ni Raffa sa akin ng pumasok ako sa office niya na dala ang limang files.
"Sir good afternoon ho," bati ko in a serious tone.
"So, balik tayo sa sir?" mahina niyang tanong, "bakit ayaw mong sabihin sa akin ang nangyari nang ihatid kita? Bakit hindi mo sinagot ang mga tawag ko? May kasalanan ba ako?"
Tumawa ako ng mapakla, "sir nasa trabaho po tayo. Anyway, ibibigay ko po yung files na naconsolidate ko sa lahat ng bakeries sa Sunrise at Paradise."
Inilapag ko ang mga folders at dali-daling lumabas. Pabalik sana ako sa cubicle nang lumabas si sir at malakas na sinabing, "Kassie Mariam Bolivar, ano ba ang naging kasalanan ko at hindi mo ako kinakausap?"
Feeling ko nahiya ako sa inasal ni Raffa. First time ko siyang nakitang tuliro to the point na naging unprofessional na siya. Pagkatapos ng hiya ay nagalit ako sa kaniya, "nasa trabaho tayo Raffa Emerald Sanchez!"
Tumahimik ang office at ramdam ko ang mga pinipigilang hininga nila. Nag-aaway ang aming mga mata at napahilamos siya sa mukha niya.
"Fuck, I've been trying to understand the situation," he raked his fingers on his curly hair, "matagal nang tapos ang nangyari. This is not about Errol and Kristine. This is not about the Bolivars and the Sanchezes. This is about you and me."
"I can't hurt mama like this," bulong ko.
"Hindi naman kita pinapipili between me and your family for fuck's sake," sigaw niya, "I just want us to have a chance..."
"And then what?" sigaw ko rin, "pano kung hindi maging successful? Papaano si mama?"
"Stop hiding under your mother's skirt Kassie Mariam," galit na pahayag niya, "grow up and make up your own fucking mind!"
Lumapit ako sa kaniya at sinampal siya ng napakalakas. Ang mga luha ay tumutulo na talaga sa aking mga mata at blurry na ang paningin. Nahihirapan akong huminga dahil sa galit pero nakuha ko pang sagutin siya, "Let's end this before we begin this fucking thing!"
Nag walk out ako at hindi bumalik sa trabaho. Nag standby lang ako sa kainan namin at hinintay na ihatid nina Tom, Lory at Fatima yung gamit ko. We ate lunch together. Grateful ako kasi hindi nila ako tinanong regarding sa fiasco sa office.
I decided na bumalik sa trabaho kasi ayoko rin namang tumakbo mula sa responsibilities ko dahil sa personal problems. Kahit masakit, kahit nakakahiya ay pipilitin kong maging professional. Pagpasok ko ng building ay nakatagpo ko si Raffa kasama ni Arian.
Alam kong natakot yung mga kasama ko sa kung ano ang posibleng mangyari. Tiningnan ko ang lalaki at tumango, "Good afternoon sir."
Tumango rin siya, "Afternoon." At umalis kasama ni Arian papunta sa isang meeting.
Tinapos ko ang trabaho bago ako nag out. Since tatlong araw akong absent at nag walk out pa ng half-day kaya nagtambak-tambak na ang trabaho ko. I worked until past seven in the evening at nakalimutan kong maghapunan. Ipagpapatuloy ko sana ang aking trabaho ngunit kumalam na talaga ang sikmura ko.
I decided to end everything and go home. Paalis na sana ako nang marinig ko ang, "Ihahatid na kita Kassie."
Andito pa pala si Raffa?
"Huwag na po sir..." pinilit kong kontrolin ang aking sarili.
"Kassie..."
Sa totoo lang, gusto kong tumakbo at yakapin siya ng mahigpit. Pero nalilito talaga ako sa mga naramdaman ko kaya umatras ako at halos patakbong lumabas sa building.
May itim na motorbike na nakahinto sa harapan ng building. Kinuha ng rider ang helmet nito at sumigaw, "Kassie, halika sakay na."
"Ate Kristine!" nagulat kong sabi, "bakit andito ka?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro