CK 4 - Can't Help It
Kassie Mariam Bolivar
"Huwag umuwi ng dis oras Kassie," paalala ni mama Carol sa akin ng makita niya akong bumaba mula sa hagdanan, "at sabihan mo si Bonjo na bumisita siya rito kapag may time siya."
"Opo mama," sagot ko habang nagsusuot ako ng 4 inches na heels. Nasa 6'1 kasi si kuya Raffy at ako ay 5'3 lang so feeling ko nakakatulong itong heels para hindi masyadong klaro ang height gap.
"May susi ka naman diba?" tanong ulit ni mama.
"Darling, almost 27 na 'yang anak natin," pahayag ni papa habang nag su-surf ng TV channel, "sa edad niyang iyan ay dapat mag enjoy siya."
"May sinabi ba akong bawal siya mag enjoy, darling?" inis na tanong ni mama.
Nang marinig ko ang busina ng sasakyan ay halos tumakbo ako palabas. Nang makapasok ako sa loob ay dali-dali kong utos, "Skye bilisan mo baka makita ni mama na hindi kay Bonjo 'tong sasakyan."
Ipinaharurot naman ni Skye ang kotse hanggang makalabas kami sa subdivision.
"Hello to you too Beshie," nakangiting bati ni Skye habang nakatingin sa rearview mirror.
"Hi," nahihiyang paumanhin ko, "Hi Marion..."
Tumawa lang ang lalaki at nilingon ako mula sa front seat, "sino ba ang ka date mo ngayon at para kang teenager?"
"Si kuya Raffy," simpleng sagot ko.
"Oh My God!" napa preno si Skye sa shock.
"Skye!!!" sigaw ni Marion.
"Sorry, sorry," pinatakbo niya ulit ang sasakyan at dahan-dahang nagmaneho. Tiningan niya ako sa rearview mirror, "kayo na ng ultimate crush mo?"
"Sino 'yan?" curios na tanong ni Marion. Hindi na naabutan ng lalaki yung pagkahibang ko kay kuya Raffy since 2 years pa lang sila ni Skye.
"Si Raffa Emerald Sanchez," Skye supplied, "ang ultimate crush ni Beshie since she was 12 years old. He's 7 years older kaya hindi pinapansin ang bombshell kong kaibigan. She tried everything to gain his attention pati nagpa piercing sa iba't-ibang bahagi ng katawan pero no epek..."
"Salamat beshie sa pagpapaalala," muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya.
"Wow! Piercings?" manghang tanong ni Marion, "never expected you to experience that...how about tattoo?"
"Actually..." tinig ni Skye.
"Oops, andito na pala tayo," biglang hirit ko, "pasensya na talaga at nakisuyo ako sa inyong dalawa ha. Hindi kasi expected 'to..."
"May utang kang chika sa amin," maktol niya habang pinanood niya akong lumabas, "sa akin lang pala...huwag mo nang intindihin si Harper."
Tumawa ako habang nagpaalam sa kanila. Pumasok ako sa gate ng university at nakitang naka abang na pala si sir roon at nakatingin palagi sa cellphone nito.
"Am I late?" nakangiting tanong ko.
Nakita ko siyang nagulat nang tumingin sa akin. Actually narinig ko talaga na para siyang naputulan ng hininga nang hagurin niya ang kabuoan ko.
"Mali po ba ang suot ko sir?" conscious kong tanong.
"Hmmm..." inilahad niya ang kamay niya at kinuha ko naman ito.
Nalilito ako kung ang 'hmm...' niya ay pagsang-ayon na hindi akma sa okasyon ang suot ko o presentable ang hitsura ko.
Umupo kami sa may gilid at nanood sa program. Boring ang speeches, boring ang presentation pero nakapangako ako kay sir Raffy na sasamahan ko siya. Kung hindi ako nakapayag kanina – well, hindi naman talaga ako pumayag kaso ginamit niya ang kahinaan ko – baka nasa bahay lang ako at nanood ng Asian dramas sa internet.
I saw him mingling with other people at kinakausap ko rin naman iyong ibang kakilala ko. I went to the comfort room to freshen up at nang makalabas ako ay nakita ko ang taong hindi ko inaasahang makita ngayong gabi.
Si Bonjo.
Hind ko alam kung anong ispirito ang sumapi sa akin at pinuntahan ko siya. Tinapik ko ang kamay niya at napadilat siya ng makita ako.
"Pwede ba tayong mag-usap?" mahinang tanong ko.
Tumango siya at lumakad kami palayo sa party. Doon kami naka upo sa isang bench under an acacia tree.
"Bonj, nangungumusta pala si mama Carol sayo," tikhim ko.
His brows raised, "hindi pa niya alam na wala na tayo?"
Umiling ako, "hindi ko alam kung paano sasabihin..."
He sighed, "Just tell her the truth Kassie."
Takot ako sa thought na magagalit si mama sa balita. Tumingin ako sa kaniya na namumuo ang mga luha sa aking mga mata, "how about magkabalikan ulit tayo Bonj?"
Napatiim-bagang siya at napa 'tsk' at napabuntong-hininga. He glanced at the skies, as if appreciating the stars, before he replied, "bakit gusto mong makipagbalikan Kassie?"
"Ano kasi..." paano ko sasabihin sa kaniya na ang emotions ni mama ang nakasalalay rito? "I miss you...?"
"Do you?" tiningnan niya ako sa gilid ng kaniyang mga mata.
Bonjo was fair in skin tone at sa gabing iyon feeling ko mas namutla siya – hindi ko nga lang alam kung sa galit o sa possibility na magkabalikan kami. In fairness naman talaga sa kaniya, mabait siyang lalaki, may pagka workaholic, medyo stoic ang dating, at practical.
"Na miss ko yung pinagsamahan natin," napakagat-labi ako.
Tumawa siya ng mapakla, "Kassie, you were busy in your job and I was busy with mine. Parang once a month nga lang tayo nagkikita. Madalang pa tayo sa texts or calls. It was as if we were never in a relationship at all. We were not even friends..."
Parang sa takbo ng aming pag-uusap ay zero chance talagang magkabalikan kami. Natakot ako bigla kasi hindi ako handa sa magiging reaksyon ni mama. Kahit na sinabi ni papa sa akin na siya ang bahala kay mama ay iba pa rin eh.
Napahawak ako sa tuxedo sleeves niya, "Please Bonjo let's get back together..."
He cupped my face in his hands and looked at me seriously, "gusto mo ba ito Kassie kasi feeling mo may patutunguhan ang relasyon natin? O gusto mong magkabalikan tayo kasi takot ka sa mama mo?"
Tumulo ang mga luha ko sa tanong niya kasi hindi ko alam ang sagot. I sniffed, "hindi ko alam..."
Biglang nahiya ako sa kaniya, nahiya ako sa sarili ko , nahiya ako sa sitwasyong kinabibilinganan naming dalawa.
He smiled and kissed me on my forehead gently, "Alam mo Kassie, walang problema sa akin kahit walang sex sa relasyon natin noon eh. Noong niligawan kita, I looked forward for a bright future together. Pero lumipas ang isang taon na estranghero pa rin tayo sa isa't-isa."
"Kasalanan ko ba?" naluluhang tanong ko.
He wiped away my tears with his thumbs and gently replied, "it takes two to tango you know. Kasalanan nating dalawa kung bakit hindi tayo nag effort na pagbigyan ang relasyon natin. I mean wala tayong quality time sa isa't-isa, wala tayong open communication. Parang yung being taken natin ay shield natin para protektahan na tin ang ating mga sarili."
Hindi ko alam kung bakit napayakap ako sa kaniya ng mahigpit, "I'm sorry Bonjo ha... I'm sorry kasi sana nagamit mo yung isang taon para makahanap ka ng right partner for you."
Tumawa ang lalaki, "At least alam natin ang hahanapin natin sa mga future partners natin Kassie. From our experiences, alam natin kung anong mga pagkakamali ang dapat itama."
Kumalas ako sa kaniyang yakap at hinalikan siya sa pisngi, "salamat sa lahat..."
Tumango siya at tumayo, "you can call me anytime if you need me..."
"As a friend," mahina kong sabi.
"As a friend," he whispered.
***
"Alis na tayo," seryosong sabi sa akin ni sir.
"Huh?" nagtataka ako, "hindi pa tapos ang program."
"Hmmm..." tanging sambit niya bago niya ako hilahin papuntang parking lot. Nang makasakay kami sa kotse niya ay ipinaharurot niya ang sasakyan hanggang sa napakapit ako ng mahigpit sa upuan.
"Magpapakamatay ka ba?" sigaw ko.
Walang imik si sir.
"Ayoko pang mamatay!" sigaw ko ulit pero hindi pa rin siya umimik.
Magkahalong takot at galit ang naramdaman ko sa panahong iyon kaya sumigaw na naman ako ng, "Shit! Itigil mo 'tong sasakyan. Ayokong mamatay ngayon. Gusto ko pa makatikim ulit ng halik...!!!"
Biglang nag preno si sir at feeling ko ay lilipad na talaga ang kaluluwa ko sa ginawa niya.
"Sir, kung may problema ay please lang huwag mo akong idamay," halos wala na akong hininga sa kaba.
"Yan nga eh, ikaw ang problema ko," giit niya bago lumabas ng kotse.
Ay shit, ako pa ang may kasalanan ngayon?
Lumabas rin ako ng kotse at sinundan siya.
"Anong problema niyo po sa akin? Sa trabaho po ba o sa – wow ang ganda ng view!" manghang bigkas ko pagka kita na nasa tuktok kami ng burol at overlooking the city ang scenery.
"Nagustuhan mo?" seryosong tanong niya.
Inappreciate ko muna ang view bago ko siya hinarap, "Kung may problema kayo ay sabihin niyo po sa akin. Sa trabaho ba o sa personal? Hindi ko naman kayo kinukulit sa personal life niyo po. I am not longer the teenager who pestered you around..."
Napasuklay siya sa kulot niyang buhok, "Yan ang problema ko Kassie because you're not pestering me anymore!"
"What the - "
At bago pa matapos ang aking sasabihin ay kinarga niya ako at pinaupo sa hood ng kotse. He grabbed my shoulders and he cupped my face.
"I can't help it anymore," he groaned before he bent down and kissed me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro