Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CK 3 - Why Me?

Kassie Mariam Bolivar

"KASSIE, samahan mo ako mamaya sa fund raising ng Paradise University," casual na alok ni Sir Raffy sa akin nang inilapag ko ang dalawang binders ng report sa mesa niya.

Umiling ako. "Sorry po. Busy po ako mamaya."

"Kassie." Nakangiti pa rin siya.

"Yes, Sir?" nagtatakang tanong ko. "May kailangan pa po ba kayong mga files?"

"Bakit lagi kang busy para sa akin?" Tila tumutusok sa kaluluwa ko aAng mga berde niyang mata . "You always made way in the past to be with me."

Napalunok ako bigla at pilit na iniiwasan ang kaniyang malalim na paningin. "May lakad po talaga ako ngayong gabi. Naka-commit na po kasi ako sa mga kaibigan ko. Pero hayaan niyo po next time gagawan ko po ng paraan."

"Sabi mo 'yan," kumindat pa siya.

Dali-dali akong umalis ng kaniyang office at umupo sa cubicle ko. Napasapo ako sa aking dibdib at napa "hoo haa hoo haa".

"Okay ka lang ba, Kass?" Lingon ni Tom, katabi ko sa cubicle. "May nangyari ba sa'yo sa loob ng opisina ng dragon?

Ngumiti ako ng mapakla at umiling. Simula nang umalis si Ma'am Cecile two weeks ago, nabaguhan talaga kami sa pamamalakad ni Sir Raffy. Si Sir Raffy ang klaseng tao na okay sa labas ng kumpanya pero dragon kapag working hours. Medyo nawiwindang na ang iba sa kaniya pero walang magagawa. He was really results driven at very aggressive sa mga decision making.

"Acid reflux," sagot ko.

Kumunot ang noo niya at may kinuha sa case niya. Inabot niya sa akin ang isang antacid at ngumiti. "Oh may extra ako."

"Salamat Tom," nakangiting sagot ko rin, "boy scout tayo ah."

"Kass." Lumapit siya ng konti sa akin at bumulong, "Okay ba tayo mamaya? Anong sabi ni Harper?"

"Walang change of plans sa pagkakaalam ko," mahinang sagot ko. Nanliligaw kasi siya sa aking best friend at I know na type rin naman siya ni Harper kasi mabait, masipag, matipuno at may hitsura rin naman itong si Tom. Akala ng ibang mga co-workers ko ay nanliligaw siya sa akin pero tinutulungan ko lang siya kay Harper. I wanted them to end up together. At kahit ano ay gagawin ko basta feeling ko fairy god mother ako nilang dalawa. He he h-

"Tom, I need the files para sa Sunrise branch," isang boses ang nagpahiwalay sa aming dalawa ni Tom. 

Shit, feeling ko tuloy may krimen kaming nagawa.

Tumingala ako at nakita si sir Raffy na nakatingin sa aming dalawa. Tila naging isa sa pagtatagpo ang mga kilay nito. "May I remind you guys na binabayaran tayo ng kumpanya para magtrabaho at hindi maglampungan," walang tonong sabi niya bago umalis.

"Hala kayo kasi naglalampungan," natatawang tukso ni Lory, katabi ni Tom.

"Huwag kayong mag date dito pero uyyyy...." tukso naman ng isa ko pang katabi na si Fatima.

"Mga baliw." Tawa ko. "Magtrabaho na nga tayo rito baka bumalik pa si Sir."

Napapahagikhik pa rin ang mga katrabaho ko sa nangyari pero nanginginig ang kalamnan ko sa pagkabahala. 

Magkasama pa rin kami nina Tom at iba pang mga coworkers nang mag lunch kami sa labas. Pinag-usapan pa rin namin ang nangyari kanina at inulan kami ng tukso ni Tom. Hihirit sana ako nang tumunog ang phone ko. Nag excuse ako at lumabas sa kainan.

"Hello Skye," sabi ko, "napatawag ka 'ata."

"Beshie," lambing niya. Na imagine kong naka pout ang babaeng ito. "Alam kong nag-prepare ka talaga pero hindi tayo matutuloy mamaya."

"Bakit?"

"Actually, matutuloy ang dalawa pero ikaw at ako ang hindi," may konting tampo sa boses nito.

"Bakit sila...owww." Napasampal ako sa hita ko nang ma-gets ko ang ibig niyang sabihin. Lumingon ako sa likod at siniguradong wala sa mga co-workers ko ang makakarinig. Bumulong ako, "You mean to say, date ni Tom at Harper ngayong gabi?"

"Nag confess si Harper sa akin na fake announcement lang daw niya 'yon." Nagmaktol na talaga ang babae. "Imagine beshie, mas inuna na niya ang boylet niya kaysa atin."

Sa aming tatlo, si Skye talaga ang pinaka sensitive. Iiyak ito kapag nalimutan naming mag greet ng birthday sa kaniya. Heck, even yung 'friendship day' namin ay gusto niyang i-celebrate.

"Beshie," amo ko sa kaniya. "Eight months na ring ibinibitin ni Harper si Tom. Kawawa naman ang lalaki. Pagbigyan na natin kung gusto mong tayong dalawa ngayong gabi ang mag-date?"

"Ayoko beshie." Nag-iba ang boses nito. "Actually lalabas din kami ni Marion mamaya."

"So nagtatampo ka pa sa lagay na iyan?" Tawa ko. "Eh I'm sure na mabibinyagan ka mamaya."

"Loko-loko ta talaga," aniya. "Anyway, next week nalang ang bonding natin ulit ha. Love you..."

Umiling-iling pa akong nag call end.

"Si Harper ba yan?" Biglang sumulpot si Tom at nagtanong.

Muntik na akong mapatalon sa ginawa niya. "Ano ka ba. You're giving me a heart attack."

"Sooooo, si Harper ba 'yan?" tanong niya ulit.

"Secret." 

Naglakad kami pabalik sa opisina nang ma stuck ang high heel ko sa isang drainage cover. Kahit anong gawin ko ay hindi talaga matanggal. Tinulungan na ako ng ibang coworkers na babae at wala epek pa rin. Walang choice si Tom kundi putulin ang sapatos ko.

"Hala, nasira talaga ang sapatos mo, Kass," sabi ni Fatima. "Mukhang hindi na masusuot iyan ah."

Sinubukan kong suotin pero hindi pa rin. Nahihiya ako kasi mahilig ako sa hindi pulidong mumurahing sapatos basta na-eengganyo ako sa magandang design. 

'I think I should change my choice next time,'  Isip ko habang pulang-pula sa hiya.

"Two buildings away nalang tayo. Kaya mo bang nakapaa ang isa?" tanong ni Lory.

Inilapag ko ang kanang paa sa semento at napa "aray" sa init. Mag-aala-una na ng hapon kaya napakainit talaga.

"Well, wala tayong choice," sagot ni Tom.

Namilog ang mga mata naming mga babae ng walang pasabing binuhat niya ako na parang bride. 

Shit...

I was totally embarrassed at feeling ko kulay kamatis na ang mukha ko. Conscious talaga ako lalo na't mini skirt ang isinuot ko.

Dali-dali siyang naglakad papunta sa building at umuna naman ang dalawang babae habang kumakanta sa tono ng "Bridal March."

"Sorry talaga rito, Kass," mahinang sabi niya. "Mapapatawad naman siguro ako ni Harper."

Tumingala ako sa kaniya at ngumiti. "Harper is a good woman Tom. She will understand..."

Game na nagpalakpakan at napapasipol ang mga katrabaho namin nang makita kaming papasok sa floor. 

"Kiss the bride!" kantiyaw ng iba.

Ibinaba ako ni Tom sa may cubicle at napa buntong hininga siya. "Mag diet ka na Kass. Ang bigat-bigat mo!"

Hahampasin ko sana siya ng sapatos nang may tumawag sa akin. Lumingon ako at nakitang seryosong nakatingin si sir Raffy sa amin. Parang tae ng kambing kami sa pagkawatak-watak at dali-daling bumalik sa cubicles.

I pretended to scan through my files when I heard my name being called. At first patay malisya pa ako pero parang naging matigas na ang "Kassie Mariam Bolivar!" kaya dali-dali akong tumayo at pa ika-ikang lumakad papasok sa opisina ni Sir.

"Sir," napalunok ako. "Good afternoon po."

"Isira mo ang pinto," utos niya, "at lumapit ka rito."

Tila tambol ang puso ko nang dahan-dahan at paika-ika akong lumapit sa harapan niya. 

"Kassie, may I remind you again na this is a workplace at hindi ito ang lugar sa paglalampungan at ligawan." Tila kutsilyong nanunusok ang mga berdeng mga matang nakatingin sa'kin.

"Sorry po sir, hindi po mauulit," paumanhin ko. "Eh ano ho kasi...nasira ang sapatos ko kaya tinulungan ho ako ni Tom."

Sumandal siya sa upuan at tiningan ako mula ulo hanggang paa. "Umupo ka sa lamesa," walang tonong utos niya.

"Ho?" Hindi ko alam kung mali lang ang pandinig ko.

"Umupo ka sa lamesa," utos niya.

Napalunok akong umupo sa working table niya habang nakatalikod sa kaniya. Ano na naman ang naisipang lalaking 'to?

I heard the swivel chair moved and the hair on my nape rose at the sound. Pero tila hindi makalabas ang ere sa baga ko nang makita siyang inayos silya at umupo sa aking harapan. Napako ang mga mata ko sa ulo niyang nakayuko. Gusto ko sanang haplusin ang kulot niyang buhok pero pinigilan ko ang aking sarili.

"Kassie, sinabi ko naman sayo noong teenager ka pa na bumili ka ng pulidong sapatos kahit na mahal,"  aniya habang hinaplos niya ang paa ko.

Muntik na akong himatayin sa pagdampi ng palad niya sa sole area. Nakikiliti ako at gusto kong tumawa pero nahihiya akong gawin iyon kaya napakagat-labi ako. At hindi napigilang napa-ungol.

Shit.

Tumingala siya bigla sa akin at parang na hypnotize na tiningan ang aking mga labi. 

"Kassie," mahina niyang bigkas habang hinaplos niya ang mga daliri ng aking paa. "Samahan mo ako mamaya please. Alam mo namang ayoko sa mga formal na events. I need someone close to me to be there."

Napatango ako nang mahagip niya ang sensitive area ng aking paa. Napapikit ako at napaugol na naman. 

Shit.

"So it's a date," natatawang sabi niya habang binitawan bigla ang aking paa.

Napamulat ako. What the heck?

"Wala akong sinabing..."

"Ah – ah – ah. " He wiggled his forefinger in the air. "Bawal na bawiin ang tango mo. So, ano susunduin kita mamaya sa inyo?"

Parang may malamig na tubig ang bumuhos sa aking katawan sa sinabi niya. Napatayo ako bigla at muntik nang matumba. Susunduin niya ako?

Hindi pupuwede! 

Nasa bahay si Mama't Papa ngayon. Hindi ko nga sinabi sa aking mga magulang na si Kuya Raffy ang bagong kong boss. Kasi pag ginawa ko 'yon baka maging hysterical si Mama at ipapa-resign niya ako sa trabaho ora mismo.

I couldn't bear to lose my job. I mean, pinaghirapan ko 'to ng ilang taon na rin. I sacrificed many opportunities to get this one kaya hindi puwedeng sa isang impormasyon lang na malalaman ng aking mga magulang ay mawawala na ang ilang taong pinagtrabahuan ko.

"Ah Sir, huwag niyo po akong sunduin sa bahay." The acidity in my stomach rose again at the thought that he would meet Mama. "Sa ano nalang po...sa ParadU nalang po kayo diretso."

Napataas ang isang kilay niya. "You're my date."

"Promise po na magpapahatid ako sa bahay," dali-dali kong bawi, "kasi ano po...may pupuntahan pa kasi kami ni Tom."

Medyo dumilim ang mukha niya. 

"Basta Sir, kita nalang tayo doon," sabi ko. Lumundag ako at halos napasubsob sa kaniyang dibdib. He placed his hands on my shoulders and I felt his warmth penetrating on my blouse. I staggered a little bit. "Ba-balik na po ako sa trabaho."

Tumalikod ako ngunit tinawag niya ulit ang pangalan ko. Lumingon ako at muntikang mapaatras nang lumapit siya sa'kin. 

"Extrang tsinelas." 

"Salamat po."  Isinuot ko ang mga ito at nagtagtaka kasi fit na fit sa akin kaya tinanong ko siya kung bakit may spare slippers siya na size ko.

He smirked at me. "Alam kong mangyayari 'to."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro