CK 2 - 2 - Hello, Ms. Bolivar!
Kassie Mariam Bolivar
Maaga akong pumasok kahit pagod dahil 'di makatulog ng maayos kagabi. Sinikap kong maging masigla kasi ayokong makita ni Mama na may nagbago sa'kin at baka malaman niyang naghiwalay kami ni Bonjo.
"Hi, good morning miss Kassie," bati ng guard. "Maaga tayo ngayon ah."
"May pending reports kasi chief." Ngiti ko sa kaniya. "Ako ba ang na-una?"
Umiling siya. "Andiyan na si Ma'am Cecile. Kanina pa siyang mga alas sais dumating."
"Talaga," gulat kong bulas. "Naku, baka hinanap na niya ang reports ko. Pasok na ako chief, pakisabihan mo na lang si Kuya Mario na sa kaniya ako o-order ng almusal."
Nag thumbs up ang guard. "'Yong paborito niyo pong rice and bacon pa rin?"
Nakangiting tumago ako bago pumasok sa loob. Hindi ito ang unang pagkakataon na pumasok ako ng opisina ng mas maaga. Kaya alam na rin nina chief at utility crews na nag oorder ako sa janitor namin na si Kuya Mario ng pagkain. Sideline kasi niya ang magtinda ng pagkain sa opisina at masarap naman siyang magluto kaya binabalik-balikan 'yong pag order sa kaniya.
Malaki ang espasyo ng opisina namin since ito ang headquarters. Franchisee si ma'am Cecile sa isa sa mga fast food chains dito sa Paradise City at may own bakery pa siya na may sampung branches sa syudad at mga karatig lugar. May plano pang mag-expand si Ma'am sa bakery niya kasi sabi niya ito ang natitirang legacy ng mga magulang niya sa kanilang magkakapatid.
Nasa middle to late thirties lang naman si Ma'am at very available pa rin. Maganda si Ma'am at very career-minded kaya hindi ko napapabalitaang may significant other siya. Mas inuna talaga niya ang career niya kasi willing niyang i-sacrifice ng one or two years ang pag manage ng business niya para lumabas ng bansa at mag-aral sa kaniyang Ph.D.
"Good morning, Ma'am," bati ko. Nakita ko siyang nakatutok ang mukha sa mga papeles.
"Ang aga mo ngayon Kassie." Nakangiti siyang tumingala. "Let me guess, hindi mo natapos ang reports mo kagabi, ano?"
Namumulang tumango ako. "Konti na lang po ang kulang ma'am."
"Don't worry about it. Nasabihan ko na si Arian na i-cancel muna natin ang meetings sa mga store managers," balita niya."Darating kasi ang bagong CEO niyo."
"Aalis ho talaga kayo, Ma'am?" Halatang naging malungkot ang boses ko. Strikta si Ma'am pero sobrang bait naman niya. "Ma mi-miss ka talaga naming ma'am," I almost pouted.
Tumawa si ma'am. "Ngayon lang iyan. Kapag dumating ang Raffa baka mag-iba ang opinion niyo. Baka ayaw niyo na akong pauwiin. By the way pupunta siya rito ngayon. I will slowly show him the ropes in the business."
"Him?" kunot-noo kong tanong. "Lalaki po si Rafaela Marie Velez?"
Napahalakhak si Ma'am. "Ikaw talaga Kassie. It was just a joke. Your new boss is Raffa Emerald Sanchez."
Alam mo 'yong feeling na nasa tuktok ka ng talampas habang nakatingin sa karagatan? Matamis ang simoy ng hangin at nakalulula ang ganda ng paligid. Tila tinatawag ka ng mga ibon at niyayakap ka ng buong mundo na waring nagsasabing 'Maganda ang buhay'. Alam mo ang feeling na 'yon?
Pwes, opposite ang naramdaman ko nang parang granadang itinaboy ni Ma'am ang pangalan ng taong ayokong makita at makasalamuha.
Nakailag na sana ako ng ilang beses nitong apat na taon nang palaging tinatanggihan ni Mama ang imbitasyon ng mga Sanchez. Pero bakit parang ako na mismo ang sumalo sa bala ng kanyong inihagis ng kapalaran?
"Okay ka lang ba, Kassie? Namumutla ka ata," nagtatakang sabi ni ma'am. "Ayaw mo ng lalaking boss?"
"Ah hindi po ma'am. Wala pong problema kung lalaki ang bagong CEO po," biglang bawi ko. "Biglang kumalam kasi ang sikmura ko sa gutom. Hindi pa ako nakapag-agahan."
Tumago siya. "Mag breakfast ka muna. Papunta na rin si Arian dito dala ang pagkain ko, gusto mong mag order ako para sa 'yo?"
Dali-dali akong umiling. "Ay huwag na po, Ma'am. Nakapag-order na po ako kay Kuya Mario." Dali-ali akong nagpaalam at dumiretso ng banyo. Na trigger ang acid reflux ko kaya napasuka ako sa lababo. I was more stressed out sa news na magkakatrabaho kami ni Kuya Raffy kaysa hiniwalayan ako ni Bonjo kagabi.
I glanced at my reflection on the mirror and sighed. "Nagbago ka na, Kassie."
My hair was no longer waist-length and curly. Pinaputulan ko ito hanggang baba. Katulad ng kaniyang ate Kristine niya noong high school, nung makilala nito si Kent ang first boyfriend niya. I remembered na tumawa pa nga ako at tinukso pa siya ng husto kasi halatang problemado sa love life kaya nagpaputol ng buhok. I never thought that I would do the same after a few years.
Yumuko ako ulit at naghilamos. Sana matanggal ng tubig ang expression kong pagkabahala katulad ng pagtanggal nito sa make up ko. Tumingin ulit ako sa salamin at nakitang medya namumula na ang matangos kong ilong at kumapal ang aking labi. I was scratched my oval face too hard this time.
"Fucking bombshell..." I smirked as I dried my face. I hate - no - I deeply loath that word. Ilang beses ko na rin niyang narinig mula sa bibig ng ilang tao. I was actually accepting it to be a compliment pero condescending na ang tono ng mga bumabanggit nito sa'kin.
I admit that I'm considered to be attractive lalo na sa bansa ko. But I had more to offer than my physical assets. Aanhin ko ang kagandahan kung walang lalaking nagtatagal sa'kin? I had many boyfriends pero iniiwan lang nila ako 'di kalaunan. Maybe they came for my beauty and left because I had no substance.
Lumabas ako ng banyo ng mahimasmasan at tiyempong nakasalubong ko si Kuya Mariong dala-dala ang pagkain. Sa cubicle na ako kumain habang tinapos ang pending reports. I planned to submit it this morning kay Arian, ang secretary ni Ma'am Cecile.
"Guys, good morning!" bati ni ma'am Cecile sa amin nang mapansin niyang kumpleto na kami sa floor. Hindi kasi separated per room ang iba't-ibang departments kung hindi cubicles lang talaga ang aming working area.
"Good morning din, Ma'am," sagot naming lahat.
"Anyway, I have good news for you. Ipapakilala ko sa inyo ang bago niyong CEO, Raffa Emerald Sanchez," nakangiting pakilala niya.
Andito na agad si Kuya Raffy? I knew he would come but I never expected he would be this early.
He stepped forward and I felt that my heart caught in my throat. Tumingin muna siya sa aming lahat at halatang namilog ang mga mata nang napahinto sa akin ang kaniyang paningin. He smiled and nodded pero yumuko lang ako. My heart was screaming painfully behind my chest pero pinatili kong kalmahin ang aking sarili.
"I hope that we can work well together," sabi niya sa buo niyang boses. "I look forward to partnering with you guys."
Nagpalakpakan kami lahat. Naririnig kong nagbulong-bulongan ang mga workmates ko at kinikilig pa ang iba. Pero pinilit ko talagang hindi niya mapansin. Umupo ako at sinubukang tapusin ang aking reports nang marinig kong may humila sa bakanteng silya sa aking tabi.
Napalingon ako at tila tumaas ang acidity ko sa tiyan hanggang lalamunan ng makita ko ang lalaking ayokong makausap.
"Hello, Ms. Bolivar!" nakangiting bati niya. "Antagal na kitang hindi nakita. Hindi ko alam na dito ka pala nagtatrabaho. "
Muntik akong nag freeze on the spot.
I was too confident before to approach him but time had changed. I changed.
"Welcome ho Kuya...este...Sir Raffy," namumulang sagot ko. Tumingin ako sa mga katabi kong cubicles at although alam kong curious sila pero wala silang oras na makipag kuwentuhan kasi submission of reports pa rin ang schedule ngayong araw na 'to.
'Tom, asan ka na ba?' isip ko nang hindi umupo ang coworker ko sa area niya kaya nakuha ni Kuya...este sir Raffy yung swivel chair. Baka pumunta ito ng accounting department at matagal-tagalan pa ng balik.
Shit.
"As you can see, bago pa lang ako rito," nakakaloko ang ngiti niya. "You can tour me around the place you know." His eyes glistened and he whispered, "I'll treat you sa favorite resto mo. I still know the place."
Nanginginig na talaga ako sa takot at sa hiya. This was still the Kuya Raffy that I knew. May mga instances na tila takot siya sa presensya ko noon pero sweet naman siya kapag inaalo ako.
He was my crush back them. Well, he was in fact my first love pero -
This had to stop, Kassie!
Spending too much time with him especially out of work is too risky. Risky para sa pamilyang Sanchez at Bolivar, risky para kay Mama Carol at risky para sa puso ko.
I tried not to look at his smiling eyes and whispered, "Sir Raffy welcome ho ulit sa kompanya. May reports pa po akong gagawin. Busy po ako whole day, whole week, whole month and probably sa whole year po. Si Arian po ang secretary ni Ma'am Cecile at siya po ang nakatoka sa inyo. She can tour you around po kung gusto niyo po talaga."
He leaned back and looked at me with that signature smirk of his. His green eyes twinkled as he appraised me up and down. He raked his fingers through his curly hair and clucked his tongue. He nodded and loudly said, "Ms. Bolivar, kindly submit to me directly all the reports since 20XX. Thank you."
Tumayo siya pero narinig ko siyang bumulong ng, "Pagbibigyan kita ngayon Kassie..."
At naiwan akong nakatunganga sa aking cubicle habang iniisip kung ano ang ibig niyang sabihin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro