Chase and Aena
PAGOD na pagod na ako sa napakaraming ganap sa earth. Sa unending workloads ko, sa role ko as breadwinner, at pati na sa suffocating heartache ko. Ang vision ko sa life as of this moment, parang timpla ng kapeng barako na favorite ni Papa-madilim at mapait.
Exhausted akong napabuntong-hininga saka bumaling sa labas ng kinaroroonan kong coffee shop. Pero wrong move dahil naging saksi ako sa kissing scene ng isang couple ilang metro ang layo sa puwesto ko. Pasakay na si Ate girl sa taxi pero mukhang ayaw mag-let go kasi binalikan si Kuya para i-kiss!
Peste! Bakit kailangang ipangalandakan ang laplapan sa daan?
Napapairap na inalis ko ang pansin sa "nakaririmarim" na view sa labas at ibinalik ang ang atensiyon sa minimalist at cozy interior ng coffee shop. Café Sol was my safe haven since college. Hindi lang kasi masarap ang tinda nilang kape-na sobrang pasok sa panlasa ko-affordable din lahat ng nasa menu.
Satisfied na sumimsim ako sa order kong cappuccino. Instantly parang kuryenteng dumaloy ang creamy taste ng inumin sa bawat himaymay ng katawan ko. Relaxed na sumandal ako sa backrest ng upuan at unconsciously napasulyap sa counter.
There, I saw that smile and him...
Bakit hindi mo na lang aminin na miss mo na si oppa kaya tumambay ka na naman dito?
Ngali-ngali kong kutusan ang antagonistang bahaging iyon ng utak ko. Kailan pa naging oppa si Chase?
Oppa or not you're still into him and that was it. Period!
Oo na! Gusto ko pa rin siyang makita kahit nasasaktan ako...
Chase was my first love high school pa lang yata kami. Pero masaklap dahil #bestfriendzoned ang peg ko. Hindi ma-reach ng beauty ko ang standards niya kasi hindi pang-Miss Universe ang face value ko. Plus, sinabi niyang hindi puwedeng maging kami.
Paano ko nalaman?
Rejected lang naman ang confession ko sa kaniya five days ago. Ang shunga ko rin kasi. Alam ko nang magpi-fail ang pag-amin ko pero sumige pa rin ako. Piled up na nga ang pasanin ko dinagdagan ko pa!
Ikaw na talaga, Aena!
At sa sobrang tanga ko kinalimutan ko ang pagmo-move on. Pumunta pa rin ako sa Café Sol-kung saan siya ang barista slash owner-at nagbakasakaling makita siya.
Kung alam ko lang na fake news pala ang vacation niya sa Coron, eh, 'di sana umuwi na lang ako kanina!
Kaya para isalba ang sarili ko, nag-pretend akong hindi siya nakita. Dere-deretso akong pumasok at tahimik na umupo sa favorite spot ko. Pero deep inside parang pinipiga ang puso ko dahil sa sobrang sakit. At ang peste parang nananadya kasi binati, nginitian, at personal pa akong iginawa ng kape. He acted as if my confession didn't happen!
Nanggagalaiting bumaling ulit ako sa labas-na wrong move na naman kasi may napadaang couple na magka-holding hands.
Peste! Ano ba'ng trip mo, Manong Tadhana?
"What's with the sad face, Aena?"
Nag-freeze ang katawan ko sa familiar na boses na iyon. Parang robot na lumingon ako. Teka, kailan pa siya nakalapit? Bakit hindi ko napansin? Hindi makapaniwalang tumitig ako sa guwapong mukha ni Chase na nakaupo na sa tapat ko.
"'Di ba 'sabi ko FO na tayo? Bakit nilalapitan mo pa rin ako?" mataray na tanong ko nang makabawi.
"Do you think I'll let you go that easy? Hindi pa ako nababaliw para gawin 'yon."
Bumilis bigla ang heartbeat ko sa sinabi ni Chase. Nagtama ang mga mata namin at dumaan ang mga emosyong hindi ko nagawang pangalanan doon.
Pero ayaw kong umasa...
"Gustong-gusto rin kita, Aena."
Malakas akong napasinghap at napaawang ang bibig. For seconds hindi nagawang i-process ng utak ko ang narinig.
"Dapat ito ang sinabi ko five days ago but I was such a jerk to waste that chance. I was also caught off guard. I didn't expect you to like me too."
"Chase..." mahinang saad ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. I want to say something else, but I couldn't seem to find the right words.
"Stay with me." Ginagap ni Chase ang kamay ko at maingat iyong pinisil.
Parang tatalon ang puso ko dahil sa tuwa. I realized, enough na ang warmth sa palad niya para i-assure akong totoo nga ang feelings niya para sa akin.
"Am I still rejected?" nagawa kong itanong sa wakas. Mayamaya malawak akong napangiti habang misty na sa luha ang mga mata.
Ilang segundong tumitig sa akin si Chase saka magaang pinisil ang pisngi ko.
"Rejecting you would mean letting you slip away. So, my answer is 'no', Aena..."
•┈••✦ ❤ ✦••┈•
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro