Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

Chapter 6: Lagot!

Rue



KAWAWA 'yan panigurado.”

Sana hindi na lang siya umupo sa upuan nila.”

Bagay 'yan sa kanya!

Maraming nagbubulungan pero hindi ko lahat 'yon maintindihan. Tila nabingi ako sa sobrang sakit ng kaliwang braso ko.

Matagal na itong masakit pero hindi ko naman pinagtutuunan ng pansin. Sanay na ako sa sakit. I have a high pain tolerance.

“Kawawa. . . ang ganda mo pa naman at para madagdagan 'yang ganda mo, maligo ka muna nito.” Ibinuhos niya ang milktea na hawak-hawak sa ulo ko at ng maubos ay binato nito ang lagayan sa mukha ko.

I threw her a dagger look. Kapag nakamamatay lang talaga ang tingin, bulagta na siya ngayon.

“Anong tinitingin-tingin mo riyan?!” mataray na wika niya at nilapitan ako. Nakasalampak pa rin ako sa sahig hawak ang kaliwang braso.

Ugh! Sobrang lagkit ko na. Yuck!

“Mukha kang binugbog sa make-up mo,” komento ko sa mukha niya nang makita 'yon ng malapitan.

“What did you say, b*tch?” Literal akong napasigaw nang hablutin nito ang buhok ko.

Ilang beses ba akong napaaway ngayong araw? Langya! Gusto ko lang ay kumain nang matiwasay dito sa cafeteria pero anong nangyari?

Sa Star section ako pupusta!

Worst section isang libo!

Patas 'yan!

Mahina 'yong bagohan!

Star section pa rin ako.”

“Nababagay ang isang tulad mo sa sahig!” Pumaibabaw ito at sinabunutan ako lalo.

“Stop it! Ano ba?!” sigaw ko pero hindi nakinig ang gaga.

Pilit kong kinukuha ang kamay niya na nakasabunot sa buhok ko. Tang na juice! Matutuklap ang kawawang anit ko sa mala-pusang babaeng 'to.

She slapped me hard at halos hindi ko na maramdaman ang sariling pisngi dulot ng ginawa niya. Nalasahan ko ang sariling dugo sa gilid ng labi ko.

She's not worthy for my time. Rue, don't bother.

Paalala ko sa aking sarili. Tama! Hindi siya nararapat na pagtuunan ng oras ko. Aalis na lang ako rito sa cafeteria ng payapa.

“Cazzy, tama na,” awat sa kaniya no'ng mukhang butanding.

Mabuti na lang at pinigilan nila siya. Magpapasalamat na sana ako kaso 'wag na lang, mukhang mali ang akala ko na tinulungan nila ako. Tumayo ang Cazzy na tinatawag nila at ngumisi sa 'kin.

“Kami naman. . .” dugtong ng butanding.

Hala! Walang awa talaga ang mga Star section!

Bagay lang 'yan sa kanila ano!

Huwag ka ngang maawa sa Worst section dahil sa baguhang babaeng 'yan!

Tumayo ako at dinura ang dugong nasa labi ko nang makitang lumapit ang limang lalaking nasa likod niya.

The f*ck! Kakagaling ko lang sa paglilinis, pagod na ako! Idagdag mo pa 'yong buong worst section ang nakalaban ko kaninang umaga.

Bawat atras ko ay siyang hakbang naman nilang lima patungo sa 'kin.

“May atraso pa sa 'ming star section ang seksyon niyo!” Pinalagutok nang mukhang unggoy ang leeg niya.

Parang tarantadong na stift neck!

“Oo nga!” sang-ayon sa kaniya ng mukhang isda.

“Tama!” sabi naman ni isda the second.

“Right!” Tumango ang dugong na pinagkaitan sa tubig.

Anong silbi nila rito? Sound effects lang gano'n? Para silang mga tanga sa ginagawa nila.

“Watah!” sigaw ng unggoy. Pumusisyon siya na parang prey mantis.

Anong akala niya sa sarili niya? Si Bruce Lee? Napakunot ang noo ko sa inasta niya.

“Let's volt in!” Magkasabay na wika ng lima.

Tang*na! Ang lalakas ng sapak sa utak ng mga 'to.

Seriously?

Ayokong kalabanin ang mga maluluwag ang turnilyo sa ulo. Baka kasuhan pa ako. Napailing na lang ako.

Dahil busy sila kakagawa ng formation nila ay dahan-dahan akong umeskapo gamit ang pinto na malapit lang sa 'kin.

“Mabuti na lang na isa't kalating tanga ang mga 'yon!” natatawang sabi ko at pumunta na sa room namin.

Hiwalay talaga 'yong building ng worst section sa ibang section. Mukhang lumang building ang pinaglagyan sa kanila dahil sumisigaw ang buong kapaligiran ng kalumaan, pinabayaan na kumbaga.

Semento naman 'yong tatapakan papunta ro'n pero merong mga bitak-bitak at may butas ang ilang parte ng daan na makikita mo na ang lupa.

Malayo pa lang ay rinig na ang kaingayan sa loob. Ugh!

Tumahimik sila ng makapasok ako. Siguro naman ay hindi na nila ako guguluhin noh? Nakakapagod ang araw na 'to!

Napuruhan ba natin 'yan kanina?

Hindi! Tayo 'yon,

Eh bakit may dugo sa gilid ng bibig niya?

Muntik na akong matawa dahil rinig mula rito ang bulong na pag-uusap nila. Tsk! Mag-uusap na nga lang ganyan pa!

Pasimple kong kinapa ang gilid ng labi ko gamit ang daliri. Ang hapdi!

Bwisit na babaeng pusang 'yon!

Nang marinig ang bell ay mabilis kong kinuha ang bag at naunang umalis. Patay na naman ako sa bahay nito.

Uuwing may bangas ang mukha sa first day of class. Nasapo ko ang noo. Wala pa man sa bahay ay tiyak na papagalitan na naman ako ni Kuya Eziel.

At bakit ko ba ginawa amg pagpatol na iyon? Bagsak-balikat akong naglakad dahil unang araw pa nga lang ay hindi agad ako tumupad sa pangako ko kay lolo.

Napadaan ako sa isang salamin. Gano'n na lang ang panlalaki ng mata kong may nakadikit na pearl sa noo ko. Kaya pala nagtatawan ang estudyanteng nadadanan ko kanina at nagtataka ang mukha ng worst section, idagdag mo pa ang pagpipigil ng tawa.

Nakalukot ang mukha ko pinitik ang nakadikit na malaking sago sa noo.

Mukha akong nakadroga!

Inayos ko rin ang buhok kong sabog at tinali pa itaas. Pinahiran ko rin ang mukha para magmukha naman presentableng hunghang sa harap ng pamilya ko mamaya.

Nakalimutan ko palang sabihin, dito rin sa Hades Academy ang kuya ko nag-aaral pero sabi niya bawal daw malaman ng buong school na kuya ko siya.

Lakas din ng trip sa buhay ng langyang 'yon. Same lang kaming grade 10 pero hindi ko alam ang section niya. Malay ko ba, kapagod kayang alamin. Sayang sa oras kapag inalam pa ng isang demonyong katulad ko ang section at schedule ng kapwa ko demonyo.

And besides, hindi naman kami masasabing magkapatid talaga dahil iba ang mukha naming dalawa. Nakuha ko ang features ko kay mommy ay sa kaniya naman ay kay daddy kaya malabong malaman ng iba iyon.

Kinalikot ko ang cellphone ng mag-text ang 'yong demonyito kong kuya na malakas ang sapak sa utak.

From: Demigod Kuys!

Where are you? Maghintay ka sa labas ng gate! Bilis! Panget!

“Wow! Kung hindi lang talaga kita kuya!” Inis ko siyang sinunod at pumunta sa labas ng gate.

Pwede naman sa parking lot bakit doon pa diba? Ang arte-arteng lalaki. Kung hindi ko lang talaga kuya 'yon nasapak ko na siya.



“GET IN! Hurry up!” Inis ko siyang tiningnan matapos sabihin 'yon.

“Ang tagal mo!” reklamo ko.

“I'm just 30 seconds late, Rue! Sasakay ka o magrereklamo ka na lang diyan?” Umirap ako at bugnot na sumakay sa kotse niyang mamahal pa raw sa buhay ko.

Tiningnan ko siya ng masama nang makapasok sa kotse kaya sinamaan niya rin ako ng tingin. “Che!”

“Rue!” May diing sambit nito sa pangalan ko, masama siyang nakatingin sa gilid ng labi ko at hindi sa mata ko.

I covered it immediately but I know it' no use.

Opps! Nakita ng demonyito!

“You're dead kina mom at dad pag-uwi!”








A S T A R F R O M A B O V E
★☆★

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro