Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 49

Chapter 49: The unsaid past

Rue


NANDITO ako ngayon sa garden namin at naglalaro ng bolang pinasalubong sa 'kin ni daddy. Tuwang-tuwa ko itong pinapatalbog. Sa hindi inaasahang pangyayari tumalbog ang bolang iyon papalabas ng gate namin. Nakabukas kasi iyon ng bahagya. Tumakbo ako para kuhanin 'yon.

"Rue! Bakit ka lumabas? Yaya! Yaya! Diba sabi ko bantayan mo si Rue?" Tinawag ni mommy ang bago kong yaya.

Simula no'ng maitulak ko kasi si Kuya Eziel kumuha na siya ng yaya para sa 'kin. Ang unfair bakit ako lang 'yong may yaya? Bakit si Kuya wala naman? Ang daya-daya.

"Sorry po, Ma'am. Kumuha lang po ako ng towel para kay Rue." Humahangos si yaya papunta sa direksyon ko. "Rue iha, halika rito. Lagyan ni yaya ang likod mo ng towel hmm?"

Dahil ubod ng kakulitan ang isang tulad ko, tumakbo pa lalo ako sa labas.

"Yaya habulin mo ako! Wiiiieeee! Bilis yaya!" Tatawa-tawa akong tumakbo hawak ang bola ko. Pero hindi ko inasahang mabubungho ako sa isang malaking mama. "Aray." Tiningala ko siya at ngitian. "Sorry po," paumanhin ko.

"Rue!" Tawag sa 'kin ni yaya. Bago ko pa malingon si yaya ay may tumakip na sa ilong at bibig ko. "Diyos ko! Rue! Rue! Ibalik niyo ang alaga ko!" Palahaw niya. Nagpumigpas ako pero mas malakas ang mamang iyon hanggang sa unti-unti nang lumabo ang mga mata ko.

-

"Hoy. Bata. Hoy! Gising."

May narinig akong isang boses ng isang lalaki sa panaginip ko. Ako ba ang tinatawag nito?

"Hoy. Tama na ang kakatulog. Bata gising."

"Arayyyyy!" Napabalikwas ako sa pagkakahiga no'ng may pumitik sa noo ko. Unang nakita ko ang isang batang lalaki. Siguro siya 'yong pumitik sa 'kin. Kapansin-pansin ang chokolate nitong mata. Tansta ko ay magka-edad kaming dalawa base sa katawan nito. "Bad ka! Bakit mo pinitik ulo ko?" Nasapo ko ang parteng pinitik ng batang 'yon.

"Noo mo 'yong pinitik ko hindi ulo." Pagpapaintindi niya. Bumangon na ako at umupo siya sa tabi ko.

"Pareho pa rin 'yon." Pagpupumilit ko.

"Magkaiba 'yon." Pilit rin niya. Kinurot niya ang pisngi ko kaya napaaray na naman ako.

"Bakit ka pala nandito? Ako kasi hindi ko alam e. Bigla lang nila akong kinuha habang naglalaro." Paliwanag ko.

"Hmmm...they kidnapped me. Dinukot nila tayo," sabi niya. Dinukot? Umiyak ako bigla. "Hoy huwag kang umiyak. Ang panget mo. Nandito naman ako para protektahan ka."

Natigil ako sa pag-iyak. "Talaga?" Tumango siya.

Natigil kami at napalingon sa dumating. Doon ko rin napansin na marami pala kaming mga bata rito. Nag-iiyakan ang iba at ang iba ay mukhang tulog.

"Uwaaa! Mommy! Daddy!" Palahaw ng isang batang lalaki.

"Tumahimik kayo!" Sigaw ng mama. Nakakatakot ang mukha niya. Naiiyak na tuloy ako.

"Huwag kang umiyak bata," bulong ni Dey-dey sa 'kin. Hinawakan nito ang kamay ko kaya nagung panatag ang loob ko.

"Bukas mamamalimos ang iba sa inyo! Ang iba nama'y magnakaw kayo. Ang walang kahit anong mauuwi ay ikukulong." Dinuro niya kaming lahat.

"Uuwi na ako! Bad ka! Bad! Uwahhh!" Tumayo ang isang batang lalaki at sinuntok-suntok ang mama pero sinipa lang siya kaya tumilapon 'yon.

"Ginagalit mo talaga akong kutong lupa ka! Hindi ka kakain ngayong gabi! Doble-hin mo rin ang kita mo bukas! Mga walang silbi!" Sinipa ng mama ang kahoy na mesa kaya bumaligtad ito. Nag-iyakan kaming lahat matapos na makaalis siya.

Nalaman kong isang sindikato ang dumukot sa 'min at pinapagawa kami ng mga bagay na hindi tama. Lahat ng 'yon ay ipinaliwanag sa 'kin ng batang lalaking 'yon. Mangha-mangha pa ako sa kanya dahil parang matanda. Ako nga e puro laro lang ang laman ng isip. Sampung taong gulang palang kami pero siya iba na mag-isip.

KINABUKASAN pinasakay kami ng mamang iyon sa isang van, marami sila at armado. Hindi ko akalaing kakasya kaming lahat do'n. Ibinaba niya kami sa isang iskinita kung saan walang taong makakakita.

"Dito kayo maghintay mamaya. Siguraduhin niyong marami kayong perang maiuuwi kundi gutom ang aabuting niyo. Subukan niyong tumakas papatayin namin ang mga magulang niyo! Mikoy ikaw na ang bahala sa mga batang 'to," sabi nito sa isang lalaki at lumabas 'yon at pumunta sa 'min.

"Okay boss!"

Sa takot na patayin nila ang magulang namin ay sumunod kami sa sinasabi ng mamang 'yon. Hindi ko man gusto ang pinapagawa nila pero kailangang gawin. Ayokong mamatay sina mommy at daddy ko. Ang Mikoy na 'yon ang nagsasabi ng mga gagawin namin, kung saan mamalimos at kung paano magnakaw.

Sa murang edad nalaman kong marami palang taong mapagsamantala, kayang gawin ang mga mali para lang sa pera at mga taong walang awa. Ganito nga ba kalupit ang mundo?

Hanggang sa gumabi at bumalik kami na kami. Isa-isa naming binigay ang pera, bag, cellphone at kung anu-ano pa sa nakakatakot na mamang 'yon. Galit na galit siya. Bakit daw kulang 'yon. Kesyo ang liit na halaga ang nakupit o nalimos ng iba. Doon ko naranasan ang hagupit ng kamay ng ibang tao.

"Bakit ito lang? Nasaan na ang iba? Kulang ito! Walang hiyang bata ka! Siguro ay kinupit mo ang iba?" Nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa akin at pilit akong pinapaamin sa gawaing hindi ko naman ginawa.

Marahas niya akong hinawakan sa magkabilang braso kaya napaiyak ako. Nangibabaw ang takot sa sistema ko dahil alam kong sasaktan na naman ako nito tulad ng ginawa niya sa ibang mga bata.

"H-hindi k-ko po k-kinupit ang p-pera. 'Yan lang p-po t-talaga ang na-na-nakaw namin," hikbi kong sagot sa kanya pero hindi pa rin niya ako binitawan. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa 'kin at parang ikakadurog na iyon ng mga mumunti kong buto sa balikat anumang oras. "A-aray p-po tama n-na p-po...nasasaktan na po ako..." Mas lalo akong umiyak.

"Wala ka talaga silbi kahit kailan!" Binalibag niya ako kaya tumama ang kaliwang braso ko sa isang bakal na nagdulot ng paglakas ng iyak ko. "Tumahimik kang bata ka! Wala ka na ngang silbi! Ang ingay pa ng bibig mo!" Akma niya akong lalapitan pero napatigil ito ng may isang batang naglakas ng loob na sagutin siya.

"Huwag mong sasaktan si Roro! Unggoy ka!" Pinalo niya ang lalaking dumukot sa amin ng isang kahoy.

"Aba't! P*tangina kang bata ka!"

Kahit na mga bata pa lang kami ay hindi siya nag-alangang gawaran ng isang malakas na suntok ang batang lalaking 'yon. Napaiyak kaming lalo ng mga kasamahan kong bata nang tumalsik ang batang lalaking tumulong sa 'kin. Nanginginig man ay lumapit ako sa kanya nang humikbi.

"H-huwag ka nang u-umiyak Roro..." Anito at nginitian ako. Napaiyak akong lalo ng makitang may dugo ang gilid ng bibig nito.

"Tumahimik kayo!" Sigaw niya kaya napatahimok ang ibang mga batang nag-iiyakan. Muli niya kaming tiningnan na may nanlilisik na mata na animoy papatay talaga. "Magsama kayong dalawa sa bodega hangga't hindi kayo tumatanda! Wala kayong mga silbi t*ngina!"

Hinatak niya kami na parang papel at wala kaming nagawa. Bukod sa mga maliliit kami kumpara sa mamang ito ay wala na rin kaming lakas pareho dahil sa ginawa niya. Impit akong napaiyak dahil sa sakit ng kaliwang braso ko. Basta niya na lang kaming pinasok sa isang kulungan na sobrang dilim na tanging ang maliit na bintana at nakasilip na bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw namin.

"Ipakukulong ko kayo kay daddy! Humanda kang unggoy ka!" Sigaw ng batang katabi ko.

"Kung makakalabas pa kayo rito ng buhay! Walang nakakatakas sa 'kin kaya sumunod kayo kung ayaw niyong matulog gabi gabi rito!" Humalakhak siya kasabay ng pagsara ng pinto at inilock ito.

"Huwag niyong bibigyan ng pagkain ang dalawang kutong lupa na iyon! Naiintindihan niyo? Ang sino mang lalabag ay magagaya sa kanila. Naiintindihan niyo ako?" Anito ng sa labas na siya.

"Opo!" Takot na sagot ng mga batang lansangan na kasama namin.

Takot akong umiyak pero biglang may yumakap sa akin.

"Stop crying okay? Nandito lang si Dey-dey para protektahan ka Roro," anito.

Hindi ko nga pala natanong ang pangalan niya.
Dey-Dey? Napatigil ako sa pag-iyak ng dahil doon. Napatitig ako sa kanyang magagandang mata. Parang may humaplos sa puso ko. For the first time in my life may taong tumayo sa tabi ko at ipinagtanggol ako. Sobrang...sobrang sarap sa pakiramdam!

"B-bakit mo ako tinatawag na Roro?" Tanong ko.

"Wala ang cute mo kasi. Bagay sa 'yo. Diba ang cute? Kapangalan 'yan ng pet kong namatay." Tumawa siya.

"Tao ako hindi pet!" Inis kong sabi.

"Pero ang cute mo!" Napakurap ako ng magsink in sa akin ang salitang cute.

"H-ha?" Tumawa lang siya.

Gano'n ulit ang ginawa namin kinaumagahan pero ngayon ay kasama ko na si Dey-dey. Kahapon kasi sa ibang bata siya nasama.

"Hindi kita iiwan Roro. Kumapit ka lang sa kamay ko ah?" Tumango ako. "Masakit pa ba 'yang kaliwamg kamay mo?" Tumango ulit ako. "Magsalita ka naman. Napipi ka na ba sa kagwapuhan ko?" Tumawa siya kaya napatawa na rin ako.

"Saan tayo pupunta Dey-dey?" Tanong ko. Hatak-hatak ako nito sa kung saan.

"Shhh. Tatawag ako sa bahay namin," maikling pahawag niya. Luminga-linga siya pagkatapos ay tumakbo kami papunta sa isang tindahan.

"Gutom ka na ba Dey-dey? Anong bibilhin mo?" Taka kong baling sa kanya.

"Basta," anito. Tiningnan niya ako at ginulo ang buhok ko. "Tingnan mo muna kung may paparating na mga bata o si Mikoy ah?" saad niya at nginitian ako.

Napatulala naman ako bigla sa ginawa niya at napahawak sa pisngi. "Para saan 'yon Dey-dey?" Ngumiti lang ulit siya humarap na sa tindahan.

"Manang patawag po." Binigay sa kanya ang telepono matapos na magbayad. Saan niya nakuha ang pera niya? "Dad! Okay lang po ako...opo..." Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita hanggang sa matapos. "Ligtas na tayo. Tara na?"

Hindi ko alam amg pinagsaaabi ni Dey-dey sa mga oras na 'yon. 'Yon pala ay humingi siya ng tulong sa daddy niya.

NAKABALIK NA kami kagabihan sa bodegang pinagkukulungan sa 'min. Nanginginig ako sa takot dahil falin na galit na naman ang mamang iyon sa amin. Kesyo kulang raw, bakit maliit lang ang perang hawak namin, kung kumupit ba kami ro'n at kung ano-ano pang pambibintang sa 'min.

"Roro h'wag kang matakot. And'yan na sila," bulong sa 'kin ni Dey-dey.

"S-sino?" Nauutal kong sambit ngunit mahina lang. Hindi ako sinagot ni Dey-Dey. Napabalik tuloy ang atensyon ko at kaba no'ng nasa harapan na kami ng mama 'yon.

"Ibigay niyo ang pera! Magkano ang nakuha niyo?!" Sigaw niya sa 'min ni Dey-dey. Napahigpit ang kapit ko sa braso ni Dey-dey at napapikit.

Natatakot ako sa mamang ito. Parang kahit anumang oras ay sasaktan niya kami. Hindi ako makatayo ng maayos dahil sa panginginig ng tuhod ko. Bigla akong hinawakan ni Dey-dey sa kamay at tinago sa likod niya na parang pinoprotektahan. Nagulat ako sa ginawa niyang 'yon pero palihim ding napangiti. Sa ginawa niyang 'yon ay biglang gumaan ang loob ko at nawala ang kaba.

"Aba't! Ang lakas ng loob niyong mga kutong lupa kayo! Na saan na ang pera ha? Na saan? Ibigay niyo sa 'kin!" Nanggagalaiti sa galit na sabi niya.

"Ito ba hinahanap mo pangit ha?" Sabi ni Dey-dey at nilabas ang isang supot. "Heto sa 'yo na!" Hinagis niya 'yon sa mukha ng mama kaya nagkalat ang mga salapi.

"Aray! Putanginang bata ka!" Hahampasin niya na sana kami ng matigil 'yon.

"Mga parak! Boss pinalilibutan nila tayo!" Humahangos na sigaw ng kasamahan nila.

"Sabi ko na sa 'yo Roro e! Maliligtas tayo ni daddy," bulong ni Dey-dey.

"Lintik na 'yan!" Galit na sigaw ng mama.

"Sumuko ka na Pilip Rinato! Pinapaligiran ka na naming lahat!" Sabi ng mga kapulisan.

Nagsipag-ingayan ang mga batang kasama namin. Nag-iyakan sipang lahat at sumigaw.

"Putangina niyo tahimik!!! Hinding-hindi ako susuko!" Sigaw ng mamang 'yon. Bigla niya akong kinuha at tinutukan ng baril sa ulo.

"Dey-dey! Ayoko pang mamatay!" Palahaw ko.

"Roro! Bitawan mo siya pangit!" Sigaw ni Dey-dey.

Biglang bumukas ang pinto ng bodega at linuwa 'yon ang mga nakaunipormeng kapulisan. May mga dala silang baril at nakatutok 'yon sa amin-sa mamang iyon.

"Bitawan mo si Roro! Bitaw!" Sigaw ni Dey-dey at pinagpapalo ang braso ng mama kaya nawala sa atensyon niya ang mga pulis. Kinagat ni Dey-dey ang braso ng mama kaya nabitawan ako nito. Malakas niyang itinulak si Dey-dey kata tumalsik ito at gindi inasagang tatama ang ulo nito sa isang bakal.

"F*ck it! My son! Z!!!"

"Dey-dey!" May kasabayan akong nagsalita pero hindi ko maintidan iyon dahil nasa kay Dey-dey ang mata ko.

Nilapitan ko Dey-dey na nakahiga sa malamig na semento. May nakapa akong mainit na likido sa ulo nito kaya napatungin ako sa kamay ko. D-dugo!

Umiyak ako ng umiyak. "Dey-dey bakit may dugo ang ulo mo? A-ano ang gagawin k-ko? Dey-dey!" Umiyak ako at nagngangawa.

Hanggang sa may narinig ako ng putok ng baril at pagbagsak ng isang katawan sa lupa. Natamaan pala ng bala ang mamang 'yon.

'Yon na rin ang oras na may lumapit na isang magandang babae at napakagwapong lalaki sa amin.

"Oh my god! Dyn our son!" Umiiyak na lumapit sa 'min ang isang babae.

"Anak? Mom and Dad are here ma. Z? Please respond Z..."

Bakit nila tinatawag na Z si Dey-dey? Eh?

"M-mom...d-dad...w-where's Ro...ro?" Nagmulat si Dey-dey.

"Ha? Who is she?"

"A-ako p-po... A-andito ako Dey-dey!" Hikbi kong sabi.

Nagdatingan na ang ambulansya at maingat na binuhat si Dey-dey. Sumakay na rin ang magandang babaeng 'yon at napakagwapong lalaki sa ambulansya. Bigla rin akong nanghina at lumabo ang paningin ko.

"D-dey-dey..." Huling nabanggit ko at kinain na ako ng kadiliman.




"RUE! Rue! Wake up! Rue!"

"Anak?"

"Oh my god Tranze 'yong anak natin bakit hindi nagigising?"

Napakunot ang noo ko sa narinig. Bakit ang ingay nina mom and dad? Tang na juice natutulog ako rito e. Minulat ko ang mata at sumalubong sa 'kin ang mga mukha nilang tatlo-si kuya, mom and dad.

"Thanks God at gising ka na rin sa wakas!" Parang nabunutan ng tinik sina mom and dad.

"Bakit ba mom. . . dad?" Sabi ko at bumangon. Inis kong nakamot ang ulo ko.

"Tanga! Kanina ka pa namin ginigising ayaw mong magising. Nagsisigaw ka pa at umiiyak! Binabangungot ka!" Singhal ni Kuya Eziel.

Taka ko siyang tiningnan at wala sa sariling napahawak sa pisngi ko nang may dumausdos na luha ro'n. Tulala kong tiningnan ang luha ko na nasa kamay.

Bakit ko napanaginipan ang alaalang 'yon? Kumabog ng husto ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Bigla na lang akong hindi mapakali.

"Kanina ka pa hinihintay sa baba ng mga kaklase mo! Parang dito na yata gustong mag-picnic na bahay! Mga feeling may ari ng bahay na 'to!" Singhal ni Kuya Eziel.

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa phone ko. Alas-nuebe? Jusko! Kaya pala narito silang lahat dahil ako na lang ang hinihintay. Alas-otso 'yong usapan namin.

Taranta akong napabangon at naghanda. Nang matapos ay bumaba na ako. Hindi naman ako nahirapan dahil naayos ko na kapagbi ang mga dadalhin ko ngayon. Nalaman ko ring kanina ng umaga dumating sina mom and dad.

Masaya naman ako dahil miss ko na sila. Hindi pa rin nila alam 'yong nangyari sa 'kin na nahospital ako at wala na kaming balak na sabihin pa.

Nadatnan ko silang lahat sa living room na prenteng nakaupo at nanonood ng tv habang kumakain. 'Yong iba ay nasa kitchen namin at ang iba ay nakahiga sa kung saan. Kanya-kanya silang pwesto. parang sila nga ang may-ari ng bahay na 'to. nakakahiya naman sa 'kin.

Hinanap ng mata ko si Z pero hindi ko makita. Iyon na rin ang oras na bumukas ang pinto at pumasok siya kasama sina mom and dad na natatawa. Wow! Ang close naman.

"Ayan na pala ang anak ko. Z anak inagatan mo siya ah?" Sabi ni dad sa kanya at tinapik ang balikat.

Anak?

Humagikhik si mom at tumingin sa 'kin. "Rue anak bakit hindi mo sinabi na may boyfriend ka na pala at si Zinnon 'yon? I'm so happy for you anak hindi ka na tatandang basagulera..." Inosenteng sabi ni mom at kunwaring nagpahid pa ng luha sa gilid ng mata.

Naghagalpakan sa tawa ang mga bubuyog sa sinabi ni mom. Nakakahiya! Naman oh! Si mom talaga kahit kailan! Sinamaan ko nang tingin ang mga bubuyog kaya nagpigil sila nang tawa. Pasimple silang nagpatay malisya na parang walang nakita.

"Mom!" Reklamo ko.

Ngumiti si Z sa 'kin at inabot ang bag na dala ko. Syempre ibinigay ko sa kanya 'yon, siya ang taga bitbit ko.

"Good morning babe. How's your sleep?" He winked at me.

Kinabahan ulit ako noong natanong niya 'yon. I can't explain what I'm feeling right now. Sobrang excited lang yata ako? Tama. Excited lang ang nararamdaman kong 'to.

"O-okay naman babe..." pagsisinungaling ko.

"Cheesy!" sigaw ni Cyril at Owen.

"Tama na 'yan! Tara na! Kanina pa kating-kati ang paa ko na pumunta kina Hiro! Chikababes are waiting for me!" atat na sabi ni Cyril.

Nailing ko na lang ang ulo. Nakita ko pang tatawa-tawa si Hiro at napailing lang ang masungit na si Gavin. Si Cielo ayon nag-aayos ng buhok. Palagi naman. Sina Henry, Nikko, Brent, Bryan at Charles kumakain ng chichiryang hawak-hawak ni Noah at Red. Si Rin andoon sa kusina namin. Patay gutom talaga ang mga 'to.

"Let's go?" tanong ni Z.

Napatitig ako sa kanya at tumango saka ngumiti. "Arat!!!" sigaw ko.

Natawa si Z sa ginawa ko. Nagpaalam na kaming lahat kuna Kuya Eziel, mom at dad. Sobrang ingay naming nang umalis, hindi talaga halatang excited e! 'Yong mga loko nagpaplano na kung saan hahanap ng chikababes kuno.

May mga sasakyan ang iba pero 'yong iba nakikisakay na lang. Tinatamad raw. Nasa kotse ako ni Z syempre. Ibang kotse na naman ang dala niya at isang Ferrari GTC4lusso 'yon.

Nag-start na ang sasakyan pero biglang may bumukas sa magkabilaang pinto sa likod. Taka akong napatungun sa dalawang naupo roon.

"What the f*ck? Why are you here Gavin? Hiro? May mga sasakyan kayo bakit kayo narito? The hell?" Z exclaimed.

"Woah! Easy dude. Init naman ng dugo mo sa 'min," Hiro said mockingly.

"Inis na inis dahil hindi makakagawa ng milagro kamo," segunda ni Gavin.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Gavin. Ang bibig talaga nito walang preno.

"Gago!"

"F*ck you!"

Sabay na sabi namin ni Z.









A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro