CHAPTER 38
Chapter 38: Bakit ka nasasaktan?
Rue
"WOOH! Party-party!"
"Heto pa!"
"Cheers!"
Napaawang ako nang makatapak ang mga paa ko sa loob ng room namin. Everyone was dancing like a crazy monkey habang hawak-hawak ang C2. C2? I thought bote ng beer ang mga hawak nila. Mayro'ng mga nagkakainan at nag-aagawan ng pagkain. What the f*ck is this?
"Si Rue narito!"
"Owen, hindi mo na kami mapa-prank! Nasa hospital pa si Rue nagpapagaling!"
"Nandito nga siya!"
"Lokohin mo ang panot mong apo, Owen!"
Owen scratched the tip of his nose when everyone didn't believed what he was saying. He walked towards me while drinking that C2.
"Rue, magaling ka na?"
"Hindi ba halata?" pamimilosopo ko. Napakamot siya sa ulo niya at kumuha ng C2. Inabot niya 'yon kaya kinuha ko na. "Ay panot na manok!" gulantang kong wika no'ng umakbay na lang bigla at walang pasabi si Zinnon. Doon na kami napansin ng ibang magkakasiyahan. Isa-isa na silang lumapit sa 'kin.
"Gago totoo ngang nandito si Rue pre!"
"P*tangina oo nga. Hindi nagsisinungaling si Wen,"
"Wow! May paakbay brad! Na hospital lang may gano'n na oh!"
Namula ako sa narinig at palihim na lumayo pero mas napadikit ako katawan ni Zinnon. Ano bang topak nito ngayon? Bakit may paakbay na nalalaman?
Napansin kong nag-iisa si Hiro na nakaupo sa isang tabi. As usual tahimik. He's holding a pink paper at binabasa ito. He's frowning and I don't know why. Ano ba ang laman no'n at gano'n na lang siya kaseryoso? Ni hindi niya isinali ang sarili sa nagsisiyahang mga bubuyog.
"Sarap siguro sa feeling na may nakaakbay ano, Rue?" biglang sulpot ni Owen. Sinamaan ko siya ng tingin. Sumipol lang siya at bumalik ulit sa pagkain. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may letchon. Pinagpipyestahan nilang lahat 'yon. Tang na juice! Ano kala nila ngayon sa foundation week? Christmas party? Bilib!
Napansin kong nagtitikhiman na ang iba naming kaklase at nakatingin sa 'kin o sabihin na lang nating nakatingin sa amin!
Bigla akong tinablan ng hiya. Parang gusto ko na lang magtago ngayon. Ewan ko kung bakit. I can't explain what I'm feeling right now.
"A-ano ba, Z, alisin mo nga ang kamay mo. Ang bigat!" Nagpumilit akong kunin ang braso niya at nagtagumpay naman ako sa binabalak ko.
"T'ss." Pagsusungit niya. Lumabas na siya at iniwan kaming lahat sa room.
"Na pa'no 'yon?" sulpot na naman ni Owen habang may nginunguya. I shrugged.
Tiningnan ko ang pinto kung saan lumabas si Z matapos ay napabaling na naman muli ang atensyon ko kay Hiro. Nakaupo pa rin ito at hawak niya pa rin pink na papel na 'yon. Naglakad na ako papunta sa direksyon niya pero hindi niya pa rin ako napapansin, ni tapunan ng tingin ay hindi niya ginawa. Nang marating ang kinaroroonan niya at pumunta ako sa likod niya. I want to read what he was reading. Curiousty kills ika nga.
"Hiro. . ." panimulang basa ko. Wala pa man ako sa kalahati ay mag-react na siya. He immediately hide the paper at gulat na napatingin sa 'kin.
"You startled me, " he said, almost shocked.
"Kanina pa ako rito tapos hindi mo naman ako pinapansin. Problem?" I asked.
"A friend of mine wrote a letter."
"Ah," tanging naging tugon ko. Ayoko namang magtanong pa.
"I don't want to see her again, this time. . ."
Confusion took over my face. "Her?" I asked, he just nodded his head. "She's your friend right? Why are you not happy to see her again? I mean, s'yempre kaibigan mo 'yon saka baka miss ka na no'n," I teased but I stop when I saw that he balled his fist.
Bakit naman siya mag-re-react ng ganyan kung darating ang iaang kaibigan, right? Kung ako siguro ay matutuwa pa ako at magse-celeberate.
"Now that everything was falling into right place, I don't want her to ruin these things up. She might hinder something and I can't afford to sit back and relax while seeing those things to break into pieces."
Ha? Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi ng japayuking 'to. Ang layo naman yata ng sagot niya. Jusko!
He stared at me and smiled. Tumayo na siya at ginulo ang buhok ko. Kita mo 'tong japayuki na 'to. Nanggugulo ng buhok na may buhok. Umalis na siya ng wala man lang pasabi. Nakakaewan ka, Hiro. Ano bang nagyayari sa 'yo?
Nagtatawanan at naghahabulan ang mag bubuyog kong kaklase. Naglakad na 'ko at nasa may unahan na ng hindi sadyang masanggi ang tagiliran ko ni Cyril. Doon pa talaga sa nasaksak na parte ng tagiliran ko.
"Okay ka lang, Rue? Sorry, ito kasi si Brent e!" inis na anito.
"Anong ako? Ikaw ang umagaw ng pagkain ko gago ka!" depensa naman ni Brent.
"Okay lang ako. Don't worry," pilit kong sagot. Nginitian ko na sila at mabagal na naglakad palabas ng room.
Sh*t! Sobrang sakit!
Hindi ko na sa kanila ipinakita 'yon dahil baka sisihin pa nila si Cyril. Hawak hawak ko ang tagiliran at napagpasyahang pumunta sa second floor ng lumang building namin. Habang naglalakad ako ay pakirot nang pakirot ang tagiliran ko pero binaliwala ko 'yon. Ako naman ang may kasalanan kung bakit sumakit, e.
Nagpumilit akong pumunta sa eskwelahan kahit na alam kong hindi pa magaling 'to. Kaya magdusa ka r'yan, Rue. Ang tigas din kasi ng bungo mo!
Bigla akong napatigil nang may marinig.
"Kaya nga bumalik ako para sa 'yo, Zinnon. I know I've commited mistakes from the past pero itatama ko na 'yon. Nagising na lang ako. . . isang araw. . . na. . .na mahal pa rin kita--"
"Stop this bullsh*t, Paige!"
"Please, Zinnon."
"I said stop this! Can't you see? I'm inlove with someone else. I can't accept you anymore."
"B-but. . . y-you kissed me back, Zinnon. I know, you still love me."
My eyes widened because of what I've heard. I didn't intend to eavesdrop but there's something inside me that I want to hear more, to know more about what they're talking.
Mas lalong ikinalaki ng mata ko ang nakita. Marahas akong napalunok at dahan-dahang napaatras. Halos manginig ang kalamnan ko sa nasaksihan. Unti-unti kong naikuyom ang kamao na halos maramdaman ko na ang pagkakabaon ng aking mga kuko sa balat ko. Napasapo ang isa kong kamay sa bibig at tuloy-tuloy lang sa pag-atras.
"Tumugon ka sa halik ko, Zinnon. Hindi lang isa kun'di dalawang beses pa," malanding ani ng babae sa kanya at pinulupot ang kamay sa leeg nito.
H-humalik s-si Zinnon pabalik? Z, bakit?
Tila nanikip ang dibdib ko sa nasaksihan. Hindi ako makahinga nang maayos na animo'y nakabara ang isang bakal sa lalamunan ko. Ano ito? Bakit ka nasasaktan Rue? Hindi naman kayo diba? Wala kang karapatan.
Pinihit ko ang katawan patalikod sa kanila at nagsimulang ihakbang ang mga paa papalayo sa dalawa. I can't stand seeing them kissing. Hindi ko kaya. Nanginginig ang kamay kong umalis sa second floor at wala sa sariling naglakad nang naglakad.
Tila tumatapak ako ngayon sa kalawakan, lutang na lutang. Ilang beses ko ng itinanong sa sarili 'to, bakit ka nasasaktan, Rue? Pero hindi ko makapa sa kasulok-sulukan ng isip ang hinahanap kong sagot. Wala. Wala akong mapiga.
"Ah!" daing ko ng matamaan muli ang tagiliran ko.
Parang may pinupunit sa parteng iyon ng katawan ko. Ang sakit. Ano nga ba ang masakit sa 'kin ngayon? Katawan o puso?
"Sorry miss," paumanhin ng nakabangga sa akin. Tumango lang ako at umalis na rin siya 'di kalaunan.
Hindi ko napansin na papunta na pala ako sa gymnasium. Kaya pala marami ng estudyante ang pakalat-kalat.
"What the f*ck, Rue?!" Nabitawan niya ang mga dalang karton ng juice at nagmamadaling nilapitan ako no'ng makita niya ako.
"I'm okay, Z," lutang kong kong sabi.
"Z? I'm not f*cking, Z, Rue!" inis na tugon nito na naging dahilan para mapatigil ako at gulat na tiningnan si Kuya Eziel.
Sh*t! Sh*t! Why did the hell I say his name? Ugh! I'm crazy! I'm a total sh*t!
"I mean Kuya Eziel," palusot ko. Napakamot ako sa ulo at naiilang sa binibigay na tingin ni Kuya sa 'kin. "W-what?"
Kinunutan niya ako at napatingin sa tagiliran ko. Doon na nanlaki ang mata niya at tarantang inalalayan ako. Sa pagkakataong 'yon ay napatingin na ako sa tagiliran ko.
D*mn. Kaya pala.
"Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa 'yo, Rue! Nagpumilit ka pa kasi. Alam mo namang hindi pa 'yan naghihilom!" litanya niya at pinitik ako sa tainga.
"Kuya, ano ba! Ganito na nga ako mamimitik ka pa," sabi ko at ngumuso.
"Pasaway! Isa na lang, Rue, malalaman na talaga 'to nina mom and dad," banta niya sa 'kin na mas ikinahaba ng nguso ko.
"Sabi nila magkapatid daw 'yan."
"Hindi kaya! Mag-ex daw sila!"
"Talaga?"
Napatingin ako sa nagbubulungan at natawa na lang sa narinig. Tang na juice! Kumalat pala talaga ang sinabi ko rati sa cafeteria. Tsismis nga naman, oh!
"Tch," rinig ko kay Kuya Eziel.
Tatawa-tawa na lang akong naglakad habang inaalalayan niya ako. Kumikirot at dumudugo na ang sugat ko kaya sinamahan niya ako sa hospital para ipatahi 'yon. Bumuka raw kasi. Kung nakakamatay man ang tingin siguro dead on the spot na ako. Ikaw ba naman ang tingnan ng kakambal mong suplado.
Nang maka-uwi ay pinagpahinga niya na lang ako. Hindi ko na rin napansin na nakatulog agad ako. Gabi na 'ko nang magising at dahil kumakalam na rin ang sikmura ko.
Dahan-dahan akong bumangon at napansin kong umilaw ang phone ko. Nasa side table kasi ito. Nilagay ko ro'n kanina pagkarating na pagkarating ko. Hindi ko rin napansin ang mga text kanina dahil naka-silent mode ito. Basta ko lang 'yon ipinatong at nahiga. I scrolled down at binasa isa-isa ang mga messages. Saan nila nakuha ang number ko?
From: 09*********
Rue, si Cyril 'to. Gusto ko lang sabihing ang gwapo ko.
From: 09*********
Where are you? It's me, Hiro.
From: 09*********
Na saan ka, Rue? Gavin. Nag-aalala na kaming lahat dito.
From: 09*********
Beast mode si Z. Hindi ka mahanap.
From: 09********
Hala ka! Ako 'to si Owen.
Maraming pang text galing sa iba't ibang number. Nyeta! Lahat sila nag-text sa 'kin. I can't believe it! Sana all may load, 'di ba? They're all bombarded me with text messages na naglalaman ng mga kung anu-ano. As far as I remember, I didn't give my number to anyone.
Napasinghap ako ng mag-scroll ulit. May isang number na triple ang messages na si-n-end sa 'kin. Tumambol bigla ang puso ko kahit na hindi ko pa 'yon nabubuksan. Biglang nanumbalik ang nakita ko kanina sa second floor. Z, kissed that girl.
I clenched my fist at pinindot ang numerong 'yon.
From: 09*********
Where the f*ck are you?
I can't find you.
Rue!
Answer your g*dd*mn phone!
Are you okay?
Rue!
Doon ka sa kahalikan mo! Huwag ako 'yong kinukunsumi mo! Nakakainis!
Wala pa man sa kalahati ang nabasa ko ay agad kong binura ang lahat ng text ni Zinnon at hinagis sa kama ang phone ko. Kahit number lang ang nakalagay, alam kong siya 'yon.
Nahigang muli ako sa kama. Nawalan ako ng ganang kumain.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. May parte sa puso ko na nagsasabing basahin lahat ng text niya pero kinokontra 'yon ng isip ko. Gusto kong malaman kung nag-aalala ba siya sa 'kin o ano. Gusto kong malaman kung ano ang nararamdam niya sa babaeng 'yon kanina. Kung ano ang rason niya kung bakit siya humalik at hinayaang magpahalik. Gusto kong malaman lahat.
Tang*na, Rue!
Nanlaki ang mata ko at napabalikwas sa kama ng may mapagtanto.
"Arayyyyy!" mahinang daing ko.
P*nyeta! Hindi pwede ang naisip ko! Hindi!
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro