CHAPTER 32
Chapter 32: Weak Z
Hiro
IT'S been a month when Rue transferred in HA. Isang buwan. Sa loob no'n ay nakilala ko ang isang Threze Rue Gonza. All I can say is she's amazing. Kawaii.
There are times that I played some pranks against her at sinasakyan ang plano nilang mapaalis si Rue sa section namin. At first I want her gone but day by day something changed. I was confused with my feelings but lately I'm sure 'bout it.
Isang babae lang ang minahal ko noon and that's Paige Lix Garcia. Our classmate, only girl in the sky section. Dating pangalan ng sectiong ito bago naging Worst Section.
I love Paige the way she is. Isang araw kinuwento ko 'yon kay Z but I didn't told him what's her name. He pushed me to court that girl that I've been inloved with. He said some encouraging words para lumakas pa lalo ang loob ko. Sinunod ko ang mga payo niya. I confessed to that girl pero nalaman kong si Paige rin pala ang babaeng sinasabi niya sa 'kin na balak niya ring ligawan pero nilihim ko 'yon at hindi sinabi sa kanya. Sabi nga, walang sekretong nabubunyag. That day came, the truth revealed itself. Nalaman niya pero pinaglaban ko ang nararamdaman ko.
Nabuwag ang section namin. Nagkampihan. Nag-away away ang lahat. Happiness vanished instantly. Doon na kami tinawag ng ibang section at mga teachers na worst section at dala-dala namin ang titulong 'yon hanggang ngayon.
Knowing Z hinding-hindi 'yan susuko sa pinaglalaban niya. Pinaglaban ko rin si Paige pero kapalit no'n ang pagkakaibigan namin ni Z. Dumating ang araw na pinapili namin si Paige pero hindi ko inasahang wala siyang pipiliin sa 'ming dalawa. Instead she chose Eziel over us.
Sa part na hindi kami pumupunta sa foundation? Back then, Z punched Eziel during that event. Cyril mentioned that Z and Eziel have a fight but he didn't include my name there. Tsk!
Nakatatawa mang isipin pero parang nauwi sa wala ang away ng section namin. Wala man lang pinili ni isa sa amin si Paige. Hindi ko alam kung totoo ba ang mga pinapakitang pagkagusto ni Paige sa 'kin or guni-guni ko lang 'yon. Who knows?
Doon ko nasaksihang magbago si Z. He became cold. Distant. Palaging nasasangkot sa mga gang fights. Kaya hindi na ako magtataka kapag may maniningil na kalaban. Meron namang mga takot na sa kanya at merong hindi.
Palagi akong naroon kapag napapaaway siya. Nagiging back-up niya ako sa ayaw at gusto niya. Do'n unti-unting bumalik ang pagkakaibigan namin. 'Di man niya ipakita 'yon but I know him too well. I'm still his bestfriend.
"Yow Hiro! Ganda ng kotse ah?" Nabaling ang atensyon ko kay Red. Kakarating niya lang at lumabas na rin sa sasakyan. We're here at the parking area of HA.
"Gago baka magasgasan. Hands off dude!" I laughed and close the door of my car.
"Where's Z?"
"Somewhere. Alone. You know." I shrugged. Tumawa kaming dalawa. Alam kasi niyang hindi aattend si Z.
Narating namin ang classroom at kinakausap ni Rue ang iba. She's so cute while wearing that pink tshirt. I smiled.
I know it's her birthday today. Mamaya ko na siya babatiin. At ngayon ko rin gustong malaman niya ang nararamdaman ko. I saw that she's looking for something or let's just say someone. My smiled vanished but I manage to smile when our eyes met.
"Z will not be attending...if that's what you want to know," I smiled.
She's so cute when she got startled. I want to pinched her nose.
"Yo!" Umakbay si Owen sa kanya at napatawa naman si Rue.
"Sobrang saya natin ah? Hindi halata," Rue said.
"2'nd time pa lang kasing makaattend kami no'n. Epic pa 'yong nauna dahil you know." Owen laughed awkwardly.
Nailing ko na lang ang ulo sa mga pinagsasabi ni Owen.
"Tara na nga!" Aya ni Rue sa 'ming lahat.
I want to talk to her but I think this is not the best time for it. The opening program went smoothly. Pumunta na kami sa mga booth and of course kung saan ang pagkain. Napabuntong hininga na lang ako sa mga naririnig.
"Look, may mga gutom tayong asong gustong kumain," Cazzy said.
"Nandito kami sa pagkain hindi sa inyo. Kaya huwag mo akong simulan baka biglang umiba ang posisyon ng mga kolorete mo sa mukha." And that's my Rue. Palihim akong napangiti sa inakto niya.
"You bitch!" Susugurin sana siya ni Cazzy at tatapunan ng juice na hawak niya pero may pumigil sa mga kamay niya. Eziel.
"Stop it Caz, will you?" Eziel said.
My forehead furrowed. What's wrong with him? I glanced accidentally at Rue. Mas lalong nangunot ang noo ko sa nakitang reaksyon sa mukha niya.
Look like they know each other.
Tahimik kong pinagmasdan si Rue habang pabalik ulit sa field ng HA. The worst section really like her. I can see it. They're just laughing when Rue stand up.
"Where are you going?" I asked.
"Bibili ng drinks," she answered.
"Samahan na kita,"
"Sama ako,"
Owen and Gavin said in unison.
"I'll go with you Rue," I said at akmang tatayo.
"Kaya ko na 'to okay? Maliit na bagay. Diyan lang kayo. Babalik agad ako!"
Nagkatinginan kami nina Owen at Gavin at nagkibit balikat. Wala kaming magawa kundi payagan siyang mag-isa. Hanggang sa malaman naming may nagmamasid at nawawala na si Rue. Nahirapan pa kaming pakantahin ang nahuling nagmamanman but in the end nalaman pa rin namin. Nagsisakay kami sa sariling mga sasakyan at pumunta sa tinutukoy na lungga ng gagong 'yon. Sa abadunadong building na medyo malapit lang dito.
Maraming mga tauhan ang Arllu na 'yon pero hindi 'yon sapat para mapatumba kaming taga worst section. Sisiw lang 'yan sa mga nakalaban naming gang.
"M-may m-mga g-galos k-kayo..." Utal na sabi ng palapit na kami. Hawak-hawak siya ni Z.
Dali-dali kaming lumapit sa kanya matapos na mapatumba lahat ang kalaban. Mukhang maraming dugo ang nawala sa kanya. Si Cielo agad ang unang lumapit kay Rue. Hawak-hawak niya ang tagiliran ni Rue at nilagyan ng pressure. F*ck!
"Sh*t Rue!"
"Kami pa talaga ang inalala mo!"
"Huwag kang matulog Rue!"
"Kasalanan natin 'to eh!"
"Rue! Don't sleep please. I'm begging... Hiro drive us to the nearest hospital!" Histeryang ani Z. Sobrang pag-aalala ang makikita mo sa mukha niya. Ngayon ko lang siyang nakitang nagkaganito.
Because of that I confirmed something. Now I realized why he's acting weird when Rue is near. Tsk! History repeats itself huh? Nailung ko ang sariling ulo.
I drive as fast as I could. 'Yung iba nakasakay sa sarili nilang mga sasakyan at motorsiklo.
"Malayo pa ba?" Z said, hindi mapakali.
"Z calm down okay? Rue's gonna be okay."
"How can I f*cking calm down when her life is at stake! Tell me how? F*ck it!" He frustatedly said.
I glanced at the rear view mirror. Nakatingin siya kay Rue habang nakahiga ito sa hita niya.
"She's gonna survive it. Rue is a fighter remember?" Pilit kong ipinakitang kalmado ako kahit na kinakabahan ako para kay Rue. Sa itsura pa lang niya ay mukhang alam kong malala ang lagay nito pero kahit na gano'n ay hindi ako nagpakita na nangangamba. Baka masuntok ako ng wala sa oras ni Z kapag nagkataon.
Mabilis kaming inasist ng mga nurse at doctor. Nagkataong pagmamay-ari ng pamilya ni Eziel ang hospital na ito...ang kapatid niya. Tiyak magkakagulo sa oras na malaman niyang nasa binggit ng kamatayan ang kapatid niya at dahil 'yon sa 'min.
Yeah! I know. Throze Eziel Gonza and Threze Rue Gonza are siblings. Not just a siblings but a twins. A freakin' twins!
Noon pa man ay may hinala na ako pero pinagsawalang bahala ko lang 'yon. Hanggang sa na confirm ko 'to kanina.
Hindi ko alam kung may nalalaman si Z tungkol sa kaniya. But I have this guts na may alam siya rito pero pinili niyang 'wag sabihin sa 'min. Gago talaga ang isang 'yon! What's new with Zinnon Dyn Martinez anyway?
"Sir hindi po kayo pwede sa loob," bawal sa kanya ng nurse at pumasok na sa operating room. Mukhang hindi magpapaawat 'tong si Z kaya nilapitan ko na.
"Z, Rue will be okay. Let them be," Hinawakan ko ang balikat niya. Naihilamos niya ang kamay sa mukha at umupo.
"This is all my fault! F*ck it!"
Tahimik lang kaming nakatingin sa kanya. Wala ni isang nagsalita. Tumayo siya at sinuntok nang sinuntok ang pader. Takot namang umawat ang iba sa kanya dahil baka sila pa ang mapagbuntungan ng galit nito sa sarili.
Nagpabalik-balik ito sa paglalakad. Hindi mapirmi sa pwesto. Ngayon ay pinakita nito ang pagiging mahina.
We just saw the other side of him, the weak Zinnon Dyn Martinez
Ngayon pa lang ay alam ko na. Alam ko ng wala akong laban sa lokong 'to. Mapait akong napangiti at naglakad palabas.
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro