Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🍁HOW TO USE STABILIZER🍁

HOW TO USE STABILIZER IN IBISPAINTX:

I would like to thank unnie Suhoberrie for requesting this tutorial♥

---

So what is the function of stabilizer? Well, mainly para talaga siya sa pagdadrawing but it is also very helpful in editing. Isasama ko na din sa tutorial na ito si 'Force Fade' kasi paborito ko talaga silang tool tuwing nag a-outline ako ng png like sa sample na ito:

'Yang mga lines na nasa edges ng png at yung nasa buhok ni Jimin, I used stabilizer and force fade for that. So let's start♥

****

1. So pagkatapos mong gumawa ng base mo, gusto mo na siyang lagyan ng lines/outlines, so press the layer tool.

2. Add a new layer at itap yung bagong lumabas na layer para sure na dun ka maglalagay ng lines.

3. Go to the brush tool and change it into airbrush trapezoid and don't forget to change the color. (Yung gusto mong kulay para sa buhok). At 'yung size din ng brush dapat maliit lang.

4. Pindutin 'yung stabilizer na makikita sa taas ng canvas (RED) at i-ON mo sya hanggang 10%.

*Well I will explain to you kung bakit kaylangan mo siyang i-on. Makikita mo sa baba yung difference ng naka ON ang stabilizer at 'yung naka OFF. Pag naka ON kasi siya maiiwasan mo ang pazigzag-zigzag na line. Just try it and you will feel the difference.

5. Pagkatapos mo siyang i-ON, lagyan mo ng maraming lines ang buhok ng png. Dapat isabay mo siya sa direction ng hair. You can lower the opacity if feeling mo nasubrahan siya.

6. Gamitin naman natin ang force fade para sa lines ng face at edges ng png. I-ON mo siya, at gawing 100% ang length of start at length of end.

*Tignan sa baba ang difference nung naka ON ang force fade at 'yung naka OFF. Pagnaka on sya hindi mo na kaylangang i-erase ang edges ng line kasi kusa na siyang nagfefade. Mas mapapabilis ang paga-outline mo.

7. Pag naka ON na si force fade, go to brush tool again and change it to dip pen hard. Manipis lang din dapat ang size ng brush.

8. At pwede ka ng magsimulang mag outline ng edges ng png, yung gilid ng face niya at 'yung mga lines sa damit niya. Lower the opacity if needed.

And that's it! Mas better na 'yung finishing ng artwork mo diba? Sana hindi malabo ang explanation ko♥
⇨ZHEDGELA

--


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro