Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🍁HOW TO ADD FONTS🍁

HOW TO ADD FONTS IN IBISPAINTX:

Actually hindi ko talaga ginagamit ang text tool sa ibis kasi yung nakasanayan ko sa picsart dati ang ginagawa ko parin ngayon, which is sinisave sa pixellab at inuupload sa ibis yung text. Kailangan din kasing i-download directly sa ibis ang font unlike sa pixellab na itatransfer mo lang ang .ttf file ng font. But if you want to know how to add fonts in ibis, ganito lang po kadali♥

****

1. Matapos mong gumawa ng cover mo at gusto mong lagyan ng text. Pindutin ang pen icon.

2. Choose the text tool.

3. Tap your canvas at may lalabas na add text. Tap it again.

4. I'type ang gusto mong text, at pagkatapos ay pindutin ang FONT.

5. Makikita mong may mga basic fonts si ibis but you want to add a font so click the plus sign.

6. Ire-redirect ka nya kay google so it means kaylangan may internet ka kaya nga sabi ko kanina kaylangang directly mong idownload yung font na gusto mo. So ayan, pumili ka kung saan mo gusto magdownload. Piliin ko lang muna si 1001 free fonts.

7. Pumili ka ng gusto mong font at idownload mo siya.

8. At makikita mo sa baba na downloading na siya at no worries dahil sobrang bilis niyang magdownload. Pagkatapos ay iclick si OK.

9. At nandyan na sa fonts mo ang idinowload mo. You can add as many fonts as you like at pwede mo na syang magamit offline :)

10. Click the font na gusto mong gamitin at pwede mo din syang lagyan ng outline.

I chose charlemagnestd font for this.

****

That's it may fonts kana! Kung gusto mo namang galing sa pixellab na text ang gagamitin mo, just click the camera icon to upload it. Para kalang ding naguupload ng photo♥ Sana hindi malabo ang explanation ko♡

Bdw, thank you nga pala sa mga fellow editors ko na nagvovote at biglang nagfofollow sakin♥ Salamat at napabisita ka sa tutorial book na ito. Mas lalo tuloy akong namotivate na magpost pa ng maraming tutorial, Kansameda♥
⇨ZHEDGELA

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro