59: Visit
"Carter!"
Huminto si Carter sa paglalakad nang marinig ang tawag ng Mama niya. There were some crashes and noise in the kitchen before her mother appeared with a Tupperware in hand. Ang papa naman niya ay kakapasok lang ay napasulyap doon, ang mga mata'y agad dumapo sa pagkain.
"Ma, para sa'kin ba 'yan?" tanong nito habang pinupunasan ang dumi sa may baba.
Carter's mother glared at him, aggressively putting the food on Carter's open palm. "Kay Mallory 'to."
"Dadaan si Carter do'n?"
He glanced at Carter questioningly, but the young girl only offered a blank expression. Wala din naman kasi siyang alam na dadaan siya sa kuya niya.
"Aba, siyempre! Malapit lang naman ang eskwelahan ni Mal sa bahay ni Rosanna. 'Saka antagal nang hindi nakakain ng lutong bahay ang panganay ko!"
"Noong linggo lang siya umalis dito, Ma."
"E'di tatlong araw na pala siyang 'di kumakain ng luto ko!"
Carter's father just sighed, giving up on arguing with his wife dahil kahit kailan naman ay hindi siya mananalo dito. Instead, he turned to face his youngest.
"Anong oras daw ba aalis si Rosanna sa kanila?"
"Mayang hapon po, Pa."
"Tama lang 'yan! Kumain ka ng lunch sabay sa kuya mo tapos dumiretso kina Rosanna. Ite-text ko na lang din siya. Maiintindihan naman niya 'yon." her mother dismissively waved her hand. "Mag-ingat ka do'n, ha." pagbabala nito kay Carter. "Limang araw din siyang wala. Huwag mong bubuksan ang pintuan kahit kanino. Dadalaw-dalaw naman doon si Mallory at 'yon pinsan mong si Rachel kaya 'di ako masyadong mangangamba."
Carter nodded. "Ingat din po kayo sa byahe."
Her parents nodded, following her outside as she started the car.
Papunta siya ngayon sa Manila para bantayan ang nakababata niyang pinsan. Her aunt, Rosanna, will be out on a five-day business trip. Hindi sana siya sasama kung hindi iyon importante sa negosyo nila. Her first plan was to bring Roan to her sister's place, ngunit dahil aalis din ang Mama at Papa ni Carter papuntang Negros, naisip na lang nitong pumunta si Carter doon. Sumang-ayon naman ang magulang niya para makalabas-labas din ang anak. At least, kung si Carter pupunta doon, madadalaw siya nina Mallory at Rachel, kaysa dito na sila lang dalawa ni Roan.
She stopped the car near the university, taking her phone out to text her brother. May multo ng ngiti na bumisita sa labi niya nang makita ang sampung chats ni Rook. She couldn't believe it takes him that many to say goodmorning and whatnot. Putol-putol kasi kung magchat.
Hindi niya muna pinansin 'yon at inuna ang kuya.
I'm outside.
delivered • 8:19 am
Kuya:
Nandito ka na pala
Diretso ka lang doon sa last na pinarkingan mo
Absent si Daniel ngayon at may reserved spot siya diyan
Sabihin mo lang sa guard
Alam na din niyang dadating ka
sent • 8:24 am
How?
delivered • 8:24 am
Kuya:
Close kami eh hahahaha
Bat nga pala napadaan ka dito
Sabi ni Mama kasi papunta ka lang daw, di sinabi bakit
sent • 8:25 am
May pagkain ka dito. Kunin mo. Kung gusto mo sabay maglunch, pwede din.
delivered • 8:27 am
Natigilan si Mallory sa text ng kapatid niya. He thought it over, glancing at the two boys in front of him.
"Eto, eto, Ross. Sexy!" sabay sipol ni Rook.
Ross hummed. "Oo nga... Kaso... Gusto ko 'to. Para may spice."
"Depende naman sa'yo kung lalagyan mo ng spiciness!" tinaas-baba ni Rook ang kilay.
"Hm."
"Basta akin ito! Shit, p're, ang hot nito. Gusto ko 'tong picture na 'to, kitang-kita talaga ang dapat makita."
Claude and Mallory both sighed when they received glares and disgusted looks from a group of girls who passed by.
"Tumahimik nga kayo!" saway ni Mal. "Baka akalain pa ng iba kung anong pinag-uusapan niyo. Nuggets lang o fried chicken, kailangan ba talagang pag-awayan 'yan?!"
"Kasi Mal, tingnan mo!" Rook whined, showing the newest menu picture of the chicken nuggets. "Ang sexy tingnan, alam mong masarap talaga at yummy!"
"Gago. Iisa lang naman 'yon."
"Tumahimik ka, Claude, kung ayaw mong mabangasan ko ulit mukha mo."
"Masarap nga, pero mas gusto ko 'yong fried chicken para maanghang." Ross butted in.
"E'di lagyan mo hot sauce ang nuggets!"
"Bakit nga ba kayo nag-aaway? Hindi naman kailangan magkaparehas order niyo." Mal once again lectured.
"Manglilibre kasi si Ross ngayon, Mal, kasi mas mataas score ko sa kaniya sa IES kanina."
"Nakipaglaban pa kasi," Claude chuckled. "Alam mo namang walang nakakatalo kay Rook sa tests."
"Para sa donut..." sagot ni Ross na walang nakaintindi.
Bumuntong-hinga muli si Mallory dahil mukhang nagbabantay siya ng mga bata sa lagay nito. His phone vibrated, with Carter texting again because he didn't respond.
Tinitigan niya si Rook.
At may naisip siyang... maganda.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro