Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

52: Suspicious

"Hala, Carter! Tingnan mo! 'Diba kaibigan ni Mallory 'yan?"

Natigilan si Carter sa pag-aayos ng nakadisplay na pastry. Tumigil na kasi ang pagmamascot niya sa labas at tumutulong na siya sa front ng café. Tinanggihan niya ang alok na magwaitress kasama si Natalie, dahil masyadong maiksi para sa kaniya ang uniform nito at wala din siyang sapat na enerhiya para makipag-usap sa mga tao. Kaya okay na siyang kumuha ng orders, maghanda ng kape, at ayusin ang pastries on display.

Inangat niya ang tingin kay Natalie na nakalingon sa labas habang tinutulak sa kaniya ang order ng customer. She sighed, glancing at it and punching the order on their bump screen, before looking. Tila huminto pati pagtibok ng puso niya nang namataan si Rook sa labas. He was nearing the café, his eyes searching the outside of the store, as a sulking guy followed him.

"OMG! Ang gwapo talaga! Pero ba't kaya 'di nila kasama si Mal ngayon?"

Hindi nakasagot si Carter. Ni hindi nga siya makahinga nang maayos nang papasok na si Rook, ang kamay niya'y nakahawak sa pintuan ng café.

She quickly remembered how she was just in a black shirt and fitted pants, with the café's apron tied around her waist. In short, kitang-kita ang pagmumukha niya at makikilala siya ni Rook, hindi 'gaya noong nagmamascot siya sa labas!

"Pero buti din na wala at nauumay na ako sa pagmumukha no'n, 'di ba, Carter?" Natalie turned around only to see nobody behind the counter. Kumunot ang noo niya nang makita ang paggalaw ng swing door na sumabay sa ingay ng bagong pumasok na customer. "Hala, nasaan na 'yon?"

Tatawagin na sana niya ang pangalan ng kaibigan nang may mahinang tumapik sa balikat niya. Umikot si Natalie at nakaharap si Rook, na kailanman ay 'di nawawalan ng ngiti, at si Ross, na mukhang hinila lang mula sa kama sa kawalang-ayos at inaantok na mata.

"Hello!" kumaway-kaway pa si Rook. "Natalie, right?"

Tumango siya.

Itinuro ng lalaki ang labas. "Wala na kayong free donuts?"

"Ah, eh, wala. Tapos na 'yon, hehe. Sa first three days lang ng opening 'yon eh..."

"Ay, I see. Sayang naman." nakanguso nitong tugon.

Kumunot ang noo ni Natalie sa reaksiyon nito at sa pagsama ng mukha ni Ross sa narinig. Sayang ba ang tao sa loob ng mascot o sayang ang donut? Kinakati tuloy si Natalie na magtanong para man lang mapakain ang chismis-deprived soul niya.

Kaya naman hindi siya nakatiis at nagtanong, "Sayang ano?" sabay tawa para hindi halata.

"Gusto ko kasing makausap," anito saka kinamot ang ulo. He glanced at the vacant front counter. "Nasaan na 'yong babae dito kanina?"

"Ah... ano, may kinuha lang sa likod." Natalie awkwardly laughed, presenting a vacant table to them. "Ba't 'di na lang muna kayo maupo at kukunin ko order niyo?"

"Ay, okay..." tila nanlulumong sagot nito pero sumunod naman.

Natalie followed them to the table, quickly writing down their orders. Aalis na sana siya nang pinigilan ulit ni Rook.

"Babalik ba 'yong staff niyo sa front?"

Now Natalie can't help but be suspicious. But even though her curiosity is eating her up, she shouldn't be too pushy.

"May kinuha siguro sa likod o break na niya ngayon. May kailangan ba sana kayo sa kaniya? Gusto niyong makausap?"

Being Mal's friends doesn't exempt them from Natalie's thorough inspection, lalo na't to think na circle ito ni Claude... Baka naman tradisyon ng magkakaibigan na 'to ang manloko. 'Saka kilala niya si Carter, hindi ito nasangkot sa kanino man pagkatapos kay Claude. Si pogi na rookiemoonster langㅡ

"Ah, hindi, wala naman. Curious lang!" ngumiti si Rook. "Huwag mo nang alalahanin, saka, hindi kami creep ha! Ano, tanong lang kasi mukhang dalawa lang kayong waitress na nasa labas kaya walang magbabantay doon..."

Rookiemoonster... Rook na friend ni Mal...

The possibilities are running in circles around Natalie's brain!

"Hoy!" Rook snapped his fingers, immediately regretting it when Natalie jumped in surprise. "Hala, sorry po! K-Kasi parang tulala kayo."

"Ah, huwag ka mag-alala, hehe. Kaya namin 'yan!" patukoy ni Natalie sa saad nitong walang magbabantay sa front counter. "Sige ha, bigay ko na sa kitchen order niyo."

Malaki ang ngiti ni Rook. "Sige! Salamat, salamat, Natalie!"

"Salamat..." tahimik namang dagdag ni Ross na halos makalimutan ni Natalie na nandiyan pa pala!

With another small polite bow, Natalie headed to the kitchen. Pagkabukas pa lang niya ay umatake na sa ilong niya ang iba't ibang amoy ng spices at bagong baked na tinapay. Ngunit ang mas nakakuha sa atensiyon niya ay ang kaibigang nagtatago sa likod ng pintuan.

Carter planted her back on the wall, unconsciously biting her lower lip as she stared outside the door. When she noticed Natalie, she only averted her eyes, playing her hiding around cool.

"Hoy! Break mo na ba?" tanong niya.

Carter stiffened. "Ah, oo, break ko na ngayon. Lunchroom lang ako." anito saka nagmamadaling umalis.

"Oh? Buti pinaalala mo sa kaniya! Akala ko nga magbi-break noong pumasok pero tumayo lang diyan at 'di na gumalaw pa." komento ni Maya na may dala-dalang croissants.

"I'm full of suspicion, Maya."

"Ha?"

"May kutob akong... may nangyayaring... maganda..."

Sumama ang tingin nito. "Oh, e'di maganda! Pero 'yong ibang customer sa labas, hindi na maganda ang mood kakahintay sa'yo. Lumabas ka na nga! Trabaho muna bago chismis!"

"Hindi pwedeng both?!"

"Hindi! Hindi ka reporter na binabayaran namin para maghanap impormasyon! Hala, shoo!"

Natalie made a face at Maya before completely going out, her thoughts still about Carter, Rook, and that rookiemoonster. Napakalaki na ng suspetya niya pero maghihintay muna ang kaniyang Sherlock skills. But Natalie's sure... that she won't let this day go by without asking Carter.

Humanda ang babaeng 'yon!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro