Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

50: Maybe It's Her?

Mallory glared at Rook who looked too excited. Mas maaga itong nagising sa kanila at inuna pa ang cellphone kaysa magbanyo. Umagang-umaga, naiinis na si Mallory dahil sa hagikhik nito. Akala mo may kumikiliti kung makatawa.

"Akala ko mag-go-golf tayo ngayon?" sabay hikab ni Ross.

"Pagkatapos natin magkape do'n sa Limerence! Sarap ng pagkain nila. 'Saka baka may free donuts ulit."

Speaking of the donuts, Mallory just remembered Mesha's answer regarding Carter's job. She agreed to be a waitress ngunit sa unang tatlong araw ay ginusto nitong magmascot. Ito pala ang malaking donut na nakita niyang may dala-dalang tray sa labas ng café.

So even though he wasn't really into going back, dahil tinatamad din siya, ay sumama na lang si Mallory para makita at mapicturan ang kapatid.

On the other hand, Ross, who should have remembered the donuts, thought of the mascot who has a crush on Rook instead.

"Rook..." tawag niya. "Kung papapiliin ka, donuts o bossmam?"

Hindi man lang nagdalawang-isip ang lalaki, at mukhang na-offend pa, nang sumagot. "Of course, si bossmam!"

Tumango-tango si Ross. Napakalungkot naman pala ng donut na 'yon. Loyal na nga talaga si Rook sa bossmam niya. Siguro kung maghanap siya ng kape na mascot ay mawawala na ang crush ng donut kay Rook?

"Ba't mo pala natanong?"

"Habulin ka kasi ng donut..."

"Ano? Paano naman ako hahabulin ng donut?" Rook asked, only getting a shrug in return. Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. "Alam mo minsan, walang kabuluhan 'yang lumalabas sa bibig mo."

"Wala naman kayong pinagkaiba." Daniel pointed out, crossing his arms. "You're a dumb child, he's just dumb." patukoy nito kay Ross.

"Ouch. Masakit." sagot naman ng isa sa walang kaemo-emosyon na boses.

Claude laughed at his friends' antics while Mallory shook his head. Hindi rin nagtagal ay nakarating sila sa Limerence, na nakapwesto lang malapit sa country club. Nang makita ang donut mascot sa labas ay napangisi ng malaki si Mallory.

The four other boys frowned in confusion when Mallory ran towards the donut, his phone raised. Agad nitong pinagkukuhanan ng picture ang smiling donut, na for some reason, ay mukhang hindi na nakangiti.

"Hoy, anong ginagawa mo?" sabay hampas ni Rook sa braso ng kaibigan. "Nakakahiya ka!"

Medyo natatakot na din siya dahil mukhang handa nang ihampas ng mascot ang tray na hawak kay Mallory.

"Ito 'yong kapatid na sinasabi ko sa'yo. Nag-evolve na siya sa donut!" sabay malakas na halakhak nito.

"Agang-aga, gumagawa ka naman ng gulo, Mallory? Hayaan mo nga 'yang mascot namin!" Natalie scolded, getting out of the shop after seeing Carter in a dilemma.

"Nat, picturan mo kami. Ipapa-frame ko 'to!" natatawang saad ni Mallory at pumwesto sa tabi ni Carter.

Walang nagawa si Natalie kung hindi sumunod. While both she and Carter wants to kick him for being annoying, customer pa rin si Mallory at wala namang ginagawang masama.

Pagkatapos no'n ay hinarap ng lalaki ang kapatid. "Bagay din sa'yo, sis, huwag kang mag-alala. Pero mas bagay sa'yo 'yong waitress. Dadami customer niyo."

Tumawa si Natalie. "Kaya nga! Ayaw makinig nito eh!"

They all stared at the mascot, waiting for a response, but all they received was silence. Hindi ito gumalaw o nagbigay man lang ng reaksiyon. Feeling awkward, the group just decided to go inside.

Except for Rook.

He stayed in front of the mascot, waiting until he got their attention, then pointed at the tray.

"Free ulit?"

Tumango ang mascot.

"'Pag kumuha dalawa, okay lang?"

"Kumuha ka na."

Natigilan ang lalaki. Napakagat sa ibabang labi si Carter. Hindi naman niya planong magsalita pero hindi niya din ito napigilan. She could have just nodded again, but her mouth moved on its own!

Ngayon tuloy ay kinakabahan siya na baka na-recognize ni Rook ang boses.

Inangat nito ang ulo at tumitig sa kaniya... or well, sa nakangiting donut. His friendly smile was gone, replaced by his parted lips and slightly-wide eyes. Hindi alam ni Carter kung magsasalita ba ulit siya o ibibigay na lang niya ang tray sa lalaki.

"Rook, bilis, ako din kukuha."

Tila nabasag ang kung ano mang katahimikan ng dalawa nang marinig si Ross. Inip na inip itong naghihintay sa likod ni Rook, ang mga mata'y nakatuon lang sa pagkain. Kanina pa niya gustong kumuha pero nakikipagtelepathy pa si Rook sa donut. Iyon nga lang, hindi na matiis ni Ross ang gutom.

"Ah, oo, kuha ka na." napakamot sa ulo ang lalaki at tumabi.

After getting three, because Carter was too distracted to notice, Ross went straight to the restaurant. Huminto lang siya nang mapansing nakatayo pa rin si Rook sa tabi ng donut.

He tilted his head, calling, "Rook. Tara."

"Oo, oo." tila naiinip naman na sagot ng isa. Bago umalis ay ngumiti ito sa donut, "Thank you! Ganda ng boses mo, miss."

Carter almost turned to stone after hearing that nickname. Isinantabi niya lamang ang libo-libong ideya na pumasok sa isip niya. Narinig nga ni Rook ang boses niya, pero baka tinawag lang siya nitong 'Miss' dahil boses babae. There is no other meaning to it.

Maybe.

Sa loob ng Limerence café ay may mesang tila dinaanan ng anghel sa pagkatahimik. Limang lalaki lang ang nakaupo doon at nakatitig sila sa kaibigang tulala at namumula. Daniel turned to a nonchalant Ross at the sight of a strange Rook.

"Anong nangyari diyan?"

"Ano pinakain mo?" dagdag ni Claude.

"Natuluyan na ba 'yan?" tanong rin ni Mallory.

Si Ross, na tahimik lang namang kinakain ang donut at binagsakan ng libo-libong tanong, ay agad na nagbanyo para makaalis. Walang pasabi itong tumayo at tinalikuran sila.

"Isa ding siraulo..." naiinis na saad ni Mallory.

Tinapik ni Claude ang lalaki. "P're, ayos ka lang?"

Naghintay sila ng ilang minuto para lang marinig ang,

"Ehehehe..."

Ilang customers rin ang napalingon sa kanila dahil sa ginawang ingay ni Rook. Malayo ang tingin niya habang humahagikhik, na parang nagdi-daydream.

"Sus marimar! Rook! Sinapian ka na ba?!" hiyaw ni Daniel sabay sampal sa kaibigan.

Mahina lang naman 'yon pero kung mahawakan ni Rook ang pisngi parang nabigyan ng mag-asawang sampal.

Magrereklamo na sana siya pero nang maalala ang boses ng mascot kanina ay nawala ang galit sa kaniyang puso. Maybe he's assuming too much. Maybe he just misses her voice and he can hear it anywhere now. Maybe they have the same tone!

Pero... Napahawak si Rook sa dibdib para pigilan ang naghuhurumintado niyang puso. Ayaw niyang mag-assume, ayaw niyang manguna, ayaw niyang magpakatanga... pero...

"Mga p're..."

"Oh?"

"Maybe it's her, 'no?"

Isang napakalaking ngiti ang bumisita sa kaniyang labi habang tinititigan ang mascot sa harap. Kunot-noo at nakaawang ang labi naman ang mga kaibigan niyang nakatitig.

"Wala na 'to, p're."

"Mami-miss ka namin, Rook."

"Pero sinong her? Si bossmam ba? O iba? Lapag naman diyan ng chismis oh."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro