Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

48: Donut

"Carter, ayos ka lang?"

She shot Natalie a thumbs-up. Ayos lang naman siya pero sadyang 'pag tumatagal, umiinit na ang suot niyang suit. The first time she wore it, Natalie fell into an unstoppable fit of laughter.

It was a donut costume with a smiling face. Sa laki ng katawan nito ay hindi pa komportable si Carter na igalaw ang kamay no'ng una. After a short while, naging maayos na ang pagdala niya rito, and she stood outside the newly-opened café with a tray of fresh-baked donuts. Ino-offer niya ito sa kung sino mang dumadaan.

"Buti na lang malamig hangin ngayon." Natalie wondered out loud.

"Hindi ko naman nararamdaman masyado." sinamaan ni Carter ng tingin ang katabi. "Wala ka bang trabaho do'n sa loob? Ba't andito ka sa labas?"

"Kasi po, nagtanong si Tita Mesha kung okay lang daw po kayo. Kaya ako po, ang kawawang Natalie, ay nandito po para tanungin kung okay nga lang po kayo."

"No'ng dumating ka, hindi na okay po. Opo."

"Mapagbiro ka na, Carter, ha." Natalie teased but only got silence in return. At dahil nga nasa loob ng mascot, mas mahirap sa kaniyang basahin ang reaksiyon nito. "Anyway, magbreak ka na after thirty minutes. Senyasan na lang kita 'pag oras na o puntahan-"

"Natalie?"

Natigilan silang dalawa nang marinig ang kuya ni Carter. Mallory grinned when Natalie, with her crumpled face, turned around. Mas lalong nalukot ang mukha niya nang makita si Venice na nakapulupot ang braso sa binata. Sa likod naman nila, ang walang-hiyang ex ni Carter ay nakaakbay sa kasalukuyang gf nito. May apat pang lalaki na sumusunod sa kanila, at isa lang ang masasabi ni Natalie ㅡ Gwapo!

"Natalie!" Jaycee exclaimed, a sweet smile on her face. "Dito pala ang summer job na tinutukoy mo?"

"Ah, hehe," napakamot siya sa ulo. "Oo. Welcome to Limerence!"

"Ang cute ng design ng café! Tapos ang ganda pa ng uniform mo. Bagay sa'yo!" pag-compliment ni Venice.

Mas lalong nasaktan si Natalie. Bakit ba kasi mabait ang babaeng 'to? Mahirap tuloy magtanim ng galit.

Mahina siyang natawa. "Thanks. Bagay sa'kin lahat."

Jaycee and Venice both supported her confidence, while Mallory made a disgusted expression. Kating-kati naman si Natalie na ihampas sa pagmumukha nito ang tray na hawak-hawak ni Carter.

"Oh, saan kapatid ko?" tanong ni Mal. "Magkasama kayo dito, 'di ba? I'm pretty sure na 'di 'yon magwa-waitress at wala ding tulong 'yon sa kusina."

Natalie was about to answer when Carter subtly hit her. Tinikom na lang niya ang bibig at sa halip ay isinagot na,

"Wala. Ayaw daw niyang makita ang pangit mong pagmumukha."

"Aba. Magkapatid kami kaya same lang-"

"Oh, Mallory! Ikaw ba 'yan?"

Mesha, the owner of the café and Maya's mother, hurriedly went outside. Nginitian niya ng pagkalaki-laki si Mallory at mga kaibigan nito. Agad namang nagmano si Mallory. Itatanong na sana niya ulit kung nasaan si Carter nang ayain sila sa loob ni Mesha.

"Pasok kayo, Mal. Mag-order lang kayo ng gusto niyo at huwag niyo ng intindihin ang bayad. Ang tagal na rin nang huli kitang makita. No'ng dumaan ka kasi sa bakery, si Maya lang nando'n."

"Okay lang po, Tita. Nasaan pala si Maya?"

"Ay, nako! Alam mo naman ang batang 'yon, 'pag tungkol na sa trabaho, ayaw nang lumabas sa kusina..."

Natalie watched as Mesha guide them inside. Magpapa-alam na sana siya kay Carter pero hinila na siya ni Jaycee pata magkuwentuhan. Sumunod naman ang iba pang lalaki, na hindi pinansin ang mascot sa tabi na hawak-hawak pa rin ang tray ng donuts.

Until a hand reached out to get one.

"Hi!" kumaway-kaway si Rook sabay turo sa kinuhang donut. "Free 'to, 'no?"

Isang tango mula sa donut mascot.

"Pwedeng kumuha dalawa?" Rook chuckled, quickly adding, "Joke lang, joke lang. Kuha ako isa. Ingat ka, donut!"

Isang tango lang ulit ang isinagot nito.

Sunod na pumasok si Rook na kagat-kagat ang donut. Carter followed him with her eyes, her heart getting heavier by the second. Kahit ang tray na hawak-hawak niya ay nakaharap sa direksiyon ng pinto, kaya hindi niya napansin ang huling lalaki na naghihintay mabigyan ng donut.

"Excuse me."

She flinched in surprise, her posture stiff and straight as she faced the last guy. He was with Rook and Mallory too. One glance and it's evident that he's the quiet kind. He's taller than the rest of them, with tousled hair and sleepy eyes. He pointed at the tray, expressionless.

"Pasali sa free donut."

Carter pushed the tray forward. Unlike Rook, kumuha lang ng dalawa ang lalaki nang walang tanong-tanong.

It's against the rule pero inisip na lang ni Carter na para sa Kuya niya 'yon, na hindi din naman kumuha.

"Crush mo si Rook?"

Halos mabitawan ni Carter ang tray na hawak sa diretsong tanong nito. Even with the costume on, she glared at the man.

"What?" she asked, hostility present in her voice.

"Crush mo si Rook?" ulit nito.

"What are you talking about? Hindi ko kayo kilala."

"Really?" he took a bite. "You looked interested. Pero may bossmam na daw siya. Kaya... Salamat sa donut."

Carter watched the man bid goodbye with disbelief. Hindi niya gets kung anong trip nito at naiinis siya, pero hindi niya mapigilan ang pag-init ng pisngi.

Kung bossmam lang naman... siya naman 'yon e.

Carter pushed the thought away, preferring to remember how every piece has fallen into place.

The moment her Kuya stepped in, her eyes were already fixed on one man. And everything dawned on her.

It was unbelievable how small the world can actually be. She doesn't need to be the smartest person to realize the exes that they've been talking about were the same.

She was thankful for the owner's interruption and Natalie's quick understanding because she could just stand at the side, invisible to anyone.

Ngunit sa isip niya lang pala 'yon. Dahil ang lalaking kanina pa niya tinititigan ang siyang lalapit sa kaniya. And, Carter really hates how their video calls make no justice to how handsome Rook really is. His charisma is overflowing, and even in a group full of attractive men, he stands out. Lalo na at napakalinis niyang tingnan sa pale brown shirt, black pleated shorts, and white shoes. Bagay na bagay sa kaniya na gusto na lang ni Carter pumunta sa kusina at sumigaw na hindi na niya kaya.

She sighed, offering the tray again to a family that passed by. This is bad. With how small their world is, it's inevitable that they cross paths sooner or later.

But Carter... is not yet sure if she's ready for that.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro