23: Hala, Nafollow!
"Okay na 'to?"
"Woah..."
Sinamaan ng tingin ni Carter ang katabi. Natalie had this dumb look on her face as she stared at Carter's phone in disbelief.
"Anong tono 'yan?"
"I've never seen an account this barren before. At ako pa lang talaga naka-follow sa'yo!" sabay halakhak nito.
Sumimangot si Carter at inagaw ang cellphone. "Ano bang ini-expect mo sa kakagawa pa lang ng instagram." she grumbled.
Natalie chuckled, watching her friend pout and sip on her iced coffee. Kinakalikot pa rin nito ang phone na parang pina-familiarize ang instagram. It made her happy though. Finally, sasali na sa civilization ang kaibigan niya. Isa din 'tong patunay na talagang nagbabago na si Carter.
Tahimik niyang kinuhanan ng litrato ang kaibigan at gumawa ng story.
Umangat ang tingin ni Carter sa kaniya. "What's this? You added me in a story?"
Nakangiting humalumbaba si Natalie. Hay nako, parang boomer tuloy itong si Carter sa kawalang-alam sa social media.
"Yep-" she stopped when her cellphone vibrated without stop.
Napangiwi si Natalie nang makita ang mga messages sa instagram niya. Now, she's regretting tagging Carter in the story.
Mas lalo siyang nainis nang makita ang kuya ni Carter na nagtanong. She's still pissed off about his attitude. Natu-turn off tuloy lalo si Natalie. Kung noon ay kinikilig siya kung nagrereply si Mallory, ngayon hindi na.
"What's happening, Nat? Why are people suddenly following me?" naguguluhang tanong ni Carter.
Napakamot na lang sa ulo ang kaibigan niya. "Sorry. Nai-story kita tas agad nakita nila. You don't need to mind it tho," she paused. "Ah! I-private na lang natin account mo."
Nag-aalangan namang tumango si Carter, too overwhelmed by the notifications in her phone.
Tinabihan ni Natalie ang kaibigan at tinulungan itong i-private ang account. They removed some people, which Carter instructed her to do, and Natalie was quietly mourning the lists of explanation she has to give later.
"So," she started when Carter's phone calmed down. "Ano na account niya?"
Nasamid ito sa iniinom at gulat siyang tiningnan. "Ha?"
"Ha? Akala mo hindi ko alam? Alam kong may impluwensiya 'yang si pogi sayo kaya ka gumawa instagram!"
Carter only frowned at her, refusing to give any answers. Kaya ginawa ni Natalie ang sa tingin niya'y mabuti. She took Carter's phone again, ignoring the other's protest, and started reading her convo with 'Partyboi'. Hindi naman siya natagalan sa paghanap.
"What's with this username? Seriously?" natatawa niyang tugon habang tina-type 'yon.
"What are you doing?" Carter asked, scooting closer to watch Natalie expertly navigate Instagram.
Hindi nagtagal ay tumigil siya nang makita nila ang instagram profile ni Rook.
"A-Anong klaseng profile 'to? Ba't laging may pusa?"
"He likes cats." Carter answered the obvious.
"Duh! Jusko," napabuntong-hininga si Natalie. "If ever man maging kayo, nakakatakot ha. Yung isa di marunong maginsta, ang isa naman mukhang pusa!"
Umirap si Carter sa pagda-drama ng kaibigan. Natalie likes to curate and design her feed. Kahit na ubusin niya pa ang isang araw sa pagpa-plano kung paano pagandahin ang profile, gagawin niya.
"Bahala ka diyan," she muttered, trying to take the phone back.
Ngumisi si Natalie at nagsimula silang mag-agawan sa phone. Tamang nakuha na nga ni Carter nang mapindot niya ang asul na button sa profile ni Rook. Immediately, his follower count increased.
"Hala." ang tanging nasambit ni Natalie bago siya nauwi sa malakas na halakhak.
Carter shut her phone off, laying her head on the cold top of the table. Gusto niya lang naman makita kung ano ang Instagram, ito at may bagong magkukulit naman siguro sa kaniya.
-
last updatee
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro