Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1

Nakataas ang isang kilay ni Mikayla habang binababa niya nang kaunti ang kanyang oversized designer sunglasses. "Kuya, anong meron? Ba't ang daming tao?" tanong niya sa driver na nagbukas ng pinto ng Benz para sa kanya.

"May protesta, Ma'am. Sa side entrance na lang tayo dumaan, baka mabato kayo ng itlog diyan."

"Tch. Ako pa mag-a-adjust? Eh sila ang nakaharang sa entrance ng municipal hall." Bumaba siya ng kotse at taas-noong naglakad patungo sa front entrance.

* * *

"Reklamasyon, itigil!" Klaro at puno ng paninindigan ang mga salitang paulit-ulit na hinihiyaw ni Sig sa megaphone.

Isang oras na silang nasa tapat ng city hall at tumatagaktak na ang pawis niya pero buo ang paniniwala niya sa ipinaglalaban nila. Hindi lang kabuhayan ng mga mangingisda ang apektado ng land reclamation project dito, pati ang biodiversity sa Amarillo Sea, manganganib.

Maliban do'n, napaka-sketchy ng reclamation project na 'yon. Nagka-bidding daw pero isa lang ang sumali kaya matic na sa contractor na 'yon in-award ang project. At isang malaking coincidence lang na kumpare ng mayor ang contractor na 'yon.

Nag-uumpisa na namang tumaas ang presyon ng 27-year-old na aktibista habang iniisip niya ang lantarang pagpabor ni Mayor Vicente sa mga kaalyado nito nang mapansin niyang unti-unting tumatahimik ang mga kasama niyang nagpoprotesta. Doon niya narinig ang ritmo ng pagsalpak ng mga takong sa semento.

Lumingon si Sig. Nagkaro'n na pala ng daan simula sa pinanggalingan no'ng tunog hanggang sa kintatayuan niya dahil tumabi ang mga tao. Napangiwi siya sa kinang ng mga alahas ng abaeng naka-heels na naglalakad sa direksyon niya.

"Are you the one in charge?" nakapamaywang na tanong ng babaeng mukhang lumabas sa isang fashion magazine (or zoo, matapos pumaslang ng mga endangered species para gawing damit ang balat ng mga ito).

Tiningnan lang ni Sig ang babae habang nakakunot ang noo. Wala siyang ideya kung sino ang special guest sa rally nila at kung anong pakay nito.

"Tsk. Hindi ka ba nakakaintindi ng English?" Nagtanggal ng shades ang dalaga. Para lang ipakita ang pag-ikot ng mga mata nitong halatang praktisadong-praktisado. "As expected from you, imbeciles."

Napanganga si Sig. Harap-harapan ba naman siyang tawagin na inutil ng isang taong ngayon niya lang nakita sa buong buhay niya.

Kinailangan niyang kumagat sa labi para mapigilan ang mga salitang magpapahamak sa kanya at sa mga kasama niyang nagpoprotesta. Ako? Hindi nakakaintindi ng Ingles? This spoiled little shit was rude as fuck.

Kalahati ng buhay ni Sig, pinoproblema niya ang pag-aaral. Sapat lang kasi ang kinikita ng tatay niyang mangingisda at nanay niyang tindera sa talipapa para sa daily survival ng pamilya nila. Eight years old siya nang magsimulang rumaket para lang magkaron ng pambili ng mga kailangan niya sa school. Siya ang naging paboritong part-timer sa bayan ng La Campanella hanggang magtapos siya ng high school.

Natiis niya lahat 'yon dahil gustong-gusto niyang mag-aral. Nag-e-enjoy siyang matuto. Kaya hindi na rin nakakagulat na nakakuha siya ng scholarship sa isang kilalang university sa Maynila, nagtapos na magna cum laude sa isang double degree program, at nakapasa sa law school at med school. Kung ba't di siya tumuloy sa abogsya o medisina, ayaw niya nang alalahanin. Dadagdag lang 'yon sa sama ng loob niya matapos siyang insultuhin ng isang babaeng walang alam tungkol sa kanya.

Did she just call me an imbecile? Aba, the lion, the witch and the audacity of this bitch nga naman oh. And all these fishermen, who may not have been formally educated but have gained expert knowledge on fishery with a lifetime of experience, imbeciles? What does she know? Mukha lang naman siyang spoiled brat na walang alam sa mundo at nalulunod sa pribilehiyo.

Sinimulan na ng babae ang pagtalikod nito. Nainip na siguro dahil nag-inner monologue lang si Sig.

"Hindi nasusukat sa kakayahan mag-Ingles ang talino. And I can understand you perfectly well. I don't wanna judge someone based on their looks but you look like you could afford some manners."

"Oooohh!" Napangiti si Sig sa reaksyon ng mga kasama niyang aktibista na parang nanalo siya sa Fliptop.

"And as you can see, nakakaintindi rin sila ng Ingles," dagdag niya habang nakangisi sa babae.

Nanlilisik ang mga mata ng babae habang nakakagat ito sa labi. Mukhang nahirapan itong umisip ng comeback.

"Tch. Lakas ng loob gumawa ng eksena, wala naman palang sasabihin." Tinalikuran niya na ang babae. In-on niya na ang megaphone para ituloy ang protesta pero narinig niya ulit 'yong heels na papalapit sa kanya. Biglang may humawak sa balikat niya kaya agad siyang napaikot.

Hinablot ng babae ang megaphone at ginamit iyon para manermon nang wala sa lugar. "Puro lang naman kayo reklamo. Ano bang ambag n'yo? Nakakaperwisyo lang kayo dito. Magsiuwi na lang kayo!"

Bago pa masabi ni Sig na may permit sila para mag-rally, binato ng babae ang megaphone sa kanya at mabilis itong naglakad papasok ng municipal hall. Buti nasalo niya 'yong megaphone kasi 'di niya afford bumili ng bago.

* * *

Hindi pa rin nag-e-evaporte ang inis ni Mikayla habang nakaupo siya sa sofa ng opisina ng tatay niya. Her fingers were scrolling through her social media accounts but she was too pissed to pay attention to her feed. After getting owned by some nobody, her ego took a critical hit.

'Bat pa ba kasi ako pinabalik sa La Campanella? My life was already perfect in NYC. This godforsaken town—

"Mikayla." Hindi niya na natuloy ang kanyang inner monologue rant nang marinig niya ang malamig at malalim na boses na pamilyar pa rin sa kanya kahit matagal niya na iyong hindi naririnig.

She looked up and her eyes met the unwelcoming glare of a tall, bald, well-dressed man with a graying full beard. "Long time, no see, Dad."

You'd expect a daughter to excitedly hug her father after not seeing him for five years but they didn't have that type of relationship. To be honest, 'di niya nga na-miss ang tatay niya eh. And by the way Hon. Artemio Vicente ignored her greeting and proceeded to sit on his desk, the feeling was obviously mutual.

Lumipat si Mikayla sa upuan na katapat ng lamesa ng mayor. She crossed her legs, then her arms, and cleared her throat. "So ano bang kailangan mo sa 'kin? Let's just get this over with so I can go back to New York and—"

"You're not going back, Mikayla. Mananatili ka dito at ikaw ang maging sunod na mayor ng La Campanella," malamig na sagot nito.

Parang umikot ang mga laman-loob niya sa sinabi ng kanyang ama. She wanted to voice out her protest but the words were stuck in her throat and before she could get them out her father raised a finger and pointed to the window near her.

Tumayo si Mikayla at dumungaw para tingnan ng tinuturo ng kanyang ama. Her eyes automatically focused on the guy she had antagonized earlier. Pawis na pawis ito habang sumisigaw sa megaphone ng mga reklamo nila. Ang dugyot lang.

"Gagawin mo ang lahat para matalo ang lintik na Makisig na 'yan," sabi ni Mayor Vicente.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro