May "TAYO" Ba?
Limang taon na ang nakakalipas, heto ako nakatingala sa langit. Hindi mapagtagpitagpi mga iniisip.
Homohola, umaasa o sadyang nangangarap ng mga bagay na magdudulot sa akin ng saya. Ang tanong na may "Tayo" ba?
Hindi ikaw at hindi ako kundi "tayo". Sana... Sana.. Dahil hanggang ngayon patuloy akong umaasa.
Ang tanong babalik ka pa ba? O tuluyan ng nakalimot ang puso mo na sabi mo noon na sa akin lang tumitibok.
Tama pa ba, aking ginagawa? Maghihintay pa ba at patuloy na umaasa? Umibig ako ng lubos at sa tingin ko hindi basta-basta iyon mauubos.
Umalis ka noon, sabi mo'y babalik ka? Ako pa ba o sadyang ako lang ang umasa. Limang taon akong naghintay, limang taon kitang minahal. Naging totoo ako, masasabi kong pag-ibig ko'y tunay.
Pero bakit, bakit?
Akala ko sa akin ka masaya, akala ko pag-ibig ko ay sapat na? Bakit ganon... Patuloy kong tanong.
Tama ba ang ginawa ko o talagang mali na ako? Sino ang sisisihin ko, ikaw ba o ako?
Sagutin mo naman ang tanong ko, may "Tayo" ba? Nang sa ganon malaman ko na tama nga ang ginagawa ko.
Nang sa ganon makapagpatuloy ako. Hindi magsasawang maghihintay hanggang tayo'y maging buo. Puso mo kabiyak ng puso ko.
Luha ko'y di mapigilan. Paano ka sasagot? Paano ko malalaman?
Asan ka na? Saang sulok ng mundo kita hahanapin? Dapat ba akong manatili sa kinatatayuan ko at hihintayin nalang ang pagbalik mo?
Bakit ang sakit, puso ko'y nagdurugo. Hugot ba to o damdamin ko ay totoo?
Asan ka na? Upang masagot mo ako. Tama ba? Tama ba na maghintay ako hanggang sa ikaw at ako ay maging "tayo"?
Paano ka sasagot, paano mo sasabihin? Paano ko malalaman ang iyong damdamin?
Umaabot ba sa'yo itong mga sinasabi ko o lumilipad lang sa hangin aking mga hinahin?
Tayo ba?
Pupuntahan ba kita o maghihintay nalang ako?
Kailangan ko na bang tumingin sa iba at kalimutan ang aking nadarama? Matutuwa ka ba? O malulungkot ng sobra?
Saan kita hahagilapin nang masagot mo ako? Saan ako maghihintay ng iyong muling pagbabalik?
Kung tunay nga na babalik ka pa. Kung sana nga ay makakabalik ka pa. Ipagpapatuloy ko hanggang sa ikaw at ako ay maging "tayo"..
Naalala ko pa ang mga alaala natin limang taon na ang nakakalipas. Ikaw at ako ay naging masaya sa isa't-isa kahit panahon pa ang lumipas.
Una tayong nagkita sa simbahan, sabi mo noon dito ay may pag-asa dito ay tunay na mamahalin ka. Naniwala ako sayo, lumipas ang panahon ikaw ay naging instrumento upang malaman ko ang totoo.
Parehas tayong naglingkod, parehas na sumubok sa pag-ibig na ang Diyos ang nagbigay pahintulot.
Mahal natin Siya, at mahal natin ang isa't-isa. At alam kong higit na minahal ng Diyos tayong dalawa.
Hindi ako perpekto maging ikaw din yon ang alam ko. Pero dahil sa Kanyang biyaya ikaw ay nakilala. Isang pasaway na kagaya ko itinagpo sa isang tulad mo. Na sabi nga nila ay hindi makabasag pinggan ang dating mo.
Yong mga araw na iyon sobra saya at sarap sa damdamin. Pasasalamat sa Diyos atin pang dinalangin.
Hanggang sa dumating ang araw ng kung saan akala ko ay galit ka sa akin. Pero nagpag-isip-isip ko ang bagay na iyon ay hindi mo gawain.
At ang alinlangan na namuo sa damdamin ay biglang nawasak ng sinabi mo ang mga katagang iyon sa akin. Ikaw ay nakaluhod sa mga mata ko ay nakatingin.
Sa oras na iyon lakas loob mong sinabi sa akin; "Jireh, hindi na ikaw at hindi na rin ako...... "
Labis akong kinabahan, naglulundag, nananalangin. Ito na ba? Ito na ba? Kung saan may salitang "tayo" na?
Sa isip mga katagang to ay inasam, naghintay sa iyong sasabihin. Maaring ito, maaring iba rin. Pero gusto ko nang tanongin na may "tayo" ba?
Ngunit... Hindi mo naituloy ang iyong sasabihin. Dahil sa likod natin mga tao ay nagtatakbuhan. Dapat ba akong mainis o dapat na din ba kitang hilahin? Tatakbo na din tayo. Makikisabay tayo sa mga taong nagtititili. May gulo ba? Anong nangyayari?
Isang putok aking narinig akala ko putok na magbibigay sa akin ng tuwa. Inisip ko na isa ito sa iyong surpresa. Gaya sa palabas, mga fireworks na magaganda. Ngunit paglingon ko. David asan ka na? Sa hindi kalayuan ikaw ay nakadapa. Nakatingin sa akin, bakas ang ngiti sa iyong mata.
Hawak mo ang isang maliit na hugis pusong lalagyan. Gusto kong tanungin sana kong ano iyan. Pero..
Ako'y naguluhan at lalong kinabahan. Anong nangyayari? Hindi ko na maintindihan.
Lumapit ako sayo kamay mo ay hinawakan. Ang sabi mo.. "Jireh, tumakbo ka na! Hindi mo na ako kailangan. "
Pero hindi! Nanatili ako.. Masakit sa akin ang makita kang nagdurugo hindi sa puso kundi sa ulo.
Tumakbo ako, ngunit hindi para ikaw ay iwanan. Humingi ako ng tulong sa kung saan-saan. Hanggang may naawa at sinagip ka na duguan.
Hawak-hawak ko iyong kamay habang ikaw ay nakahiga sa higaang tinutulak papunta sa isang pintuan.
Sabi nila ay hindi na ako pwedeng sumama. Gusto kong magwala dahil gusto kong makita ka pa. Ngunit sabi mo... Babalik ka. Nangako ka kaya ako ay nagtiwala.
Limang taon, heto ako at umaasa. Umaasang babalik ka dahil nangako ka nga.
Magsasawa ba ako o maghihintay parin. Babalik ka pa ba o tuluyan nang mawawala?
Masakit sa damdamin ngunit sige patuloy akong mananampalataya. Babalik ka at sasabihin sa akin na "Jireh, may "Tayo" na"
Hindi na lang ako, at hindi nalang ikaw. Kundi "tayo" na nga.
Hahawakan ko iyong kamay hanggang bumalik ka na, David mahal na mahal kita.
--THE END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro