Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

DINALA kami sa isang bakanteng lamesa at doon umupo. Inabot sa 'min ang menu na inabot ko. Binuksan ko 'to at tiningnan ang masarap na orderin.

"Ma, order tayo ng steak, 'di ba, gusto mong matikman 'yon?" alok ko sa kanya. Nag-aalala siyang nag-angat ng tingin sa 'kin.

"A-anak, masyadong mahal yung steak ba 'yon? Baka—"

Inabot ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa at pinisil-pisil 'yon. Binigyan ko siya ng assuring smile at deretsong tiningnan sa mata.

"Ma, huwag ka pong mag-alala sa pera. Mag-order ka po ng kung anong gusto mo at okay lang," paninigurado ko.

Kahit na puno ng pag-aalangan ay tumango ito na nagpangiti ng malawak sa 'kin. Tiningnan ko ang waiter.

"For appetizer, I want a pasta bolognese; medium rare steak for main dish and cheesecake for dessert. Add a two glass of red wine, too." Tumingin ako kay mama. "Ikaw, ma?"

"Kung ano na lang din ang sa 'yo, nak."

"Okay. Make two of those dish," ani ko sabay abot ng menu. Ganoon din ang ginawa ni Mama. Iniwan kami ng waiter.

Habang naghihintay ay nilabas ko muna ang phone ko. Kinuhanan ko ng picture si mama para may remembrance kami dito. Yung iba stolen, yung iba nakangiti ito at kasama na ako sa iba. Ang lawak-lawak ng ngiti ko. Sakto namang dumating na ang pasta.

We started eating na while talking a random topic. Napatigil ako sa akmang pagsubo ng makita ang isang pamilyar na mukhang nakatingin sa 'kin. Bigla kong nabitawan ang hawak na tinidor na nalaglag at gumawa ng ingay. Gulat akong nag-iwas ng tingin sa lalaki at bumaling sa lapag.

Mabilis kong dinampot ang tinidor sa lapag at nakangiwing tumingin sa paligid. Nagtataka ang mga taong nakatingin sa 'kin. Mapagpasensya akong yumuko sa kanila.

"Anak, okay ka lang?" tanong ni mama.

Sunod-sunod akong tumango. Kinuha ko ang wine at uminom. Potaena! Anong ginagawa dito ng lalaking 'to?! At bakit ganoon siyang makatingin sa 'kin?! Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Anak?"

Kinuyom ko ang isang kamao ko at tumingin kay Mama.

"W-wala 'yon, ma. Ano . . . ready ka na po para sa main dish?" pag-iiba ko sa topic. Medyo paubos na rin naman kami kaya okay nang kumain.

"Ha? Osige." Nagpunas ng bibig si mama ng napkin.

Tinaas ko ang kamay ko para tumawag ng waiter para i-serve na ang steak. Nanginginig ang kamay ko habang hinihiwa ko ang steak. Panaka-naka ang tingin ko sa harapan kung nasaan siya.

Bulgar na bulgar ang pagtingin niya sa 'kin kahit na may kausap siya'y hindi iyon matanggal sa 'kin. Nakakahiya lalo na't baka hindi lang ako ang nakakapansin no'n. Mabuti na lamang at nakatalikod si Mama sa gawing iyon at hindi niya nakikita kundi isa pang usapin 'to.

Bakit naman kasi siya ganyan makatingin? Anong akala niya? Matutunaw ako sa paraan ng pagtingin niya? Bwisit!

"Nalipasan ka na ba ng gutom, Jennifer, at naginginig ka?"

"Ha?"

"Sabi ko nanginginig ka. Okay ka lang ba talaga?" Tumingin pa ito sa paligid para siguro hanapin yung nagpapataranta sa 'kin. Ma, hindi mo naman makikita 'yon dahil hindi mo kilala!

"Wala po, okay lang po! Sorry po. Kain na, ma. Masarap ang steak," panghikayat ko.

Kahit 'di naniniwala ay pinagpatuloy na ni mama ang pagkain, na siyang ginagawa ko kahit ang hirap-hirap lumunok. Naubos ang wine ko sa inom, napunta na kami sa dessert. Tuwang-tuwa si Mama sa cake dahil ang masarap daw ito.

Hanggang sa matapos ang lunch date ni mama ay para akong natatae. Palabas na kami ng resto ng biglang humarang sa harap ang lalaking dahilan ng pagkataranta ko.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa nito. Pati si Mama ay napatigil sa paglalakad.

"Hijo . . ."

"Hi, Miss Pretty Girl. Hindi ko akalaing makikita kita dito. Did you enjoy your meal?" tanong niya. His white teeth are shining bright while smiling at me

From the perhiperal vision of my eyes I see my mother looking at me with a lot of question in her face.

Pinilit ko ang sarili kong ngumiti ng formal.

"Ahm. Yes. I like the food, we enjoy the service, sir," magalang kong sagot.

Kinagat nito at ang pang-ibabang labi, bumaba ang mata nito sa labi ko at ibinalik sa mga mata ko. Nabasa ko tuloy ang labi ko bago lumunok ng mariin.

"I'm happy that you like it. Besides I own the place. Sa susunod balik ka ulit at mag-date tayo."

"Aysusmaryosep!"

"Hoy!!" Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "Anong ginagawa mo?!" puno ng diin kong tanong.

Matamis niya lang akong nginitian at humarap sa mama ko. Mas lalo pang nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.

"Ma'am, good morning. I'm Leon San Isidro and I want to court your daughter. My intention is real and pure. I promised to love her and protect her with my life. And now, all I want is your approval, ma'am. Pangakong hinding-hindi ko siya sasaktan. I'm ready to settle down. Hindi po maghihirap sa 'kin ang anak niyo."

Nakaawang din ang labi ni mama. Papalit-palit ang tingin niya kay Leon at sa akin. Inalis nito ang salaming suot at napahawak sa noo. Agad akong nag-aalalang umalalay sa kanya.

"MA!"

"Ma'am!"

Ngayon ay nakahawak kami ni Leon sa magkabilang braso ni mama. Inalalayan kami ng lalaki papasok sa loob ng isang pribadong silid sa restaurant. May waiter nagdala ng tubig sa 'min, at inabot ko 'yon kay Mama.

Masama kong tiningnan si Leon na nakatayo sa harapan namin. Nang kumalma ang hitsura ni mama ay ibinaba nito ang baso sa mesa at seryosong tumingin sa lalaki.

"Maupo ka," utos nito na agad sinunod ni Leon. "Alam mo ba kung ilang taon na ang anak ko? Sa tingin ko'y bata ka pa. Ang anak ko nasa forty na. Baka naman niloloko mo lang kami sasampalin talaga kita ng sinelas sa mukha."

Napangiwi ako sa sinabi ni mama. Napaka-amazona. Pero instead na ma-turn off ay mas lalo lamang ngumiti si Leon.

"Don't worry, ma'am. Wala po akong balak lokohin ang anak niyo. Plano ko pong pakasalan siya pagkatapos ng limang buwan naming relasyon kasi bakit pa papatagalin kung doon rin ang punta, 'di ba po?"

Nilingon ako ni mama. "Aba, Jennifer, may manliligaw ka pala hindi mo man lang sinasabi sa 'kin. Kelan ba kayo nagkakilala at saan? Dapat ay sinabi mo agad . . . oh baka naman plinaplano mong sorpresahin ako?" maliwanag na mukhang tanong ni mama.

Hindi ko nagawang sumagot. Masama akong tumingin kay Leon. After three months na hindi pagkikita ay bigla-bigla na lang siya magsasabing liligawan ako. Ano ba 'yan.

"Dapat . . ."

"Ma'am, nagkita po kami three months ago. Actually lasing at sira po ako no'n pero na-realize kong gusto ko ang anak niyo. Pagkatapos po ng gabing nagkita kami sa grocery niyo ay hindi na ako nagpakita until now para maayos ko lahat ng gusot sa buhay ko at hindi niya po maisip na rebound ko lang siya. Please, hayaan niyo po akong ligawan siya. Wala po sa 'kin ang agwat ng edad namin. I'm already twenty-six years old at may sariling isip at desisyon na po ako." Hinawakan niya ang kamay ni mama.

Nagwala lahat ng paru-paru sa tiyan ko. Hindi ko akalaing aaminin niya 'yon sa harapan pa talaga ni mama.

Ano bang nakain ng isang 'to?!

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko man aminin pero . . . naga-anticipate ako sa isasagot ni mama. Ewan ko kung dahil ba sa saya o kaba.

Tumingin muna sa 'kin si mama bago seryosong humarap kay Leon.

"Nag-iisang anak ko si Jennifer, hijo, at ayokong masaktan 'yan kahit panay ang pagpipilit kong maghanap siya ng mapapangasawa. Matanda na ko at baka anumang oras ay mawala sa mundo—"

"Mama!" Ayoko ng ganitong usapan tungkol sa patay-patay kasi alam kong hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa 'kin. Nilingon ako ni mama at pinandilatan ng mata na kinatigil ko.

"Gusto kong maiiwanan ko ang anak ko sa ligtas na mga kamay. Kung hindi mo kayang gawin 'yon ay huwag mo ng subukang manligaw. Pero kung talagang seryoso ka ay papayag ako . . . pero tandaan mong palagi akong nakabantay sa kilos mo, maliwanag ba?" seryosong dagdag ni mama.

Parang maamong tupang tumango si Leon at ngumiti.

"Makakaasa po kayong hindi ko sasaktan ang anak niyo, and mahaba pa po ang buhay niyo, ma'am. Baka abutan niyo pa ang kasal namin ni Jennifer," ani Leon sabay lingon at kindat sa 'kin.

Kaagad akong pinamulahan ng pisnge.

Ang lalaking ito talaga!

*****

MALAWAK ang ngiti ni mama pag-uwi namin sa bahay. Hindi mo maalis sa mukha niya ang galak dahil sa malamang magkaka-boyfriend na ko sa unang pagkakataon. Inimbitahan pa nga niya si Leon na naka-convoy sa 'min pero lumihis dahil may bibilhin daw.

Nagbuntonghininga ako. Jusq! Seryoso ba talaga ang lalaking 'yon sa 'kin? Aba, mukha kasi siyang playboy! Makapal na kilay pero may ukit naman sa isa tapos yung tenga may pabilog na hikaw at yung labi niya! Ang nipis na mapula! Iisipin mong para siyang character sa anime na biglang lumabas in real life.

Isa pa, ang bata-bata pa niya! Mayroong nasa ka-edaran niya or mas bata sa kanya ng bahagya para maging girlfriend. Hindi yung mas matanda sa kanya ng halos thirteen years.

Tiningnan ko ang hubad kong repleksiyon sa salamin. I know that . . . in my age my skin will become saggy. Lalawlaw at kukulubot ang balat ko samantalang siya . . . hindi pa. He will just start in his prime days.

Umiling ako. Nope. Hindi ko dapat isipin 'to ngayon. Birthday ni mama at gusto kong maging masaya ngayong araw for her.

Nagbihis na ako ng damit at bumaba para makatulong.

Thirty minutes ang lumipas ay dumating na si Leon na may dalang cake na mamahalin. Kinantahan namin ng happy birthday si Mama na nag-teary eye pa nga sa tuwa. Nag-blow ito ng candle na kinuhanan ko naman ng video.

"Happy birthday, mama!" malambing kong saad sa kanya at hinalikan siya sa noo.

Yumakap siya sa 'kin at humalik sa pisnge ko. "Thank you, anak! Mahal na mahal kita!"

"Mas mahal kita sa anupaman sa mundo, ma," maramdamin kong sabi.

Wala nang bisita bukod kay Leon na naka-upo sa may sala. Kahuntaran pa rin nito si Mama. Samantalang ako dito nagliligpit ng pinagkainan. Hmp, 'di man lang tumulong. Umuwi na siya para wala na akong ururing plato tapos makatulog na rin.

Napagod ang katawang lupa ko ngayong araw at ang gusto ko lang gawin ay magpahinga. Pero hindi 'yon nangyari dahil nag-stay pa ng isang oras si Leon.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa lalaki. Kakapasok lang ni mama sa kwarto niya kaya naiwan kaming dalawa.

Tumayo ito at lumapit sa 'kin.

"Wag mo naman akong itaboy ng ganyan, mami. Hindi ka ba masayang makita ako dito?" maharot nitong tanong.

Inirapan ko siya. "Tigilan mo nga ang kakatawag sa 'kin ng mami!" Namewang ako.
Isa pa, gabi na ho, ser, baka gusto mo ng umuwi kasi."

"I actually don't like to go home. Gusto pa kitang makilala lalo na't pumayag na si Mama na ligawan kita."

Napatawa ako ng pagak. "Mama agad? Wow, close na kayo?"

"Yap. Actually she called me anak, so I'm claiming na magiging anak niya talaga ako."

"Gusto mo lang palang maging anak ng nanay ko sana sinabi mo agad para naihanda na ang adoption paper," sarcastic kong sabi.

Matamis niya akong nginitian saka naglakad palapit sa 'kin. Ako naman ay humakbang pa-atras.

"Oh . . . mami! Don't be silly. I don't fuck my sister," anito sa paos na tono.

Until I feel the cold metal of the refrigerator on my back. He put his both arms in my side to cage me in.

Nag-iwas ako ng tingin kasabay ng pagtigil ko ng hininga. My heart is beating erratically. Hindi ko magawang salubungin ang nagbabaga niyang mga mata.

"Mami . . . nasabi ko na bang ang ganda mo?"

Oh, that husky voice!


-------

Do you like the chapter? Comment down your thoughts and push the star button!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro