Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seven

NAGISING akong nakapaloob sa mainit na bisig. Ilang beses akong kumurap para maging malinaw ang paningin ko. Napangiti ako ng tiningala ko si Leon. Para siyang angel na natutulog. Kalmadong-kalmado ito. Hinaplos ko ang buhok niya.

Magaan na ang pakiramdam ko ngayon unlike kahapon na nag-breakdown ako. Sana ay palagi na lang ganito. Maayos kami.

Mahal na kita, Jennifer. I hope you believe it kasi ngayon ko lang naramdaman ang ganito sa isang tao. At ayokong magsisi sa huli kung hahayaan kitang mawala sa 'kin.

Trinace ko ang ilong nitong matangos pababa sa mapula niyang labi.

Alam ko namang mahal niya ako naramdaman ko 'yon. Nasaktan lang talaga ako sa sinabi ng nanay niya at sa katotohanang malayo ang agwat namin. Ayoko kasing palagi na lang may masasabi sa 'min ang tao lalo na ang parents niya. Ang hirap kayang kaaway ng isang biyenan.

"Mami, you can take a picture. It will last longer," nakapikit na ani Leon.

Napangiti ako. "Kanina ka pa gising?"

Dumilat ito at ngumiti sa 'kin. Bumaba ito at siyang umunan sa dibdib ko. Pinagpatuloy ko ang paglalaro sa buhok niya.

"Ang baby naglalambing," ani ko.

"Yes, mami. Your baby is hungry. I want to suck milk from here." Tukoy niya sa dibdib ko.

Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Walang gatas diyan!"

"Lagyan natin?" nakangising tanong nito.

"Hoy!" Pinamulahan ako ng pisnge sa sinabi niya. Gusto ba niyang ipakahulugang gusto na niyang magka-baby?

Mahina akong napatili ng kumubabaw siya sa 'kin. Itinukod niya ang magkabilang braso sa gilid ng ulo ko at pumantay sa 'kin. Natatawa kong pina-ikot ang braso ko sa batok niya.

"Baka pumasok si mama," mahina kong ani.

Bumaba ang mukha nito sa leeg ko at binigyan ng magagaang halik. Nag-umpisang bumigat ang paghinga ko.

"I locked the door," he reason out.

"But she will knock. Let's go downstair," ani ko sabay tingin sa labas ng bintana. Madilim na ang kalangitan sa labas. Palagay ko'y gabi na rin.

Napipilitang bumangon si Leon at nakangusong tumingin sa 'kin. Parang batang nanakawan ng candy.

"Cuddle for five minutes?"

I sigh. "Later." Inipon ko lahat ng lakas ko para matanggal ang mabigat nitong hita na nakadagan sa 'kin. Bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto.

Mama already made dinner, she was about to knock us to ask if we're going to eat pero nauna kaming bumaba. Kumain kami sa kumedor na nagtatawanan. Magaan ang athmosphere. Nang matapos kaming kumain ay pumasok na sa kwarto si mama. Naiwan kami ni Leon para magligpit.

Nilagay ko ang urungin sa lababo at nag-umpisang maghugas ng plato. Nilingon ko si Leon.

"Sa sala ka muna at manuod ng TV habang naghuhugas ako. Sunod ako pagkatapos," ani ko pero nakatitig lang sa 'kin si Leon.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Alam kong maganda ako pero huwag mo namang ipahalatang patay na patay ka sa 'kin," pagbibiro ko.

Ngumisi ito at lumakad palapit sa 'kin. Umikot sa bewang ko ang braso niya at pinatong ang baba niya sa balikat ko.

"Ay naglalambing," puna ko.

"Hmm . . ."

"Mababasa ka."

"Don't care." He kissed my cheeks. "I want to get wet by you," bulong niya sa 'kin.

Namula ang pisnge ko. Siniko ko siya pero tinawanan niya lang dahil sa tigas ng tiyan niya ako pa ang nasaktan.

"Hmm . . . I already imagine us like this," pag-uumpisa nito. Pinakinggan ko siya. "Us. Together and happy. Me staying with you until you finish your chores while our kids are playing in the living area. I can't wait for it to be true," he said.

Biglang nagka-imahe ang mga sinabi niya sa isipan ko. Napuno ng galak ang puso ko. Sigurado akong magiging mabuti siyang ama sa magiging anak namin. Yes i-claim na agad para di na ma-jinx.

Hanggang sa matapos kami sa paghuhugas ng plato ay nakadikit siya sa 'kin. Pamisan-minsan ay humihiwalay siya sa 'kin para uminom ng tubig pero kaagad ding bumabalik.

Pumunta kami sa sala at nanuod ng NCIS. His favorite series. Nakaunan ako sa dibdib niya samantalang nakapatong sa hita ko ang isa niyang binti. I pouted my lips when I saw the beautiful island where a character stay for a mean time.

"Ang ganda ng beach, Leon. Alam mo bang plano kong mag-beach pero palaging hindi natutuloy; bukod sa wala akong kasama ay madalas wala akong mapag-iwanan kay Mama," pagkwe-kwento ko.

Humalik sa noo ko ang lalaki. "We have an island, mami. Dadalhin kita do'n minsan para makapagbakasyon."

Bumangon ako at tiningnan siya sa mata. "Totoo? Baka naman nijo-joke time mo ko, ah!"

Inilingan niya ako. "Of course not. Dadalhin kita do'n. I promise. We can bring mama para makapagbakasyon kayong dalawa."

Matamis ako. "Okay."

******

NAGING MATULIN ang paglipas ng mga araw. Ayun at December na. Nakakaloka. Tapos tahimik na rin ang nanay ni Leon. Sa tingin ko hindi pa rin niya ako tanggap pero dahil sa anak nito ay nagpaparaya na. Bumangon ako sa kama at inayos iyon. Nasa condo ako ni Leon. Dito muna ako pansamantala dahil nasa bakasyon si Mama kasama ang ilang mga kaybigan.

Lumabas si Leon ng banyo na nakatapis ng towel sa bewang. Nagpupunas ito ng buhok.

"Dapat kasi sinabayan mo kong maligo, mami," anito.

Umirap ako sa kanya at binato ang marumi niyang damit na nasa lapag. Mabilis naman nito iyong sinalo.

"Sorry about this, wife. Let's have a breakfast in a café, mami. You like it?" alok nito.

"But you have a meeting, 'di ba? Ipagluluto na lang kita," alok ko. Ayoko namang mapagod siya sa pagmamaneho papunta sa restaurant nila. And baka pumunta rin ako sa grocery para silipin 'yon lalo na't magbubukas kami ng bagong branch.

"Don't worry, ten am pa naman ang meeting ko pwede pa tayong mag-date. Besides, next week I will become busy and baka mawalan ako ng oras sa 'yo," anito.

"Ah. Okay. Sige magliligo lang ako sandali tapos ay alis na tayo," ani ko. Pumasok ako sa banyo at mabilis ginawa ang routine ko. Natigilan ako sa pagsabon ng katawan ko ng biglang bumukas ang banyo.

Pumasok si Leon na hindi pa rin nakabihis.

"May nakalimutan ka?" tanong ko at nagpatuloy. Hindi na ako nahihiyang ipakita sa kanya ang katawan ko dahil mahal na mahal naman niya ito. Grabe kung sambahin niya ang katawan ko. Akala mo ko kasing sexy ni Marian Rivera, eh.

Di na ako nag-abalang lumingon ng bumukas ang pinto ng shower. Umusad na lang ako para magkaroon ito ng space. I was about to put a shampoo on my hair when I felt his hands in my waist. Napangiti ako.

"Mahal ko kakatapos lang natin," malambing kong sabi saka sumandal sa likuran nito.

I can already feel his hard on poking my butt. His lips started to work on my neck while his hands are moving around in my body.

Napailing ako sa isip ko't nakangiting nagpa-ubaya.

*****

"READY, mami?"

"Yeah." Kotse ko ang gagamitin namin today. Susunduin ko na lamang siya mamaya pag-uwi para sabay kami. Sumakay ako sa passenger seat at ito ang nagmaneho.

Pumunta kami sa café malapit sa condo. Hawak kamay kaming pumasok sa loob at humanap ng bakanteng lamesa. Umupo kami sa unang pinakamalapit sa exit na nakita namin. He pulled a chair for me before siya tumabi sa 'kin.

"What do you want to drink, mami?"

"Hmmm I want a cold brew with two pump of creamer and one pump of sugar tapos merong something white sa ibabaw and chocolate chips."

Umakabay siya sa 'kin.

"Any cake?"

"I want a chocolate chiffon."

"Alright. Coming up, my queen." He kissed my forehead and then proceed to the counter to tell our orders. I opened my phone to take some pictures for remembrance. Habang naghihintay ay nakatingin ako sa social media account ko. I was doing scroll up when I felt his presence again.

"Fifteen minutes waiting time, mami. They are making our coffee," aniya.

Sumandal ako sa kanya at nag-selfie kasama siya. Most of the pictures ay nakangiti o wacky siya pagkatapos seseryoso na ulit kaya cute na cute ako sa kanya, eh. Ang bilis magbago ng emosyon.

Fifteen minutes passed and we're now eating our cake and drinking our coffee. Like usual, Leon got his black coffee and strawberry cake.

Ang saya-saya namin ni Leon habang nag-aalmusal bago dumating ang dalawang bruhilda na sisira sa araw naming magkasintahan.

"Nandito pala ang matrona pati ang lalaking inuuto niya."

Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Leon dahil sa nagsalita. Magkadikit ang kilay kong tumingin sa babaeng nasa harapan ko pero nawala rin 'yon ng makita ko nang kasama nito. Ay, 'di pa tapos?

Nanay lang naman ni Leon. Akala ko pa naman ay okay na sa kanya ang lahat 'di pala.

"Ayan! Sige Haillie ipamukha mo sa babaeng 'yan na ikaw ang nababagay sa anak ko! Dapat tumatak sa utak ng babaeng 'yan na humahanap siya ng ka-edad niya!" ani Mrs. Agatha.

Napabuntonghininga ako. Eto na naman po tayo. Yes, unti-unti ko pa lang natatanggap ang malaking agwat namin ni Leon, pero wag namang idikdik nang idikdik. Kakarindi rin, eh.

"TAMA! Ikaw malandi ka! Dapat pumatol ka sa ka-eadad mo! Ano 'yan, wala nang magtiyaga sa 'yo kaya pumapatol ka sa mas bata?!" malakas na ani nong Haillie.

"Haillie, don't make me do something we'll both regret! Stop fucking calling my girlfriend names!" galit na ani Leon.

Nanlalaki ang matang tumingin si Haillie sa lalaki. Hindi yata makapaniwalang pinagtanggol ako.

"Oh, my God! Nabilog na talaga ng babaeng 'yan ang utak mo! Ano bang pinapakain niya sa 'yo, ha?! Kinulam mo ang boyfriend ko, noh?!" galit na sigaw ni Haillie. Akma niya akong sasampalin ng hawakan ito ng nanay ni Leon.

"Don't do it, sweetie. Dudumihan mo ang palad mo ng isang basurang katulad niya?"

Kumalma ito. "You're right, Tita." Instead, lumingon ito sa paligid at matamis na ngumiti sa lahat ng costumer sa café na nakamasid na sa 'min.



----------

You like the chapter? Comment down your thoughts and push the star button! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro