Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One

MASAMA kong tiningnan ang CCTV footage na nagpapakita kung paano ninakawan kaninang madaling araw ang grocery store ko. Kinuyom ko ng mariin ang kamao ko't binalingan ng tingin ang night shift guard namin. Namewang ako pagkatapos kong i-pause ang video.

"Paano nakaligtas sa 'yo yung gano'ng kaingay na mga bata, ha?! Alam mo ba kung magkano ang nakuha nila?" inis kong tanong sa guard.

Nginiwian niya ako. "Nako, ma'am. Sorry po. Hindi ko po talaga napansin. Akala ko po talaga ay bibili sila."

Napasampal ako sa mukha ko. Sinenyasan kong umalis na ang guard dahil baka hindi pa ako makapagpigil at may masabi pang hindi maganda. Mabilis namang umalis. Umiling ako at bumuntonghininga. Malulugi 'tong grocery na 'to if incompetent ang nagbabantay.

Sinarado kong muli ang kaha saka sumandal. Nakaka-inis!

"Ano ba 'yan, Jennifer! Para kang biyernesanto!" galit na boses sa likod ko.

Napalingon ako kay Mama. "Paano nanakawan na naman tayo, Ma. Nakaka-inis na po na hindi na naman nagbabantay yung guard."

Lumapit siya sa 'kin at hinampas ako sa braso.

"MA!" Hinaplos ko ang brasong nasaktan. Nakanguso akong tumingin sa kanya. "Ano po ba 'yon?"

"Ikaw kasi! Dapat ay magsarado ka na tuwing gabi! Anong akala mo? Bampira ka at makakahanap ka ng asawa pagsapit ng alas dose ng gabi?! Manong maglalabas ka, Jennifer! Paano ka magkaka-asawa niyan!" sermon niya.

Hmp! Eto na naman po tayo! Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa bewang. Hinampas niya ang braso ko.

"Magfo-forty ka na, Jenny! Dapat ay may asawa't anak ka na ngayon!" aniya pa.

"Mama, porke mag forty mag-aasawa na agad. Eh, wala pa akong nakikilalang makakapantay sa standards ko, eh!" giit ko. Lumayo ako sa kanya at lumapit sa isang aisle para ayusin ang nagulong stocks.

"Ewan ko sa 'yo, anak! Isang dekada mo na 'yang sinasabi sa 'kin. Bahala ka kapag ikaw, eh, tumandang mag-isa. Maghanap ka man lang sana ng asawa mo. Basta yung pipiliin mo yung lalaking matino dahil ikaw makakapili ng asawa pero yung magiging anak mo, hindi!" mariin niyang bilin.

Mas lalo lang humaba ang nguso ko. Ilang taon na rin niya akong kinukulit na maghanap ng mapapangasawa dahil tumatanda na raw ako, pero wala naman akong mahnap na matinong lalaki. Tapos, puro pa cheating ang nauuso ngayon; kasal na nagche-cheat pa. So ano na lang ang kasiguraduhan kong hindi ako lolokohin?

Hindi na baleng tumandang dalaga basta huwag lang maloko at masaktan. Once is enough na, hano! Hindi ako martyr para magpakatanga sa lalaki. Kaya kong mabuhay mag-isa.

And mas okay maging single, tingnan mo now, hindi ko kaylangang mag-update sa kung sino dahil lang may tinapos ka or pinuntahan. Less stress din ang pagiging single.

Pagkatapos kong ayusin ang mga nagulong supplies ay bumalik na ako sa kaha para magbantay. Tumingin ako sa labas ng bintana. Tirik na tirik ang araw sa labas at napaka-init. Sino namang sisipagin makipag-date sa ganyang panahon?

Umirap ako.

Instead na ma-bored ay nagpasya na lang akong tapusin ang mga activities ko para productive ang araw. Pangilan-ngilang costumer ang dumadating kaya inaasikaso ko rin sila.

*****

SUMAPIT na ang hapunan at sinarado ko muna ang grocery store para makakain sa bahay. Naglakad ako papunta sa backdoor palapit sa pinto papunta sa bahay namin. Sumalubong agad ang sala sa 'kin. Naka-upo sa gitna no'n si Mama at nanunuod ng balita.

"Oh, ano, nagutom ka na?" tanong ni Mama. Tinabihan ko siya at niyakap.

"Yazzz. Ikaw ba, ma, kumain na?"

"Hindi pa. Inaantay kita," aniya. Mabilis akong tumayo para maglakad papunta sa kusina. Naghain na ko sa lamesa. Tinitigan ko si Mama na ngayon ay tumatawa sa kung anong pinapanood niya.

Ako ang nasasaktan sa mga dinanas niya sa buhay. Maaga kasi siyang nabuntis ng tatay ko si mama tapos ay iniwan lang siya noong five years old ako—sumama sa ibang babae. Imagine, pinagtiisan siya ni Mama tapos iiwan lang. Eh, hindi naman siya gwapo. Dahil din sa pagpili ni Mama sa tatay ko ay tinakwil siya ng mga kapatid niya kasi 'di niya natapos yung pag-aaral niya.

Kaya ayoko ring mag-asawa kasi hindi naman masu-sure ng kasal ang pagsasama niyo. Magloloko at magloloko ang lalaki kahit na gaano kayo katagal o kahit na may anak kayo. Kaya de, bale nang single kesa maglabas ako ng bata sa mundo na alam kong masasaktan.

Napabalik ako sa reyalidad ng hawakan ako ni Mama sa braso. Nagtatanong ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin kaya pinilit kong ngumiti. Inalalayan ko siyang maka-upo sa upuan bago ako umupo.

"Lalim ng iniisip, ah. Okay ka lang?" inosenteng tanong ni mama habang nagsasandok ng kanin.

Mabilis akong tumango. "Opo, okay lang ako, Mama. Ikaw po ba kumusta? Yung meds mo naiinom mo naman ng maayos? Sabihan mo lang po ako kung may kulang at bibilhin agad natin."

"Okay lang at meron pa akong gamot dito, Jenny! Wag mo naman akong i-overdose!" natatawang anito.

Ngumiti na lang ako. Ang lakas-lakas ng Mama ko. Iginapang niya ang pag-aaral ko kaya hanggang ngayon ay ini-spoil ko siya. Syempre pati na rin ang sarili ko.

Pagkatapos naming kumain ay iniwanan na ako ni mama para pumasok sa kwarto niya. Niligpit ko naman ang pinagkainan naming dalawa dahil ako muna ang tatao sa grocery ngayong gabi. Yung pinagkaha ko kasi ay pina-uwi ko na dahil ilang beses na kaming nananakawan.

Tinimpla ko ang paborito kong kape bago lumakad papunta sa harap. Binuksan ko ulit ang grocery.

Leon's P.O.V.

"PUTANGINA NIYO!" galit kong sinugod ang girlfriend at bestfriend ko ng maabutan silang nagse-sex sa ibabaw ng kama namin.

Kaagad na nahiwalay si Haillie kay Kenneth at gulat na lumingon sa 'kin. Puno ng diin at pwersa ang pinapakawalan kong suntok sa lalaki na hindi naman niya nagawang ilagan.

Putangina kaya pala palaging sabay wala ang dalawa sa tuwing may get together dahil sila ang magkasama't lampungan.

Malakas ang tili na pinapakawalan ni Haillie. She's trying to get in between to stop us pero para lang siyang papel kong tinulak. Nanlaki ang mga mata nito.

"Tangina mong gago kang hayop ka!!" mura ko sa lalaki. "Pinagkatiwalaan kita tapos aahasin mo lang pala ang girlfriend ko gago!!"

"L-Leon, p-pare! S-sandali . . . ni . . . nilandi lang ako ng g-girlfriend mo!" hirap na hirap na sabi nito. Nakataas pa ang isang kamay para patigilin ako sa ambang pagsuntok.

Anong akala ng gagong 'to, makakaligtas sa 'kin ang malanding 'yon?

Malamig ko siyang tiningnan bago nginisihan. Dumeretso ako ng tayo, nakahinga ito ng maluwag ngunit bago ako tumalikod ay binigyan ko siya ng maraming mabibigat na tapak sa tiyan nito na nagpa-ubo rito ng dugo. Satisfied akong ngumiti bago binalingan si Haillie.

Basang-basa ng luha ang buong mukha nito. May takot rin sa mga mata habang nakatingin sa 'kin.

"He-he is lying! He . . . asked me and I-I didn't a-agree pero sinabi niyang s-sasaktan ka niya kaya wala akong choice! P-please believe me!" Hinawakan niya pa ang kamay ko pero mabilis ko 'yong tinabig at nandidiring tumingin sa kanya.

"Wag mo kong gawing tanga, Haillie! Hindi ako nakapagtapos ng college na suma cum laude kung maniniwala ako sa pinagsasabi mong gago ka! Magsama kayong mga baboy kayo!" dinuraan ko mula sila sa mukha bago naglakad paalis sa unit.

Nagtataas baba ang dibdib ko sa halo-halong emosyon. Hindi ako makapaniwalang nagawa akong lokohin ng girlfriend ko. Puta, buti 'di ko pa naalok ng kasal! Mapait kong bulong sa sarili bago malakas na sinuntok ang pinto.

Tanginang 'yan. Kulang pa ba ko?

Imbis na mag-elevator, sa fire exit ako nagdaan pababa. Mabilis lang naman dahil nasa second floor ang unit ko. Dumeretso agad ako sa kotse at nag-drive paalis doon.

Nanlalabo ang mga mata ko habang nagmamaneho. Naninikip ang dibdib ko sa pinaghalo-halong sakit at galit. Minsan na nga lang magkagusto sa babae, putangina, inahas pa sa 'kin. Galit kong pinagpapalo ang manibela bago madiing tinapakan ang gas. 



----------------

Do you like the chapter? Put down your comment and push the start button for vote! Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro