Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special chapter 1

Sa hindi kalayuan natanaw kuna ang papalapit na si Maximos.

Mabilis kong kinawayan ito para makita niya ako ng makita niya ako ay ngiting ngiti ito papalapit sakin.

"You ready babe?" Pagsabi ko dito tumango naman siya.

Tumingin kami sa harapan namin isang malaking bahay, bumili pa talaga ng lupa si Maximos para magpatayo ulit ng bagong bahay eh okay naman yung bahay niya pero dahil daw sa maraming memories na hindi niya nagustuhan sa bahay na yun ay nagpagawa siya ng bago.

Ginawa niya ang bahay na ito para sa panibagong memories naming dalawa este tatlo pala ay mali apat na pala kami.

"You okay?"napalingon ako kay Maximos ng mag tanong siya non nakahawak kasi ako ngayon sa tyan ko na kong saan narito ang isa pa naming anghel."You want to eat?"

Umiling ako agad at naglakad na papunta sa gate ng bahay."Tara na nag hihintay na si Dio sa loob."pagsabi ko dahil sa nauna na si dio kasama ang mga magulang namin sa araw na ito sabay naming Sasabihin kay mommy sa buong pamilya namin na may isang anghel nanaman ang nabuo.

"Okay, let's go."ngiting ngiting sabi niya sabay hawak sa bewang ko para alalayan ako.

Pagpasok namin sa bagong bahay namin ay bumungad na sila mommy samin ang mommy ni Maximos kasabay non ang mama ko.

"Anak! Bakit hindi mo naman ako sinabihan na ito na pala bagong bahay niyo."pinalo ako ni mama sa balikat pero hindi naman masakit.

"Ma..stop."pinigilan agad siya ki Maximos sa akmang pamamalo niya ulit.

"Ayy, protective."tinaasan ako ng kilay ni mama sabay irap at pumunta sa tabi ng daddy ni Maximos.

"Iwan ko talaga kay mama siguro siya na naglilihi.."

"Sino naglilihi?"Napalingon ako sa nag tanong si mommy pala.

Hindi pala nila alam na buntis ako dahil ang alam nila ay mag ce-celebrate kami ngayon dahil sa bago ang bahay namin.

Napalingon ako kay Maximos na nanghihingi ng tulong.

Pero wala din itong masagot kaya sasagot na sana ako ng biglang hilahin ni mama si mommy.

"Sa kusina nga muna tayo."hila hila parin ni mama si mommy kaya napatawa nalang ako magtatanong pa sana si mommy kaso nahila na nga siya.

"Mommyyyy,"sigaw ni dio.

"Baby."pagsabi ko sabay yakap kay dio.

"Mommy, perfect naman po ako sa exam."proud na sabi ni dio."look oh, i have a five star."inilahad agad nito ang pulsuhan niya sakin.

Napatawa kami ni Maximos."Very good baby, may surprise si mommy sayo gusto mo malaman?"

"Mommy Regalo po ba yan?"

"Yes baby regalo ito."

"Ohh, I'm excited na po makita."

Nagtawanan muna kami ni Maximos bago binuhat niya si dio at umupo sa isang bakanteng upuan.

Ilang minuto pa ang pag-uusap namin nila mama at mommy tungkol sa business nila na lumalago na dahil kay Maximos ang sipag talaga ng asawa ko.

Nakapag patayo narin sila ng panibagong universidad.

"Stop Caison!!" Napalingon naman kaming lahat sa bagong dating si Carlos pala dala dala nito ang isang batang lalaki na nasa 4 years old.

Iwan ko ba kong kaninong anak yan pero napatunayan talaga na kay Carlos dahil sa ako mismo ang sumama para mag pa DNA test sila ng bata at confirm anak niya nga ang isang makulit na batang yan. Hindi kupa kilala ang ina ng bata pero siguradong sigurado ako na kay Van ito, dahil sa may pagka hawig kay Van nong bata pa siya.

"Daddy i want to play Amorrr,,"tili ng bata.

"I don't want to play you bakla!!"sigaw din ng isang matinis na boses ng anak ni Cedric.

Hindi nito kasama ang asawa niya dahil sa ngayon ay pinaghahanap pa ito, dahil sa nawawala ito.

Nong una pa nga ay akala ko nilayasan sila pero dahil sa nabalitaan kong problimado ang pamilya ng babae at may gustong pumatay sakaniya ay bigla nalang itong nawala tatlong buwan narin ang nakalipas sa paghahanap ni Cedric hindi parin siya nawalan ng pag-asa na hanapin ang nawawala nitong asawa.

Buti nga at hindi yung mga anak nito ang nawala din dahil baka siguro ay mabaliw na si Cedric sa asawa pa mga lang baliw na siya dahil sa pinag papatay niya na ang mga taohan niyang mga palpak oo nakakatakot siya pero hindi ko naman siya masisi.

"Kuya Oliver!"sigaw ni Amora sa kuya niyang papalapit kay dio dahil sa magkaedad lang ang dalawa ay magkasundo ito.

Si amora at Caison naman ay dalawang taon ang agwat.

"Shut up amora can u see nag-uusap kami ni dio!"masungit talaga itong si Oliver nag mana sa daddy niya itong si Amora naman ay nag mana sa mommy niya dahil sa kakulitan.

"Okay, stop that kids halina kayo may gustong sabihin si tita joana."napalingon agad ako kay mommy agad namang pumunta sa harap namin ang mga bata at nag hihintay sa kong anong sasabihin ko.

Mabilis na tumingin ako kay Maximos tumango lang ito ibig sabhin ay sasabihin kuna.

"Hmm, dio baby...mom, dad, ma."Napalingon din si dio sakin na ngiting ngiti sila mama naman at magulang ni Maximos ay tumingin narin sakin pati si Carlos at Cedric at seryoso narin nakikinig."I'm 2 months pregnant..."napakagat labi nalang ako dahil sa biglang tumili si mama kasabay ng pag iyak ni dio.

"Oh my god what happened? Dio."napalingon ako kay dio agad na nilapitan siya.

"Are you happy?"napangiti ako dahil sa pag iyak niya siguro dahil sa masaya siyang may kapatid na siya.

"Noo!! Mommyyyy,"napalaki ang mata ko dahil sa sinabi niya ayaw niya daw?

"Dio..."

"No! Ayaw ko ayaw ko po....i don't like it."

"Halaaa."Napalingon naman ako kay mommy na tumili din ito dahil kay dio.

"Why? Hindi muba gusto na may kapatid ka?"

"Yes, ayaw kong may ka share sa love mo... mommy."iwan ko kong matatawa ba ako o ano.

"Dio, kahit na tatlo pa kayo---"

"Gusto mopang dagdagan yan baby?"Napalingon ako kay Maximos sinamaan ko siya ng tingin dahil sa biglang pag salita nito at pag ngisi.

"Kahit na dalawa pa kayo love ko parin kayong dalawa dio, mahal ko parin kayo."pagsabi ko iiling iling pa ito.

"Mommy....i don't like it."

"But dio, ayaw mo bang may kapatid katulad ni king at queen?"napalingon naman siya kay amora at Oliver.

"Nag aaway naman sila lagi."napatampal nalang ako sa noo ko.

"Anong gagawin natin?"sabi ko kay Maximos.

"Ako na kakausap."si Maximos ang lumapit at inalo ang anak nito nag explain pa siya kong gaano daw kasaya ang may kapatid kaya napaniwala naman agad nito si dio bakit parang magkasundo sila?

"Oh it's okay na tanggap na niya."napasimangot ako dahil doon.

"Congrats anak."si mama ngumiti ako kay mama sabay halik sa pisngi niya.

"Thanks ma."

"Congrats dagdagan niyo pa para maiyak si dio sa tuwa."pang-asar ni Carlos.

"Tsk."sinamaan lang siya ng tingin ni Maximos.

Masaya ako na natanggap din ni Dio kalaunan ang baby.

Akala ko talaga hindi niya tatanggapin ehh...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro