Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

"Come here, iha."napalingon ako kay tita ng pagbuksan niya ako ng pinto ng office niya dito sa dean office.

"Good morning tita."bati ko.

"Good morning, buti at nakarating ka. . .oh by the way nasabi naba ng anak ko ang pag-alis niya, kanina?" Umiling lang ako dahil sa hindi ko nga alam kong bakit umalis ang isang yun na hindi man lang nagpaalam."Ganon ba, nako namang batang yun, oh siya sige akin na yung gamit mo para sa transferee, bibigyan kita ng schedule kong anong oras ang pasok mo sa tag-subject."mabilis kong ibinigay sakaniya ang gamit na kaylangan para sa pag transfer nakita ko namang msy kinuha siya sa drawer niya at may ibinigay na papel sakin."Ayan na ang section mo at schedule mo para sa subject ninyo."inabot ko ang papel na ibinigay niya sakin tinignan ko ito.

"Class A room 23 second floor."mahinang basa ko.

"Hindi na kita masasamahan dahil sa may trabaho pa akong tatapusin."pag sabi niya agad akong tumango.

"Okay, lang tita mag tatanong nalang siguro ako para makita ko yung section ko at building."sabi ko nag-paalam narin ako dahil sa mukhang busy na nga siya lalabas na sana ako ng bigla siyang mag salita.

"Iha, pumunta ka dito mamayang lunch, sabay na tayong kumain."pahabol niya sakin.

"Sige po tita."nakangiting sabi ko ngumiti naman siya sakin kaya lumabas na ako.

Saan nanaman ako pupunta ngayon eh ni isang student wala akong nakita sa labas parang, nasa loob na sila ng room nila.

Habang naglalakad ako pababa ng building kong saan ang office ng dean ay may nakita akong isang babae na mukhang student naman, nerd nga ito nakasalamin pa at isa pa doon may hawak siyang libro, lalapit na ako sakaniya ng biglang, may marinig akong hiyawan kong saan. Sabay pa kaming napalingon ng babae doon sa nag hiyawan.

At litiral na 'wtf!' nalang ang na usal ko sa aking bibig na walang tinig dahil sa biglang tinapunan ng mga kalalakihan at may mga babae din silang kasama ang nerd na nasa harap ko, tinapunan nila ito ng maruming tubig na mukhang galing sa paglilinis ng sahig, huly god!!

"Oh my god!!" Napahiyaw ako ng wala sa oras kahit na naka nakaupo na yung babae at basang basa na para itong sanay na sanay."Ayus kalang?" Mabilis ko siyang nilapitan at tinulungan tumayo kaso bigla niyang ako tinulak kaya bahagya akong napaatras.

"Don't touch me."mahina pero nasasaktan na sabi niya sakin na awa man ako pero biglang kumulo ang dugo ko!!

"Huy! Babae ka! Tinutulungan na nga kita ikaw pa itong, ayaw magpatulong tumayo ka diyan! Kong ayaw mong ako mismo ang magpapatayo sayo, hindi mo talaga magugustuhan!" Pagalit kong sabi sakaniya para lang naman akong isang ate na pinapagalitan ang bunso niyang kapatid.

Inis akong lumingon sa mga gumawa sakaniya nito kanina nawala na ito sa taas ng building na animoy parang wala lang.

Abat!! Ibang klase din to ahh.

"Tumayo kana diyan! Wag mong sagarin ang pasensya ko hinahanap kupa ang room ko!" Inis na sabi ko bahagyang nilibot ang paningin...nasan na ba kasi yung room paano ko naman malalaman kong saan eh sa dami ng building nag sitayuan dito!

Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumayo yung babae at inayos ang eyeglasses niya maganda naman pala siya kong walang eyeglasses at isa pa nakikita ko rin ang maliit niyang pimples, hmm.

"May tanong ako, alam mo ba kong saan makikita ang?.."bahagya akong natigilan ano nga ulit yun? Kinuha ko nalang ang papel na ibinigay sakin ni tita at tinignan yun."Class A room 23 second floor?" Takang tanong ko lumingon siya sakin na para bang gulat ma gulat."Ano?"

"Hmm, doon din ako pupunta eh."mahinang sabi niya napataas ang kilay ko.

"Sow, mag classmate tayo?" Takang tanong ko kita ko naman na hindi siya sigurado pero tumango parin."Okay, sige, sasamahan muna kitang mag bihis tapos sabay na tayong pumasok."sabi ko sakaniya nag alinlangan pa ito kaya sinamaan ko siya ng tingin nag lakad na siya patungo kong saan pumasok kami sa isang malaking building malaki pa ito kumpara sa ibang building kaya ng maka pasok kami ay nakita ko sa gilid ng hallway kong gaano karaming locker ang nandoon kulay pula ito lahat may iilan ding student akong nakita doon.

Huminto siya sa isang locker at kinuha ang damit niya napataas ang kilay ko dahil ni damit niya ay parang mas ate pa siya sakin, manang na manang talaga."Wala na bang ibang damit diyan?" Takang tanong ko sakaniya lumingon siya at umiling."Grabe ka naman, eh mukhang mas ate kapa sakin ah, nasa school tayo ngayon wala sa bahay para matulog."sita ko dito.

"Hmm, wala na kasi akong ma isuot."mahina niyang sabi para lang itong bumubulong sakin.

Sa ayaw ko pa naman sa lahat yung parang ako pa talaga ang mag adjust pisti namang buhay ito oh!!

"Sige magdamit kana."sabi ko sakaniya.

Tumingin tingin muna ako sa kabuuan ng hallway ang ganda.

Papasok na kami sa banyo ata ito, tinignan ko sa itaas banyo nga nakita ko ang katabi nito ay pang lalaki.

Nasa labas lang ako ng banyo ayaw kunang pumasok gusto ko rin na mag libot dito sa school pero mukhang mamaya na siguro.

Habang hinihintay ko si......nerd na makabalik ay may nakita akong iilang lalaking papalapit sa gawi ko naka jersey silang lahat na mukhang galing sa training ng basketball.

Nag tatawanan sila na para bang hindi pa ako nakikita ng makalapit sila sa gawi ko ay bahagya silang natigilan.

"Ohh, a beautiful morena girl is here...who are you miss?" Tanong ng isang matangkad na lalaki na sa tingin ko ay babaero dahil sa maypa kindat kindat pang nalalaman.

"Bro, hindi ka pinansin walang effect sakaniya ang mga galawan mo."natatawang sabi naman ng isang lalaki maputi ito at singkit mukhang ito yung maingay dahil sa lakas ng tawa. Binilang ko sila at hanggang anim lang sila pansin ko naman yung isang lalaki na titig na titig sakin animoy pinag-aaralan pa ako.

"Dudukutin ko mata mo kitams!!" Sita ko dito bahagyang na kantiyawan ang mga kasama niya.

"Luhhh! Dudukutin daw."

"Wag ka kasing tumingin tol."

"Tsk!"

"Tingin tingin ka––oh its a nerd.."natigilan ako dahil sa isabg lalaki nakatingin na ito sa babaeng nasa banyo si nerd pala kita ko sa mata ng lalaki na parang gusto niya itong pagtripan.

Kaya humarap na ako sa lalaki at nasa likuran kuna si nerd."Try mong lumapit sakaniya tatamaan ka sakin! Makikita mo!" Galit na sabi ko nag taas naman ito ng kamay na para bang sumusuko na.

"Okay, okay,..."sabi niya pa.

Nilingon ko si Nerd at inaya ng umalis kaya umalis na kami .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro