Chapter 34
Vanessa Labaro
After 4 years
Kinakabahan ako habang nakatingin sa harap ko. "Siguro kabang kaya mo?"tanong ko kay joana.
"Yes, Sure akong marunong na talaga ako."napapikit nalang ako at napabuntong hininga.
"Siguraduhin mo lang!" Inirapan niya lang at pasimpleng ngumiti habang nasa harap ang tingin.
Hinawakan ko ng mahigpit ang seatbelt at pumikit naramdaman kunang binuhay niya ang makina ng kotse."Yey, excited Kana?" Oo excited na akong mamatay!!
Hindi nalang ako nag salita at hinigpitan ang hawak sa seatbelt.
4 years na ang nakalipas, umuwi din kami sa cebu kasama si joana at ang anak niya malaki narin si baby Dio makulit na ito kahit 2 years old palang.
Sa 4 years din ay ni hindi man lang naisipan ni carlos na ipagamot si Joana nanatili ito na walang maalala sa nakaraan niya.
"Ahhh!!" Natauhan nalang ako dahil sa pagsigaw ni joana mabilis na napalingon ako sa harapan ng sasakyan at talagang Nanlaki ang mata ko dahil sa muntik na kaming mabangga sa isang puno.
"Joana naman eh!!" Naiinis kong sabi saknaiya.
"Sorry na kanina pa kasi kita kinakausap hindi ka naman nakikinig kaya lumingon ako sayo..."nakangusong sabi niya.
"Alam mo naman na bagong turo ka palang diba...ano bayan mamatay ata ako ng maaga sayo."
"Don't worry van, i can handle this, ito paba. Madali lang to sakin."
"Anong madali! Muntik na nga tayong nabangga eh."
"Sus, hindi naman tayo nabangga diba."inirapan ko si joana sabay tingin sa daan.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Bibilhan ko ng laruan si dio at damit."sabi niya.
"Joana."
"Hmm?"
"Naririnig muba ang sinasabi mo?"
"Oo naman."Nagtatakang lumingon siya sakin.
"Grabe ka, bibili nanaman alam mo bang dalawang closet na ang nabili mo dahil sa dami ng damit ni baby dio at isa pa laruan? Anong gagawin mo sa laruan ang dami na niyang laruan."lumingon siya sakin at umirap.
"Van, may sarili akong pera no, isa pa gastos ko ito para sa anak ko, may sarili akong pera may sarili akong trabaho o negosyo kaya gusto kong mabigay kay dio lahat ng gusto niya."
"Alam ko yun, alam kong maging successful kana may maayos na trabaho at may sweldo araw araw, alam ko yun dahil sa lagi akong nasa tabi ninyo, pero...mag tipid ka naman ng pera lagi mo nalang binibilhan ng kong ano ano yung bata, hindi naman niya nalalaro kasi wala siyang kasamang kalaro, isa pa nasa Canada yung dating kalaro niya.."
Napabuntong-hininga muna siya bago nag salita."wag muna kasi akong kuntrahin van, may bahay naman na ako kotse...itong ginagamit natin ngayon at isa pa hindi ko napagtutuunan ng tingin si dio lagi akong wala sa bahay dahil sa trabaho."
"Alam ko naman yun,"mahina kong sabi.
"Ano pag-aawayan nanaman ba natin to?"
"Sinabi ko bang mag away tayo?
"Hindi."
"Oh, edit hindi, mag focus ka sa pagmaneho ayaw ko pang mamatay."napatawa lang siya sabay tingin sa labas.
Ilang minuto din ay nakarating kami sa mall.
At ayun na nga sunod sunuran ako kay joana dahil sa kong saan ito pupunta ay sumusunod ako hindi ko naman pwedeng pabayaan baka ano nanaman pamilihin nito.
"Ano yan?" Takang tanong ko sa hawak niya.
Para itong isang remote."remote para doon."napalingon ako sa tinuro niyang isang malaking rubot, oo rubot siya siguro hanggang bewang ko ang laki nito.
"Sa tingin mo magugustuhan kaya ito ni dio?"takang tanong niya sakin.
Napatanga nalang ako dahil sa ka gastador nitong kasama ko."malamang oo kasi ang laki ba naman yang laruan nayan, may ganyan din siya diba doon sa Canada."
"Hmm, oo pero maliit naman yun."napakamot nalang ako sa ulo ko at tumingin sa iba pang paninda.
"Bibilhin ko nalang to, gawin kong unan."turo ko sa isang Teddy bear.
"Regalo mo?"
"Hindi no, ano siya sene-swerte aba ang dami kunang nabigay sa anak mo na regalo eh hindi naman birthday."
Tumaas lang ang sulok ng labi ni Joana sabay punta sa counter para bayaran ang kinuha niyang laruan.
Nag stay pa kami sa mall ng ilang oras kaya nong mapagpasyahan naming umuwi na ay nagpatulong kami sa staff ng mall.
"Kuya, paki lagay nalang sa likuran."si joana turo turo ang likuran ng kotse.
"Yes ma'am."sabi naman ng lalaki.
"Ako nalang kaya mag drive." Sabi ko kay joana.
"No! Dapat ako lang."inirapan ki siya.
"Pag talaga! Ay nako..bahala ka nga dyan."iniwan ko nalang siya at pumasok sa passenger seat nakita ko naman siyang sumunod sakin kaya nong makapasok na ay nag start na siya nakita ko narin na papalayo na si kuya.
"Amen."napalingon ako sakaniya nagdadasal siya. Buti naman.
"Buti at naisipan mo yan."sabi ko.
"Oo naman tara na."napabuntunghininga muna ako bago kumapit sa seatbelt ng maumpisahan na niyang paharurutin ang kotse ay biglang natigil dahil sa isang malakas na kalabog.
"Shit!!" Bulalas ko napalingon kami sa likuran ng maatrasan niya pala ang isang kotse."halaaa!!" Nataranta ako kaya lumabas ako at tinignan ang likuran."patayy! Joana naman ehh."
"Ano? Kasalanan kubang natapakan ko yung atrasan."
"Ano ba---"natigilan ako ng biglang may marinig akong tili.
"oh my god what happened to my car!"napalingon ako sa babaeng tumili lumapit ito sa amin at tinignan ang kotse niya bago lumingon sakin."what did you do to my car!!"galit niyang sigaw sakin.
Tinaasan ko siya ng kilay."Aba malay ko dyan! Ako ba bumangga yung kotse naman ah!!" Inis kong sabi.
"Shit! pay for my car.!"galit niyang sabi sakin.
"Hindi ako ---"natigilan ako ng magsalita si joana.
"Im sorry for what happened to your car."mahina nitong paghingi ng tawad lumingon ang babae sakaniya.
"Ikaw ba ang---joana."napakunot ang noo ko dahil sa biglang pagsabi niya. kilala ba niya si Joana? Napalingon ako sakaniya at nakita ko ang bahagyang pag ngiti na nakakaasar."I'll call the police..dapat kayong kasuhan dahil sa pagsira niyo sa kotse ko!!"sabi niya nagulat nalang kaming dalawa ni joana.
---------------------------------------------------------------------------------
Joana Ella Fuentes-Magalion
NANDITO kami ngayon sa police station, pilit ng babaeng ito na ipakulong kami kaya.
"No! Hindi ako makakapayag!!" Sigaw niya sa police officer."dapat kinukulong yan."turo niya sakin.
"Ma'am, pasensya na po pero ang sabi na po niya ay babayaran niya po ang damage ng sasakyan niyo po."sabi ni police man.
"Good ka d'yan kuya."si Van naman."Impaktang to kong makapag pa-kulong ka naman wagas bakit, na puruhan kaba! Na atrasan lang ang sasakyan mo maka react ka naman."
"Shut up bitch--"natigil din ang pagsigaw ng babaeng naa harap ko kay Van dahil sa may biglang pumasok sa opisina ng officer.
"Hon/Janella."napalingon ako doon si carlos pala at may kasama itong lalaki pero nag tataka ako dahil sa akin nakatingin ang lalaki na para bang nakakita ng multo.
"Honey/baby!" Sabay rin naming sabi ng babaeng katabi ko.
Tumakbo siya sa lalaking kasama ni carlos at lumambitin ito na parang unggoy sa leeg ng lalaki pero nag parang walang pakialam ang lalaki dahil sa akin ito nakatingin.
"What happened?" Napalingon ako kay carlos.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro