Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

"Ang niya talaga." Napalingon ako kay Van.

Habang hawak hawak ko ang anak ko subrang kulit din nito na gustong kargahin.

"Gusto mo bang buhatin?" Takang tanong ko sakaniya mabilis naman siyang tumango.

"Grabe ang bigat bigat na oh, ilang buwan naba tayong nanirahan dito sa Canada?"takang tanong niya sakin.

Simula ng makaalis kami sa hospital ay inasikaso agad ni carlos ang mga kaylangan asikasuhin para makalipat kami dito sa ibang bansa.

Lumalaki narin ang anak ko at umiingay na ito, makulit din minsan pag maagang nagising iiyak at maghahanap ng gatas.

Ganon naman siguro ang mga bata, 3months narin ang baby ko kaya mabigat na ito at makulit.

"Oh, ayan gusto ata ng gatas."napalingon ako kay Van umiiyak na pala ang baby ko.

Kaya naman nilahad ko ang kamay ko para kunin si baby agad namang ibinigay ni Van sakin yun.

"Anong oras uuwi ang asawa ko?" Tanong ko kay Van natigilan naman siya ilang minuto ay nagsalita.

"Aba, iwan ko baka mamaya oa siguro 6pm."sabi niya tumalikod sakin."Magluluto muna ako para sa lunch natin."

Iwan ko ba kong napaghahalataan ko na may gusto ata itong si Van sa asawa ko.

Pag kasi kinakausap ko siya about kay Carlos lagi siyang umiiwas minsan din ay nakikita ko silang nag-aaway.

Pero sa mga nakikita kong yun parang wala lang sakin, parang walang selos na bumabalatay sa katawan ko na para bang okay lang sakin kong mag sama sila.

Napalingon ako sa baby ko na hindi na ito umiiyak."Ang gwapo mo talaga."pagsabi ko iwan ko rin pero wala akong nakikitang kamukha niya si Carlos siguro dahil sa sakin nag mana ang baby ko.

"Ohh, ang baby ko nag popo."nakangusong sinasambit ko ito dahil sa naamoy kuna nag mabahong amoy galing sa Pampers ni baby dio."Bakit hindi ka naman nag sabi na mag popo ka pala."nginusuan ko siya habang hiniga sa sofa.

May harang naman yung sofa kaya hindi siya mahuhulog."Van si Dio paki bantayan pupunta muna ako sa kwarto kukunin ko lang yung diaper niya."pasigaw kong sabi.

"Oo, patapos narin ako."rinig ko ring sigaw ni van kaya agad akong nagtungo sa hagdan patungo sa kwarto namin.

Kinuha ko ang diaper at kong ano pang pwedeng pamunas at mga gamit para kay baby pag nag popo siya.

Ilang araw din akong nag practice para dito, para lang alam ko kong paano bihisan at paliguan ang anak ko.

Bumaba na ako at nagtungo sa sala kita ko naman si Van na nakaupo lang habang nakatingin sa anak ko."Balik na ako sa kosena."sabi niya tumango lang ako.

Umupo ako sa sahig at inaayos ang mga gamit kinuha ko ang lampin at nilagyan ang pang-upo ng anak ko agad kong kinuha ang diaper nitong may kunting popo niya, kinuha ko narin ang basang lampin at ipinunas ito sa pang-upo niya.

Ilang minuto din ay natapos na ako madali lang naman siya agad kong binihisan si dio pagkatapos non ay inilagay kuna siya sa sahig may carpet naman yung sahig namin kaya hindi na mahirap isa pa hindi rin madumi yun.

Inilagay ko roon ang anak ko at ibinigay sakaniya ang mga laruan niya.

"Kain muna tayo."lumingon ako kay Van.

"Sige, itatapon ko lang to."pagturo ko sa diaper agad naman siyang tumango at pumwesto sa sala nag on siya ng tv kaya ako naman ay pumunta sa labas sa likuran ng bahay nandoon kasi yung basurahan kong saan nilalagay ko ang mga diaper ni baby dio.

"Kain na El."pagtawag sakin ni Van.

Tumango ako at mabilis na umupo sa sofa kinuha ko yung nakahain na pagkain sa harap ko tinignan ko muna si dio okay naman ito nag lalaro lang tumingin ako sa tv tanging balita lang ang nakikita namin.

"Mr. Maximos Magalion is the most famous billionaire in the world, he has been looking for his missing wife for a long time, he will pay a large amount to whoever finds her ... Mrs. Joana Ella Magalion ---. "Napataas ang kilat ko dahil sa biglang pag patay ng tv ni Van.

"Ang pangit nong napanood natin."sabi niya sabay lipat sa ibang channel na may movie."ito nalang."mahina niyang sabi napapailing nalang akong tumingin sa tv.

Hindi kuna inaalala yung balita kaya ng matapos kami kumain ay pinatulog ko muna si dio bago ako nag linis sa kwarto namin ilang oras ang nakalipas ay namalayan ko nalang na malapit na palang gumabi.

"Dinalhan na kita ng pagkain."pagsabi sakin ni Van dinalhan na nga niya ako ng pagkain dito sa kwarto ko.

"Thanks."pagsabi ko.

"Tumawag si Carlos pauwi na siya "ngumiti lang ako kay van.

Umalis na siya kaya habang tulog pa ang anak ko kumain nalang din ako ilang minuto ay natapos ako dinala kuna rin sa kosena ang mga hugasing plato na kinainan ko kanina bago ako bumalik sa kwarto at naligo.

Hindi pa naman gising ang anak ko ay tapos na akong maligo.

"Hey."napalingon naman ako sa pinto si Carlos pala nakabalik na ito.

"Hey, kumusta ang trabaho?" Pagsabi ko sabay lapit sakaniya, kinuha ang mga gamit niya.

"Nakakapagod."pagsabi nito.

"Hmm, kumain Kana?"

"Hindi pa, pwede ba ikaw kainin ko?" Pabirong sabi niya mahina ko siyang hinampas sa braso agad niyang inagaw ang kamay ko at dahan dahan na lumapit sakin."Please Ella."pagsusumamo niya sakin.

"Carlos, maliit pa ang anak natin."pagsabi ko lumingon siya sa bata na para bang galit ito at masuyong lumingon sakin.

"Isa lang."lumapit ang mukha niya at mabilis na hinalikan ako sa pisngi pero hindi ako magpakampante.

"Carlos!" Masama ang tingin ko sakaniya hindi alam kong bakit parang ayaw kong may gawin siya sakin...siguro dahil sa maliit pa ang anak namin kaya ganon nalang ako..ni halik at ano paman ay walang nagawa si Carlos kundi ang sumuko.

"Fine."mahina nitong sabi sabay pasok sa banyo napatingin ako sa banyong pinasukan niya.

Ni wala akong maramdamang awa.

Ano bang nangyayari sakin? Asawa ko siya dapat kong anong gusto niya ibibigay ko. Pero bakit ganito? Bakit parang gusto kong wala siyang gawin sakin?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro