Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

JOANA ELLA

Nasa hapag-kainan nako, hanggang ngayon  hindi parin bumababa si bakulaw.

Nasaan na kayo yun? Nilamon naba siya ng banyo dahil sa tagal niyang maligo.

Napailing nalang ako at kumain ng marami masarap ang pagkain at isa pa first time ko ito, lagi kasing itlog ang ulam namin ni mama,ngayon kitang kita ko ang ibat ibang putahe ng manok, baka, at baboy, grabe naman kung makapag luto tong mga maid eh, dinaig pa ang may fiesta.

Nakapatong ang isa kung paa sa isang upuan habang ang isa namang paa ay nasa upuan ko, feel at home talaga ako isa pa sanay na ako sa ganito, ganito kasi ako kumain sa bahay naka angat ang tuhod ko.

Busy naman ang mga katulong sa paglilinis ng bahay habang ako ay kain lang ng kain.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay tapos narin akong kumain hindi parin bumababa ang lalaking yun kaya nagpasya akong mag libot sa bahay na ito, nauna kung tignan ang sala sunod naman ay ang kitchen pangatlo naman ay ang mga kwarto sempre hindi kuna tinignan yung kwarto namin ni honeybaby kasi nakita ko naman na.

Lumabas ako ng bahay at tumambay sa hardin nila,may pool din kaya na excite ako gusto kung maligo pero nililinis pa ito.

May iba ding katulong na nagwawalis at may iba ring nagdidilig ng halaman pag nakakasalubong ko sila agad naman silang yumuyuko sakin para na tuloy akong reyna kung ituring nila.

Bahagya akong natigilan sa paglalakad ng tumunog ang cellphone ko tinignan ko ito tumatawag si mama.

"Maaaaa!" sigaw ko ng sagutin ko ito.

"Anak, kamusta kana dyan?" tanong ni mama.

"Ayos lang naman po, ikaw kamusta Kana dyan?"

"Ayos lang anak, ang yaman naman ng kumidnap sayo."napataas ang kilay ko.

"Aba't, sinabi pala sa'yong na kidnap ako?"

"Oo, nasabi na sakin ng tatay ng mapapangasawa mo, excited na tuloy akong makita ang manugang ko."sabi din ni mama.

"Ma naman,grabe ka bata pa ako, 21 pa ako ma."

"Wala sa edad yan anak, oh sya dahil sa okay ka naman dyan, sige na may lakad pa ako, shopping alam mo na."napataas ang kilay ko.

"Aba't, nagsho-shopping kapa ma? Ang tanda muna gurang Kana kaya wala ng magkakagusto sayo."

"Loko ka talaga!" Napairap nalang ako dahil sa pinatay lang naman ng magaling kong ina ang tawag.

"Tsk, ayaw pang maniwala wala naman kasing magkakagusto kay mama matanda narin siya."saad ko at napalingon sa pool, wala ng tao doon kaya pwedi na sigurong maligo.

"Manong!" Pagtawag ko kay manong guard ng makita ko itong palakad lakad,lumingon siya sakin bahagya pa siyang nagulat dahil sa tinawag ko siya,napa atras siya at mabilis na umalis.

Anyare don?

Natakot ba siya sakin? Maganda naman ako eh—

"Arghh tangina!"napasigaw ako dahil sa gulat, lintek ano ba yung sumabog?

"Fuck!"nagulat din ako dahil sa pagsulpot nalang ni bakulaw sa tabi ko,mabilis niya akong hinila papasok sa loob ng bahay.

"Hala! anong nangyari?" Takang tanong ko ng makita ko ang reaction ng mga katulong,takot na takot ito na nagtatago sa kitchen.

"Sumunod ka sakanila."pagsabi sakin ni bakulaw,taka naman akong tumingin sakanya.

"Bakit anong nangyari?" Takang tanong ko.

"Tsk! Just do what i've said!!" Galit na sabi niya,napalingon naman ako ng may biglang humila sakin,isang katulong takot na takot ito.

"Anong nangyari?"tanong ko sa katulong bahagya pa akong lumingon kay bakulaw pero nakalabas na ito ng bahay.

Don ko rin napansin na may hawak pala siyang baril.

"Ma'am, dito nalang po tayo, baka mapano po kayo sa labas."takot na takot na sabi ng maid.

"Bakit nga anong meron?"

"May, kalaban pong nakapasok."sabi ng isa.

"Huh?" anong kalaban na sinasabi nila?

"Mga kaaway po ni sir nakapasok po dito sa bahay niya."sabi nung isa, nagtataka man ay lumingon ako sa pintuan sunod sunod ang putok ng baril na naririnig ko kaya kinabahan ako.

Ano bang meron? Bakit may putok ng baril? Agad kong hinila ang kamay ng maid para makabitaw sakin gusto kung makita kung anong nangyayari sa labas.

"Ma'am, saan kayo pupunta?" Natatarantang sigaw nila sakin.

"Sa labas malamang."sabi ko at patakbong lumapit sa pinto,napahinto pa ako ng bahagya dahil sa putok ng baril,dinig ko rin ang sigawan ng mga katulong.

Ng mabuksan ko ang naka sara na pinto ay natanaw ko si Bakulaw nagtatago ito sa pader kung saan ang gate habang may nagpapaputok ng baril sakaniya sa labas mismo ng gate tinignan ko ito kung sino ang nag paputok non ng biglang.....

"Arghh gago!!" napahiyaw ako dahil sa natamaan ang Isang lalagyan ng Bulaklak sa tabi ko napalingon naman sakin si Bakulaw na sobrang gulat dahil sa nakita ako.

"Fuck!What are you doing!!" Sigaw niya sakin.

"pumasok ka!!" utos niya sakin at mabilis na pinaputukan ng baril ang nasa labas at tumakbo palapit sakin.

"Eh, sa nag aala—"

"Shit! Pumasok Kana!!" Masama ang tingin niya sakin kaya napakamot ako ng bahagya sa ulo at pumasok nalang masama parin ang tingin niya sakin lumabas siya pero natigil din kalaunan ang putukan ng baril.

"The fuck! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo! Gusto mo bang mamatay!" Inis niyang sigaw sakin.

"Ako dapat nagtatanong sayo nyan! Gusto mo bang mamatay bakit ka nakikipag barilan doon!?"Galit na tanong ko sakaniya,natigilan naman siya ilang minutong nakatingin sakin.

"Tsk!"yun lang naman ang nasabi niya doon sa mala concern kung tanong diba napaka saya napaka saya talaga kasama ng isang to! Sarap sakalin sa leeg at ilambitin patiwarik.

"Wag kayong lalabas dito, aalis muna ako,may aasikasuhin ako."malamig na sabi niya tumingin muna siya sakin bago tinalikuran ako,ng makalabas siya ng pinto ay lumapit naman sakin ang mga maid.

"Ayos kalang po ma'am?" tanong ng isa.

"Ayos lang naman, bakit ganon yung boss ninyo? Ang sungit parang May regla araw araw."napapailing akong naglakad patungo sa hagdan papunta sa kwarto namin.

Magpapahinga nalang ako kesa isipin ang napaka sungit kung future husband.

Nireregla yata yun araw araw...

END OF THE CHAPTER 3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro