Chapter 27
"Are you sure your okay?" Bakas ang pag-alala sa tuno ni Carlos. Umupo ako sa hospital bed at tumango sakaniya."Bakit hindi mo sinabi saking buntis ka?"
"Hindi ka naman nag tanong."nakasimangot na sabi ko napapailing siyang tumingin sa nakaupo sa sofa."hey you maid, bilhan mo nga ng pagkain si Joana sa labas."pag-utos niya kay Van inis na tumayo si Van at walang sabing umalis sa kwarto.
"Ang harsh mo naman sakaniya, may crush kaba don?"
"Hell no! Bakit naman ako makakacrush sa babaeng yun, pwede naman sayo."
"Huh?"
"Wala, sabi ko humiga la ulit hintayin nalang natin dumating yung katulong ko."tumango ako sakaniya at humiga.
Dahil sa pinainom na ako ng gamot kanina ng nurse nawala wala na ang sakit ng ulo ko, alam kong may hindi tama eh, dahil sa ibang iba ang pag-alala kanina ni Carlos nong magising ako.
Sana naman pagbubuntis lang ito.
Napabaling ako sa pintuan ng biglang may kumatok dito, bumukas yun at iniluwa ang isang nurse.
"Mr. Young Doctor Leo want to talk to you."
Napabaling sakin si Carlos kaya sininyasan kong umalis na tumango siya at umalis.
Ako naman ay nakatingin lang sa pintong nilabasan niya. Ilang minuto din akong nasa kwarto na mag isa pumasok si Van na may dalang pagkain."nasan na ang lalaking yun?" Napalingon lingon pa siya sa kabuuan ng kwarto para hanapin si Carlos.
"Wala, tinawag ng doctor."pagsabi ko.
"Oh,."yun lang nasagot at inilahad sakin ang mga pagkain.
"Ano ba talagang nangyari?"tanong ko kay Van gusto kong malaman kong anong nangyari sakanila.
"Huh?" Siya.
"Bakit, nag trabaho bilang isang katulong?" Takang tanong ko bagsak ang balikat niya.
"Umalis si daddy sa pagiging kapitan sa barangay namin nong mamatay si mommy, hindi kinaya ni daddy ang pagka ulila niya kay mommy kaya iniwan din niya kami ng dalawa kong kapatid, namatay si mommy dahil sa sakit sa puso si daddy naman namatay dahil sa depresyon, ang bahay namin ibininta pati narin ang lupa para lang maipadala ang kapatid ko sa kakambal ni mama doon sa U.S ako nalang ang naiwan sa bahay ng tita ko pero, ang sabi naman nila sakin dahil sa malaki na ako at kaya kuna ang sarili ako na raw dapat ang bu-buhay sa sarili ko, kinuha ako bilang isang katulong ng mommy ni Sir Carlos na meet ko siya sa palengke noon, nong manakawan siya ay sinagip ko ang pera niya bilang tulong na raw ay ipinadala niya ako dito sa cebu bilang katulong sa bahay ng anak niya."pag kwento niya sakin."eh, ikaw bakit parang yumaman kana, noon pa nga tanging maruming sapatos ang sout mo at punit punit na damit, ngayon......tignan mo naka dress at nasusuot muna ang hindi mo naisuot noon, at ito na ako ngayon parang bumabaliktad na tayong dalawa."pagsabi niya na tumawa pa ng malakas.
Inirapan ko siya."Pero mukha ka namang mayaman kong ganda ang pagbabasihan."pagsabi ko kinilig naman ang gaga.
"Alam, mo sa panahong walang wala ako naiisip kong......kong nandoon ka siguro sa tabi ko at inaalagaan ako ang saya ko siguro."
"Eh, wala ako sa tabi mo eh."
"Kaya nga, ano na bang nangyari? At bigla kang gumanda? Asawa mo ba si sir Carlos? Girlfriend kaba niya? Or ikakasal na kayo?" Sunod sunod na tanong niya sakin.
"Hindi no, kaibigan ko lang siya."pagsabi ko, kaibigan ko ba siya? Pinsan siya ng asawa ko.
"Kaibigan lang ba talaga? Eh, bakit buntis ka sinong ama? Yung kaibigan mo?" Sakrastikong sabi niya.
Nag seselos ba siya?
"Huy! May gusto ka ba kay Carlos?" Sabi ko na ikinaubo niya bigla.
"Klaseng tanong yan! Shimpre hindi bakit naman."mabilis niyang sagot.
"Weeee."
"Hindi nga."
"Totoo?"
"Oo nga."
"Hmm."
"Bahala ka nga diyan!"
Natatawang sinundan ko siya ng tingin umupo siya sa sofa.
"Pinsan siya ng asawa ko."pagsabi ko lumingon siya sakin at tinitigan pa ako ng ilang minuto bago tumango.
Tamo akala niya siguro hindi ko nahahalata. Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito, pilit na ngiti lang ang bungad ni Carlos sakin.
"Kumain kana ba?" Takang tanong niya.
"Hindi pa kakain palang."
"Kumain kana, para makainom kana ng gamo––shit! Bawal ka palang uminom."mabilis niyang itinago ang gamot na hawak niya.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Makakasama sa baby mo."pagsabi niya.
Bakit naman makakasama?"hindi yan, vitamins naman yang gamot."pagsabi ko.
"No! Hindi pwede ibang gamot to."
"Anong ibang gamot?"takang tanong ko."sabihin mo sakin Carlos."pagpupumilit ko.
"No, kaylangan mo munang kumain."sabi niya at umupo katabi ni Van si Van naman ay umusog palayo na para bang nandidiri sa katabi niya.
Napapailing nalang ako sa dalawang to.
Ilang minuto din ay natapos na akong kumain, okay naman na daw ako sabi ni Carlos kaya pwede na kaming makabalik sa bahay nila.
Inilagay ni Van ang mga gamit sa likuran ng kotse ni Carlos habang si Carlos ay nasa driving seat at ako naman ay nasa backseat si Van naman ay papasok na sana papunta sa tabi ko ng bigla siyang sinamaan ng tingin ni Carlos kaya simangot at bagsak ang balikat nitong umupo sa passenger seat.
"Kayong dalawa para kayong aso at pusa."
Walang nagsalita sa kanilang dalawa hanggang sa pinaharurot na ito ni Carlos ilang oras din ang byahe ay nakarating kami sa bahay ni Carlos 3pm pa naman kaya gumala nalang ako sa tabing dagat may iba ding taong nakikita na nagsasaya.
Bigla nanamang pumasok sa isip ko si Maximos.
Ano na kayang ginagawa ng lalaking yon? Kinuha ko ang cellphone sa sout kong short at tinawagan si manang.
Ilang minuto din ay sumagot si manang."hello? Sino to?"
"Manang, si––"naputol ang sasabihin ko ng sumabat na si manang.
"Ay, juskong bata ka saan kaba nag punta? Hanap ng hanap sayo si–––sir, opo sir sige po, ano po ang ihahanda ko mamaya? Sige po."paniguradong si Maximos ang kausap ni Manang ilang minuto akong nag hintay na makabalik si manang."nandiyan kapa ba bata ka?"
"Manang okay lang po ba si Maximos diyan?" Takang tanong ko.
"Nasaan kaba?"
"Manang, gusto ko pong magpahinga siguro, hmmm sa susunod ko na–––"napalingon ako sa cellphone ko ng bigla itong namatay, malas lowbat na ako.
Napapailing akong bumalik sa bahay ni Carlos.
Sana okay lang siya, sana masaya siya ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro