Chapter 18
"Sino ba kasi sasali!!" Sigaw ng classmate namin.
"Kami!!" Sigaw naman nong mga babae na nasa harapan namin.
Tinatanong kasi niya kong sino daw ang sasali sa dance troupe, gusto ko pero nahihiya ako–"Si Joana daw sasali."napalingon ako kay Ryker na isigaw niya yun sinamaan ko siya.
"Okay! Kompleto na! Tatlo ang sasali sa section natin sa ibang section naman meron, galingan niyo guy's, ibang school ang makakalaban niyo."sabi ng president namin dito sa room.
Napasimangot ako ng lumapit ang taga ibang section samin at sinabi kong anong Pangalan namin kaya ako ito sinabi.
"Joana Ella Fuentes–"sasabihin kuna sana ang kadugtong ng sumabat ang klasmeyt kong kasali rin.
"Ako naman Diana Rosalis."
"Agatha Montero."matapos nilang isulat ang mga pangalan namin ay nag salita yung taga ibang section.
"Mamayang lunch time, pumunta kayo sa dance club....doon sa second floor ng main building."pagsabi niya.
Hindi ko naman alam yun pero siguro naman akong alam yun ng mga kasama ko.
"Sige."sabay naming sabi."Excited na akong mag practice."tili ni Diana.
"Ako rin, nga pala joana buti at sumali ka."pagsabi ni Agatha isang to plastic.
"Oumm."usal ko sabay talikod at lumapit sa upuan namin nila grace.
"Galingan mo girl."pag sabi ni Ayumi sakin.
"Eh, bat kayo ayaw niyong sumali?"
"Girl, Cheer leader kami, hindi kami pwede diyan."sinamaan ko nalang ng tingin si Ryker na tawang tawa sa tabi ko.
"Galingan mo baby."pagsabi niya sabay kindat ito mukong nato hindi na taohan sa suntok ng asawa ko.
Napapailing nalang ako, dahil sa malapit naman ang intrams ay busy lahat ng students may mga sinalihan kasi sila at araw araw din may practice sila Grace at Ayumi at si Ryker naman dahil sa basketball player ay nakakasama niya ang dalawa.
Samantalang ako ay nandito na sa Dance club na pinuntahan namin nila Agatha at Diana.
"Kayo naba yung nasa section A?"tanong samin ng isang leader ata siguro ito dahil siya lang naman ang naka tayo at kami ay naka upo.
"Opo."pagsabi ni Diana.
"Okay, sige dahil kompleto na tayo tumayo na kayo at simulan na natin ang unang step."pagsabi niya kaya nag si tayuan naman kami.
Hiphop dance daw ang isasayaw namin.
Kaya madali lang ito sakin bilang isang hiphop dance ako noon sa school namin sa Probinsya ay madali akong natoto.
"Ikaw, dito ka sa unahan dahil sa magaling ka naman sumayaw at madaling maka tanda sa step."pagsabi ni leader sakin inilagay niya ako sa unahan dahil sa ikatlong step na namin ito.
Unti unti narin naming nakukuha ang step pero may iba talaga na mahihirap kaya tudo palit ulit ng pwesto.
Hanggang sa matapos kami ay napalingon ako sa oras 5pm na pala napatingin ako sa labas ay malapit na itong gumabi.
"Ingat kayo."pag sabi ni leader sa mga kasama namin hanggang sa nakita niya ako kaya lumapit siya sakin."Ang galing mo, isa kabang hiphop dancer noon?"pagsabi niya.
"Oum, oo."
"Kaya naman pala, bukas ulit joana."sabi niya ngumiti ako at tumango.
"Sige Lian."pagsabi ko kay lian.
Lumabas na ako ng dance room, at nagtungo sa gate kong saan nakita ko naman si kalbo na kausap ang guard ng school.
"Kalbo tara na."pinunasan ko ang pawis ko para makalapit kay kalbo taka siyang lumingon sakin.
Hindi kuna siya pinansin nag tuloy ako sa paglalakad patungo sa sasakyan at sumakay.
Walang nag sasalita saming dalawa ni kalbo hanggang sa makarating kami sa bahay bumaba ako ng sasakyan at pumasok na sa bahay.
"Ma'am, bakit ngayon lang po kayo?" Takang tanong ni manang.
"Nag practice lang kami."pagsabi ko.
"Ahh, kumain na po ba kayo?"
"Hindi pa eh, maliligo muna ako manang tapos kakain na, si Maximos po naka uwi na?"
"Hindi pa, busy ata sa opisina niya."
"Ahh, okay sige manang."simula din nong makauwi kami ni Maximos galing sa honeymoon namin sa gitna ng dagat ay naging busy na ito dahil daw marami pa siyang pirmahan na papeles sa company niya.
Pumasok ako sa banyo at nag simula ng maligo habang naliligo ako ay pumasok nanaman sa makulit kong utak ang nangyari samin ni Maximos.
Bigla akong natawa dahil doon, napailing akong pinagpatuloy ang pag ligo at pumunta sa closet para kumuha ng damit.
Bumaba na rin ako sa hagdan para makapunta sa kosena at kumain kita ko namang nakahanda na ang pagkain kaya kumain nalang ako.
Ramdam ko narin ang pagod sa katawan ko dahil sa ginawa namin kaninang paggiling.
Matapos kong kumain ay pumasok na ako sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama habang nakatingin sa kawalan, ano na kayang ginagawa ng asawa ko ngayon? Kumain na kaya siya? Nagpahinga ba siya?
Ang dami kong tanong sa isip ko pero hindi ko masagot kayalangan talaga tanungin ko yung kumag nayun bukas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro