Twenty-Six
Twenty-Six
Natulala ako sa sinabi niya. Harry looks confused. Ipinaglipat-lipat niya ang kanyang tingin sa akin at sa matandang kaharap ko.
"Ikaw si... I-Ikaw si Oliver? Ate Annie's father?" I choked out.
He glared at me. "Who do you think I am?" nilakumos niya ang notepad na pinagsulatan niya ng order namin kanina. "Now that you know me, you should get out of my store. Out!" dumagundong ang kanyang boses sa loob ng ramen house dahilan para mapatingin sa amin ang ibang customers.
Even Olly glanced at us and frowned. Itinapon niya ang kanyang sigarilyo sa sahig at inapak-apakan.
"Oliver... You're Ate Annie's father..." I couldn't hold back the tears that started streaming down my face. "You need to know something."
"I don't want to do anything with you or your disgusting family anymore!" lumakas ang kanyang boses. He's taking deep breaths now, as if he's trying to control his anger. "I just want you to get out of my store!"
"Please..." I tried to touch his hand but he immediately swat it away. i took a step back, tears blurring my vision once more. "Ate Annie... she loves you." Napapikit ako nang mariin.
Mayamaya pa ay isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Tuluyan nang napatayo si Harry at kaagad akong hinablot papalayo sa lalaki. Maging si Olly ay kaagad na lumapit at hinawakan ang braso ng kanyang ama.
"Get out of here, Ferguson! Get out!" he barked.
"Alis na..."Olly said. "You should go away now..."
Iniling-iling ko ang aking ulo sa pagprotesta. "Please listen to me—"
"Are you going to go or I'll call the police!" masama na ang kanyang tingin sa aming dalawa. Bago pa man ako makasagot ay hinila na ako ni Harry papalabas sa ramen house. Iyak na ako nang iyak hanggang sa makabalik kami sa tinutuluyang inn.
Harry looked frustrated. Hindi na niya alam ang gagawin para patahanin ako. I rocked back and forth on my bed, trying to sort my mind. Sa huli ay nakatulog ako nang umiiyak at nagising na namamaga ang aking mga mata.
---
Gulat na napalingon sa akin si Harry sa sinabi ko. "Come again?" pag-uulit niya.
I bit my lower lips. "I'm not going anywhere, Harry. Kailangan kong makausap si Oliver."
Iniwan ni Harry ang kanyang bag sa kama at nilapitan ako. "Mary Grace, that man is really mad at you. Nasampal ka na nga, diba?" he searched for my eyes.
"He deserves to know the truth..." mahina kong wika.
"What do you mean?"
Nangilid ulit ang mga luha ko. Without saying another word, I grabbed for my bag and took the pictures out. Pati na din ang notebook ni Ate Annie. Ibinigay ko itong lahat kay Harry.
Tulala siyang nakatitig sa mga pictures. He weakly flip from one picture to another, his eyes swirling with confusion and hatred.
"What—"
"Ate Annie was also raped by that demon." Pinigilan ko ang muling pagtulo ng mga luha ko. These past few days, wala na akong ibang ginagawa kung hindi ang umiyak. I took a deep breath. "Ito ang mga sinunog ko sa lake house."
Napamura si Harry sa sinabi ko. He got up from his seat and repeatedly kicked the wall, cursing the demon over and over again. Ihinilamos niya ang kanyang mukha sa frustration na nararamdaman.
Pumikit ako nang mariin. I'm so fucking tired of seeing all the people I love the most break down into pieces because of a nightmare I shared with my sister.
---
"Ang kulit mo din, ano?" binugahan ako ni Olly ng usok mula sa kanyang sigarilyo. "Wala nga si Papa dito. Siya ang namamalengke."
"Please...O-Olly. Kailangan ko lang talagang makausap ang Dad mo." I pleaded.
His eyes studied my appearance. Pagkatapos ay bahagya siyang umiling. "Isa ka ba talang Ferguson?"
I slowly nodded my head.
"You're living with Annie Ferguson?"
Tumango ulit ako.
"Kung gayon ay bakit wala kang nagawa noong nagpakamatay siya?" hamon niya sa akin. "When my father learned about what happened to his first-born child, he was beyond frustrated. But my father is a strong man. Pinili niyang kalimutan ang lahat ng nangyari sa kanya sa Pampanga at lumipat siya dito sa Davao para magbagong buhay." Humithit ulit siya sa kanyang sigarilyo at tamad na isinandal ang ulo sa front store nila. "What makes you think he'd want to talk to you?"
"Because he deserves to know the truth. Kung bakit..." ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko. "Why Ate Annie committed suicide."
Olly frowned. "She failed the board exam, right?"
"It's more than just an academic failure, Olly. It's more than that."
---
"Olly!" napatayo kaagad ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Oliver. Olly nodded at me. Walang tao ngayon sa loob ng ramen house dahil alas tres pa sila ng hapon nagbubukas at magdamagan na sila.
Mayamaya pa ay nakita kong pumapasok si Oliver sa tindahan nila. Olly grabbed the two large plastic bags filled with grocery. Natigil siya sa pagsasalita nang makita ako.
"What are you doing here?" dumilim ang kanyang ekspresiyon sa mukha. He looks at me with disgust. Hindi ko maitago ang pait na nararamdaman ko kapag tinitingnan niya ako nang ganito.
"Well..." huminga ako nang malalim at binigyan siya ng mapaklang ngiti. "Mr. Oliver, there's something you need to know about your daugther."
Even with defected leg, he walked fast towards my direction and grabbed the collar of my shirt. Akmang tutulungan na sana ako ni Olly pero marahan kong iniling ang aking ulo.
"I hate your family with a passion, do you understand that? I know I shouldn't be doing this to you but the blood that is running through your veins is Ferguson's. I can't stand seeing a Ferguson standing inside my store after what you've done to my daughter." He said through gritted teeth.
"Ate Annie would rather be with you." Mahinahon kong wika.
"Hell yes! She should've been with me! Nang sa ganun ay buhay pa siya ngayon. You killed her! You killed my daughter!" humugot siya nang isang malalim na hininga. "Pinaubaya ko sa inyo si Annie dahil yun ang gusto ni Ver. Because after all, walang anak na magiging proud kapag nalaman nilang ex-convict ang kanilang tatay, diba?" mapait siyang humalakhak.
My heart clenched painfully inside of my chest sa kanyang sinabi.
Nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata. "I stepped aside and watched my own daughter in shadows. Alam mo bang gustong-gusto kong ako ang magsabit sa kanya ng medalya nang malaman kong valedictorian siya? Alam mo bang gusto ko siyang yakapin noong grade 3 pa siya dahil nakita kong umiiyak siya dahil natalo siya sa Science Quizbee? Potangina, gustong-gusto kong magpaka-tatay sa kanya pero hindi ko magawa!"
By then, tears had streamed down his face. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binitiwan niya.
"I loved Veronica with all my life pero pinaubaya ko siya kay Thunder! I loved our daughter even more. Athena is a good woman. Alam kong mapapalaki niya nang maayos si Annie. But what did you do? Look at what you've done to my Annie. She's burried six feet underground, goddamit!"
Unti-unti na siyang kumakalas sa pagkakakapit sa aking collar. Mabibigat ang kanyang paghinga ngunit tahimik ang kanyang pag-iyak.
"When I learned that she took her own life, I wanted to do the same too..." he said weakly. "Pero sa tuwing hinahawakan ko ang kutsilyo ay pumapasok sa isipan ko si Olly. Napabayaan ko siya nang husto because I keep on following Annie. I still have a son." Marahas niyang pinalis ang mga luhang tumatakas mula sa kanyang mga mata. "Do you understand me, Mary Grace? I still have a son. Gusto kong magbagong buhay. Naiintindihan mo ako? Kaya kong kalimutan ang lahat ng ginawa ng pamilya mo sa akin hangga't hindi kayo magpapakita sa harapan ko!"
Hindi ko na din mapigilan ang hindi mapahikbi. "A-Ate Annie was...r-raped.." I sobbed.
"Ano?" mas lalong dumilim ang kanyang ekpresiyon sa mukha.
"She was raped." I took a shaky breath. "That's why she killed her own self."
Natulala si Oliver sa sinabi ko.
"Raped..." he repeated weakly.
"I'm sorry. Ngayon ko lang din nalaman ang ito—"
"Please, leave." Naupo siya sa isa sa mga upuan. Ihinilamos niya ang kanyang mukha sa kanyang mga palad. "Please..."
"But Oliver—"
"I'm begging you, please leave before I do something that I'm going to regret."
By then, Olly had snatched my arms and dragged me out of the ramen house. Hindi pa kami nakakalayo ay narinig ko na ang pagbagsak ng mga upuan at pagkabasag ng ilang pinggan. Akmang babalik ako sa loob pero hinigpitan ni Olly ang pagkakahawak sa braso ko.
"He's going to be fine."
I glanced at him. He shared the same intense dark eyes with his father. "Are you sure?"
Tumango si Olly. "I'm sure. He just needs some time to be alone." Binitawan na niya ang aking braso at isinilid ang mga kamay sa bulsa. Tumigil na din siya sa paglalakad nang makalayo na kami sa kanilang tindahan.
"I'm sorry, Olly. You must've experienced a rough childhood."
He shrugged and pulled out a stick from his box of cigarette. Sinindihan niya ito. He lazily hung the cigarette between his mouth.
"We all had a rough childhood."
Tumango ako. "Please take care of your father. This is the last time that you're going to see me."
"Yeah, sure. Makakabuti nga kung hindi ka na magpapakita pa."
His words unintentionally stung my heart. Pinilit ko ang sarili ko na ngitian siya at nagsimula nang maglakad pabalik sa inn na tinutuluyan namin.
Nang makapasok ako ay nakaupo pa rin si Harry sa gilid ng kama. Nakabuklat ang notebook ni Ate Annie sa huling pahina. He must've been reading the entries all this time.
He weakly lifted his head when he saw me. I smiled tightly at him.
"Time to go home, Harry..."
"Huh?" he frowned.
"My family deserves to know the truth. We're going home." I gave him a sad smile before I started packing my things up.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro