Twenty-Seven
Twenty-Seven
Nang magising ako, malapit nang magtanghali. Naka-park na din ang kotse at wala si Harry. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Sumilip ako sa bintana. Kaagad kong nakita ang malaking signage ng Penong's. Bumaba ako at hinanap si Harry.
"Oh," Nagkasalubong kami sa gitna ng daan. "I was about to wake you up. Gising ka na pala." Wika nito sa akin. There were dark circles under his eyes and he looked really tired. Bigla naman akong na-guilty. "Gusto mo bang kumain? Mananghalian muna tayo bago tayo magpatuloy sa pag-biyahe."
I nodded my head and smiled at him. "Sure." Sinundan ko siya papasok sa Penong's. Pagkakuha ng waiter sa orders namin, kinuha ulit ni Harry ang mapa na unang ipinakita niya sa akin sa Karlo's. Nandun pa rin ang mga red marks.
"Eventually, we need to find a motel or an inn to sleep tonight."Sinipat niya ako ng tingin na para bang nakikiramdam. Attentive naman akong nakikinig sa kanya. "Hindi kasi pwedeng sa kotse lang tayong matulog dalawa."
"Sure. Walang problema yan sa akin. Para naman makapagpahinga ka nang maayos." Wika ko sa kanya. "Atsaka, kailangan ko ding maligo no. Baka amoy mandirigma na ako!" Sininghot-singhot ko pa ang kili-kili ko kaya napahalakhak siya.
"Dalawang araw tayong magba-byahe." Anunsiyo ni Harry sa akin. "Masyado bang matagal? Sorry, ah? Hindi kasi ako mabilis magpatakbo eh."
I raise my two thumbs that indicates my agreement. Wala naman akong problema kahit abutin pa kami ng isang linggo kaka-byahe sa kotse. Ang importante ay nae-enjoy ko ito. The view of trees, houses, and kids playing on the street calms me down.
Nang matapos kaming kumain, nagtake-out si Harry ng dalawang package meal dahil baka daw gutumin kami sa biyahe. He slowed down nang makakita ito ng gasolinahan. Bumaba si Harry at kinausap ng gasoline boy. Sumilip naman ako sa bintana. May dalawang lalaking naninigarilyo ang napatingin sa akin. May kapilyuhan ang mga ngiti nito at tumaas-baba pa ang mga kilay kaya kaagad akong napaatras.
Napansin ata iyon ni Harry dahil saglit niya akong tiningnan at dumako ang tingin niya sa dalawang lalaki. He gave me a questioning look. Umiling-iling lang ako kaya nagpatuloy na siya sa pakikipag-usap sa gasoline boy. Pagkatapos namin doon ay pumasok na siya sa loob ng sasakyan. Bago niya ito pinaandar ay tinanong niya muli ako kung meron bang problema.
"Wala naman," Sagot ko. I pulled my knees into my chest and rested my chin on it. The engine roared to life. "So, saan tayo matutulog?"
"Mayroong mga traveller's inns na nagkalat sa bayan. I guess we'll just have to look through them one by one kung saan ang pinakamura. Kailangan nating magtipid kasi mahaba-haba pa ang biyahe."
"It's okay, I have my own money." I assured him pero hindi rin naman niya ako pinansin. Napasimangot tuloy ako. Nagsimula na kaming maghanap ng mga traveller's inn. Kadalasan sa napupuntahan namin ay puro fully-booked. Summer vacation na daw kasi kaya maraming tao. Nanlulumo kami every time the front desk attendant will smile politely at us and says na wala na daw bakante.
Tumingin ako sa labas ng bintana. Alas sais y medya na ng gabi. Medyo kumakalam na din ang sikmura ko. Napansin ata iyon ni Harry because he ask if I would like to eat. Syempre umayaw ako. Ayoko namang kumain habang nagda-drive siya at naghahanap ng pwede naming matutuluyan ngayong gabi.
"Is it okay with you? I could sleep in the car." Wika ni Harry pagkatapos mag-explain ng babae sa front desk na isang room nalang ang vacant at iisang kama lang din ang nasa loob.
Kaagad akong umiling. "No, no, no. Pwede ka namang sa kwarto matulog eh. Atsaka, delikado kapag sa kotse ka lang matutulog. You need to have proper rest."
"Wala naman pong problema sa amin ang couples sa single room, Sir." Sabat ng receptionist na nagpatahimik sa aming dalawa. I felt the blood rising into my cheeks. Halata ding nahiya si Harry dahil biglang namumula ang mga tainga niya at napakamot siya sa ulo.
"Ah, eh..." He trailed off, stealing a glance from me. Napatayo tuloy ako ng tuwid. Parang ngayon lang rumehistro sa utak ko. I am here traveling with a guy and sleeping together with him in the same room.
And this guy happened to be my dead sister's boyfriend.
Namula din ang receptionist when she realized her mistake. "Ay, sorry po." Bahagya pa itong yumuko para humingi ng paumanhin.
"Ayos lang." Mahina kong sabi pero sa totoo lang gusto ko na siyang sabunutan for putting me into an awkward situation with Harry. When I left the house carrying my traveling bag, this kind of situations never crossed my mind. All I know is that I am comfortable with Harry and I want to go to the Mavulis Island with him and I want to escape the demon from harassing me again.
"Okay, kukunin niyo po ba?" She started fishing for the key and typed something into the computer in front of her.
"Yes." Sagot ni Harry. Siya na ang nagbayad sa tinuluyan namin kahit na nagpumilit pa ako. Kinuha muna namin ang mga gamit namin sa kotse bago kami umakyat sa taas. Pagkapasok ko sa kwarto, para akong nagsu-suffocate sa sobrang liit. May maliit na mesa sa gilid ng kama, maliit na bintana, at isang maliit na CR. Nagkatinginan kaming dalawa ni Harry.
"Sa sahig nalang siguro ako matutulog." Wika niya. "I have a sleeping bag on the car's trunk. Kukunin ko lang saglit."
Tumango ako sa kanya saka naupo sa kama. Si Harry nama'y bumaba para kunin ang sleeping bag sa kotse. When he arrived, nag-ayos kaming dalawa ng mga gamit namin.
"Maliligo lang ako." Paalam ko sa kanya.
"Sure." Sabi niya without looking, he was reading something from his iPad na nakasaksak na sa outlet.
Habang nagsh-shower ako, narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Malamang ay lumabas muna siya. Napapikit ako habang dumadaloy ang malamig na tubig sa aking katawan. I think of my parents and Jeremy and my friends. Hinahanap na kaya nila ako ngayon? Malamang. Mom must've gone crazy thinking about me. Sigurado akong pupunta sila sa Karlo's at sa mga kaibigan ko. I felt a pang of guilt hit me.
But anyway, it was my decision. Gusto ko munang lumayo. Gusto ko munang kalimutan ang buhay kahit sandali lang.
I wrapped a white towel around my body, my hair dripping wet from the shower. Saktong pagbukas ko ng pintuan ay pagbukas din ni Harry sa main door. Nagkatinginan kami sandali. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at namula na naman ang mga tainga niya. His adams apple bobbed up and down. Kaagad siyang tumalikod.
"S-Sorry.." He stammered. "L-Lalabas lang muna ako."
Hindi ako sumagot but I can feel the heat on my cheeks. Bakit pa kasi nagshi-share kami ng iisang room, eh di sana wala na kaming ganitong problema. Dali-dali akong nagbihis ng jogging pants namin sa school at isang oversized shirt. After a while, kumatok si Harry. I yelled for him to come in.
"Hey." Nahihiya pa itong ngumiti sa akin pagkatapos ay itinaas ang balot ng 7/11. "I bought drinks for dinner."
"Great!" I chirped, ignoring the fact that my heart is pounding wildly inside of my chest. Parang gusto kong sampalin ang sarili ko. "Kumain na tayo."
Nagkuwentuhan kami ni Harry habang kumakain. Natuwa naman ako at mabilis ding nawala ang awkward moment naming dalawa.
"You should be prepared for the giant waves, knowing na sa Pacific Ocean na iyon." Wika ni Harry. "There is a big possibility na baka ma-stranded tayo sa island. But I think it's great dahil masusulit natin ito."
Napatawa ako sa mga pinagsasabi niya. Parang mas excited pa siya sa akin. Sabagay, gusto naman talaga niyang puntahan ang lugar na ito. Malamang ay nag-research na talaga siya sa mga extreme points ng Pilipinas.
Nang matapos kaming kumain ay naligo na din si Harry. Sa loob naman siya ng CR nagbihis kaya wala ng awkward moment sa aming dalawa.
"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong niya sa akin. "Maaga pa tayo bukas."
"Yeah, in a while." I spread my body into the tiny bed. Hinayaan kong dumausdos ang ulo ko sa dulo ng kama so that I could look at him on the floor. "Harry?"
"Yeah?" Inilapag na niya ang iPad. He settled himself inside his sleeping bag. His face is upside down to me but it doesn't make him any less handsome. Napatingin siya sa akin.
"Are you happy that you're going on this trip with me?" Tanong ko sa kanya.
"Of course." Dire-diretso nitong tanong. "Why wouldn't I?"
Umiling-iling ako at bumungisngis. Napangiti naman si Harry. "Wala lang, just asking. Anyway, thank you so much for coming with me. I may be a little impulsive at times and I'm reckless, but I'm glad I'm not alone on this trip."
"Yeah, me too." Sagot niya sa akin. Naramdaman kong bumibigat na ang talukap ng mga mata niya dahil napapapikit na siya.
"Get some sleep." I said. Inayos ko na ang higa ko.
"Goodnight, Mary Grace."
I turned off the lampshade sitting on the bedside table. "Goodnight, Harry."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro