Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Thirty

Thirty


Masayang nagkukuwentuhan ang tatlo habang kumakain. Mukhang nakagaanan naman ng loob ni mang Adolfo si Harry dahil panay na sila tawa sa mga biro nito.

"Ano bang ipinuntan ninyo sa Mavulis Island?" Rowena queried. She said "kayo" pero nakatingin lang naman kay Harry. I wanted to roll my eyes. Pinigilan ko nalang ang sarili ko at humigpit ang hawak sa kutsara't tinidor. "Alam ko namang sobrang ganda ng isla, pero delikado pa rin. Hindi pa safe ang papunta doon atsaka madalang lang ang documentaries kasi nga sobrang hassle papunta."

Harry looked at me then smiled at her. "Wala naman, gusto lang naming mag-unwind dalawa ni Mary Grace."

Saka pa ako binalingan ni Rowena at ngumiti-ngiti pa ito. Mas lalo tuloy akong napasimangot. "Talaga?"

Oo, talaga!

"Kaming dalawa ni nanay ang mag-aasikaso sa inyo doon sa isla. Super ganda ng dagat doon. Pwede namang maligo pero kailangan lang mag-ingat dahil sa malalakas na alon."

"Oh, really?" Bored kong sagot sa kanya. Ngumiti naman ang gaga sa akin nang mapang-asar.

"I guess we're really going to have fun, Mary Grace." Komento ni Harry na oblivious sa tension naming dalawa ni Rowena.

Pagkatapos kumain ay nagsimula nang ligpitin ni Harry ang pinagkainan. Kahit na inaawat na siya ni Rowena ay tumulong pa rin siya. Syempre pakunwari lang yun ng babaeng iyon, ang laki-laki kaya ng ngiti niya.

Nauna ako sa kwarto kung saan kami magkasamang matulog. Iniisip ko pa lang na makakasama ko siyang matulog ay kumukulo na ang dugo ko. Dahil wala naman akong dalang kahit anong cellphone o libro, pinilit ko nalang ang sarili ko na matulog bago ako abutan ni Rowena. Baka mamaya ay kausapin pa ako ng babaeng iyon. Ayokong makipag-plastikan sa kanya.

Kinabukasan, maaga kaming nagising. I packed my things and helped Harry with his car. Ipa-park niya lang daw iyon sa likod ng bahay nila Mang Adolfo.

Habang inaayos niya ang natitirang gamit, bigla akong inusisa ni Harry. "May hindi ba kayo pagkakaunawaan ni Rowena?" He gave me a confused look which surprised me.

"Ha? Wala naman. Bakit mo naman nasabi yan?"

"Kagabi ko pa kasi napansin ang pagiging bugnutin mo." Wika niya sabay pagpag sa mga kamay. Isinarado na niya ang trunk ng sasakyan. "Is there something wrong?"

Yung paglalandian niyong dalawa, yun yung wrong! Wrong na wrong talaga!

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. I'm being unreasonable. Bakit naman ako nagagalit nang ganito? Wala naman kami ni Harry. Wala na din si ate so technically, available siya. Yun ay kung gusto niyang mag-entertain ng bagong relationship. At labas na ako doon. Labas na labas.

"Wala, Harry." Napabuntong-hininga ako. "Pagod lang siguro ako."

He ruffled my hair. "Anong pagod? Hindi pa nga tayo nakakarating sa destinasyon natin eh." He chuckled. "This is going to be a long journey, Mary Grace."

I smiled at him. This time, a real one. "Yeah, I suppose."

"Tara na!" Napatalon kaming dalawa sa gulat nang biglang sumulpot si Mang Adolfo at sumigaw. Dali-dali na naming binitbit ang mga gamit namin at nagtungo sa naghihintay niyang bangka. Nag-offer si Rowena na tulungan ako kaya binigay ko kaagad sa kanya ang pinakamabigat na bag na dala ko saka nag-unang nakalakad nang nakangiti nang nakakaloko. Gusto mo talagang tumulong, ha?

We climb inside the small boat. Inabutan kami isa-isa ni Mang Adolfo ng life vest. The cold breeze is gently slapping my face. Ang sarap naman palang mamuhay dito. Walang polusyon o kahit na anong problema. Sobrang layo sa buhay namin sa Pampanga.

We embark into the sea with the waves tugging our boat every now and then. The color of the water is dark blue and I could spot big waves crashing just a few feet away from us. Sobrang lakas din ng hangin.

"Paminsan-minsan, kapag sinusuwerte kami ay nakakakita kami ng balyena dito," Wika ni Rowena habang nakatingin sa tubig. Napahawak ako sa railing nang bigla na namang umalog ang bangka. I'm starting to feel sea sick but Harry seems to be enjoying the ride. Maya-maya pa't bigla itong tatayo and we'll all stumble a bit leaving Mang Adolfo scolding him again to sit down and relax. Parang hindi niya kasi maitago ang excitement na nakakita siya ng dolphin na nakikipagsabayan sa amin. I rolled my eyes pero napapangiti na rin ako. Para siyang bata!

Una kaming nakarating sa Itbayat, where we had our lunch. It's also an island we have to pass should we wish to reach the northernmost island which is Mavulis. Doon na kami kumain ng tanghalian. Pagkatapos naming kumain ay hindi na kami pinayagan pa ni Mang Adolfo na mamasyal dahil kailangan na naming umalis kaagad. Dali-dali naman kaming sumunod sa kanya

The 5-hour ride is making my head. I sank deeper into my spot while Rowena and Harry talk about dolphins and whales and all that stuff. After a while, a line of brown and green came into view. I glanced at my wristwatch. It's quarter to 5pm and we left Itbayat at around 12 pm. Sure enough, ito na yung Mavulis Island!

I leaned forward excitedly as the island is slowly getting into the view. Maging si Harry ay napansin din ito dahil tinanong niya si Rowena kung ito na ba ang Mavulis Island. Nangingiti namang tumango-tango ang babae.

Mang Adolfo told us to start packing our things up dahil malapit na kami. Niligpit ni Rowena at Harry ang pinagkainan namin. I excitedly pulled out my Fujifilm mini 07 from my bag and snap a photo of the beautiful island.

And at last, we were able to reach our destination. It's a huge island with foresty hill, white sand beaches, and green meadows. It's like looking straight from some of the scenes of Lord of the Rings or any Disney movies with perfect islands and all that stuff.

Excited akong tumalon mula sa bangka when Mang Adolfo approved us to do so. Hanggang beywang ko pa ang tubig. I waddled to the surface and when my feet sank into the warm white sand, I felt at peace. The cold breeze is slapping my cheeks gently. I scanned the surroundings. The picture I snapped from my camera didn't do justice to the beauty of this island. Naramdaman ko nalang na nandito na pala si Harry sa tabi ko.

He turned to me and smiled. "Well?"

I smiled gratefully at him. "It's so fucking beautiful!" I exclaimed that made Harry laughed. For a while, we both enjoyed the surroundings and point at things that catched our interest like a kid taken into the amusement park.

Masayang-masaya kong inilibot ang mga mata sa paligid habang sina Mang Adolfo naman ay abala sa pagtatali ng bangka. The sun is setting down. Mas lalo akong na-amaza sa ganda ng isla.

Pagkatapos nilang makuha ang mga gamit sa bangka ay nagtungo na kami sa cogon hut nina Mang Adolfo where I met his wife, a retired teacher who was weaving when we approached her. Pinaunlakan niya kami sa maliit nilang kubo at masayang nagkuwentuhan ang mag-asawa. The twinkle of their eyes told me otherwise na matagal na silang hindi nagkita.

"Hey?" Kinalabit ako ni Harry. When I turned around, he smiled at me. "Gusto mong mamasyal?"

"Sure!" Excited kong sagot. We went outside of the hut while the family is busy catching up with one another. Sobrang ganda pa rin ng papalubog na araw sa Mavulis Island. I walked beside Harry and for one moment, nakalimutan kong siya ang boyfriend ng namatay kong kapatid when he suddenly hold my hands and entertwined his fingers with mine. Napatingin kaagad ako sa kanya but he was staring into the horizon acting as if holding my hand is a normal thing to do. His features are sharper. Mas naging maamo ang mukha niya. A small smile is curling from his lips and his ears are turning pink.

Well, Harry, have I mentioned before that you are also fucking beautiful? I thought inwardly as we happily skipped the green meadows of the island.

xxx

Contrary to what I've said, Mavulis Island is uninhabited. There's no such thing as cogon houses and it's more dangerous to go there that what I have described.

Another thing, I reminded all of you at first that the CHARACTERS ARE NOT LOVABLE, so why am I receiving comments about Mary Grace being "malandi" and "not likable"? *rolls eyes*

I'll tell you one more time people, READ AT YOUR OWN RISK.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro