Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter


Special Chapter


"Oh, wow!" bulalas ni Danielle nang makapasok na ang Wrangler sa dirt path at nakita ang mansiyon sa di kalayuan. "Dito pala kayo nakatira?"

I glanced at her and grinned. Si Jeremy at Mariah ay tahimik lamang sa backseat. Pasulyap-sulyap naman si Harry sa akin. Nang makarating kami sa malawak na bakuran ay marami nang tao. Panay ang lingon nila habang bumababa kami ng sasakyan.

"Be careful..." dali-daling lumabas si Harry at inalalayan ako sa paglalakad. Hinimas-himas pa niya ang malaki at bilugan kong tiyan. I smiled at him. Kabuwanan ko na ngayon. Two years after we got married, we were finally blessed with a child. At ang maganda pa nito ay babae ang magiging unang anak namin.

Sinalubong kaagad ako ni mommy at daddy. Bumati sina Danielle at Mariah sa kanila. "Ito na ba ang mga kaibigan mo? Wala ka na bang iba pang hinihintay?"

I tapped my chin para mag-isip. Nandito na si Nilo, Grand Ida, Jason, at maging si AJ. "Ah! Si Olly nga po pala. Tinawagan niya ako kanina noong nasa Governor Generoso pa lamang ako na magpupunta daw siya dito..." I smiled cheekily.

"Is Oliver coming too?" seryosong tanong ni Dad sa akin.

I shook my head slightly. "Hindi po eh. He told me he tried to convince his father but he really wouldn't come. Siguro'y sa susunod na lamang na pagkakataon. Hindi pa handa si Oliver ngayon."

My father nodded his head. Si mommy naman ay inanyayahan ang mga kaibigan ko para maupo sa isa sa mga rounded tables na niyakap ng puti at pink na mga tela. I said hi to some of my friends. Hindi ako iniiwanan ni Harry kahit na tinatawag siya ng ilan sa mga katrabaho niya. His sister, Ate Pinky waved at me. She dyed her hair pink again. Malaki na ang kaniyang anak na si Clarrise. I tried to invite Dr. Siang ngunit busy siya sa kaniyang trabaho at saktong ngayong araw ang graduation ng kaniyang anak na babae kaya hindi siya nakasama.

Nang makaupo na ako ay hinalikan ako ni Harry sa pisngi at nagpaalam na ii-entertain lamang niya ang ilan sa kaniyang mga bisita. Tumango ako at kinawayan siya. Mr. Sullivan is talking with Nilo. Si Grand Ida naman ay abala sa paglalagay ng iba't-ibang putahe sa mahabang buffet table sa tulong ni Jason.

"Hey..."

Nagulat ako sa biglang pag-upo ni Jeremy sa aking tapat. I smiled politely at him. Tutol si Harry nag magpunta siya dito but I begged him for his approval. Jeremy had been part of my life, no matter what he had done to me before. Ibinaon ko na ang lahat ng iyon sa limot kasabay ng pagpatawad ko sa kaniya nang imulat niya muli ang mga mata niya after being in come for almost 8 months. Unang humingi ng patawad sa akin si Mariah, with Danielle's constant bugging. Things are still awkward between the two of us pero masaya akong nagkabati na din kami.

"Hi."

He cleared his throat. Sobrang laki na ng pinagbago sa hitsura ni Jeremy. There are no traces of being once a popular jock in his appearance. His thin beard made him look mature and older. Iniwas niya ang tingin sa akin.

"I want to apologize..." wika niya sa mahinang boses. Lumiwanag kaagad ang mukha ko. "F-For everything I've done before..."

"It's okay, Jeremy." I answered, smiling widely now. "Maayos na ang lahat."

Bumagsak ang kaniyang tingin sa aking malaking tiyan. Then he sighed. "I was just consumed by anger and jealousy before. Wala na nga dapat akong mukhang maihaharap sa inyong dalawa ni Harry, eh."

"That's all in the past, Jeremy, please. Masaya ako na masaya kayong dalawa ni Mariah ngaoyn."

He nodded his head. "Thanks." He murmured and got up. Nang makita kaming dalawa ni Harry ay kaagad siyang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan at mabilis na lumapit sa akin. Sinundan niya ng tingin si Jeremy.

"What did he do to you?" he asked in a dark voice.

"Harry, relax." Bahagya pa akong tumawa. "Jeremy just wanted to talk. He finally asked for forgiveness even though I've long forgiven him before..."

Iniling-iling ni Harry ang kaniyang ulo. "You're too nice for your own good, Mary Grace."

Halakhak lamang ang isinagot ko sa kaniya. Mayamaya pa ay natanaw naming ang isang gray kia na papasok sa aming dirt path. Tumayo kaagad ako at sinalubong si Olly. Ngiting-ngiti ako pagkakita sa kaniya.

"Hey!"

"Hi." He pulled out a large pink box from the passenger's seat and handed it to me. "For the baby."

"Thanks!" I grinned widely. Iginiya ko siya papasok sa bakuran kung saan nagsasayawan na ang iba naming mga bisita. Gumuhit na sa nagdidilim na kalangitan ang kulay kahel, puti, at abo—tanda ng papalapit na gabi. When my mother saw me talking to Olly, kinalabit niya si Dad at itinuro kaming dalawa. Nag-aalangan pa silang lumapit sa amin.

"Is this O-Oliver's son?" tanong ni mommy nang hindi tinatanggal ang tingin kay Olly.

Nahihiyang tumango si Olly at nagkamot pa sa ulo.

"Can I give you a hug, son?" she asked softly. Binalingan ako ni Olly. I nodded at him encouragingly. Before he could answer, my mother tip-toed and give him a hug. She blinked back the tears that are forming in her eyes as she clutched on his shirt tightly. "Your father is such a good man..." she murmured.

Sensing a deep conversation, lumayo na kaagad ako sa kanila. Iniabot ko kay Harry ang natanggap na regalo. I scanned the surroundings. Sobrang nakakagaan sa kalooban. Almost all of my friends and family are here. Ang iba'y nag-iinuman pa. Some of them are dancing. Even Nilo who keeps on frowning is laughing with Mr. Sullivan with a beer in his hand. Hinanap ng mga mata ko si Are at nakitang abala siya sa pagguhit sa makinis na braso ng isang teenager na hindi ko naman kilala.

Harry wrapped his arms around my waist and murmured in my ears. "I want to sleep with you so bad..." he whispered. "I can't wait for all of them to go home, so I can have you for myself..."

Siniko ko siya at tinawanan. "Huwag ka nga, buntis ako no..."

Tumawa lamang siya at nagpatuloy na ang kasiyahan. Mga bandang alas diez ay iginiya na ako papasok ni Harry sa mansiyon. Ang iba ay nasa labas pa rin at nag-iinuman. My parents, Olly, and some of my friends occupied the four guest rooms.

Pagod akong naglakad papasok ng bahay. Harry emerged from the kitchen. Kanina pa siya tumutulong sa paghahakot ng mga gamit kahit na may mga katulong naman kami para doon.

Nang makita niya ako ay ngumiti siya. His body is larger and muscly compared before. He just got from his work in Cebu for 5 weeks at sakto ding nagpahanda ang mga magulang ko para i-celebrate si Elissa. She's not yet born pero may pangalan na kami para sa kaniya.

"Let's get you to bed..." Harry said gently. Nakahawak siya sa aking kamay at beywang habang papaakyat kami pataas. Nakakatatlong baitang pa lamang kami ay biglang sumakit ang tiyan ko. My eyes widen and my entire body froze.

"Shit..." I glanced down at my swollen tummy. Parang hinihiwa ang tiyan ko sa dalawa sa sobrang sakit.

"What's wrong?" Harry asked in alarm.

"Fuck..." I groaned, my knees becoming more wobbly.

"Are you okay?"

Bigla akong hiningal. Mayamaya pa, water made its way from my inner thighs down to my legs. Tumulo ang luha ko sa sobrang sakit.

"H-Harry... I think the b-baby's ready to come out..."

---

Bumaba ako sa mansiyon at nagpalinga-linga. Sobrang tahimik ng buong bahay. Isa sa mga kasambahay ang nakita ako at nginitian.

"Where's Elissa and Harry?" pagtatanong ko.

"Nasa dagat po, Ma'am, eh..." natatawa niyang sagot. "Kararating pa lang po ni Sir pero pinilit na siya ni Elissa na magpunta ng dagat."

Napailing-iling na lamang ako at lumabas ng mansiyon. Saktong pagtapak ko sa front porch ay narinig ko ang halakhakan nila Harry at Elissa. Pareho silang basang-basa. Sinimangutan ko kaagad ang mag-ama ko.

"What have you been doing, young lady?" I crossed my arms and tapped my foot against the wooden floor.

Nagtago kaagad si Elissa sa binti ng kaniyang Daddy at humagikhik. I shoot Harry a glare. "Nakarating ka na pala, hindi ka man lang bumati sa akin..." may himig pagtatampo pa ang aking boses. When I gave birth to our first daughter, Harry stayed by my side for straight three years. Pero habang lumalaki na si Elissa ay panay na rin ang tanggap niya nga mga trabaho na labas na sa lalawigan kaya naman nawawala siya ng ilang linggo sa bahay.

Nilapitan ako ni Harry at akmang hahalik pero umatras ako at sumimangot. "Harry, you're dripping wet-" isang napakalakas na tili ang kumawala sa aking bibig nang bigla akong yakapin ni Harry kahit na basa siya. I immediately felt cold. Sinabayan pa ni Elissa na yumakap din sa aking tiyan.

"Mommy, group hug!" tatawa-tawang wika ni Elissa.

Harry kissed me on my neck repeatedly. "Hi, wife..." he finally greeted. "Missed me?"

Tumawa lamang ako at umiling-iling. "Magbihis na nga kayong dalawa. Pati ako ay nababasa rin, eh..."

They laughed and we all made our way inside the mansion. Pasulyap-sulyap ako kay Harry at kumunot ang aking noo nang makita ang bahagyang pamamaga ng kaniyang lalamuna. I pressed a finger on the red skin.

"Ano to?"

He immediately winced and removed my hands away. "Masakit?"

"Medyo..." ngayon ko lang din napansing paos ang kaniyang boses.

I squinted my eyes at him. "Naninigarilyo ka ba sa trabaho?"

"No." iniling niya ang kaniyang ulo at binalingan ako. "But my co-workers do."

Bumagsak ang aking balikat. "Let's go to Mati City tomorrow. Ipacheck-up natin yan. Baka kung ano na yan."

He shrugged. "It's okay. I'm fine, honey. Dito na lang muna ako sa bahay. Gusto kong bumawi kay Elissa..." nginitian niya ako at hinalikan bago siya dumiretso sa banyo upang maligo.

Harry keeps on denying his illness as time went by. Minsan ay ito pa ang nagiging ugat ng pag-aaway namin. Sobrang workaholic niya at ayaw niyang magpacheck-up. So when he got home from Laguna one night na inaapoy ng lagnat, idiniretso ko nalang siya sa hospital.

Naaawa ako sa bata dahil madaling-araw na siyang nakatulog sa pagsama sa akin. The inflammation of his throat looks so bad. Sobrang alalang-alala ako sa kalagayan ni Harry at muntik nang gumuho ang mundo ko when the doctor told me that it's throat cancer and he's already in stage three.

"S-Stage three?" hindi ko mapigilan ang pagkabasag ng aking boses. Tulo na nang tulo ang mga luha ko. "Doc naman, baka puwedeng i-test niyo siya ulit. There's no way na sa stage three na ang cancer. I m-mean... it doesn't look so bad..." I sobbed.

"I'm really sorry, Mrs. Martellini. You can ask for a second opinion though, if you want. Kung sana'y mas maaga siyang nadala ay naagapan ko pa sana ang kaniyang sakit."

Tuluyan na akong napaiyak sa kaniyang sinabi. Elissa hugged me tightly. Malaki na siya at naiintindihan ang nangyayari kaya naman sobrang nasasaktan ako para sa anak ko.

A few weeks later, we moved Harry to a hospital in Davao only to find out that the cancer progressed and he already reached stage 4. Harry was bed-ridden at halos hindi ko na siya makausap. He keeps on drifting in and out of consciousness.

May ilang pagkakataon ding hindi siya nagigising. May tubo na sa kaniyang lalamunan at minsan ay hindi pa tinatanggap ng kaniyang katawan ang mga gamut. His family immediately went to Davao to check on him. Iyak nang iyak si Ate Pinky at sinisisi ang kanilang ama na labis na pini-pressure si Harry sa pagtatrabaho.

It was early morning when Harry regained his consciousness for a short time. The clocked is 5 minutes to striking four. Naramdaman ko ang mahinang pagpisil ni Harry sa mga kamay ko. Nagising kaagad ako.

"What's wrong?" tumayo kaagad ako mula sa kinauupuan at akmang pipindutin ang intercom pero hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay na para bang ayaw niya akong umalis.

"Harry?"

He gazed at me. Hindi na siya makapagsalita pa. Nag-init na naman ang sulok ng mga mata ko. Nanginginig ang mga labi ko habang hinahaplos ko ang kaniyang buhok.

"Is there anything you want?"

Marahan siyang umiling. Nakatitig lang siya sa akin at bahagyang nakangiti. Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko at mahinang umiyak sa kaniyang tapat. Mahigpit pa rin ang kanyang hawak sa aking kamay. Even if he doesn't say anything, his eyes spoke a thousand words. Gabi-gabi niyang pinapaalala sa akin kung gaano niya ako kamahal. And I love him dearly as well. Mula noon hanggang ngayong tubo nalang ang nagsisilbing lagusan ng kaniyang pagkain at hininga.

"Harry..." my lips trembled so bad. "I hate seeing you like this..."

He nodded his head. Kitang-kita ko ang sakit na pilit niyang itinatago. Muli akong napaiyak.

"D-Do you... Do you want to r-rest?" nanginginig ang aking boses.

Matagal niya akong tinitigan bago siya dahan-dahang tumango. Mas lalong lumakas ang iyak ko. I don't want to let him go yet. Nagsisimula pa lamang kami sa bagong buhay namin! We only had a single child for pete's sake! Bakit ngayon pa? Gustong-gusto kong maging madamot pagdating sa kaniya pero alam kong hirap na hirap na siya.

"O-Okay..." I sobbed. "Okay... I love you so much, Harry..." tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak ko. "I want you to know how much I love you and how much I'm grateful that you entered my life... P-Please rest."

Nginitian ako ni Harry at tumango siya. Matagal kaming nagtitigan. A single tear slowly escaped from his eyes. Dahan-dahan niyang isinara ang kaniyang mga mata. I could also feel his grip loosening.

I watch him finally let go of his breath that morning...


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro