Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Six

Six


December 31 rolled in and before I knew it, busy na kaming lahat sa pagsalubong ng bagong taon. Dito na nag-pasko si AJ at dito niya din balak ipagdiwang ang bagong taon.

Wala na akong sinabi pa sa kanya tungkol sa nangyari noong lasing siya. Mabuti na ring maibaon na naming dalawa sa limot ang gabing iyon. AJ is a good friend. Sayang naman kung magkakalamat lang.

"Kath!" Dumagundong ang boses ni Nilo sa kusina. Napaigtad kaagad ako. "Order 12, nasaan na?!" galit nitong asik sa akin.

Nataranta si Jason. Kaagad niyang inilapag sa tray ang blueberry cheesecake at ang kagagawa lang niyang strawberry milkshake. He shot me an apologetic look. I tap him on the shoulder to assure him that it's okay before I ran outside the kitchen and manuever between tables to reach our customer.

Hindi umimik ang babae nang humingi ako ng paumanhin sa pagkakalate ng order niya. Malamang ay nairita na ito sa kahihintay. Hindi na rin ako nagtagal at pumasok nang muli sa kusina para maghatid ng iba pang mga orders.

During times like this the cafe is very busy. Mas dumarami ang dumarayong turista sa Cape San Agustin. Dahil kulang kami sa staff ay sobrang nakakapagod ang mga ganitong araw.

"Hi Kath!" AJ greeted as he casually strode inside the cafe, a newspaper tucked under his arms. Malamang ay bumili ito sa batang naglalako kanina. Kung hindi sa radio ay sa pamamagitan kami ng diyaryo nakikibalita.

I smiled at him but it died down when I caught glimpse of the national news. Humigpit ang hawak ko sa tray habang pinagmamasdan ito ng ilang segundo. Sunod-sunod ang malalakas na tambol ng puso ko. Kaagad kong nilapitan si AJ.

"Ah, AJ..." I trailed off, not knowing what to say. "Can I... borrow the newspaper?"

Kumunot naman ang noo niya saglit bago niya tiningnan ang dyaryo. "Oh, sure."

Iniabot niya and diyaryo pero agad niya itong binawi bago ko pa man mahawakan. "Wait!" He exclaimed, his eyes widening.

"AJ—" pinilit kong kuhanin ang diyaryo mula sa kanya nang sigawan ulit ako ni Nilo.

"Katherine!" Napatingin pa ang ibang customers sa amin. Kaagad akong namula sa hiya. He shot me a warning look that says if I wouldn't get my ass on the kitchen, I'll lose my job by the morning.

Nanlalaki pa rin ang mga mata ni AJ habang nakatitig sa litrato ng article. His eyes hungrily scanned the information. Wala na akong nagawa. Tumingin siya sa akin, his face full of confusion. "Kath—"

"I'll talk to you later." With shoulders slumped, pumasok ulit ako sa kusina at nagtrabaho. Hindi ako nakapag-focus sa trabaho lalo pa't panaka-naka'y nagnanakaw ng tingin sa akin si AJ. I swallowed. Even Jason shot me a disapproving look. Sobrang abala na kasi ang lahat at wala pa ako sa sariling mag-serve ng mga customers.

Matiyagang naghintay si AJ sa labas ng cafe. Makailang ulit na niyang binasa ang artikulo sa pahayagan. Pagkatapos ay titingin ulit sa akin. When our break finally rolled in, kaagad ko siyang nilapitan.

He stared at me a little too long for my discomfort. Pinilig ko ang ulo at iniwas ang tingin sa kanya. I pulled the chair and sat down.

"So..." He said slowly. "You're Mary Grace?"

Dumako ulit ang tingin ko sa artikulong kakalimbag lamang kahapon. I quickly scanned the content, it says the same thing over the past two years. My family is still searching for me. But right now, my father raised the reward to 3 million kung sino mang makakapagturo ng kahit kinaroroonan ko man lang. I immediately felt guilty.

"I don't know where to start." I admitted. Pinipigilan ko ang pangingilid ng luha pero basag na din naman ang boses ko. AJ suddenly looked problematic.

"Hey, hey... don't cry." He said, trying to convince more of himself than me. "I'm not really good... with crying girls." He muttered.

I swallowed. Marahon akong tumango.

Tumango din siya. Pinahid ko ang mga luha sa aking mga mata bago pa man ito tumulo. I stared at my picture. A frail-looking girl with black hair and pale skin. Malayong-malayo na sa hitsura ko ngayon. Tinitigan ko din ang larawan ni Dad. He looked a lot older than I last remembered him. May pinipirmahan siya. Wala si Mommy sa tabi niya kung hindi ang mga pulis. Sa tabi nito'y ang litratong paulit-ulit nilang ginamit sa paghahanap sa akin sa nakalipas na dalawang taon.

"I don't understand it." AJ started. "Paanong ikaw si Katherine Lagmadeo kung Mary Grace Ferguson ang totoo mong pangalan?"

"I used another name." I said in a clipped tone. "A fabricated name."

Both of his eyebrows shot up in surprise. "And? Why did you do that? Did something terrible happen?"

Bumalik ulit sa isipan ko ang gabing iyon. Nanginig kaagad ang mga labi ko. Binasa ko lahat ng mga artikulong inilimbag para sa paghahanap sa akin pero ni isa ay wala akong balita kay Thomas O'Connor. I don't know his whereabouts right now. I don't have any idea if the damned rapist is on the loose. O kung wala na ba siya.

I chewed on my bottom lips. "Yeah. I'm sorry, I really don't want to talk about it." bigo akong napatingin sa diyaryo ulit. Parang gusto ko itong punitin pero ayaw kong mawala sa isipan ang hitsura ni Dad ngayon.

"Yes, of course." Inayos niya ang pagkakaupo. His lips went into a thin line and then it twitched into a sympathetic smile. "Don't worry, Katherine or Mary Grace or whoever you are. Hindi naman nagbago ang pagtingin ko sa iyo. This thing is just messing up my mind. It's like some melodrama I've seen countless times on TV. Nangyayari pala ito sa totoong buhay," He chuckled to lighten up the mood.

Dumako ang tingin ko sa mga rosas na namumukadkad sa tansong tarangkahan ng karihan namin. Grand Ida loves gardening so much. Wala namang nagtatangkang pumitas ng mga bulaklak, no matter how beautiful they are because of their respect to the old woman's passion. Hinayaan lang namin itong maging isang magandang palamuti ng Gypsy's.

"What are you going to do about the reward? Baka mamukhaan ka ng mga tao dito...Kath." wika ni AJ.

I dig my nails into the delicate skin of my fingers. "Yun na nga eh. Sa loob ng dalawang taon ay wala pa namang lumapit sa akin at namukhaan ako. Ikaw pa lang." Nag-aalala kong wika.

"And? What will happen?" kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-aalala.

I sighed. "I don't know. But I know that Grand Ida and Nilo will protect me. Sila ang nagdala sa akin dito."

Kailangan kong makausap si Grand Ida mamaya. Sasabihin ko sa kanya ang bagong inilimbag na artikulo tungkol sa akin. Sure enough, 3 million cash will entice a lot of people. Kailangan kong mas maging maingat.

"Hey, don't forget about me." AJ gave me a boyish smile. "I'm here to help, Kath. I decided to call you Kath because Mary Grace sounds so... depressing and foreign on my tongue." He confessed.

Pahapyaw akong tumawa. Kung alam mo lang, AJ.

Nilo strode outside the cafe, eyeing the two of us suspiciously. "Break is over." He announced.

I nodded my head and pull myself up. Then I tried to smile at AJ that looked more of a grimace because his face scrunched a bit. "Let's just set aside this thing for awhile. Magba-bagong taon na mamaya."

He shoved his hands on the pocket of his pedal shorts and grinned at me. "Of course."

Bumalik na ako sa pagtatrabaho, feeling a little better this time. AJ went on his usual business, taking pictures and reading books inside the cafe. Lumabas siya saglit upang maligo sa dagat. I got lost in serving customers and preparing for the New Year's celebration later that I have lost track of time. Kumagat na ang dilim. The cape is almost crowded with the villagers and tourists. May fireworks display mamaya mula sa lighthouse, courtesy of Grand Ida. Kaya naman pinakaaabangan nga mga tao.

Isang kulay bughaw na tela ang inilatag ko sa malaking lamesa. Tinulungan ako ni Jason sa pag-aayos. Matapos ay isa-isa nang inilabas ang mga nalutong pagkain. Pati na rin ang mga inumin at alak. May nagsisimula na ding kumanta sa karaoke. Unti-unti nang umiingay ang cape.

I spotted AJ talking to a village girl, a smile playing on his lips as he casually lean against the wall. The girl blushed furiously, gripping her brown skirt so hard. Then she nodded her head fastly before she sprinted off from him. Nang makita niya'y tinanguan niya ako. Nginitian ko siya bago ako nagpatuloy sa pagsi-serve sa mga villagers kahit na tapos na ang duty ko.

Pagpatak ng alas onse ay mas lalo nang dumami at umingay ang mga tao. Pinapanuod din nila sila Nilo na nasa taas ng lighthouse kung saan nila balak magpaputok. Malaki ang espasyo ng terasa ng lighthouse, kaya naman kasyang-kasya ang tatlong lalaki sa taas na siyang magpapaputok pagpatak ng alas dose.

I saw Grand Ida sitting on one of the chairs, a content smile pasted on her gray lips. Nilapitan ko siya. Naupo ako sa silyang gawa sa tanso na may bulaklak na disenyo sa sandalan katapat niya.

"Magbabagong taon na po, Grand Ida." Simula ko. "Magiging abala na naman ang karihan niyo." I smiled sweetly. The old woman is a gifted business owner. Sa tulong ng kanyang anak ay naitaguyod nila ang Gypsy's. Kahit na medy may kagaspangan ang ugali ni Nilo ay isang itong mahusay na negosyante.

She nodded her head slowly. "Yes, dear. Which reminds me... nabasa ko ang artikulo kanina patungkol sa pagkawala mo." I tensed up. Her calm eyes searched for my face. "How do you feel about it?"

I can feel my throat closing. I have always been sensitive when the subject touches my parents or anything that had happened two years ago. Ang akala ko'y maibabaon ko na ang lahat sa limot.

Bigo kong iniling ang ulo ko. I smiled dryly. Balak ko naman talaga siyang kausapin tungkol sa bagay na ito. "Hindi ko po alam, Grand Ida. Pero... I'd really like to see Dad, though."

Binigyan niya ako nang makahulugang titig. Tumikhim ang matanda. "Would you like to go back, Mary Grace?" She asked slowly.

Pinag-isipan ko ang tanong niya. If I go back, anong naghihintay sa akin? Wala akong ideya kung anong mukhang ihaharap ko kina Mommy at Daddy kapag nagpakita ulit ako.

"Hindi ko alam..." I squeaked. "Hindi pa po ako sigurado."

"Things like that takes time." She smiled kindly at me. Lumapit ang isang matangkad na lalaki sa amin. Ang itim at mahaba nitong buhok na nakatali sa likod ay nakakadagdag sa malakas niyang sexual appeal. A sexy half-smile is playing on his lips. A young woman cling into his arm. Nakangiti din ito.

"Lola Ida," The deep voice of the young man echoed. Hindi ko inalis ang titig ko sa kanila. I've seen him a few times.

"Ikaw pala, Ezekiel." Grand Ida smiled. "I'm glad you made it, hijo."

"I came with a very important announcement." Binalingan niya ang babaeng katabi at mas lumawak ang ngiti nito. The lady showed her fingers and a diamond ring sparkled furiously. "I just got myself a fiancee."

"Really?" Delight crossed over her features. "What a pleasant surprise!" nagsimula nang mag-countdown ang mga tao sa nalalabing isang minuto.

Both of them smiled shyly. Ezekiel is Nilo's son. He's a fine-looking young man. Sa pagkakaalam ko'y 5th year engineering student na siya. What drove him to propose to his girlfriend at such early time, I do not know. I just felt genuine happiness for them. He shot me a look and waved at me. Noong una siyang ipinakilala ni Nilo sa akin ay nagdalawang-isip pa ako kung anak niya ba talaga ito. Tahimik akong napahalakhak. Maybe that is one of the reasons why Nilo hated me so much. Nakita ko ang litrato ng kanyang ina bago ito pumanaw sa pagpapanganak kay Ezekiel. Sobrang ganda niya. It's not a surprise she gave birth to a handsome boy like him.

"I hope to see grandchildren soon enough." The old woman said, laughing softly. Both of them blushed profusely. Nakitawa na din ako. Nagpaalam na silang dalawa na babalikan ang mga kaibigan. Binalingan ulit ako ni Grand Ida.

"This is a great new year, isn't it?"

Tumango ako. Sana, para sa akin din.

"...7 ...6 ...5 ..." The people started chanting, all of their eyes on the people on top of the lighthouse, ready to launch the firecrackers any moment now. Tumingala ako sa itim na kalangitan. Walang mga bituin ngayon.

"By the way, I have a little surprise for you." Wika niya.

Kumunot ang noo ko. Some of the villagers are already blowing their horns and making noise so I leaned in closer. "What is it?"

"Turn around, young girl." Nakangiti niyang iminuwestra ang nasa likuran ko And I did.

"...3 ...2 ...1..." Everyone hold their breath and when the clock finally stride to 12, they all bursted in cheers. "HAPPY NEW YEAR!" Sigawan nila. Sumabog ang makukulay na paputok sa itim na kalangitan. Kulay dugo, bughaw, kahel, at lilang mga paputok ang naghari sa kalawakan. Mas lalong lumamig ang simoy ng hangin. Both villagers and tourists are smiling widely, greeting each other and raising their drinks while others are furiously generating noise to celebrate the start of a new year.

Iginala ko ang paningin ko. Tumigil iyon sa isang matangkad na lalaking kanina pa pala nakatingin sa akin. His soulful eyes bore into me and I was immediately hypnotized by the depths of it. Ang mapipintog niyang labi ay bahagyang umawang, pero itinikom niya ito matapos ang ilang segundo. His features are sharper, bolder, and stronger compared to the ones I've memorized and kissed two years ago.

My heart pounded wildly against my chest. Napatayo kaagad ako. I gape at him. Ilang segundo kaming nakatingin sa isa't-isa, hindi makapaniwalang nakatayo na kami ngayon sa iisang lugar... malapit sa isa't-isa. There are no walls, no seas, no mountains, or communication borders between us.

"Mary Grace..." He said softly. His voice got deeper as well. Baritonong-baritono na. His powerful long strides are nothing compared before.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. I can't believe it. In two years, Harry had become a man. He's no longer a boy or a guy anymore. The softness is still there, but his manliness is nothing alike.

His strongs arms engulfed me into a tight hug. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang papalapit na si AJ. Ngunit nang makita niyang nakayakap ang lalaki sa akin, kaagad naman siyang huminto at pinagmasdan kaming dalawa na puno ng kuryosidad sa mga mata.

"Shit, shit." Harry murmured a couple of curses under his breath as he tightened his hug, afraid that I might vanish into the cold air any moment. "Shit. It's really you." He buried his face at the back of my neck. Hindi pa rin ako makagalaw.

I can feel my fingers started to tremble. Napasinghap ako. Being pressed against his hard yet cozy body feels so good. Para akong nakalutang sa hangin. When he finally pulled away from the hug, nagulat ako nang makita ang mamasa-masa niyang pisngi. His glassy dark eyes stared at me for a little too long.

Tumulo na rin ang mga luha ko. I smiled dryly at him as my fingers rubbed the tears away from his eyes. Nanginig ang mga labi kong nakatitig sa kanya.

It's him. It's really him!

"Harry, hello." Basag ang tinig kong bati sa kanya. "You found me." pahapyaw akong humalakhak habang tulo nang tulo ang mga luha ko.

---

On the other hand, Ezekiel's story, Bride on the Loose is now posted on my profile! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro