Chapter 8
Nagtitigan ang dalawa. Nakatayo si Yana sa harap ni Ryker, habang ang binata ay nakalublob na sa pool. Yana pouted, “Bakit hindi mo sinabing may private pool ka sa condo mo?” may halong pagtatampo sa boses niya.
May isang kwarto roon na kapag binuksan mo ay isang pool ang bubungad sa iyo. Seriously? Gaano kalaki ang condo ni Ryker? May personal gym pa ito at sariling Theater room.
“Kung iyan ang dahilan mo para umurong, then it’s not working” Ryker smirked. “We’re doing this Yana. I’ll teach you how to swim”
Maraang ipinikit ni Yana ang kaniyang mga mata. Bakit niya ba kasi hiniling sa binata na turuan siyang lumangoy? Nagsisisi na tuloy siya! Atsaka andaming tao ang pwede niyang kausapin at bakit si Ryker Gunn Thompson pa ang naisipan niya? Gosh she must be out of her mind.
Ang pinakamalala pa? Bilang kabayaran sa swimming lesson na ito? Kailangan siyang tanungin ni Ryker, and she needs to answer it truthfully. Wait. Hindi pala iyon ang malala, dahil ang mas malala pa don' ay ang pumayag siya. What the hell!
Lumapit si Ryker kay Yana. “Can you sit at the edge of this pool and dip your feet to the water?” masuyong utos nito. Now she's shaking.
“Muntik ka ng malunod dahil kay Miles kagabi dahil hindi ka marunong lumangoy. Gusto mo ba lagi nalang ganoon?” Yana rolled her eyes. Inipon niya ang kaniyang lakas ng loob para umupo sa dulo ng pool at inilublob ang mga paa.
Parang nanalo ng jackpot si Ryker sa tuwa. “So anong nararamdaman mo?” tanong ng binata na hindi maalis ang ngiti sa mukha.
“H-hm a-ayos lang” mataray nitong sabi. Pero kinakabahan talaga siya. The water seems so harmless as it enveloped her legs. She felt warm and comforting as the small waves gently touch her skin. She slowly move her legs, the water moved in rhythm.
Then it hits her. Biglang siyang nakaramdam ng takot. Bumigat ang paghinga niya. Hinawakan ni Ryker ang kaniyang dalawang kamay at pinisil iyon ng marahan. “You’re doing great” Nayana breath in and out. His touch soothes her, as his thumb drew circle on her skin. She intentionally tries to distract herself by the sensation in it.
Tumayo na siya,“S-siguro pwede na i-ito sa ngayon” nauutal niyang sabi. “S-salamat” pagkasabi niya non ay tumalikod na siya kay Ryker.
“Hey, may deal tayo remember?” Napapikit ng mariin ang dalaga. Bakit ba natandaan niya pa iyon. Lumingon siyang muli kay Ryker. “May isang tanong ako diba?” anito at ngumiti ng nakakaloko.
“Hindi mo naman ako tinuruang lumangoy diba?” nakangiting sabi ni Yana.
“But I got you wet.” Nakangising wika ni Ryker. Namilog ang mga mata ni Yana, it’s double meaning! Pero don siya sa isang meaning.
Yana sighed, okay talo na siya. “My first question, dear Yana, ay… Anong suot mo? Yan na ata ang pinaka sexy na nakita kong swimsuit” note the sarcasm in his voice. Tumawa ng malakas ang binata.
Yana is wearing jersey short na hanggang ibabaw ng tuhod at isang fitted na turtle neck top. Anong magagawa niya? Ni hindi nga siya pumupunta sa mga resort at beach para bumili ng mga bikini. At saka hello? Kasama niya si Ryker baka pagsamantalahan pa siya nito.
Tuluyan na siyang tumalikod sa binata at umalis sa lugar na iyon. Nabubuwisit siya sa tawa ni Ryker. Nang iinsulto ba siya?!
Kasalukuyang nasa opisina si Yana at abala sa pagschedule ng mga talents niya sa iba’t ibang shows ng pumasok si Riz, ang kaniyang assistant. “Nagawa natin!” masayang bungad niya sa kaniya. “Nakuha natin si Nadine Soberano bilang lead ng ating upcoming movie na ‘My Love Game App’!” sabay silang nagbunyi. Yes! Ito na talaga ang simula ng kanilang pagiging successful. Isa si Nadine Soberano sa mga tinatangkilikan ng mga netizens, bukod sa mabait ito. Nakukuha niya din ang simpatya ng mga tao dahil sa angking ganda.
“Ang mga Thompson ang gagastos sa movie na ito kaya kailangan mo silang makausap para masign na yung contract” pagpapaalala ni Riz. Oo nga pala, biglang lumukot ang mukha ni Yana.
Nakuha nila ang project na iyon dahil ikakasal na siya kay Ryker, at iyon din ang dahilan kung bakit nagsigned si Nadine Soberano sa kanila. This is all on the Thompsons' bigla siyang nanliit sa sarili niya.
“Bakit ka malungkot?” tanong ni Riz ng mahalatang lumukot ang mukha ng kaniyang boss “Pinaghirapan mo din ito Yana.”
“Kung ako lang si Nayana Lopez walang ganitong mangyayari. Pero soon ako na si Nayana Thompson…”
“Nayana, ang importante ay nakakabangon na ulit ang Lopez EA. This is your fathers' dream, at nagagawa mo na ito” tama si Riz, huminga siya ng malalim.
“Kailangan na talaga nating mapasign yung contract, buntis ako boss. At namamaga ang mga paa ko hehe” ani Riz at nagpeace sign. Nasa ikapitong buwan na ng kaniyang pagbubuntis. Kaya’t medyo namamamanas na ang kaniyang mga paa.
Walang ibang choice si Yana kung hindi siya ang pumunta roon. “Ito na ang pagkakataon mo para bisitahan ang iyong fiance sa trabaho niya” kinikilig na sabi ni Riz. Napahawak si Yana sa kaniyang sentido. Ito ang kaniyang kinatatakutan.
Nilagay ni Riz ang kaniyang mga kamay sa magkabilang mukha na para bang nagddaydream. “Ang sexy nang mga lalaki habang nasa trabaho sila. Isipin mo nakatuck in si Ryker suot ang kaniyang formal white polo. Tapos nakafold yung sleeves ng polo niya hanggang sa kaniyang siko.”
Inimagine nga ni Yana iyon pero mabilis niyang iwinaglit ito sa isipan niya, “Ganyan ba ang nangyayari kapag buntis?” natatawa niyang tanong.
Nasa may front desk si Yana ng building ng TTTA. Hindi niya maiwasang hindi mamangha sa engradeng building na ito. Minimalist lang ang desenyo at halos brown, white and black lang ang makikita sa paligid. “I’m here to have the contract signed—“Mrs Thompson!” namamanghang tili ng babaeng nasa front desk.
“Wala ngayon si Mr. Thompson pero tatawag ako sa office niya para ipaalam na narito ka” masayang sabi ng babae. Pinigilan niya ito na tatawag na sana “A-ahm hindi na kailangan. Narito lang ako para ipasign yung contract.”
Nabaling ang tingin ng babae sa may entrance ng building, biglang namula ito at parang nataranta. Lumingon si Yana kung saan nakatingin ang babae. Her jaw drop.
“What are you doing here, my love?” nakangiting tanong ni Ryker sa kaniya.
Tumkhim siya, “A-ahm nandito ako para ipasign sana yung mga dokumento.. ahm m-mauuna na ako” Shet! Bakit siya nauutal?
Tama nga si Riz. Nakakaattract nga ang isang Ryker Thompson lalo na kapag nasa trabaho ito. He has this confidence as the CEO of the company. Napapaligiran rin ito ng iba’t ibang mga body guards at mga board of directors siguro? He’s wearing a well-ironed suit and his hair is well-fixed too. Ang formal nitong tignan. Hindi niya maaalis ang tingin rito. Hindi niya maipagkakailang lalo itong gumwapo. “Daniel escort my fiancé to my office” anito at ngumiti sa kaniya.
May kausap si Ryker sa kaniyang telepono habang nakatitig sa dalaga. She looked so uncomfortable seated at the corner of the sofa. He’s trying to impress her. He feels so fortunate enough when she trusted him to teach her how to swim. And now he wants more.
[Are you still there, Ryker?”] tanong ng kausap niya sa kabilang linya.
[Yes, Dad. I’m still here] bigla siyang natawa. He's too concentrated watching her at nakalimutan niyang may kausap pala siya sa telepono.
Lumapit si Daniel kay Yana at inalukan niya ito ng mango milk shake. Tinanggap naman niya ito, “Maraming salamat, Daniel” nakangiting sabi nito.
Lumapit si Daniel sa kaniya at bumulong “Wag kang magpaniwala kay Ryker nagpapanggap lang iyan na busy, lagi kaya yang naghihintay ng text mula sa isang tao”
“Hey, I heard that!” bulyaw ni Ryker kay Daniel.
“Isa ba iyon sa mga babae niya?” natatawang tanong ni Yana. Matalim lang siyang tinitigan ni Ryker.
Problema non? tanong ni Yana sa sarili habang nakakunot ang noo.
“Eto na pala ang signed contract mo” inabot ni Daniel ang mga papeles kay Yana. “May maitutulong pa ba kami sayo?” magalang na tanong ni Daniel na mabilis na inilingan ng dalaga.
Tumikhim si Ryker para makuha ang atensyon ng dalaga, “Ahm would you like to have lunch with me?” nahihiyang tanong ng binata habang nakatingin sa kaniyang pambisig na relo.
Sakto at mag aalas dose na.
“I would love to!” hiyaw ni Daniel.
Inikot ni Ryker ang tingin sa buong office, ngunit hindi na niya mahagilap ang dalaga.
—🎀
A/N: Don't forget to vote this chapter and leave a comment. I really appreciate that. 🖤
K B L U E S C R I P T
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro