Chapter 5
Ryker is busy doing his morning routine, ang pagwowork out. May sarili siyang gym sa loob ng kaniyang condominium unit at kompleto rin ang kaniyang mga equipment. Hobby kasi talaga niya ang magworkout. "Eto na ang creamed iced coffee mo" ani Daniel saka niya ito inilapag sa marbled bar counter roon.
Kinuha ni Ryker ang kaniyang tuwalya at tinuyo ang kaniyang pawis.
Inilabas ni Daniel ang kaniyang Ipad upang tignan ang schedule ni Ryker para sa araw na iyon "You have a meeting with the board of directors at ten, followed by lunch meeting with Mr. Gonzales pagkatapos non ay cleared na ang iyong schedule para sa paglipat ni Miss Nayana sa iyong condo" tumango lang si Ryker at ininom na ang kaniyang iced coffee.
"Wow" hindi makapaniwala si Yana sa dami ng mga talents na gustong pumasok sa agency nila. Parang kahapon lang wala sila ni isang talents na natira. Pero ngayon simula ng malaman nila ang tungkol sa engangement nila ni Ryker biglang nagiba ang lahat. Everyone is dying to join them. Iba talga ang impluwensya ng TTTA sa kanila.
"Baby hindi na tayo mawawalan ng trabaho" ani Riz habang himas himas ang baby bump niya. Si Riz ang assistant ni Nayana simula ng palitan niya ang kaniyang ama, naging saksi din ito sa pagbagsak ng kanilang kompanya.
Sabay silang natawa, hindi na sila mawawalan ng trabaho. Ito na ang simula ng paglago ng Lopez Entertainment Agency. Hindi naman pala ganoon kasama kung ikakasal siya kay Ryker, at paniguradong matutuwa ang kaniyang ama tungkol rito.
Nagvibrate ang phone niya hudyat na mayroong notification rito, madali niyang binuksan ito at nakita ang isang mensahe galing sa isang unknown number.
[Unknown number]
Are you ready to move in today, my love :)
Bigla niyang naalala ang sinabi ni David, ang ama ni Ryker. Sinabi nito na kailangan nilang tumira sa iisang bahay upang maging mas kapanipaniwala ang kanilang relasyon. Bumagsak ang kaniyang balikat, binabawi na niya ang sinabi niya kanina. Living with Ryker is a hell for her. At sigurado siya don.
Natapos na ang lunch meeting ni Ryker kay Mr. Gonzales, mabuti nalang at makikita na niya kung nagreply na si Yana sa kaniya. Ngunit ng buksan niya ang kaniyang phone tanging ang check icon ang lumabas na nangangahulugang nakita na ito ng dalaga ngunit hindi lang siya nireplyan. SEEN
"That woman is unbelievable!" hindi makapaniwalang sabi ni Ryker. Hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang inis.
"Alam mo para kang teenager na naghihintay ng reply galing sa crush niya" pangaasar ni Daniel.
"I'm mad! Pinalinis ko na ang condo ko, paano ko malalaman kung lilipat nga ba siya ngayon o hindi. Sayang ang effort!" padabog siyang tumayo sa kinauupuan at nagmartsa paalis sa restaurant kung saan ginanap ang meeting niya kay Mr. Gonzales.
"Bakit siya galit? Trabaho ko iyon." Nagtatakang tanong ni Daniel sa sarili niya. Bigla siyang natawa saka na sinundan ang kaniyang boss. The tables have finally turned! Dati, ang mga babae ang naghahabol sakaniya pero ngayon? Mukhang siya na ang naghahabol sa babae. Daniel is excited kung ano ang mga mangyayari.
"Nayana rito!" sigaw ni Maggie at kumaway kaway sa kadarating lang na si Yana. Ngumiti naman ito sakanila at lumapit.
"Ang tagal na nating hindi nagkita!" ani Maggie at bumeso sakaniya. "Hay nako paniguradong busy siya. Pinapatakbo niya ang kompanya ng kaniyang ama at ikakasal na siya! Omg girl congrats!" natatawang wika ni Claire. Kaklase ni Yana ang mga ito noong sila ay nasa High School pa lamang.
"So paano nangyari iyon? Hindi ka nagkukwento sa amin nakakatampo" nanghahabang ngusong tanong ni Maggie.
Namilog ang mga mata ni Yana, anong sasabihin niya? Na ikakasal lang sila dahil gusto ng mga magulang nila? No way. "It was love ... at first sight" anito at ngumiti ng peke. Iyon ang paliwanag ni Ryker sa mga interviewer kaya iyon nalang ang sasabihin niya.
"Oh my Gosh! Sabagay it's Ryker Gunn Thompson after all." Kinikilig na sabi ni Claire. "Oo nga pala totoo ba yung sinasabi nilang magaling siya sa kama?" nakangiting tanong nito. Napakamot ng ulo si Yana, hindi niya alam ang sagot roon dahil wala pang nangyayari sa kanila. Don't get me wrong ah wala din siyang balak na may mangyari sa kanila. Over her dead body!
"Oo nga pala bago ko makalimutan... hm nagyayaya kase yung mga kaklase natin noong high school ng reunion. Gusto ka sana naming tanungin kung ayos lang ba na sa isang resort na may beach gagawin ang venue?" tanong ni Maggie.
Biglang nanlamig ang mga kamay ni Yana ng marinig ang salitang 'beach', "Salamat sa pag aya pero baka h-hindi ako m-makasama" nauutal niyang sabi.
Lumukot ang mukha ng dalawa, "Hanggang ngayon takot ka parin?" tanong ni Claire.
Yumuko si Yana upang hindi nila makita ang ekspresyon niya, "Hindi naman ganoon kadaling kalimutan ang mga pangyayaring iyon. Sige na mauna na ako. Have fun!" madali siyang tumayo at umalis sa lugar na iyon.
Yes after all this time, it still affects her. Walong taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon dala niya pa rin ang takot na nangyari sa kaniya noong araw na iyon.
"Nakakaawa siya, ni hindi man lang napansin ng kaniyang mga magulang na nalulunod siya" malungkot na wika ni Maggie.
"Sigurado ka ba na ayaw mong magpatulong sa akin sa paglipat mo?" tanong ng kaniyang ina na si Dianne. Kasalukuyang nagaayos na ng mga gamit si Yana.
Ramdam ni Dianne. ang pagiwas ng anak sa kaniya, "Hindi mo pa kami kinakausap simula noong gabing iyon, Yana" malungkot na sabi nito.
Hindi siya nakakuha ng anomang response sa dalaga na abala pa rin sa pagaayos ng mga dadalhin niya sa condo ni Ryker.
Bigla itong napatigil at lumingon sa kaniyang ina, wala itong ekspresyon sa mukha "Sabihin mo kay Daddy nasa ayos na ulit ang Lopez EA, thanks to his brilliant idea" sarkastiko niyang sabi at nagpatuloy ng muli sa kaniyang ginagawa.
Ilang sandali pa ay dumating na si Daniel sa kanilang bahay upang sunduin siya.
Inikot ni Yana ang kaniyang tingin sa kabuuan ng condo ni Ryker, wow she's amazed "Ang laki naman ng condo unit niya, siya lang magisang nakatira rito?" napapantastikuhan niyang tanong.
Ngumiti ng bahagya si Daniel, "Malelate ng kaunti si Ryker kaya ako na ang nagsundo sa iyo at naghatid rito" pagpapaliwanag niya. May biglaan kase itong meeting na dinaluhan, importante iyon at hindi niya pwedeng ipareschedule.
"Tara ipapakita ko sa iyo yung kwarto mo" ani Daniel at iginaya ang dalaga sa ikalawang palapag ng condo unit.
Nang makarating siya sa ikalawang palapag tanging iisang kwarto lang ang naroon bumungad sa kaniya, "Teka lang! Isang kwarto lang ang mayroon itong malaking condo na ito?!" hindi makapaniwalang tanong niya.
"There's no need for that, hindi na kasi kailangan ng mga bisita ko na magkaroon ng iba pang kwarto. Besides, we don't spend much time in sleeping" nanlaki ang mga mata ni Yana at bumaling sa lalaking nagsalita.
"A-andito ka na pala, hm siguro matutulog nalang ako sa sofa" wika ni Yana.
"We're matured adults, Nayana. I'm sure one bed is enough. I won't touch you, and I won't force you unless you beg me to like what I've said before." nakangising sabi ni Ryker.
"A-anong g-ginagawa m-mo?!" sigaw na tanong ni Yana ng magalis ng damit si Ryker sa kaniyang harapan.
"This is my condo, I like to walk around shirtless" anito sabay ngiti ng nakakaloko sa kaniya. Dumako ang mga mata ni Yana sa katawan ng binata. He has a perfectly chiseled abs. Bigla siyang napailing, why does this man so perfect? Wala bang kahit anong imperfection ito? Naiisecure tuloy siya.
"Condo ko na din ito sabi ng Dad mo!" mataray niyang pahayag. Hindi maaring lagi nalang ganito si Ryker kapag nasa condo siya. She'll be distracted for sure!
"Then, feel free to walk around shirtless too. I would love that!" pangaasar niya rito. Ikinuyom ni Yana ang kaniyang mga kamao at matalim niyang tinitigan ang binata. Nakakainis ang lalaking ito! Tatagal kaya siya rito? Ts.
Dumako muli ang mga tingin ni Yana sa abs ni Ryker. Suddenly he followed her gaze to his stomach. She was expecting him to tease her about it, at mukhang maganda naman ang mood nito. Pero hindi, nanatili lang itong tahimik habang pinagmamasdan siya.
She can feel him staring at her with amusement. Biglang uminit ang kaniyang pakiramdam kahit pa naka air-condition ang buong condo. Sabay silang tumalikod sa isa't isa at huminga ng malalim.
Biglang umubo si Ryker "If you're done checking me out, hm let's eat dinner together" pagkasabi niya non ay umalis na siya sa kwarto. Okay awkward.
—🎀
A/N: Don't forget to vote this chapter and leave a comment. I really appreciate that. 🖤
K B L U E S C R I P T
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro