Chapter 49. Last Chapter
“Wala na kayong takas, Yana. Kung ako sayo hindi na ako mag aaksaya pa ng panahon.” Nakangiting sabi ni Julia na animo’y isang maamong tupa.
“Bumalik na kayo sa kwarto niyo.” Walang emosyong sabi ni Riz. Bumaling ako sakaniya, bakit niya nagawa ito? Hindi ko labis maisip na kasama siya ni Julia sa pangingidnap kay Rylie.
“Napakasama mo!” sigaw ni Rylie kay Julia na ikinagulat ko. “Ang sabi mo sa akin ipapasyal mo lang ako!”
Tumakbo papunta sa likuran ko si Rylie upang magtago. “Umuwi na tayo ate Yana please.” Pagmamakaawa niya. Lumuhod ako upang magpantay ang aming mukha. “Uuwi tayo, pangako ko sayo.”
I can feel my chest tightening as I hear the sound of the waves from the sea. I am so helpless. Ngayon ay nagdududa na ako sa sarili ko. Mapoprotektahan ko ba siya? Kahit siya lang?
Kitang kita ko ang pag-asa sa kislap ng mga mata ni Rylie. Kailangan kong tatagan ang aking loob, hindi ako pwedeng magpadala sa takot ko. Maliligtas kami at makakauwi kami ng maayos.
“Pumasok ka na sa kwarto, kakausapin ko lang sila.” Bulong ko kay Rylie. Pinagmasdan muna niya ako ng ilang segundo bago ito tumango at pumasok sa loob. Nakasunod naman si Julia sakaniya.
Kaming dalawa nalang ni Riz ang naiwan, akmang ibubuka ko na ang bibig ko upang magsalita ngunit naunahan niya ako. “Alam kong maraming katanungan ngayon sa isip mo.”
Tumango ako at hinarap siya. “Bakit? Bakit mo nagawa to? Bakit ka nakipagsabwatan kay Julia?” sunud-sunod kong tanong.
Umiwas siya ng tingin. “Mukhang hindi maayos ang pakiramdam mo. Tara pumasok muna tayo sa loob.” Pagyaya niya sa akin. “Alam kong ayaw mo sa dagat.” Dagdag pa niya.
Umirap ako at tinignan ko siya ng masama. “So ngayon concerned ka?” I asked sarcastically. “Kumidnap ka ng isang inosenteng bata Riz!” sigaw ko.
“Ang akala ko’y kilala kita, pero parang nagkamali ata ko.” Mahina kong sabi pero sapat na upang marinig niya.
“Oo hindi ko tinatanong kung sino ang ama ng iyong anak, privacy mo iyan at alam kong i-oopen mo na man iyon kapag komportable ka ng pagusapan natin iyon. Pero bakit naman nalagay sa usapan yon? Wait.” Natawa ako ng bahagya. “Galit ka ba sa akin dahil hindi ko iyon tinanong?”
Natigilan ako ng bumaba ang tingin niya. Oh my! Don’t tell me? Sabihin niyong mali ang iniisip ko!
“Kapatid ng anak ko si Ryker at Rylie.” Sabi niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.
“Hindi ko ginusto iyon, pero pinaramdam sa akin ni David na kaya niya akong pakasalan. Umasa ako, pero nagkamali ako dahil bigla nalang siyang hindi nagparamdam pagkatapos niyang nakuha ang gusto niya.” Pagkukwento niya. “Hindi alam ni David na nagbunga yung pagtatalilk namin, wala naman akong balak na sabihin sakaniya ang tungkol kay Riena pero nagkasakit ang anak ko. My butas ang kaniyang puso Yana at kailangan ko ng malaking pera para
maopera siya.”
“Pumunta ako sa mansyon ng mga Thompson at sinabi ko ang lahat kay David, pero hindi niya ako pinaniwalaan, itinanggi niya na anak niya si Riena. Nagalit ako! He’s a billionaire kung tutuusin ay kaya niyang mamigay ng pera sa mga tao ng hindi naghihirap. Kaonting tulong lang hinihingi ko sakaniya pero tumanggi siya. Napakamakasarili niya! I wanted revenge. Gusto kong masira ang imaheng iniingatan niya!” sigaw ni Riz habang may luhang tumutulo sa mata niya.
Huminga ako ng malalim pagkatapos ay lumapit ako sakaniya. Niyakap ko siya at hinagod ang kaniyang likod para patahanin siya. “J..julia heard everything. Nalaman niya ang tungkol kay Riena at nangako siyang ipapagamot niya ang aking anak kung tutulungan ko siya. Hindi na ako nagdalawang isip, Yana. Nakasalalay ang buhay ng anak ko. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa kin.” Aniya.
Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit niya ito ginawa. Napakasama talaga ni David! “Sana’y humingi ka nalang ng tulong sa akin. Hindi mo na kailangang gawin ito.”
Humarap sa akin si Riz at umiling. “Sobra sobra na ang naitulong mo sa akin. This is my problem at ayaw ko ng makaabala pa sayo.”
Malakas na suntok ang ibinigay ni Ryker sa kaniyang ama ng makita niya ito sa library. “At para saan iyon?!” sigaw ni David.
Matalim ang tingin ni Ryker sa kaniyang ama pagkatapos ay dinuro niya ito. “Kasalanan mo ang lahat ng ito!” he punched him again and again and again.
“Ryker tumigil kana! Ama mo parin siya!” pangaawat ni Daniel sakaniya.
“Bakit?” nahihirapang tanong ni Ryker. “Bakit ako nagkaroon ng amang tulad mo?”
Naguguluhang humarap si David kay Ryker at Daniel. “Anong nangyayari?!”
“Si Julia ang may pakana sa pangingidnap kay Rylie! At ngayon pati si Yana ay kinidnap niya! This is all your fault!”
“A-ano?” hindi makapaniwalang tanong ni David.
“Nang dahil sa pagiging babaero niyo’y nawala ang aking pinakamamahal na Ina. Ngayon hindi ko na hahayaang mawala pati ang aking kapatid pati na rin si Yana. You’re an old man! Be matured enough Dad! Are you happy doing this shit?” he asked. “Make everything’s right hanggat may panahon ka pa at nang hindi ka magsisi sa huli.”
Aalis na sana si Ryker ngunit pinigilan siya ni David. “Hiniram ni Julia ang aking yate sa Daku ilang linggo na ang nakakaraan.”
Patakbong pumunta si Riz sa kwarto nina Yana. Julia has a new plan. Papatayin niya si Yana at Rylie kung hindi umayon sa kagustuhan niya ang kaniyang plano. She’s crazy!
May nakita itong inflatable boat na maaring magdala kina Yana at Rylie sa dalampasigan.
Yana Pov
Pumunta si Riz sa aming kwarto at tutulungan daw niya kaming makatakas. Masaya ako at natauhan din siya.
Dahan dahan kami sa pagpunta kung nasaan iyong inflatable boat na hinanda ni Riz pero bigla nalang kaming nakaramdam ng putok ng baril na ikinatigil namen. Oh god!
Papalapit sa amin si Julia habang nakatutok iyong baril sa amin. “Saan kayo pupunta?” tanong ni Julia.
Naramdaman ko na ang malaming na railing sa aking likod, nasa tabi ko si Rylie at halatang takot ito. Mas lalong lumapit si Julia sa amin.
Gumalaw iyong yate, na nagpabitiw sa pagkahawak sa akin si Rylie. Parang tumigil ang oras ng makita ko siyang nalaglag, para itong slow mo.
I didn’t think twice. Tumalon ako upang sagipin siya. Nilamon ng malamig na tubig ang aking katawan, napakabilis ng pagtibok ng aking puso. Kailangan kong labanan ang takot! Napakapamilyar ng senaryo sa akin. Dati’y narito rin ako at naghihintay ng taong maaring sumagip sa akin pero ngayon kailangang ako naman ang sumagip sa taong nangangailangan sa akin.
Sumisid ako at hinanap ang katawan ni Rylie. Nakita ko naman siya kaagad na mukhang nahihirapan na. Mabilis ko siyang nilapitan, dinig na dinig ko ang aking puso sa sobrang takot… sa takot na baka mawala sa paningin ko si Rylie.
Ayaw kong mangyari sa kaniya iyong nangyari sa akin dati. Nang nakuha ko siya’y mabilis ko siyang iniangat sa tubig. Tears are streaming down in his face. “I...m so scared.” He cried.
“It’s okay now, ligtas ka na.” pagpapatahan ko sakniya.
We’re in the middle of the ocean. Paano na? Nakita ko iyong inflatable boat sa di kalayuan ng lugar namin, akmang kukunin ko iyon ng may kamay ang humawak sa aking braso.
“We should stop meeting like this.” Aniya. Bumabalot ang pag aalala sa kaniyang mga mata habang nakatitig ito saakin. “I’m sorry, I’m late.”
Kasama ni Ryker si Sophia, Daniel at David. Dinampot ng mga police si Julia she needs to pay for this. “Everything’s going to be fine now.” bulong sa akin ni Ryker habang binabalot ang katawan ko ng tuwalya.
May mga reporter na pumaligid kay David. Ang lahat ay nagtatanong kung sino iyong batang sinagip namin. “Sa totoo lang, tama iyong paparazzi. I have two sons. Ryker and Rylie. Ang ina ni Rylie ay nabuntis ko noong labing walo pa lamang siya. I am so ashamed, ayaw kong masira ang aking imahe kaya’t minabuti ko ang pagtatago sakaniya. Hindi ko siya tinuring na anak, but this happened. Tama si Ryker, I need to make things right bago ko pa iyon pagsisihan sa bandang huli. So here I am, I want to say sorry for my two sons and one daughter. Sana’y hindi pa huli ang aking pagsisisi.”
“One daughter?” tanong ng isang reporter.
“Oo, may isa pa akong anak. And she’s only 6 months old.”
Mukhang pinagsisihan na nga ni David ang kaniyang nagawang kasalanan, hindi ako makapaniwalang hindi din pala niya kayang mawala si Ryker at Rylie sa buhay niya.
Walang perpekto sa mundo, we all do mistakes. Hindi madali ang magbigay ng second chances sa isang tao lalo na’t kung malaki ang kasalanan na ginawa nito sayo. Pero paano mo malalaman ang resulta kung hindi mo siya susubukang patawarin?
Sometimes when you give them a chance they turn out to be better than you imagined.
—
Epilogue soon ❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro