Chapter 48
"A-anong ginawa mo s-sakanila?" nauutal na tanong ni Ryker kay Helena.
Itinaas ni Helena ang kaniyang kaliwang kilay pagkatapos ay tumitig siya kay Ryker. "Simple lang, pinabagsak ko lang naman yung kompanya nila."
Umawang ang bibig ni Ryker. "Y-yun lang?" takang tanong niya.
Kumunot ang noo ni Helena saka niya pinagkrus ang kaniyang mga braso. "Anong yun lang? Hindi pa ba sapat iyong ginawa ko?" tanong nito. Muli niyang tinitigan ng masama si Ryker. "Kaya kung ako sayo iingatan ko na ang sarili ko. Ikaw na ang isusunod ko!" babala ni Helena.
Bumaba ang tingin ni Ryker sa sahig. Helena must really hate him.
"Ryker, I'll be honest with you." pagkuha ni Helena sa pansin ng binata. "Ayaw ko yung mga lumalabas na issue tungkol sayo at sa pamilya. Ayaw ko din iyong ginawa mo kay Nayana, muntik na siyang mamatay noong malunod siya. You broke her heart, and it really hurts her. Hindi ako santo hijo, at gagawin ko lahat para sa aking anak."
"Nakikita ko sa mga mata ni Yana kung gaano ka niya kamahal. At nakikita ko din iyon sa mga tingin mo sakaniya. Alam ko na may matindi kang rason kung bakit mo iyon ginawa Ryker." huminga ng malalim si Helena at matiim niyang tinignan sa mata ang binata.
"Hindi ako yung tipo ng tao na nanghihingi ng pabor. But please, pwede niyo bang ayusin niyo ni Yana kung ano mang problemang meron kayo? Pag usapan niyo. I can't let my daughter live like this. She's miserable without you." may pagmamakaawa sa mga mata ni Helena habang sinasabi iyon. Noong araw na pumunta siya sa hospital at umiyak si Yana sa kaniya, parang nararamdaman niya ang sakit ng anak... kung kaya lang niyang kunin iyong sakit ay ginawa na niya pero hindi e.
"Wala na po kayong dapat ipag alala Lady Berkshire. Sinisigurado ko po sa inyo na mahal ko ang inyong anak, at sa pagkakataong ito'y hindi ko na siya bibiguhin at papakawalan pa. Ginawa ko lang po iyon para protektahan siya." pahayag ni Ryker.
Tumango si Helena at ngumiti siya kay Ryker. Buti naman, ngayon ay makakahinga na siya ng maluwag. "Salamat, Ryker."
Masaya si Ryker at nakausap na niya si Lady Berkshire tungkol kay Nayana, ngayon ay panatag na siya. At kung tama nga ang hinala niya'y wala sa kaniya si Rylie. Walang signs na nasa kaniya si Rylie. Tama nga si Yana hindi nga kayang gawin ng kaniyang ina iyon. Lady Astina Helena Irvine Berkshire is innocent.
Nang tuluyang makalabas si Ryker sa building ng Berkshire Empire ay dali dali niyang dinial ang numero ng kaniyang sekretarya. Wala pang tatlong ring ay sinagot na iyon ni Daniel.
"Kamusta kayo diyan?" tanong ni Ryker.
"Kanina'y napapaligiran kami ng mahigit anim na lalaki, mukhang natunugan ni Marsha na sinusundan namin siya." pahayag ni Daniel. Mabilis na nangunot ang noo ni Ryker.
"Ano?! Kamusta kayo? Anong nangyari?" may pag-aalalang tanong ni Ryker.
"So ayun nga, kinausap kami ni Marsha kung bakit namin siya sinusundan. Syempre sa una hindi namin sinabi yung dahilan. Pero satingin namin ay inosente siya. May mga body guard siyang nakaalalay at nagmamasid din sakaniya dahil pinagbabantaan din daw ang buhay niya. May pinakita rin siyang mensahe sa amin na pinagbabantaan siya at nagreport na din siya sa police. Marsha Guzman is innocent."
Namilog ang mga mata ni Ryker. "Teka... hindi rin si Lady Berkshire ang kumidnap." natigilan siya. "So ibig sabihin—
Yana Pov
Niyaya ako ni Julia sa kaniyang tea room upang mas makapag usap daw kami. Wala namang kakaiba sa mga ikinikilos niya kaya't sumama ako.
"Here, drink this tea para gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam mo." ani Julia. Nilagyan niya ng tsa-a yung isang maliit na tea cup at inabot niya iyon sa akin. Ngumiti ako sakaniya bago ko iyon ininom.
"Hindi ko talaga inaasahan na hihingi ka ng advice sa akin hija, at tama ang desisyon mo na puntahan ako." ngumiti sa akin si Julia na ikinatango ko.
"Pasensya ka na dati sa akin. Alam kong hindi maganda ang trato ko sayo noon pero mabuti nalang at ayos na tayo ngayon. Para sa akin, parte ka pa rin ng aming pamilya." inabot niya ang aking kamay na nakapatong sa mesa at pinisil iyon. I can sense sincerity on her.
"Wala na din sa akin iyon. Nandito ako dahil sa mga Thompson's or should I say, Ryker Gunn Thompson." I said fiercely.
"Sinabi ni Ryker na mahal nya ako pero lingid sa kaalaman ko na may iba pa pala siyang kinikita maliban sa akin. Gusto kong maghiganti, gusto kong maramdaman niya yung sakit na pinaramdam niya sa akin... Sinabi mo sa akin noon sa Anniversary Ball na gusto mong turuan ng leksyon si David, I can help you, if you will help me too." matapang kong sabi. I wish she will take the bait.
"Hindi na magbabago ang mag-amang iyon. Para sa kanila ang mga babae ay para lang mga laruan na maari nilang paglaruan hanggat gusto nila at kapag nagsawa na sila'y basta basta na lang nila tayong itatapon." pahayag ni Julia habang nakatingin sa aking mga mata.
"Binola bola ka din ba ni Ryker hanggang sa makuha niya ang loob mo?" tanong niya. "Kung oo, parehong pareho sila ni David. Napakatanga ko at nagpaniwala ako sa mga pambobola niya sa akin noon. Ni isa sa mga pangako niya'y wala siyang tinupad. Oo nga't pinakasalan niya ako katapos niyang madivorce sa dati niyang asawa pero heto naman siya at paiba iba din ng babae. I'm sure Ryker is like this too."
No! She's wrong. Malayong malayo si Ryker sa mga sinabi ni Julia. Nakita ko sa mga mata ni Ryker kung gaano siya kasaya noong sinabi ko na gusto kong ampunin si Rylie kasama siya. Hindi din sya nag paiba iba ng babae mula nang dumating ako sa buhay niya. He proved to me that I'm just mistaken. He's far from being Womanizer.
"Eto pa, nag alok din ba siya sayo ng mga mamahaling gamit, gaya ng kwintas, singsing, hikaw at iba pang mga mamahaling bagay para lang madala ka niya sa kaniyang kama? If yes then we're the same. Gagawin nila ang lahat para lang pumagitna sa ating mga hita."
She's wrong again. I gave my self to Ryker because I love him and I know he loves me too. Hindi na nito kailangang magbigay ng ganoon dahil pagmamahal niya lang ang kailangan ko. And he gave that to me
"Ryker is same like his fathe—" hindi ko na kaya. Tumayo ako sa aking kinauupuan. At mahina kong kinabog ang mesa. Malayong malayo si Ryker kay David.
Nakaawang ang bibig ni Julia sa gulat habang nakatingin sa akin. Binigyan ko siya ng matalim na titig. "Hindi magkatulad si Ryker at si David!" I exclaimed. "Walang wala si David kumpara kay Ryker. Pasensya na, pero hindi ako uupo nalang dito at makikinig sa mga pahayag mo. Ryker doesn't deserved this."
I saw smirked form on Julia's lips. "Aalis na ako."
Pagkatalikod ko'y bigla nalang umikot ang paningin ko, at unti unti itong nagdidilim. Anong nangyayari sa akin? Narinig ko ang pagtawa ni Julia bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.
Dali daling pumunta si Ryker sa mansyon. He needs to see Yana, gusto niyang malaman kung ayos lang ang lagay nito. Sisisihin talaga niya ang kaniyang sarili kapag may nangyaring masama sa dalaga.
"Nasaan si Julia?!" sigaw ni Ryker sa mga katulong na nakita niya.
"N-nasa t-tea r-room po sir. Ayaw po niyang nagpaistorbo." nauutal na sagot nang isang katulong.
Patakbong nilandas ni Ryker ang daang patungo sa Tea Room. Nasa likod niya sina Daniel at Sophia.
Gayon nalang ang pagbagsak ng balikat ni Ryker nang makitang wala nang tao sa loob. Tanging mga tea cup nalang ang naroon. Oh my god! Where's Nayana?
Yana Pov
"Yana!" narinig ko ang pangalan ko. Wait, boses iyon ni Rylie. Nanaginip lang ba ako?
"Ate Nayana!" he called again. I slowly open my eyes. Bumungad sa akin ang cute na mukha ni Rylie. "R-rylie? Ikaw ba yan?" umupo ako sa kamang hinihigaan ko.
Tumango siya at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik. "Ayos ka lang ba Rylie?" tanong ko sakaniya at hinarap siya sa akin. I checked his face, may mga galos ito pero mukhang maayos naman ang lagay niya.
Hindi tulad ng inaasahan ko na nakatali siya at nahihirapan, he seemed okay. But suddenly a tears fell from his eyes. "N..natatakot ako. P..pero andito kana." he sobbed. Niyakap ko siyang muli.
"Pasensya na at natagalan ako. Pero saludo ako sayo napaka tapang mong bata." pagppapagaan ko ng loob niya. "Uuwi na tayo, makakasama mo na ulit si Kuya Ryker mo. Pinapangako ko iyan sayo."
Nang maghiwalay kami sa pagkayap ay tinuyo ko ang mga luhang nagkalat sa mata at pisngi niya.
"Nasaan tayo?" tanong ko. "Wait, si Julia ang may gawa nito diba? Siya ang kumidnap sayo!"
Mas lalong lumungkot ang mukha ni Rylie. "Hindi lang siya. May kasama pa siya."
Kumunot ang noo ko. Sino? "Kung sino man siya, kailangan na nating umalis dito agad."
Tumayo ako at lumapit sa may pintuan. Laking gulat ko at hindi iyon nakalocked. Sinong kidnapper ang gagawa nito? She's so careless. Pero mabuti naman kung ganon' "Tara na, Rylie."
Rylie didn't move, nanatili lang siyang nakatayo sa tabi ng kama. "It's no use." aniya, at bakit?
Lumabas ako at nakasunod lang si Rylie sa akin. Parang tumigil ang paghinga ko ng makita kung nasaan kami. Nanlalambot ang aking mga tuhod at nanginginig ang aking kalamanan. Hindi rin nakatutulong ang malakas na tunog ng maliliit na alon na humahampas sa yate. "I-it can't be"
Nasa gitna kami ng dagat, napapaligiran kami ng tubig! Wala kaming takas!
"Ate Yana ayos ka lang ba?" tanong ni Rylie sa akin. Hindi ako makahinga. Deep breaths Yana! Kailangan mong maging matatag para kay Rylie, para kay Ryker.
"Rylie tara na." kailangan naming makaalis rito, kung kinakailangang lumangoy kami ay gagawin ko. Malaking tulong ang pagturo sa akin ni Ryker sa paglanggoy, hindi ko alam kung kakayanin ko pero gagawin ko ang lahat makaalis lang kami.
Satingin ko'y nasa Daku Island kami dahil nakikita ko sa lugar namin ang malaking resthouse ng aking ina na nakatirik sa may cliff. Hindi ganoon kalayo ang yate na sinasakyan namin sa may dalampasigan.
"Not so fast, Nayana." lumingon sa aking likuran. "Hindi kayo aalis." may diin niyang sabi.
"Paano mo nagawa to Julia?!" tanong ko.
A woman walks beside her. Namilog ang aking mga mata nang makilala ito. "Pasensya na, Yana." sabi niya sa akin.
"Riz?! Anong ginagawa mo rito?!" tanong ko. Don't tell me? Don't tell me kasama siya ni Julia sa pagkidnapped kay Rylie? "Bakit Riz? Bakit mo ginagawa to?"
"Hindi mo tinanong sa akin kung sinong ama ng aking anak."
—
A/n: Share your thoughts with me! 💭 Thank you for reading, ilabyu'all
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro