Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Yana Pov

"Sophia?" may pagtatakang tanong ni Ryker ng makita si Sophia na palapit sa amin.

"Yes, siya nga." nakangiti kong sabi. Lumapit ako kay Sophia at iginiya ko siya paupo sa may Sofa sa tabi ni Daniel.

"Satingin ko'y siya yung makakatulong sa atin para mahanap natin kung sino ang kumidnap kay Rylie." pahayag ko. Sinabi ni Sophia na mahilig siyang mag imbestiga ng kung anu anong bagay at sa tingin ko'y malaki ang maitutulong niya.

Binigyan ko ng matamis na ngiti si Sophia at ganun din siya sa akin. Ako lang ba? Pero ang gaan gaan ng loob ko sakaniya na para bang gusto kong mapalapit siya sa akin. I want to be her friend.

"Maraming salamat sa tiwala Yana." ani Sophia. Ilang sandali lang ay muli siyang tumayo sa kaniyang inuupuan pagkatapos ay seryoso itong tumitig sa aming tatlo na animo'y para kaming nasa isang hot sit.

"Base sa mga kwento at mga clues niyo sa akin... may tatlo na akong taong pinagdududahan na maaaring kumidnap kay Rylie." panimula niya. Ang kaniyang hintuturo ay nasa kaniyang ilalim ng labi at para itong may malalim na iniisip. Hindi kami sumabat bagkus ay hinintay namin siyang magsalita ulit.

"First suspect." she paused. Inilabas niya ang kaniyang tablet at pinakita niya ang larawan ng isang babae pagkatapos ay tumitig siya sa akin.

"Lady Astina Helena Irvine Berkshire. Nayana's birth mother. Isa siya sa suspect dahil galit siya kay Darius sa pagdurog nito sa puso ng kaniyang pinaka mamahal na anak. She knows everything about Thompsons' dahil pinaembistiga niya ito sa kaniyang private investigator. Nakakamangha lang dahil nalaman niya ang tungkol sa isa pang anak ni Mr. Senior Thompson." Sophia said with amusement in her eyes. "Lady Helena has all the power to execute this kidnapping" dagdag pa niya.

My mom? nagsulubong ang aking kilay. Mag rereklamo sana ako ngunit muling nagsalita si Sophia.

"Second suspect." she paused again. Pinakita niya ang larawan ng isa pang babae na hindi pamilyar sa akin.  "Marsha Guzman, Rylie's birth mother. Nakakadudang nawala si Rylie noong panahong nagbalik siya ng Pilipinas galing New York. Sinabi nito na titira na siya sa bansang iyon for good, pero bakit bumalik siya? Isa lang ang dahilan non' ang makuha ang kaniyang anak o di kaya nama'y para huthutan pa ng maraming pera ang mga Thompson. Malaya rin siyang nakakalabas masok sa mansion ng mga Thompsons' dahil hanggang ngayon ay mayroon pa rin silang affair ni David Thompson."

Woah wait, siya pala ang totoong Mama ni Rylie? Mukhang kasing edad ko lang siya.

"Last but not the least, Julia Santos Thompson." ipinakita ni Sophia ang isang larawan ni Julia. "Ryker's step mother. Bilang isang babae na may asawa, maaring galit siya kay Senior Thompson dahil sa harap harapang pambabae nito. She knows everything and she's living in the mansion kaya't wala siyang kahirap hirap para kunin at kidnapin si Rylie." Sophia paused.

"Lahat sila'y may motibo sa pagkidnap kay Rylie. Hindi dapat tayo magsayang ng oras. Kailangan nating mailigtas si Rylie sa lalong madaling panahon. Kailangan natin silang imbestigahan at satingin ko'y maghihiwa hiwalay tayo para mas mabilis nating mahanap at makilala ang taong kumidnap sa kapatid ni Ryker." may excitement sa boses nito habang nagsasalita.

Bumaling si Sophia kay Ryker. "Ikaw na ang bahala kay Lady Berkshire, ikaw ang magiging pa-in since galit siya sayo dahil sa ginawa mo sa anak niya. Kung magiging ayos ang usapan niyo'y maaring iexpose niya ang sarili niya at sabihin ang tunay niyang intensyon."

"Teka lang." pagpipigil ko kay Sophia. "Sigurado ako na walang kinalaman si Lady Berkshire sa pangingidnap kay Rylie. Hindi siya gagawa ng ikakababa niya." pagtatanggol ko sa aking ina.

"Ganoon din kay Julia." sabat ni Ryker. "Oo nga't hindi niya pinapakita sa amin na mahal niya kami bilang mga anak niya pero gaya sa aking Ama, hindi siya gagawa ng mga ganito na pwedeng makasira sa  reputasyon ng aming pamilya."

Sophia arched her brows. "Sorry, pero guilty sila hanggat hindi nila napapatunayan na inosente sila. Tandaan niyo... kung sino pa yung hindi natin inaasahan siya pa yung may gawa." pag papaalala niya sa amin.

May punto siya, pero hindi talaga ako makakapaniwala na gagawin ng Mama ko ito. Bakit?

"Sang ayon ako may Sophia." ani Daniel na mukhang malalim rin ang iniisip. "Pero... Isa ka rin sa mga suspect. Who knows you're just doing this to jeopardise the true kidnapper?" may panghahamon sa tingin ni Daniel.

Hilaw na tumawa si Sophia. "Same goes for you mister. May access ka sa buong mansyon at malaya kang nakakalabas masok. Who knows?" matapang na tinitigan ni Sophia si Daniel.

"I don't trust you woman, let's investigate together." ani Daniel pagkatapos ay tinapunan niya ng masamang tingin si Sophia. Oh god, ngayon pa ba sila magbabangayan?

"Alright then, ako na ang bahala kay Julia." presinta ko.

So ayos na, Si Ryker kay Lady Berkshire. Ako kay Julia at si Daniel at Sophia ay kay Marsha. Kinakabahan ako dahil isa sa amin ang pwedeng mapahamak.

"Mauuna na kami." ani Daniel. Tumango si Ryker sa sekretarya pagkatpos ay humarap siya sa akin.

"Pwede namang magsama tayong dalawa sa pag iimbestiga. Masama ang kutob ko sa gagawin natin. Ayaw kong mapahamak ka, ayaw kong may mangyaring masama sayo. Confident ako na walang kinalaman si Julia rito pero—" I cut him off using my index finger. Kitang kita ko ang pagaalala at takot sa mga mata niya.

Masuyo kong hinaplos ang kaniyang pisngi. "Ayos lang ako. Walang mangyayari sa akin. Ginagawa ko ito para kay Rylie. I'm stronger than what you think, Ryker."

Tumango si Ryker at niyakap niya ako ng mahigpit. I can feel longing in his embrace. I hugged him back giving the same intensity. Tumingin ako sakaniya at ganoon rin siya. I really miss him, pero may problema pa kami na kailangan naming masolusyonan. "We will be safe." bulong ko. Tumango si Ryker pagkatapos ay hinalikan niya ako sa aking noo.

I hope we will be safe.



Ayaw man ni Ryker pero wala na siyang nagawa kung hindi ang sundin si Yana. He wants to protect her, pero paano niya iyon magagawa? Kung ganito naman ang sitwasyon? But he's more than happy. Yana never gave up on him kahit pa napaka gago niya.


Tumingala si Ryker sa buong building ng Berkshire Empire. This is it, ngayon ay makakaharap na niya si Lady Helena Berkshire. Huminga muna siya ng malalim bago siya tuluyang pumasok sa glass door.

Dumiretso siya sa may Front Desk upang itanong kung saang palapag ang opisina ni Lady Berkshire. "Mayroon po ba kayong appointment ngayon kay Lady Berskhire sir?" tanong ng receptionist sakaniya ng hindi man lang siya binabalingan.

"Wala e."

"Wala kayong appointment sir, at malabong makausap niyo si Lady Berkshire dahil napakabusy niyang tao. Sorry sir." pormal na sabi ng receptionist.

"Ah ganun ba?" tanong niya.

Itinaas nang receptionist ang kaniyang tingin at nagtama ang paningin nila ni Ryker. "O-oh my god?! R-ryker G-gunn Thompson?" nauutal nitong tanong. 

He smiled slowly on her. Parang naglalaway iyong babae sa tingin ni Ryker sakaniya. He then playfully wink. "N-nasa 10th floor sir." wala sa sariling sambit nang receptionist.

"Thank you!" nakangiting saad ni Ryker pagkatpos ay nilampasan na niya iyong babae. That easy.

Walang kahirap na nakapasok si Ryker sa mismong opisina ni Lady Berkshire. Thanks to his handsome-ness.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong ni Lady Berkshire sakaniya ng makapasok siya. "At may mukha ka pa palang maihaharap sa akin pagkatapos ng ginawa mo kay Yana?" hindi makapaniwala nitong tanong sakanya.

"Pinaglaruan mo si Yana at ang mas malala pa don' ay hinayaan mo siyang nalunod!" She exclaimed. "Katulad mo lang si Hugo! Manloloko at manggagamit! At sigurado akong ayaw mong marinig kung ano ang ginawa ko sa pamilya nila." Lady Berkshire smiled.





"Nayana? Nandito ka pala? Buti napasyal ka? Wala rito si Ryker."  sabi ni Julia ng makita si Yana sa may living room.

Tumayo si Yana at sinalubungan si Julia na papalapit sakaniya. "Wala po ako rito para kay Ryker. Actually, ikaw talaga ang pinunta ko dito." It's time for the acting, huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Nandito ako para humingi sana ng advice sayo."

Kumunot ang noo ni Julia pagkatapos ay may pagaalalang tumingin siya kay Yana.

"Paano mo nagagawa iyon?" Yana asked. "You're so strong at nakayanan mong magstay rito kahit nasasaktan ka na ng mga Thompson? Magsisinungaling ako kapag sinabi kong wala na sa akin si Ryker. It really hurts Julia. Ang sakit lalo na't nakikita ko siyang masaya sa iba gayong pinangako niya sa akin na hindi na siya muling maghahanap ng iba"

Lumapit si Julia kay Yana at niyakap siya nito. "Alam ko ang nararamdaman mo, Nayana. David and Ryker were just the same. They are both womanizer and monster." bulong nito.





Nasa may labas ng boutique sina Sophia at Daniel at hinihintay nila ang paglabas ni Marsha. Kanina pa nila ito sinusundan at sumasakit na ang kanilang mga paa. Kanina pa nagsha-shopping si Marsha at mukhang wala itong kapaguran.

Kalahating oras ang lumipas at sa wakas ay lumabas na ito. Patago muli nila itong sinundan. Hanggang sa nakarating si Marsha papunta sa may eskinita na pinagtaka ng dalawa. Anong gagawin ni Marsha roon?

Patuloy lang sila sa pagsunod hanggang sa biglang naglaho si Marsha sa paningin nila. Damn where is she?

Ilang sandali lang ay may anim na lalaki ang biglang sumulpot at pinalibutan sila. Mukhang natunugan ni Marsha ang pagsunod nila. "Bakit niyo ako sinusundan?" malamig na tanong ni Marsha.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro