Chapter 46
This chapter is dedicated to user75482019, thank you for reading!!❤️
Play the music ☝️ hehi.
—
Yana Pov
“Anong nangyayari? Bakit ako nandito?” naguguluhang tanong ko kay Sophia.
“May nilagay na drugs yung kadate mo kagabi sa inumin mo, balak ka niyang pagsamantalahan pero nakita ka namin ni Daniel sa may stock room mag isa at walang malay. Dinala na sa police iyong lalaking nagngangalang Hugo.” Pahayag ni Sophia. I can’t believe this, Hugo drugged me? He really did that? Pero bakit?
“Nasa hotel room kita ngayon. Hm.. My name is Sophia Clarisse Delmond, I believed nagkita na tayo sa auction pati na rin sa Anniversary Ball kagabi.” Nakangiting pagpapakilala ni Sophia sa akin.
Tumango lamang ako, of course I know her. Pero may katanungan na bumabagabag sa akin. Why does Hugo drugged me? Hindi ako makapaniwalang may balak palang ganon’ si Hugo sa akin. He’s nice like what my Mother says. Nagpapakitang tao lang ba ito simula pa nung una?
Napahawak ako sa aking ulo. “Agh, my head!” singhal ko. Parang pinupukpok ng martilyo ang aking ulo sa sobrang sakit.
"W-why are you doing this?" tanong ko, I'm curous. We barely know each other yet Sophia was helping me.
Buong tamis na ngumiti si Sophia sa akin. "I like helping others, and ang lakas makadetective conan yung nangyari sayo kagabi, I really love investigating and helping others.... Hm anyways I need to explain some things with you.” Seryosong sabi ni Sophia pagkatapos ay hinawakan niya ako sa kamay at pinisil iyon.
“First of all, I’m not dating Ryker at wala akong balak na humadlang sainyong dalawa.” Paguumpisa niya. Nanatili lang akong nakatingin sakaniya habang hinihintay ang susunod pa niyang sasabihin. “Medyo matagal na din kaming magkaibigan ni Ryker, he’s like an older brother to me. So nalaman niya na pinipilit na ako ng aking mga magulang para mag-asawa, which I don’t want to, so he insisted to play as my fake boyfriend. Pero yun lang iyon. Kung alam ko lang na may something pala kayo edi sana hindi na ako nagattitude kagabi.” Natatawa niyang sabi.
“We were going to call it off when I find that someone eventually.” Dagdag ni Sophia.
Woah? So hindi pala talaga sila mag on? I felt so relieved.
Kinuha ni Sophia yung kaniyang laptop sa may bedside table at binuksan iyon. “Anyways, let’s see kung sinong nagdala sayo sa may stock room.” Anito. It’s not hard for her to get the CCTV footages since her father owns the whole hotel.
Sophia clicked the footage outside the stock room. There she saw Ryker carrying Yana. Umawang ang bibig ni Yana sa nakikita. So it wasn't a dream? Hindi siya nanaginip, totoo ngang kasama niya si Ryker kagabi. Her heart jump in happiness. Why would he do that?
"Naroon ako nung sinabi ni Daniel kay Ryker na nadrugs ka... Klarong klaro naman ang mukha ni Ryker sa kuha ng CCTV. Pero bakit siya nagpanggap na para bang wala siyang pakialam." inis na sabi ni Sophia.
Hindi na alam ni Yana. Something was off with Ryker and she wants to know what happened to him. "How about the news with Thompson's what happened? Bakit may mga pulis sa mansyon nila?" tanong ni Yana.
"Unfortunately, may isang paparazzi na nakaalam tungkol sa kapatid ni Ryker pero hindi pa matukoy kung sino yung source niya. May mga ibidensya siya ngunit hindi naman nakita ng mga pulis ang bata sa mansyon." pahayag ni Sophia.
Umawang muli ang bibig ni Yana. No way! Rylie is in danger! Sigurado siya na mas lalong paghihigpitan ni David ang pagbabantay kay Rylie. "So saan niyan si Rylie?" muling tanong ni Yana. Mukhang alam naman ni Sophia ang tungkol kay Rylie kaya't magtatanong na siya. She really wanted to visit Rylie right now.
Bumagsak ang mga mata ni Sophia sa baba. "No one knows. Walang nakakaalam kung nasaan siya. He was kidnapped."
Parang mas lalong nanghina si Yana sa kaniyang narinig. Oh my Ghad! That poor kid! "Whaat? Anong nakidnap? Kailan pa siya nawawala? Please tell me details about it!" naiiyak na tanong ni Yana. They need to save Rylie as soon as possible!
Humarap sakaniya si Sophia at pinisil nito ang kaniyang braso. "Si Ryker, sa kaniya ka magtanong. Nasa kaniya ang sagot sa mga katanungan mo."
Ryker slammed Natalia on the wooden cabinet. He's furious! "Ikaw ang may pakana nito hindi ba?!" he asked angrily.
Takot ang bumabalot sa mukha ni Talia habang nakatingin siya sa madilim na mukha ninRyker. "H-huminahon ka."
"Paano ako hihinahon sa nangyayari?! Ikaw yung source nung paparazzi hindi ba?!" puno ng galit na tanong ni Ryker. "Tell me ikaw rin ba ang kumuha sakaniya?!"
Kahit natatakot si Natalia'y matapang niyang hinarap si Ryker. "Oo ako yung source nung Paparazzi, I won't deny it! Gusto ko lang maghiganti sa inyo! But believe me or not, wala sa akin si Rylie!"
Matalim na tumitig si Ryker kay Natalia. "You're lying!" he growl.
"Sinasabi ko ang totoo Ryker! Ang gusto ko lang ay sirain iyong Anniversary Ball niyo! Hindi ko naman alam na may mas malaki pa pala kayong problema!" sigaw pabalik ni Talia. "You know what? You deserved this!"
Mas lalong nagdilim ang mukha ni Ryker. Itinaas niya ang kaniyang kamao at akmang susuntukin niya si Talia ngunit tumama ang kaniyang kamao sa wooden cabinet na naging sanhi ng pagkabutas nito. Nanginginig sa takot na naiwan si Talia sa silid.
Ryker can't bear staying in this mansion, naaalala niya lang si Rylie. And it's killing him.
Yana Pov
Mahigit isang Linggo na rin simula ng pumunta ako sa lugar na ito. Mabuti nalang at meron akong spare key sa kaniyang Condo unit kaya't malaya akong makapasok rito.
Gusto ko siyang makausap at sana sa pagkakataong ito'y maging maayos ang kalalabasan ng pag uusap namin. I knew from the start the he has reasons for this. At kung ano man iyon, handa ako upang makinig.
Tahimik ang buong condo ng makapasok ako. No signs of him. Pero dinala ako ng aking paa sa may pool area. At roon nakita ko si Ryker na nakatalikod mula sa gawi ko at nakaupo sa may gilid ng pool habang nakababad ang kaiyang mga paa. Mukhang malalim ang kaniyang iniisip dahil hindi man lang niya napansin ang aking presenya.
"Ryker." pagtawag ko sakaniya. There was a glint in his eyes when he saw me it seems like he's happy I'm here, pero mabilis ding nawala iyon at napalitan ng blanko ang kaniyang emosyon.
"Anong ginagawa mo rito?" malamig niyang tanong sa akin. "Satingin ko'y wala na tayong dapat pang pag-usapan. I made myself clear, umalis ka na."
Ikinuyom ko ang aking mga kamao at nagmartsa papunta sa tabi niya. I'm so sick with his lies! "No, hindi ako aalis!" matapang kong sabi.
Hinarap ko sita at tumitig ako sakaniyang mga mata "Kung wala na akong halaga sayo, bakit mo ako niligtas kay Hugo kagabi?" tanong ko. "Don't try to deny it kahit na nasa impluwensya ako ng drugs alam kong ikaw iyon. Nakita ko rin ang mukha mo sa CCTV."
Walang imik si Ryker kaya't magpapatuloy nalang ako. sa kung ano man ang dapat kong sabihin baka mamaya'y mawalan ako ng lakas para sabihin ang lahat ng ito. "Napaniwala mo ako sa mga kasingungalingan mo!" sigaw ko sakaniya. "And it hurts so damn much!"
Huminga ako ng malalim saka ko siya tinitigan sa kaniyang mga mata na nakatingin rin sa akin. "Sorry kung nadala ako ng aking emosyon noong araw na iyon. But now I'm back. Tatanggapin ko lahat ng mga masasakit mong salita para lang mapaalis mo ako... dahil isa kang ang natutunan ko mula sayo, at iyon ay ang..." nakita ko ang paglambot ng ekspresyon i Ryker.
"Iyon ay ang.. hindi ko dapat pagdudahan yung nararamdaman mo para sa akin. Alam kong nagsinungaling ka lang noong sinabi mong pinaglalaruan mo lang ako, kase hindi iyon ang naramdaman ko, it was real. Your feelings for me were real." sambit ko.
"I'm staying this time, kahit pa ipagtabuyan mo ako ng ilang beses!" sigaw ko para kahit papaano'y matauhan siya. "Alam ko na ang nangyari, alam kong nakidnapped si Rylie."
Tumayo si Ryker at hinarap ako. He's just inches away from me. I can smell the alcohol and mint from his breath. Napaawang ang aking bibig nang bigla niya akong hilain papunta sa kaniya. He hug me so tightly that I can't barely breath. I can sense longing in his hug, so do I.
"You know when it comes to you I'm fcking powerless, Nayana." he whispered. "I'm so scared, hindi ko kaya kung malalagay ka sa kung ano mang panganib."
Flashback
Nuong araw bago pinapunta ni Ryker si Yana sa kaniyang condo, It was the day when Rylie got kidnapped. No one knows where he is o kung sino ang kuminapped sa kaniya.
Nakatanggap ng tawag si Ryker mula sa isang di kilalang numero at parang tumigil ang mundo niya nang marinig ang boses ng kaniyang kapatid na nagmamakaawang tulungan siya nito.
Ang akala ni Ryker ay pera lang ang gusto noong taong kumidnap sakaniyang kapatid, but no. The kidnapper wants more. Gusto nito na masira ang kanilang pamilya.
Sinabi ni Ryker ang nangyari sa kaniyang Ama ngunit hindi ito gumawa ng aksyon. Kung tatawag daw sila sa pulis, lalong magiging complicated lang ang lahat. And David can't lose everything if the world knows about his bastard. Mas pinili ni David ang kaniyang reputasyon kesa sa kalagayan ng anak niyang si Rylie. Julia also agreed on what's David wants.
That same day the kidnapper called him at nagsend ito ng larawan ni Rylie na nakabusal ang bibig, mayroong mga kaonting pasa sa mukha at may nakatutok na baril sa ulo nito. Kitang kita ni Ryker na nilalaban ng kaniyang kapatid ang takot, wala siyang makitang bakas ng luha sa mga mata nito.
Gusto ng kidnapper na magmukhang masama si Ryker sa paningin ng lahat lalong lalo na kay Yana. Nuong una'y tumanggi ito, sino ba naman kasing tanga ang gagawin iyon sa taong mahal mo? Pero sadyang matalino ang kidnapper na iyon dahil dinamay nito ang kaniyang walang kalaban laban na kapatid.
The gun was pointing on Rylie's head and the other gun is pointing at Yana's picture. Pinagbantaan siya ng kidnapper na kung hindi nito susundin ang gusto niya'y mapapahamak ang dalawa. Ryker has no choice left. He needs to break Yana's heart, so he did it. He break Yana's heart. His worlds heart.
Ang buong pag-uusap nila ni Yana noong gabing iyon ay recorded lahat. Kaya't wala siyang nagawa. He wants to say, how much he loves her and that he didn't mean everything.. pero parehong nasa kapahamakan ang dalawang taong mahal niya.
That night when Nayana nearly drown because of him he realized something... Paano kung mapahamak muli si Yana nang dahil sakaniya? Paano kung huli na siya? Paano kung wala siya para iligtas si Yana sa susunod? He can't even protect his own brother, paano pa kaya ang babaeng mahal niya?
Ryker loves Yana so much and he's willing to be selfish, he's willing to lose her, even if he needs to hurt her... he will do it just to save her from his sick life.
End of flashback
"Kung hindi ko sinabi iyon sayo noong gabing iyon paniguradong ipuputok ng kidnapper na iyon ang baril sa ulo ni Rylie. He will also do that to you. I'm sorry, I have no choice. I didn't mean all of that, I love you so damn much." bulong sa akin ni Ryker.
"No, wag kang humingi ng tawad. Kung saakin nangyari iyon gagawin ko rin kung ano yung ginawa mo." pagpapagaan ko sa loob niya. Sa totoo lang ay saludo ako sakanya, Ryker did the right thing.
Bumitiw sa pagkayakap sa akin si Ryker at humarap siya sa akin. "Sasabihin ko dapat ang totoo nuong gabi ding iyon kapag natapos na ang record, pero tumalon ka sa pool. At muntik ka ng nalunod dahil sa akin. Nakaramdam ako ng sobrang takot noong mga oras na iyon. Akala ko'y mawawala ka na sa akin." sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata. Ramdam ko ang takot na namumutawi sa kaniya.
"Wag ka nang matakot. Nandito na ako tutulungan kita. Hahanapin natin si Rylie, maliligtas natin siya... At may kilala akong pwedeng makatulong sa atin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro