Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

Happy 13.7K reads! The end is near, sanay tunghayin niyo ang wakas ng kwentong ito.

Play the song ☝️ Nothing Is Easy By Song Ji Eun.

Dinala ni Hugo si Yana sa kaniyang hotel room, sakto naman na ang hotel na tinutuluyan niya ay ang lugar din kung saan pinagdausahan ang Anniversary ball ng mga Thompson.

"N-nasaan t-tayo?" wala sa sariling tanong ni Yana. She's not in the state of mind because of the drugs.

Ngumisi si Hugo bago niya sinagot ang dalaga. "My room. You don't know how long I've been waiting dor this."

Matagal ng balak ni Hugo ang mapasakanya si Yana. He even tried to sneak in to the hospital that night but he failed. Pero ngayon sigurado na siya na maaangkin na niyang buo si Yana. Wala nang sagabal. Wala nang Ryker at wala nang kahit sino.

Lalapit na sana siya kay Yana ngunit biglang tumunog ang kaniyang telepono. Tumatawag ang kaniyang Ama. Napabuntong hininga si Hugo saka siya lumayo ng kaonti kay Yana upang sagutin iyong tawag. "Yes Dad? What do you want?" he asked impatiently.

Nang matapos ang tawag ay muli siyang bumalik sa kaniyang silid. Ngunit labis na nagsalubong ang kilay niya ng makitang wala si Yana roon. Sinubukan niya itong hanapin sa buong silid ngunit hindi niya talaga ito makita. Where did she go?



Aligagang pinuntahan ni Daniel si Ryker. Kailangan nilang mailigtas si Yana sa kamay ni Hugo. Who knew what was his plan. "Anong nangyari? May problema ba?" takang tanong ni Ryker sakaniya.

"Diba alam mo yung British na lalaki na kasama ni Yana? Yung kadate niya ngayong gabi. May nilagay yung gagong iyon sa inumin ni Yana. At ngayon hindi ko na sila maagilap!" pahayag ni Daniel, pero mukhang wala naman iyong halaga kay Ryker.

"Nagsabi na din ako sa ibang guards na bantayan ang exit para hindi sila makatakas. Pupunta ako ngayon sa front desk upang magtanong kung nag check in ba si Hugo rito." dagdag niya saka binalingan ang babaeng nag ngangalang Sophia na nasa tabi ng kaibigan.

Ryker just stay stilled with no emotion in his face.
Napailing si Daniel sa kaniyang boss at sinamaan niya ito ng tingin. "F-ck! Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa! Pero nasa panganib si Yana ngayon Ryker!" sigaw niya.

"Tutulungan mo ba ako o tatayo ka lang diyan?!" Tanong ni Daniel, pero ilang segundo na ang nakalilipas ngunit wala pa rin siyang nakuhang kahit anong tugon kay Ryker. Fck!

"Fck you, Ryker!" puno ng galit na sigaw ni Daniel. Nilampasan niya ito at buong lakas niyang binunggo sa braso nang kaibigan. Yana don't deserve this! Tama nga siguro na naghiwalay na sila.



Madaling pumunta si Daniel sa may front desk. Bawat segundong lumilipas ay mahalaga. Yana is in danger! "Sorry sir, pero bawal po talagang ibigay yung room number ng aming mga customer."

Kumuyom ang kamao ni Daniel. "Makinig ka! Nasa panganib yung babaeng kasama niya. He drugged her!"

"Sorry sir hindi po talaga pwe— Give the room number." sabat ng babae. Lumingon si Daniel sa nagsalita. Kumunot ang noo niya ng makilala ito.

"Anong ginagawa mo rito Sophia?" may pagtatakang tanong niya pero hindi siya sinagot ng dalaga bagkus ay bumaling itong muli sa receptionist na nasa front desk. "My father owns this hotel, at kilala niyo naman siguro ako."

"Y-yes Miss Delmond!"


Patakbo silang dalawa papunta sa elevator ng maibigay ang room number kung nasaan sina Yana. Sophia won't sit back if she knows that something wrong is happening kaya't nagpaalam siya kay Ryker upang sundan si Daniel.



"Open this fcking door Hugo!" sigaw ni Daniel habang kinakalabog ang pintuan ng room ng 505. "Sisirain ko to kung hindi mo to bubuksan!"

"Ako na." presinta ni Sophia. Inilabas ni Sophia iyong universal key card sa kaniyang purse. Mabuti nalang at lagi niyang dala iyon.


Walang sinayang na sandali si Daniel ng mabuksan ang pinto. Hinalughog niya ang buong silid ngunit walang Yana at Hugo siyang nakita. Where could they be? Mali ba ang room na binigay ng receptionist sa kanila? Fck!


Wala sa sariling nagpalakad lakad si Yana sa hallway hanggang sa makarating siya sa labas ng hotel. Hindi niya alam ang nangyayari sa sarili niya. Nanghihina siya at parang umiikot ang paningin niya.  Gusto na niyang umuwi at magpahinga. Nasaan na ba si Hugo? Ang alam niya'y nasa silid siya nito. Napasalampak siya sa may damuhan at ipinikit ang mga mata.

"Yana!" narinig ni Yana na may tumatawag sa kaniya. Sa tansya niya'y malapit na ito sa kinaroroonan niya. Muling sinigaw ng lalaki ang kaniyang pangalan. It was Hugo. Sasagutin na sana niya ito pero may tumakip ng kaniyang bibig at hinila siya nito sa likod ng may makapal na halaman.

May ngumiting sumilay sa labi ni Hugo ng makita ang isang halaman na gumalaw. Patakbo niya itong pinuntahan. Pinagod siya ni Yana sa larong ito, but its all worth kapag napasakaniya na ng tuluyan ang dalaga.

Hahawiin na sana ni Hugo iyong makapal na halaman ngunit may humawak sa kamay niya at pinaharap siya nito sakaniya. "Where's Yana?!" sigaw ni Daniel. Isang malakas na suntok ang ginawad niya sa mukha ni Hugo. Hindi pa siya nakuntento at binigyan niya pa ito ng malakas na suntok sa tiyan.

Yana Pov

Nasaan ako? Pagod na pagod na ako. Nasa panaginip ba ako? Nanaginip ba ako? Anong nangyayari sa akin?  Hindi ko makontrol ang sarili kong katawan na para bang hindi ko ito pagmamay ari. Parang gusto ng bumigay ng katawan ko at malapit na akong magcollapse pero bakit parang may nakasuporta sa akin? Ano ito? It feels to comforting and it feels so familiar.

Nagrelaxed ng kusa ang aking katawan. I feel so safe now. Nakaramdam ako ng mga braso na pumulupot sa aking beywang mula sa aking likuran. Someones hugging me thightly na para bang ayaw niya akong mawala sakaniya. I smell a familiar scent, pero hindi na ako aasa pa. I smiled bitterly.

Ano bang nangyayari? Bakit hindi ako makagalaw. Para akong naestatwa. "It's okay, my love. You're safe now." may bumulong sa akin pero hindi ko mawari kung totoo ba iyon o guni guni ko lang. Maybe I'm still dreaming, and if this a dream I don't want to wake up.


Nagbabakasakali si Daniel para mahanap si Yana kaya't sinubukan niyang pumunta sa may stock room kasama si Sophia. Malakas ang kutob niya na baka dito dinala ng gagong yon si Yana. Hindi sila nakakuha ng kahit anong impormasyon kay Hugo at sinasabi nitong tumakas sa kaniya si Yana.

Nang mabuksan niya iyong pinto sa stock room halos manlaki ang kaniyang mga mata. Yana is lying on the cold floor, wala itong malay. Lumapit siya kay Yana at binuhat niya ito. "Dalhin mo na lang siya sa aking hotel room. She needs to rest." presinta ni Sophia.

Nakataas ang kilay na bumaling si Daniel sa dalaga. "At bakit ko naman siya ipagkakatiwala sayo? Baka ano pang gawin mo sakaniya lalo na't bago kang girlfriend ni Ryker." may pagdududa sa boses ni Daniel. He can't trust her what if she's like Natalia? Paano kung gawin nito lahat upang mawala si Yana ng tuluyan kay Ryker?

"Listen to me young man. I am not Ryker's new girlfriend or new play thing just like what the news says but... It's more complicated than that."

Mukhang nagsasabi naman ng totoo si Sophia kay Daniel kaya't payag na siya na sa silid niya magstay si Yana. But he's curious. "Anong ibig mong sabihin na complicated ang sainyo ni Ryker?"


Ang lahat ng camera ay nakatutok sa pamilyang Thompson. Patapos na ang kanilang selebrasyon kaya't magbibigay na sila ng pangwakas na salita para sa kanilang mga panauhin.

"On behalf of my family, I'd like to thank everyone for attending our Anniversary ball. It's been 35 years since  I started The Thompson Talent Agency with my own knowledge and skills and I'm proud to see my company has achieved this state. To me, TTTA is not only a business, but its also a part of my family." malawak na ngiti ang iginawad ni David sa lahat.

"Masaya rin ako at narito ang aking nag-iisang unico hijo para sa kompanya. Alam kong kapag tuluyan ko ng pinasa ang TTTA sakaniya'y panatag ako dahil hindi niya ako bibiguhin." pahayag ni David habang nakatingin kay Ryker.

Lahat ng mga tao ay nagsipalak-pakan. Masaya rin sila dahil sa natatamong tagumpay ng TTTA ngayon. "Mr. Senior Thompson! Pwede po ba akong magtanong?" natahimik ang lahat sa sigaw ng isang paparazzi.

Ngumiti si David at tumango. "Of course. I am more than happy to answer your question."

"According to my source, totoo bang meron ka pang isang unico hijo maliban kay Ryker?" may confidence na tanong nito na animo'y alam niya ang tungkol roon.

Namilog ang mata ni Ryker at Julia. "Nonsense! What are you talking about?" tanong ni David habang nakangiti. David needs to control his anger dahil kung hindi'y baka mapaghalataang guilty siya.

"Hindi na iyon nakakapagtaka Mr. Senior Thompson dahil alam ng karamihan na marami kang babae tulad ng iyong anak na si Ryker... pero totoo ba na nabuntis mo ang iyong babaeng iyon na ina ng iyong isa pang anak sa edad na disi-otso kaya't tinago mo ito sa buong mundo. Totoo din ba na ikinulong mo ang batang iyon sa iyong mansyon na labag sa kalooban niya?" a smirked appeared on the paparazzi's lips. He knows that he got it bullseye!

To spill more tea. May inilabas itong isang blured na larawan ng bata na hindi matukoy ang mukha at isang x-ray. "Ang x-ray na ito ay galing sa batang iyon dahil nahulog ito mula sa ikalawang palapag sa kadahilanang tumatakas ito. Hindi ba't sakaniya ito Mr. Senior Thompson?" may paghahamong tanong ng Paparazzi. "He's only 8 years old now."

Lahat ng tao ay natigilan sa pahayag ng paparazzi, ang iba ay di makapaniwala at ang iba nama'y nagbubulungan.

"Palabasin niyo ang lalaking iyan!" sigaw ni David.

"Mr. Senior Thompson totoo po ba ito?"

"Ipaliwanag niyo po iyon."

"Totoo ba ang lahat ng iyon o pawang kasinungalingan lang?"

Napuno ng katanungan ang buong hall. This is a disaster.



Sobrang sakit ng ulo ni Yana ng magising siya. Wala siyang matandaan sa nangyari kagabi. May maalala siya pero hindi iyon malinaw sakaniya. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Where is she?

"Gising ka na pala!" lumapit iyong babae sakaniya. Kusang tumaas ang kaniyang kaliwang kilay ng makilalang si Sophia iyon.

"I-ikaw?" takang tanong ni Yana.

"Oo ako nga. At alam kong iniisip mo na kontrabida ako sa fairytale mo. Gusto ko mang pagtanggol ang sarili ko pero satingin ko'y kailangan mo munang makita ito."

Binuksan ni Sophia ang TV sa kaniyang kwarto. Sakto naman at balita tungkol sa mga Thompson ang napalabas.

Live kasalukuyan na hinahalughog ng mga kapulisan ang mansyon ng mga Thompson. Pagkatapos ng nangyari kagabi sa Anniversary Ball nagpasya ang alagad ng batas na imbestigahan at hanapin ang batang tinutukoy ng Paparazzi. Mukhang kanina pa nila hinahanap ang bata pero hindi nila ito makita. There's no sign of an eight year old boy in the mansion.

Umawang ang bibig ni Yana. It can't be! At bakit alam nila ang tungkol kay Rylie? Nagugulantang siya sa mga balitang nakita niya. Kamusta kaya si Rylie, nagaalala siya para sakaniya.

"Take a seat. It's a long story I want to tell."  sambit ni Sophia pagkatapos ay lumapit siya kay Yana.



Nasa may pool area si Ryker at magkasalubong ang kaniyang dalawang kilay. Kakaalis lang ng mga pulis sa mansyon. Hindi nila nakita si Rylie. Nakarinig siya nga yabag nang takong mula sa likuran niya ngunit hindi niya ito nilingon.

"Ryker!" the woman exclaimed. Lumingon si Ryker sa babae at ngumisi siya rito. "Ang thoughtful mo naman para sumali rin sa treasure hunting." puno ng sarkasmong sabi ni Ryker.

"What the hell, Ryker? Nasaan siya? Nasaan si Rylie?!" Natalia asked.

"Hindi ba't ikaw ang nagsimula ng gulong ito?" walang emosyong tanong ni Ryker kay Natalia. Malakas ang kutob ni Ryker na si Talia ang puno't dulo ng lahat ng ito. Siya ang nagsabi sa Paparazzi tungkol kay Rylie.

Naglakad si Ryker papunta sa isang building kung saan nagsstay si Rylie, nakasunod naman sakaniya si Natalia.

"Eto ang kwarto niya." turo ni Ryker sa isang pintuan na nasa ikalawang palapag. "Noong tinanong ng mga police kung kanino to, sinabi ko ito ang aking childhood bedroom." binuksan ni Ryker ang pintuan at tumambad sakanila ang kulay asul na silid na napaliligiran ng panlalaking laruan.

"Nasaan siya Ryker!?" muling tanong ni Natalia. Pumasok si Ryker sa loob at sumunod naman si Talia.

"Saan niyo tinago si Rylie?" muling tanong nito.

Umupo si Ryker sa kama ni Rylie. Bagsak ang kaniyang balikat habang nakalukot ang mukha. "Minamalas ka ngayon Talia, mukhang hindi ka nagtagumpay sa plano mo."

May pagtatakang tumingin si Natalia sakaniya. "Walang nakakaalam kung nasaan si Rylie. He's been missing for a weeks now."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro